Share

Chapter 129

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2025-02-04 20:06:38
"Ano pa bang ibang silbi ng itlog ng babae maliban sa paglikha ng buhay?"

Kumunot ang noo ni Greg at tinitigan si Kenneth na parang nasisiraan na ng bait.

"Sinasabi ko sa'yo Kenneth, kung nagbago na ang isip mo kay Secretary Villaflor at gusto mo nang magkaanak kay Evan, hindi ba't magandang balita 'yon? Bakit ka nagtatago na parang magnanakaw at ayaw mo itong ipaalam sa kaniya?"

Matagal na nilang kilala ang isa't isa, at may madilim na nakaraan na rin silang dalawa mga napagdaanan.

Pero sa tuwing naaalala ni Greg ang ekspresyon ni Evan noong panahong iyon, malinaw na hindi naman ito ganap na walang nararamdaman para kay Kenneth.

Nagsimula nang pagpawisan ang doktor habang nanginginig na nagsabi ng kaniyang opinyon sa usapan ng dalawa.

"But Mr. Huete, we need her consent to harvest her egg cells. Labag po sa batas ang gusto niyong ipagawa.”

"Sabihin mo na lang ang presyo mo," malamig na sagot ni Kenneth na hindi iniintindi ang sinasabi nito.

"Asawa ko siya sa legal n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 235

    Pagpasok ni Kenneth sa ICU na parang may sariling entourage, hindi pa gising si Evann.“Master Kenneth, utos ni sir Kevin na maghintay po kayo sa labas hangga’t hindi pa pumapayag ang Young Madam na papasukin kayo.” Maingat na binabantayan ng mga bodyguard ang pinto. Kita ang bagsik sa mukha ni Kenneth habang pinipilit pumasok, kaya mabilis at magalang nila itong hinarang, nakikiusap pa: “Kalma lang po kayo, hindi talaga puwede. Hindi namin kayang ipaliwanag ’to sa Sir Kevin kung papasukin namin kayo.”Nanindigan si Kenneth, malamig ang tingin sa mga guwardiya: “Gusto kong makita ang asawa ko, tapos gagamitin n’yo pa ang pangalan ng tito ko para pigilan ako?”“Master Kenneth, huwag n’yo kaming pahirapan.” Nagkatinginan ang mga bodyguard. Isa sa kanila, kilala sa tiwala ni Albert, ang lumapit at walang simpatiyang nagsabi: “Ayon sa doktor, hindi naman malala ang lagay ng Young Madam at malapit na siyang magkamalay. Kaunting hintay na lang po.”“Ha!” Mapait ang ngiti ni Kenneth sabay ta

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 234

    “Master…”Mariing napakunot ang noo ni Albert. Naiintindihan niya ang sikip at gulo sa lumang bahay at ang hindi tiyak na sitwasyon, pero hindi rin niya alam kung hanggang kailan maitatago ang insidenteng ito.Isa pang bugso ng online bullying at tuluyan nang madudurog si Evann.Kahit gano’n pa man, ibang klaseng halaga ang meron sa Jewelry kay Evann; pero kay Kevin, isa lang siya sa napakaraming investment.Ibig sabihin, handa si Kevin isugal ang buhay niya para protektahan ang mga pangarap at pinaghirapan ni Evann.Kalmado lang na kumumpas si Kevin habang hinihintay umepekto ang gamot.Naaantig si Albert at gusto nang tumakbo kay Evann para sabihin: “Kung alam lang ni Miss Evann ang mga pinaggagawa mo para sa kanya…”“Tumahimik ka.” Matalim ang tingin ni Kevin, walang ekspresyon, bago iniabot ang hiringilya sa kamay ni Albert. “Ito, sigurado ako. Pero ‘yung iba, hindi ko pa mapapatunayan.”Kabisado niya si Evann — may kaunting obsessive-compulsive disorder ito. Kapag may maayos na

