Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
View MoreMay punto rin naman sa sinabi nito.Biglang dumilat si Evann, pilit inaalala ang bawat detalye ng nangyari.Naalala niyang una niyang narinig ang malamig at madilim na boses ni Rat Eyes, at sa galit, sinunggaban niya ito sa leeg — hanggang sa biglang tumigil ang boses nito.Sa buong pangyayari, alam niyang kamay lang ang iniunat niya — hindi man lang siya yumuko. Kung pagbabasehan ang taas nila, imposibleng siya ang nagtulak kay Cheska pababa ng hagdan.“Alam mo na,” ani Tata Guyo, bahagyang umayos ng upo habang nagsalita sa kalmadong tono. “Kaso nga lang, hindi ‘yan sapat bilang ebidensya sa korte. Kailangan ko munang makausap ‘yong mga kasambahay bago tayo makagalaw.”Nakaramdam ng ginhawa si Evann, sabay lingon sa labas ng bintana kung saan unti-unting dumidilim ang langit.Kanina, hindi niya gaanong ramdam — pero ngayong dapit-hapon na, may kung anong lungkot at kawalang-laman siyang naramdaman.Gusto rin sana niyang makaharap ang mga kasambahay, pero kailangan niyang hintayin ang
Napansin ni Bambie na tila hindi siya ikinatutuwa ni Evann. Napatigil ang kilos niya at dumilim ang maliwanag niyang mukha sa anyo ng sama ng loob. Maingat niyang ibinulong, “Young Madam, alam kong galit ka dahil hindi ko natupad ang pangako natin. Kasalanan ko talaga, pero hinding-hindi ko intensyong saktan ka. Kung hindi ka naniniwala, pwede mong tanungin si Kevin. Totoo talagang nawalan ako ng malay.”Lahat ng nangyari noong gabing iyon—kabilang na ang pagdating nang huli ni Kevin—ay nananatiling tinik sa puso ni Evann.Ayaw niyang magmukhang apektado kaya pinipilit niyang kalimutan. Kung hindi lang paulit-ulit na pinaaalala ni Bambie, iisipin na niyang tuluyan na siyang naka-move on.Sa gilid, nakakunot ang magandang kilay ni Kevin habang lihim na nakatingin kay Bambie, walang sinasabi.“Miss Bai, hindi ko sinasabing hindi kita pinaniniwalaan.” Matagal bago nagsalita si Evann; bahagya niyang iginilid ang labi, biglang nakaramdam ng pagod. “Salamat sa pagpunta mo, pero pagod na pag
Pagkakita pa lang ni Katelyn sa laman ng dokumento, hindi niya napigilan ang tuwa. Totoong masaya siya para kay Evann.Para sa kanya, sa sobrang sama ng ugali ni Kenneth, bagay na bagay siya kay Ella—ang babaeng ‘yon. Ang tanging meron lang si Kenneth ay magandang pamilya at maayos na itsura. Bukod doon, isa lang siyang mamahaling unan na bulok ang loob, hindi man lang karapat-dapat kay Evann.Nakaiga sa kama ng ospital, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Evann. Sa pandinig niya ay umaalingawngaw pa ang malakas na pagsara ng pinto ni Kenneth nang umalis ito. Matagal niyang tinitigan ang dokumento, hindi maialis ang tingin.Walang duda, ito ang bagay na matagal na niyang gustong makuha pero hindi niya nakuha. Pero sa ganitong paraan niya ito nakuha, hindi ito ang orihinal niyang nais.“Evann, pumayag na rin sa wakas ang demonyong ‘yon na palayain ka. Blessing in disguise ito para sa atin. Ang kailangan na lang ay linisin ang pangalan natin.” Nalito si Katelyn kung bakit tahimik lang si
Napasinghap si Evann sa sakit, hindi makaalis sa pagkakaupo at wala ring oras para sagutin ang mga tanong ni Kenneth.“Kenneth, kulang na lang na pinagbibintangan mo si Evann nang walang basehan, pati ba naman pananakit nasikmura mong gawin?” Nangilid ang luha sa mga mata ni Katelyn. Mabilis siyang lumapit para alalayan si Evann at hinarap ang mga bodyguard na nanonood lang sa may pinto. “Hindi kayo sinugo ni Sir Huete para manood lang. Kapag may nangyari kay Evann, kayo rin ang haharap sa galit ni Sir Huete!”Sa gitna ng tensyon, lalo pang bumigat ang tatlong salitang “Kevin.”Kahit pa nagwawala si Kenneth, pinigilan pa rin siya ng mga bodyguard at pinaupo sa sofa sa kanto, bawal nang lumapit kay Evann.“Kenneth, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko naaalala? Bakit ka nagkakaganyan?”Pigilang-pigil ang sakit habang bumalik si Evann sa kama. Itinaas niya ang suot at ipinakita ang kulay-ubeng pasa na patunay kung gaano kalakas ang tama ni Kenneth.Alam niyang kahit basura si Kenne
Pagpasok ni Kenneth sa ICU na parang may sariling entourage, hindi pa gising si Evann.“Master Kenneth, utos ni sir Kevin na maghintay po kayo sa labas hangga’t hindi pa pumapayag ang Young Madam na papasukin kayo.” Maingat na binabantayan ng mga bodyguard ang pinto. Kita ang bagsik sa mukha ni Kenneth habang pinipilit pumasok, kaya mabilis at magalang nila itong hinarang, nakikiusap pa: “Kalma lang po kayo, hindi talaga puwede. Hindi namin kayang ipaliwanag ’to sa Sir Kevin kung papasukin namin kayo.”Nanindigan si Kenneth, malamig ang tingin sa mga guwardiya: “Gusto kong makita ang asawa ko, tapos gagamitin n’yo pa ang pangalan ng tito ko para pigilan ako?”“Master Kenneth, huwag n’yo kaming pahirapan.” Nagkatinginan ang mga bodyguard. Isa sa kanila, kilala sa tiwala ni Albert, ang lumapit at walang simpatiyang nagsabi: “Ayon sa doktor, hindi naman malala ang lagay ng Young Madam at malapit na siyang magkamalay. Kaunting hintay na lang po.”“Ha!” Mapait ang ngiti ni Kenneth sabay ta
“Master…”Mariing napakunot ang noo ni Albert. Naiintindihan niya ang sikip at gulo sa lumang bahay at ang hindi tiyak na sitwasyon, pero hindi rin niya alam kung hanggang kailan maitatago ang insidenteng ito.Isa pang bugso ng online bullying at tuluyan nang madudurog si Evann.Kahit gano’n pa man, ibang klaseng halaga ang meron sa Jewelry kay Evann; pero kay Kevin, isa lang siya sa napakaraming investment.Ibig sabihin, handa si Kevin isugal ang buhay niya para protektahan ang mga pangarap at pinaghirapan ni Evann.Kalmado lang na kumumpas si Kevin habang hinihintay umepekto ang gamot.Naaantig si Albert at gusto nang tumakbo kay Evann para sabihin: “Kung alam lang ni Miss Evann ang mga pinaggagawa mo para sa kanya…”“Tumahimik ka.” Matalim ang tingin ni Kevin, walang ekspresyon, bago iniabot ang hiringilya sa kamay ni Albert. “Ito, sigurado ako. Pero ‘yung iba, hindi ko pa mapapatunayan.”Kabisado niya si Evann — may kaunting obsessive-compulsive disorder ito. Kapag may maayos na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments