Share

Kabanata 8

Kabanata 8

Invitation

Complete attire na ako nang bumaba kinabuksan para mag-almusal. Inaasahan kong naroon si attorney De Cardenas kaya sa mismong kabisera ako ng silya piniling maupo.

"Nakahanda naba ang sasakyan ni Mang Lucio?" tanong ko kay Miss. Ivon.

"Pasensya na ho, señorita wala pa ho si Mang Lucio, nasa kabayanan pa raw ho't nasiraan."

"Ganon ba? Tumawag ka na lang ng ibang trabahador para ipag-drive ako patungong taniman."

"Eh... sige ho." Narinig kong sagot nito.

Gumawi ang ulo ko sa tiyak kong direksyon ni Attorney De Cardenas na siyang tahimik lamang na kumakain. Ano naman ngayon ang problema niya? Binalik kong muli ang pansin sa pagkain at mabilis na lang iyon tinapos.

Hinanda ko na ang sarili sa pag-alis hawak ang aking cane ay may humintong sasakyan sa aking harapan.

"Sumakay na po kayo, señorita."

Tinulongan niya akong makasaya at nilapatan ng seatbelt, "Mag-enjoy po kayo sa pag-ani!" Masiglang wika ni Ivon sa akin.

"Salamat." sagot ko, pero sandali akong natigilan.

"Ready?"

Mabilis akong lumingon sa boses na nagsalita sa aking tabi at maramdamang ini-start nitong muli ang makina.

"A-Attorney?!" wika ko sa malakas na boses.

"Yes, señorita?" His baritone voice awaken my blood and runs unexpectedly throughout my nerves.

"Wait, anong ginagawa mo dito?"

"Ako na lang ang magdadala saiyo sa taniman." Pinasibad na nito ang sasakyan habang hindi pa rin ako makapaniwala.

Tahimik lang ako habang daan. I didn't enjoy the wild winds and the warm weather that usually gives happiness to me kapag ganitong bumibisita ako sa taniman, It's just because of my busy heart that beating fast.

"Parang gusto ko nang maniwala sa sabi-sabi nila saiyo."

"What other say to me is none of my business." Nanatili ang ulo ko sa labas ng bintana at humalukipkip ng upo.

He chuckled a bit that sends shiver my back.

"Yeah, you are right." sagot nito.

Doon na ako gumawi dito, dahil sa bahagyang liwanag na nakikita ko ay medyo naaaninag ko ang anino nito. I gasped and looked away.

"Bakit ka nandito wala kabang trabaho?" tanong ko habang pilit na kinaakalma ang sarili.

"I actually working right now," he said and chuckled again.

Kumibot ang aking labi, tama naman ang kaniyang sinabi. He work for me. Idiot, Czarina.

"Bukod sa akin, wala ka na bang ibang tinatrabaho? Bukod sa rape case mo? Any girlfriends?"

Again I heard his chuckled, a sexy laugh that made my heart trembled.

"Hindi ko sinasabay ang ibang bagay pagdating sa trabaho."

Tumango tango ako dito. So, totoo pala ang hinala ni Miss. Ivon, girlfriend nga niya iyong lagi daw niyang kausap sa phone.

"Bakit mo natanong?"

Umayos ako ng upo at pinagbuti ang pansin sa bintana, "Nothing, nakwento kasi sa akin ni Ivon na lagi kang may kausap sa cellphone."

"Sinabi ba niya saiyo na girlfriend ko iyong lagi kong kausap?"

I clenched my teeth. Bakit parang masyado akong intresado sa bagay na iyon?

"Bakit, hindi ba?" Buo ang loob kong tanong.

He then chuckled again. Mas humigpit naman ngayon ang pagkakayapos ko sa aking mga braso.

"You don't have to answer, hindi naman importante kung–"

I don't have a girlfriend right now." He cut-off my words.

Umiling-iling ako dito. What would you expect Czarina? Walang lalaking umaamin na may girlfriend sila sa harap ng sino mang babae, specially a blind person like you.

"Nandito na tayo." Tinigil nito ang sasakyan.

Inalalayan niya akong makababa kahit pa matigas ang aking pagtanggi.

"Tapos na palang anihin ang mga sunflower. Tara sa taniman ng rosas."

Hindi agad ako nakagalaw nang hawakan nito ang aking siko.

"What's the problem?"

