Share

Kabanata 10

Nag isip ng malalim si Leon, ngunit bumalik agad siya sa sarili.

Naglakad siya patungo kay Iris at hinila niya ang braso nito bago siya bumulong, “Kalimutan mo na siya, Iris. Sanay na ako sa ganitong pagtrato sa akin…”

Kumirot ang puso ni Iris. Nararamdaman niya ang pait sa mga salita ni Leon, pati na rin ang bahid ng inferiority complex nito.

“Miss Young, kasalanan ito lahat ni Cheryl. Didisiplinahin ko siya. Pakiusap ay bigyan niyo siya ng pagkakataon na matuto sa kanyang pagkakamali,” Ang tapat na pagmamakaawa ni Wendell.

Ang galit niya kay Cheryl ay lumabas na. Kailangan niyang masigurado na hindi na kikilos ng ganito si Cheryl sa susunod. Maaaring pagbigyan si Cheryl sa pagkakataong ito, ngunit kapag naulit ito, ito na rin ang katapusan ni Wendell.

“Tumayo ka! Dahil gusto kang pagbigyan ng kaibigan ko, papayag ako na bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Sana ay matuto ka na magbago sa susunod!” Ang malamig na sinabi ni Iris.

Kaya niyang pagbigyan ang mga tao kapag kinakailangan.

Tutal, hindi niya kailanman nagustuhan na gamitin ang pagkakakilanlan niya para apihin ang iba, at ayaw niyang makipagtalo sa mga tao na hindi mahalaga.

“Salamat, Miss Young. Salamat, Sir…”

Nagkaroon na rin ng tapang si Cheryl para tumayo, dahil naramdaman niya na pinagbigyan na siya. Gayunpaman, ang likod ng damit niya ay basang basa na ng pawis.

Marami sa mga bisita ang nabigla.

Nang matuklasan nila na ang marangal at magandang babae na nasa harap nila ay si Iris, nagulat sila lahat habang lumiwanag ang kanilang mga mata.

Ang ilan sa kanila ay palihim na naglabas ng cellphone para kumuha ng mga litrato, umaasa sila na makuha ang kagandahan ni Iris sa camera.

“Tara na, Leon…”

Agad na napagtanto ni Iris na may mali at agad niyang hinila si Leon palabas ng hotel.

Ang mga hotel ay komplikadong lugar dahil tila mali na mag book ng room doon kasama si Leon. Mahihirapan silang dalawa kapag nagkaroon ng maling pagkakaintindi o tsismis na kumalat.

Klaro ang konsensya niya at wala siyang dapat katakutan, ngunit marami sa mga manliligaw niya ay mga anak ng mga mayaman at makapangyarihang pamilya.

Ang isang maling pag intindi dito ay siguradong gagawa ng gulo para kay Leon.

Ito ang bagay na ayaw makita ni Iris.

Ang Dragonbay Villas ang isa sa pinakasikat na villa sa Springfield City. Napapaligiran ng mga bundok at ilog ang lugar at binasbasan ito ng napakagandang tanawin.

Ang mga kayang tumira dito ay ang mga mayaman at sikat na mga business tycoon, o ang mga taong may reputasyon na elegante at maluho.

Bumili ng dalawang set ng high-end na mga damit si Iris para kay Leon mula sa malapit na mall bago siya bumalik sa villa kasama si Leon.

“Sa tingin ko ay hindi maganda magbook ka ng hotel room para tuluyan mo. Pwede kang tumira ng ilang araw sa bahay ko at bibili ako ng bahay para sayo bukas. Pwede kang lumipat sa bagong bahay mo kapag tapos na ang mga dokumento.”

Medyo namumula ang magandang mukha ni Iris.

Bilang isang babaeng matino, hindi niya pa hinayaan ang kahit sino sa kabilang kasarian na pumunta sa bahay niya, lalo na ang imbitahin ito na tumira sa bahay niya.

Gayunpaman, gumawa siya ng eksepsyon para dalhin sa bahay si Leon para pasalamatan ito sa pagligtas sa buhay niya.

Syempre, ang tanging rason kung bakit nagtiwala siya ng sobra kay Leon ay dahil niligtas nito ang buhay niya kagabi. Ito ang nag kumbinsi sa kanya na si Leon ay hindi isang masamang tao.

“Salamat, pero hindi mo ako kailangan bilhan ng isang bahay…”

Kumaway si Leon.

Pagkatapos, napagtanto niya na ang mga salita niya ay pwedeng mapagkamalan na nagpapahiwatig siya na gusto niyang tumira sa bahay ni Iris ng habang buhay.

“Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin… Ang ibig kong sabihin ay, masaya na ako na makahanap ka ng lugar na pwede kong rentahan. Ibabalik ko ang pera na nagastos mo sa renta ko kapag kumita na ako ng sapat na pera…” Ang sabi ni Leon ng may awkward na ngiti.

Ngumiti pabalik si Iris at hindi niya isinapuso ang mga salita ni Leon. Naglabas siya ng isang ID card at binalik niya ito kay Leon, sinabi niya, “Heto ang ID card mo. Nahanap ito ng mga tauhan ko sa tambakan ng basura, at naisip ko kung paano ito napunta sa ganung lugar.”

“Malaking tulong ito!”

Natuwa ng sobra si Leon habang kinuha niya ang ID card.

Wala siyang pera, ngunit kapag may ID card siya, ibig sabihin ay makakahanap siya ng trabaho sa madaling panahon para masigurado na mabili niya ang kanyang pangangailangan sa araw araw.

Namula ang mukha ni Leon nang maalala niya kung paano napunta ang ID card niya sa tambakan ng basura. Nahihiya siya sabihin kay Iris kung gaano kasama ang buhay niya noong kasal pa siya, kaya pinaliwanag niya ang lahat ng wala masyadong detalye.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status