Share

Kabanata 6

Author: Dragonsky
“Miss Young, nandito ka ba para kausapin ako…”

Bumati ng sobrang bait si Brody na parang isang aso na kumakawag ang buntot, ngunit hindi siya lumuhod at dinilaan ang paa ni iris.

Hindi man lang tumingin si Iris kay Brody at tumingin lang siya kay Leon. Sa sandali na makita niya si Leon, may lumabas na pag asa sa kanyang malamig at magandang mukha.

Ginawa niya ang lahat para hanapin si Leon kagabi, dahil naniniwala siya na buhay pa rin si Leon!

Hindi pa pwedeng mamatay ang lalaking ‘yun pagkatapos siya nitong hipuan.

Determinado niyang ginamit ang mga tauhan ng mga Young nitong umaga para makuha ang bawat detalye tungkol kay Leon. Sa huli ay natuklasan niya ang tungkol sa plano ni Leon na idivorce si Marilyn.

Dahil dito, agad siyang pumunta sa Civil Records Office para malaman kung mahahanap niya si Leon.

Tama nga siya, may nakita siyang kamukha ni Leon na nasa sahig habang niyayakap nito ang ulo nito. Hindi malinaw na nakita ni Iris ang itsura nito, at hindi niya ito makumpirma kung ito nga ang hinahanap niya!

Ang dalawang mga bodyguard ay tumigil sa pangbubugbog kay Leon dahil nandito si Iris.

Tumingala si Leon pagkatapos niyang mapansin na may nagbago sa paligid. Ang kanyang unang nakita ay ang malinaw na mga mata ni Iris na puno ng emosyon.

“Iris? Ikaw!”

Tumayo ng nalilito si Leon dahil hindi niya inaasahan na makita agad si Iris.

Tumingin si Iris kay Leon ng may kakaibang ekspresyon. Kahit na emosyonal siya, may parte sa sarili niya na gustong pigilan ang mga emosyon na ito. Gusto niyang pagalitan ang lalaking ito dahil sa panghihipo sa kanya, ngunit hindi maitatanggi na niligtas nito ang buhay niya.

Sa huli, nanginig ang katawan ni Iris, umagos ang luha sa kanyang mga mata na parang ilog.

Hindi na niya mapigilan ang kanyang mga emosyon, at yumakap siya kay Leon.

“Umm…”

Natulala si Leon.

Natulala rin sina Brody, Marilyn, at Helen sa kanilang nakita.

Natulala din ang lahat!

Hindi nila inaasahan na si Iris—ang babae na rank one sa apat na most beautiful women sa Springfield City—ay yayakapin ang walang kwentang lalaking ito!

Nakakagulat ito!

Bukod pa dito, marami sa mga tao sa paligid ay itinuturing si Leon na isang walang kwentang tao pagkatapos agawin ni Brody ang asawa nito, awa at panlalait lang ang meron sila para kay Leon.

Ngunit, baliktad na ito ngayon, at nagkamali sila!

Ang lalaki na itinuturing nila na walang kwentang basura ay nakuha ang puso ni Iris, ang number one diyosa na gusto ng lahat ng lalaki sa Springfield!

Tumingin sila kay Leon ng may pagseselos at gusto nilang patayin ang lalaking ito!

Kung kayang pumatay sa isang tingin, 10,000 beses nang namatay si Leon!

Nang bumalik si Leon sa sarili niya, agad niyang tinanggal ang yakap ni Iris at sinabi niya, “Iris? Ano ang ginagawa mo dito?”

“Nandito ako para sayo…”

Medyo namumula ang magandang mukha ni Iris, ngunit sa oras na makita niya na may tumutulong dugo sa bibig ni Leon, tumigil siya sa pag iisip tungkol kay Leon. Tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang sugat sa sulok ng bibig ni Leon, at ang magandang mukha niya ay naging malamig. “Paano ka nagkasugat dyan, Leon? Sino ang nanakit sayo?”

“‘Yun ay…”

Napatingin si Leon kay Brody.

“Ikaw ang gumawa nito, Brody?”

Nagalit si Iris at tumingin siya ng malamig kay Brody.

Inimbestigahan niya ang mabuti ang background ni Leon at alam niya na ang asawa ni Leon na si Marilyn at pinagtaksilan siya dahil kay Brody.

Sinira ni Brody ang kasal ni Leon at tinatkot niya itong patayin!

Walang hiya talaga ito!

Nanginig si Brody, at lumapit si Marilyn bago pa siya makasagot.

“Sino ka ba sa tingin mo? Walang hiya ka para kausapin ang asawa ko ng ganito! Kilala mo ba siya? Siya ang eldest young master ng Sullivan Enterprises!” Ang galit na sinabi ni Marilyn.

Hindi niya pa nakita si Iris dati at wala siyang ideya kung sino si Iris.

Ang alam niya lang ay may laban si Iris sa itsura niya, sa punto na napapalingon ang mga tao sa pagdating ni Iris.

Nagselos si Marilyn at hindi siya natutuwa.

“Ikaw ba ang asawa ni Leon, si Marilyn?”

Agad na ngumiti si Iris at agad niyang nahulaan ang pagkakakilanlan ni Marilyn.

“Ako nga! Asawa niya ako noon! Nakipag divorce na ako sa kanya! Isa siyang walang kwentang pulubi, at base sa pag yakap mo sa kanya na para bang siyang isang kayamanan, walang kwenta ka rin siguro tulad niya!”

Ngumisi si Marilyn, ngunit bago pa siya magpatuloy, sinampal siya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 450

    “Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 449

    “Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 448

    “Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 447

    Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 446

    Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 445

    Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status