"Kaya ko nang maglakad mag-isa," sambit ko dito.

Ngunit hindi nito binibitiwan ang aking siko bagkos ay bahagya niya akong hinila para ituloy muli ang paglalakad.

"Magandang umaga ho, señorita, attorney!" Salubong sa amin ng ilang trabahador.

"Magandang umaga rin ho, Mang Julian." sagot ni attorney dito.

Kailan niya nakilala ang mga tauhan dito? Nagtataka man ay hindi ko na lang pinansin ang bagay na iyon.

"Hali ho kayo at dadalhin ko kayo sa pitasan ng mga good na bulaklak."

Tahimik akong sumunod habang naka-alalay pa rin sa siko ko si Attorney De Cardenas.

"Mukhang nakakarami rami na ho kayo ah?" wika nito sa aking tabi.

"Naku, e, magaganda ho kasi ang tubo ng mga bulaklak ngayon. Tamang tama sa darating na araw ng mga puso." Masigla nitong sinagot.

"Dito po muna kayo maupo señorita."

Giniya ako ni attorney sa mono-blocks kung saan hindi ko ramdam ang init ng araw. Marahil ay nasa maliit kaming silong para pahingahan ng mga nag-aani.

"Atarah, paki dalhan mo nga ang señorita ng juice at sandwich." Narinig kong utos ni Mang Julian.

"She also worked here?" tanong ko. Hindi ko na napigilang itanong. Wala dapat akong pakielam pero dala ng kuryosidad kaya ko tinanong.

"Kailangan kasi ng maraming tao dito ngayon, señorita kaya nagpadala kami galing kapihan," sagot ni Mang Julian.

Hindi na ako sumagot dahil narinig kong ang may mga yabag na palapit.

"Ito na ho ang juice at sandwich, señorita. Magandang umaga ho at saiyo, Attorney Mauricio."

Tumaas ang kilay ko sa kaniyang tinuran. Attorney Mauricio? Kailan lang niya nakilala ito, tapos tinatawag na niya sa first name?

"Good morning, Atarah. Kamusta kayo dito?"

"Ah, ayos lang, mabuti nakapunta ka."

I pursed my lips, tahimik lamang akong nakikinig sa kanilang usapan.

"Sumabay na kayo sa akin pagkahatid ko kay Czarina para diretso na tayo sainyo."

Doon na ako tumingala. I only saw a shadow of him at my right side kung saan ito nasisinagan ng araw.

"Saan ang punta n'yo?"

"Ah, birthday po kasi ng kapatid kong bunso. Inimbitahan ko ho si Mauricio na sa amin mananghalian," sagot ni Atarah.

"No, hindi sila sasabay sa sasakyan." Mariin kong sinabi.

The silence lingered for a moment. Wala akong pakialam kung lumabas man akong maldita o, masama ang ugali pero ayoko nang ideyang naisip ni attorney.

"Naku, ayos lang. Maglalakad na lang kami pauwi. Hihintayin na lang namin doon si Mauricio," sabad ni Atarah.

I clenched my teeth. Hindi ako sumagot. How dare her calling him in his first name in front of me! Walang galang!

"Fine..." I told to her.

"Paano ho, babalik na ako sa trabaho, see you later, Mauricio!"

Ilang minuto nang wala si Atarah ay hindi ko naulinigan na nagsasalita si Attorney sa aking tabi.

"So, kaya pala sinamahan mo ako dahil may iba kang pupuntahan." Basag ko sa katahimikan.

"Gusto mong sumama?"

Nanatili ako sa ganoong ekspresyon. Nagpapatawa ba siya? Kahit kailan ay hindi pa ako nakisalamuha sa mga trabahador ko.

"No, thanks. Baka maka-istorbo lang ako sa romantic scene n'yo."

Narinig ko ang buntong hininga nito sa aking tabi. Kaya mas pinagbuti ko ang matigas na ekspresyon.

"She's so kind and polite, walang ibig sabihin ang pagpunta ko sa kanila."

Umirap ako, ano bang gusto niyang palabasin? Na walang something sa kanila? Ganoon din iyon. Papalusot pa!

"Umuwi na tayo!" Agad akong tumayo.

Again, I heard a heavy sighed coming from him.

"Sige," sagot niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mildred Lequin
inlove na sya kay attorney
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
selos ka lang Czarina
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status