“Malapit na rin naman ang samin,” bulalas ko sa gitna ng katahimikan namin. Galing kaming convenience store at bumili siya ng tubig para sa amin. Palubog na ang araw na kita sa salamin ng tindahan at dun lang siya gumalaw nang nagsalita ako. Tahimik kaming naglalakad, ramdam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kanina. Maski naman ako pero mas nagaalala ako sakanya kase baka matrauma siya. “Sorry sa n-nangyari. Uhm, first time mo ba ‘yon?” maingat na tanong ko sakanya at nagangat ng tingin. He stopped walking, and then he faced me harshly. “Oo,” pag amin niya. “Nako pasensya na, hindi mo na dapat-“ “Ano?” he spat angrily. “Ba’t ka humihingi ng dispensa? Sa sinasabi mo parang sanay ka na. Bakit nangyari na ba sayo ‘to?” Shocked by his confrontation, nangapa ako ng sasabihin, hindi na makatingin. “Isang b-beses, oo.“ “Anong kinuha sayo?” Halos magdugtong na ang mga kilay niya. “Pera, pero konti lang ‘yu
The usual interactions with Philip became more than the usual. Hindi ko na kailangan pang maaksidente at kung anong negatibong pangyayari dahil imposible man ay si Philip na mismo ang lumalapit sa akin kapag nagkakasalubong kami. Hindi ko nga rin masisisi ang pagdududa sa mukha ni Lulu. Kung makalapit at makipag-usap naman kasi si Philip sa akin kahit na kasama ko si Lulu ay parang ilang taon na ang pagkakaibigan namin. I can’t blame her though, hindi niya naman kase alam yung pangyayari nung nakaraan at kahit ang tungkol sa I.D. May isang araw pa na sa sobrang kuryosidad niya pagkatapos dumaan ni Philip sa library ng building namin at nginitian ako ng makita at kumaway pa. Hindi na siguro natiis kaya nagtanong na. “Paano kayo naging close niyan? ‘Tsaka paano napunta ‘yan dito eh nasa kabilang department ang kanila at may sarili naman silang library.” Pagkatapos ng palakaibigang ngiti at kaway kay Philip ay nilingon ko si Lulu, “Baka napaadaan lang. I
Over the dinner hanggang sa breakfast kinabukasan pagkatapos ang pag-aaral ko kasama ang councilor ay pilit ko pa rin kinukulit ang mga magulang ko. ‘Yun nga lang, hindi naman ako pinapakinggan ni Mommy at mas ginigiit pa ito. Ang Daddy naman ay hindi ako mabigyan ng atensyon dahil na kahit sa pagkain sa hapag ay may katawagan. Hindi naman ako malingunan ni Kuya para makahingi ng tulong at mas lalong kay Eisa dahil tatarayan lang ako nito. “Gusto ata ng Nanay mong mag Ombudsman ka ah,” aniya sa pabirong boses ngunit salungat sa pinapakita niyang sarkastiko sa mukha. “Ang ayoko lang Lu ay ‘yung kukuha pa sila ng magtuturo sa akin. Hindi dahil sa nagmamataas ako na magaling na ko kundi mas natatakot ako na madisappoint ko sila, lalo na si Mommy.” Bumuntong-hininga si Lulu at mas ibinigay ang atensyon sa akin. “Anong gagawin natin?” “Ako lang Lu, anong gagawin ko,” ayoko namang madamay pa siya sa galit ni mommy. “Kausapin kaya natin si Ti
“May… fishball po kayo?” pagaalinlangan kong tanong sa tindero. Pareho silang napalingon sa akin dahil sa tanong. Kahit si Philip ay napahinto sa pagnguya ng kinakain. “Ay hija eto lang benta ko, dun kanina sa kasamahan ko kaso lumipat ng pwesto, dun siya sa kabilang eskwelahan.” Sabi ni Mang Rodelio kung tawagin ni Philip. Dahan dahan akong tumango at binalikan ng tingin ang mga paninda niya, hindi ko alam kung anong bibilhin. Napabaling ako sa katabi ko. “Hindi ka kumakain ng isaw?” manghang tanong niya. “Any of that,” nahihiyang pag amin ko. Tinitigan niya ako tsaka tinapos ang kinakain para magbigay ng barya sa kay kuyang tindero. “Dalawa pa sa akin mang Delio,” kumuha siya ng dalawa at ibinigay sa akin ang isa. “Kahit din naman ako ‘di ako kumakain ng iba, eto lang.” Ibinigay niya sa akin ang isa na tinanggap ko. Mabango siya katulad ng mga typical na barbeque, kaso kakaiba dahil pa zigzag ang itsura na kulay orange.