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 233

    Tahimik at walang imik na nakahiga si Cheska sa makinis na puting kama ng operating room. Matapos ang agarang gamutan, balot ng dugong natuyong gasa ang ulo at mukha niya; nananatili pa rin sa kanyang mukha ang bakas ng matinding pagkabigla—malayo sa dati niyang imperyosong anyo—patunay kung gaano kabigat ang sandaling kanyang pagbagsak.Nagpatuloy ang doktor, may halong paghingi ng tawad, “Sa kasalukuyang sitwasyon, malala ang gasgas sa kaliwang pisngi ng pasyente at tiyak na ito’y mag-iiwan ng peklat. Para maayos ang paggaling, malamang higit sa isang cosmetic surgery ang kakailanganin.”Sa narinig niya, napaluhod si Ella, mahigpit na hawak ang kamay ni Cheska at humahagulgol.Nagkatinginan sina Stephanie at Edward, kapwa may hapdi sa dibdib.Alam ng lahat kung gaano kahalaga kay Cheska ang kanyang kagandahan. Kapag nagising siya at nakita ang kalagayan ng kanyang mukha, sino ang makakaalam kung gaano siya matatakot.Bago pa niya makita ang eksenang ito, nagawa pang kontrolin ni Ken

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 232

    Matapos ang maraming hirap, napapayag din nila ang nagpa-panic na si Ella na umalis. Kahit kadalasan ay inis ang mga katulong sa kanyang palaging pag-uutos, hindi nila napigilang maawa nang makita siya sa gano’ng desperadong kalagayan.Agad nilang inalalayan si Evann na nawalan ng malay sa sahig. May isang kasambahay na hindi napigilang bumulong, “Narinig ko sabi nila, si Miss Cheska raw ang itinulak ng dalaga.”“Shh, wala pang ebidensiya sa mga ganyang bagay, huwag basta salita,” awat ng mas nakatatandang kasambahay, matino at kalmado, pero komplikado ang ekspresyon habang nakatingin kay Evann. “Hindi ko rin matanggap na si Senyorita ang may gawa nito. Buti na lang may CCTV sa pasilyo, baka may nakuhanan.”“Tama, bukas ang pinto nang dumating tayo kanina, malamang may kuha sa anggulong ‘yon.”“Kung tutuusin, kasalanan ito nina Master Kenneth at Miss. Alam ko, mga mayamang lalaki madaling maligaw, pero dati mabait si Senyorita. Kung nagawa man niya ito, dahil ‘yon sa pagsabwatan nina

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 231

    Naririndi na si Cheska sa pagpapakitang-gilas at saka niya napansin si Evann na nakaupo sa sofa, tahimik at nakatungo. Kumulo ang dugo niya at tinuro ito habang pasigaw, “Ikaw talagang maldita ka! Bakit ka nandito pa rin? Ang dami ko nang pakiusap kay Daddy, bakit hindi ka pa niya pinaaalis?”Umaalingawngaw ang boses ni Cheska sa tenga ni Evann. Napahawak siya sa noo niya at sa gitna ng ingay, bigla niyang narinig ang isang tinig na hinding-hindi niya makakalimutan—ang boses ni Mouse Eyes.Ilang minuto lang, manipis na patak ng malamig na pawis ang bumalot sa kanyang noo, dumudulas pababa sa kanyang maganda at maselang mukha, papasok sa kwelyo ng damit.Sa ilalim ng mahahaba at nanginginig niyang pilik-mata, malabo ang kanyang tingin, nakatanaw sa malayo na parang wala sa lugar. Unti-unting napuno ng luha ang kanyang mga mata, at ang ekspresyon niya’y puro takot—parang nakakulong sa isang bangungot na hindi siya magigising.Tahimik lang na pinanood ni Ella ang pag-arte ni Evann, nakat

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 230

    Kinuha ni Evan ang isa, itinupi ang manggas at tinapos ang iniksyon na kalmado ang mukha.Mahigit tatlong buwan na mula nang ma-kidnap siya, pero hindi pa rin bumabalik ang panlasa niya.Hinawakan ang nahihilo niyang noo at umupo sa gilid ng kama. Medyo nagulat siya kung gaano kalakas ang tama ng gamot ngayong beses—mas masakit sa alaala kaysa dati at mas malupit kaysa nakasanayan.Bumagsak siya sa kama, balisa, nakatitig sa pamilyar na kisame sa ibabaw niya.Sa umpisa, sobrang hirap ng gamutan. Para hindi siya magmukhang baliw, nagkulong na lang siya dito araw-araw, walang ginagawa. Sa tagal, kabisado na niya pati direksiyon ng bawat pattern sa kisame.Noon, abalang-abala si Kenneth sa pagmamahal kay Ella at walang pakialam sa kung gaano kalaki ang pinaglaban niya para mabuhay sa desperadong sitwasyon.Hindi niya alam kung ano ang pumasok kay Kenneth, pero kung ginagamit pa rin siya bilang pawn o bigla na lang nagloloko, wala na siyang balak magbago. Para kay Lolo, pipiliin na lang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status