Share

Kabanata 8

Author: Dragonsky
Mas lalong nagalit si Marilyn habang pinag isipan niya ang nangyari.

Hindi nagtagal, tumayo si Brody mula sa sahig at dismayado siya. Mukha siyang miserable habang siya ay may asul na ilong at namamaga na mukha.

“Imposible! Si Iris ang eldest young lady ng mga Young! Isa siyang respetadong tao. Walang kahit sino sa mga mayaman at makapangyarihang mga lalaki sa Springfield ang nakakuha ng atensyon niya, kaya paano ito nagawa ng isang basura na tulad ni Leon!”

“Baka silang dalawa ay magkakilala lang…”

Tinakpan ni Brody ang mukha niya at umungol siya sa sakit.

Si Iris ay isang diyosa sa mga mata niya, kabaliktaran ng mababang tingin niya kay Leon. Mas mauna pa siyang mamamatay kaysa maniwala na may espesyal na relasyon sa pagitan ni Leon at Iris!

“Tama ka! Hindi magkakagusto si Iris kay Leon maliban kung bulag siya… Pero kung iisipin, kahit na bulag si Iris, hindi niya magugustuhan ang isang basura na tulad ni Leon!”

Ngumiti ng nanunuya si Marilyn, at ang puso niya ay medyo gumaan ang loob.

“Sino naman ang may pake kung anong relasyon ang meron sila?! Kasalanan ni Leon ang lahat at nangyari ito sa akin. Maghihiganti ako sa kanya dahil dito!”

Ang ekspresyon ni Brody ay puno ng galit at sama ng loob.

Hindi niya pwedeng galitin ang mga Young at natatakot rin siya na magkaroon ng sama ng loob kay Iris.

Dahil dito, sinisi niya ang lahat kay Leon!

Ang mga tao sa paligid ay hindi mapigilan na manuya nang makita nila ang kawalang hiyaan nila Brody at Marilyn.

Nakita ng lahat kung paano kinumbinsi ni Leon na hayaan na si Brody.

Samantala, si Brody naman ay walang utang na loob, at sa halip ay masama ang loob niya kay Leon!

Walang hiya talaga!

Sa kasamaang palad, ang mga Sullivan ay makapangyarihan, at ang nagawa lang ng iba ay ang kamuhian siya ng tahimik ng hindi ito sinasabi sa harap niya.

…

Wala nang natira kay Leon pagkatapos ng divorce niya kay Marilyn.

Wala siyang ari arian, at ang pinakamahalagang bagay sa kanya ngayon ay isang lugar na matutuluyan.

Ang The Sovereign Hotel ang isa sa pinaka maluho na five-star hotel sa buong Springfield City, at ang plano ni Iris ay tumuloy muna dito si Leon ng pansamantala. Pwede niya ring itanong kay Leon dito ang eksaktong mga detalye ng nangyari kagabi.

Nang dumating sila sa hotel, binanggit ni iris sa mga bodyguard na maghintay sa labas habang sinamahan niya si Leon sa loob.

“Welcome sa The Sovereign Hotel,” Ang dalawang attendant ay ngumiti ng professional para iwelcome sila.

Nang maglakad si Leon sa red carpet ng hotel, tumingin siya sa paligid at nagulat siya sa maganda at maluhong dekorasyon.

Hindi pa siya nakapasok sa isang lugar na high-end na tulad ng isang five-star hotel, at hindi niya mapigilan na maging hindi komportable sa pagpunta niya dito.

Bukod pa dito, ang madungis na damit niya ay salungat sa hotel.

Ang bawat hakbang niya ay maingat dahil nag aalala siya na ang sapatos niya ay baka madungisan ang high-end red carpet ng hotel.

“Sandali lang! Isa itong high-end hotel. Hindi pwedeng pumasok ang mga pulubi! Manlimos ka sa ibang lugar!”

May dumating na isang babaeng 27 o 28 taong gulang na may suot ng uniform ng supervisor.

Meron siyang mapagmataas na ugali at sumigaw siya ng malupit sa dalawang attendant na bumati kay Leon. “Ano ang problema niyong dalawa? Bulag ba kayo? Bakit niyo hinayaang pumasok ang isang pulubi?!”

“Sino ang tinatawag niya na pulubi?” Nabigla si Iris at hindi niya alam kung paano siya sasagot ng ilang sandali.

Makalipas ang ilang sandali, nakita niya na lumapit ang supervisor kay Leon bago ito tumuro kay Leon. “Lumayas ka dito, miserable na pulubi!” Ang sigaw ng supervisor, muntik na nitong tulakin palabas si Leon.

Sa simula pa lang, nahihiya na si Leon sa sarili niya, at ang mukha niya ay namula sa sandali na pagalitan siya ng supervisor. Gusto niyang maghukay at magtago sa butas!

Naiintindihan ni Iris ang nangyari at ang magandang mukha niya ay agad na naging malamig. Tinulak niya palayo ang daliri ng babae at sinabi niya, “Ikaw ang bulag. Mukha ba siyang isang pulubi sayo? Kaibigan ko siya! Nandito kami para magbook ng isang kwarto…”

“Magbook ng isang kwarto?”

Tumingin ng nanunuya ang supervisor kay Iris mula ulo hanggang paa. “Mukha kang isang mayamang babae pero magbobook ka ng isang kwarto para sa isang pulubi? Siguro ay pareho pala kayo. Ngayon, umalis na kayong pareho sa hotel namin!”

Nagalit si Iris. “Ang mga bastos na tao na tulad mo lang ang kayang magsalita ng ganito. Nasaan ang manager mo? Sabihin mo sa kanya na lumabas siya dito para kausapin ako!”

“Sino ka ba sa tingin mo? Ano ang karapatan mo para kausapin ang manager namin?” Ngumiti ng mapanglait ang supervisor.

Nanginig sa galit si Iris. Kung hindi niya nakontrol ang sarili niya para sa pagkakakilanlan niya, sinampal niya na sana ang supervisor sa mukha.

Ang hotel staff ay nasabihan na tungkol sa kaguluhan doon.

Ang isang lalaki na nasa 36 o 37 taong gulang ang mabilis na pumunta dito, at ang nametage na may nakasulat na ‘Lobby Manager - Wendell Dyer’ ang nakalagay sa kanyang suit lapel.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 450

    “Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 449

    “Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 448

    “Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 447

    Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 446

    Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 445

    Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status