Recess time and I am still not in my usual state. I am much occupied of what happened yesterday. Hindi nga ako nakapag-aral ng maayos dahil sa nangyari kaya hindi ko alam ang mga pinag-sasagot ko sa quiz kanina kung tama pa ba. But this is really bothering me and I can’t help it. There is something in his eyes when he was talking to my brother, something… serious and dangerous. Hindi pa nakatulong nang kikitain ko dapat si Lulu sa tambayan namin sa may field. Nakita ko ang mga players ng football kaya mas nagmalfunction ang utak ko at hinanap siya sa field habang naglalakad papunta sa may puno na sana ay hindi ko nalang ginawa. Walang hiya akong kumaway sa kaniya katulad ng aming nakagawian kapag magkakasalubong kami. Ang tingkad ng ngiti ko na nanigas nalang at nahilaw ng makita ko siyang tipid lang na ngumiti pabalik at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa mga ka team niya. Nang dahil duon ay unti unti kong binaba ang nakataas na kamay at nakatungong pin
That night was bizarre. He walked me home like we used to do. We talked out the things we wanted to ask each other after a long 4 consecutive days of no talking. Pero parang ako lang ang may tanong dahil hinayaan niya lang akong magsalita. “Bakit mo nga pala ako iniiwasan nung mga nakaraang araw?” I asked him. Hanggang ngayon kase ay sobrang kuryoso pa ako sa kung bakit ba niya ako hindi man lang makawayan pabalik. “Dahil ba kay kuya? Did kuya threaten you?” ngayon na naisip ‘yun ay mas dumoble ang pag aalala ko sa kanya. Baka may kung hindi magandang nasabi si kuya kaya ganun. Nagulat siya at natawa, “What? No! And besides, I will not be threatened by your brother.” mayabang niyang sinabi. Nginiwian ko siya. “Kung ganun, anong dahilan mo?” Kumakain kami sa tabing gutter hindi kalayuan sa eskwelahan. Nadaanan namin ang convenience store kaya bumili muna kami ng meryienda at saglit na nagpahinga. Tinanong niya kung ano ang gusto ko kaya w
I heard him grin. “I will not hang up.”Dahil dun ay mas nagmadali akong magligpit ng gamit. Tapos na rin naman ako sa gawain ko kaya mabilis din akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Bye po pres, thank you po!” hindi ko na narinig ang sagot ng presidente namin dahil sa pagmamadali ko.“Careful,” he chuckled on the other line. Naririnig siguro niya ang pagmamadali sa paghinga ko dahil sa pagtakbo. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.Nang sa wakas ay nakarating na ng guard house at nakita ko na siya ay sabay na naming pinatay ang tawag. Kapansin pansin ang tangkad niya sa mga iilang estudyanteng nasa eskwelahan pa. Pansin ko rin ang suot niyang jacket na puti, army green khaki shorts at vans na sapatos.Hingal na hingal pa ako at pilit lumunok at huminga, ngunit hindi ako nagdalawang isip na tumawid sa kabilang kalye kung saan nandun siya na pilyong nakangiti sa pagtawid ko. Pero nang sumagi sa isip ko
Both of his hands are full of sliced cuts. May mga natuyong dugo pa, yung iba ay mga luma na na tila ba ay higit pa sa buwan ito kung pagmasdan. I can’t help my tears to fall as I reached for the kit to aid him. I can sense his panic while I still continue to aid him. “H-hey, why are you crying?” hindi makatatakas sa boses niya ang sakit, hindi ko alam para saan. But this broke my heart, into million pieces. I was silent while I do my job, even as he continues to wipe away my tears and continue to hush me. I am speechless. “Bakit hindi ko man lang napansin ‘to…” He moved closer. “Sel, it’s not your fault.” napapaos niyang kumbinsi sa akin. Walang gumanang pampakalama o pangungumbinsing okay lang siya dahil patuloy pa rin ako sa pag luha. I am so confused and guilty because of my selfishness. Bakit ko ba kasi siya laging hinahayaan na ako ang unahin niya? Bakit ang makasarili ko na hindi ko man lang siya natatanong kung kamusta nga ba talaga siya? Bakit sa tuwing magkakausap k