Share

Kabanata 9

“Ano ang nangyayari, Cheryl? Sabihin mo sa akin ang nangyari!” Ang sabi ni Wendell.

“Pinsan! Sakto ang pagdating mo. Ang dalawang pulubi na ito ay gumagawa ng gulo at sumisira sa imahe ng hotel natin…”

Tumuro ang supervisor kela Iris at Leon ng may mapanghamak na ekspresyon.

Tumingin si Wendell sa direksyon kung saan nakaturo si Cheryl at agad niyang nakita si Iris.

Sa unang tingin niya ay humanga siya, dahil nabighani siya sa magandang mukha at marangal na kilos ni Iris.

Pagkatapos, ang ekspresyon niya ay nagbago agad, at namuo ang pawis sa kanyang noo!

Minsan lang nagpapakita sa publiko si Iris, at ang ang ilan na hindi parte ng mga mayayaman at makapangyarihang mga indibidwal ay hindi alam kung ano ang itsura niya.

Hindi kwalipikado si Wendell para makilala si Iris, ngunit dahil ang negosyo ng mga Young ay may koneksyon sa maraming industriya, madalas nilang inaasikaso ang ilan sa mga VIP guests o mga bigating customer ng kumpanya para tumuloy ang mga ito sa The Sovereign Hotel.

Nagkataon na minsang nakilala na ni Wendell si Iris, kaya alam niya ang pagkakakilanlan ni Iris sa isang tingin pa lang!

Sa mga sandaling ito, natakot si Wendell at nanghina ang mga binti niya, at halos mapaluhod na siya

Si Iris ay isang tao na hindi niya pwedeng galitin.

“Nasaan ang security? Tumawag kayo ng security! Ito ba ang paraan ng pagtrabaho niyo sa hotel na ito? Hindi ba kayo magmamadali para palayasin ang dalawang pulubi na ito?” Nagsimula nang sumigaw si Cheryl na parang wala siyang pakialam.

“Tama na!”

Sinampal siya ng isang galit na Wendell.

Kasunod ng isang malutong nasampal, bumagsak si Cheryl sa sahig.

“B-b-b-bakit mo ako sinampal?”

Tinakpan ni Cheryl ang pisngi niya gamit ang isang kamay at nabigla siya sa sampal.

“Isa kang tanga! Hindi mo ba alam kung sino siya? Ito si Iris Young! Ang eldest young lady ng mga Young!”

Tumingin ng malupit si Wendell kay Cheryll at pinagalitan niya ito!

Si Cheryl ay isang malayong pinsan niya, kaya inapi nito ang ilan sa mga attendant na may mababang pwesto sa hotel, dahil magkadugo sila.

Hindi niya pinansin ito dahil magkadugo sila, ngunit gumawa ng seryosong gulo si Cheryl sa panlalait kay iris!

Dahil sa impluwensya ng mga Young sa Springfield City, magdurusa siya kasama ni Cheryl kapag hindi niya hinarap ng maayos ang sitwasyong ito!

Siya… Siya si Iris Young?!”

Natulala si Cheryl.

Hindi niya pa nakita si Iris dati, ngunit alam niya ang reputasyon ni Iris. Alam niya na si Iris ang eldest young lady ng mga Young at na ito ang rank one sa four most beautiful women sa Springfield City!

Kahit na hindi siya atakihin ng mga Young, ang mga mamamayan na tagapaghanga ni Iris ay siguradong pupunitin siya kapag nalaman nila na ginalit niya si Iris.

Sa sobrang takot ni Cheryl ay nanghina ang mga tuhod niya. Agad siyang lumuhod at nagmakaawa.

“Miss Young, patawad at hindi ko kayo nakilala kanina. Hindi ko sinasadyang galitin kayo. Sana ay ibukas niyo ang puso niyo para pagbigyan ako, kaysa sa magalit kayo sa isang taong tulad ko na mas mababa sa inyo…”

Nanginig sa takot si Cheryl at patuloy siya sa paghingi ng tawad.

Lumubog ang puso ni Wendell nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Iris. Sinigawan niya ng malupit si Cheryl, “Sampalin mo ang sarili mo!”

Nagdalawang isip ng ilang sandali si Cheryl bago niya kinagat ang ngipin niya at nagsimula siyang sampalin ang sarili niya. Nagpatuloy siya sa pagsampal ng sarili niya at sinabi niya, “Patawad. Patawad po talaga…”

Sinampal niya ang sarili niya sa bawat paghingi ng tawad hanggang sa sulok ng bibig niya ay nagsimulang dumugo.

“Humingi ka ng tawad sa kaibigan ko!” Ang malamig na utos ni Iris.

“Opo, opo… Patawad, Sir Nagkamali ako…”

Tila wala nang pakialam si Cheryl na si Leon ay isang pulubi at agad siyang lumuhod sa harap nito para humingi ng tawad.

Nabigla si Leon dahil dito.

Dati, ang ginagawa niya lang araw-araw ay ang manatili sa bahay at magtrabaho sa kumpanya. Hindi pa siya pumunta sa ibang lugar.

Hindi niya pa narinig ang tungkol sa four beauties ng Springfield City, lalo na ang mga Young.

Wala rin siyang ideya na ang mga Young ay isang pamilya na mataas ang impluwensya, at wala siyang alam kung gaano kalakas ang mga Young.

Ang alam niya lang ay inutusan ni Iris ang mga bodyguard nito na bugbugin si Brody sa Civil Records Office.

Ngayon naman ay si Cheryl, na siyang natakot matapos malaman ang tunay na pagkakakilanlan ni Iris sa punto na lumuhod siya at nagsimulang magmakaawa.

Ang dalawang pangyayaring ito ang nagkumbinsi kay Leon na ang mga Young ay isang mayaman at makapangyarihang pamilya.

Walang pagdududa na hinipuan ni Leon si Iris kagabi, ngunit tila kumikilos si Iris na para bang hindi ito nangyari, at nagtataka si Leon kung bakit…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status