Share

The Fearless Billionaire
The Fearless Billionaire
Author: Knight Ellis

Fearless 1

    •FEARLESS 1•

ZIRCO RAIJANNER FROSTIER

"Frostier, kanina ka pa rito?"

Nilingon ko ang bagong dating.  Tumango lamang ako bago nagsalpak ng earphone sa tenga.

"I'll just go to cafeteria," wika ko bago tumayo at lumabas sa opisina.

Nagtungo ako sa cafeteria at may mangilan-ngilang estudyante pa lang ang naroon at kumakain. May ilang bumati sa akin na tinanguhan ko rin lang.

"Mr. Frostier."

Hindi ko pinagkaabalahang lingunin ang tumawag sa akin dahil alam kong isa lamang itong estudyante. Students, sometimes did not know their place.

"Mr. Frostier pwede ka po bang ma-invite sa debut ng ate ko-"

I cut her off.

"Do I know you?"

"Mr... "

"Go back to your classroom. Now,"  utos ko kaya agad siyang tumalima paalis.

Tss. Masyado siyang bata para pagtuunan ko nang pansin at hindi rin magandang nakikipag-usap siya sa akin. She is a student for Pete's sake. And I am not into kids. 

"Frostier! Himala at lumabas ka ng lungga mo."

"Why are you here? You shouldn't be here Chrysoprasus."

"Bakit masama ba? As far as I know welcome ako rito palagi."

"Hindi na ngayon."

Kinuha ko na ang kanina ko pa in-order na pagkain at tumalikod na palabas ng canteen. Sinundan niya ako hanggang sa opisina.

"Woah! Ang cool ng office mo Frostier! Tsk tsk iba ka talaga!"

"Get lost Chrysoprasus."

Tinawanan lang niya ako at umupo sa single sofa na nasa loob ng opisina ko.

"Alam mo ang daming nagulat ng makita ka kanina habang papasok sa canteen, kasi naman Frostier-"

"Do you want to die? Now?"

Umupo ako sa pwesto ko.

"Balita ko maraming mag-eenroll ditong mga babae? Hahaha! Pwedeng mag-enroll rin ako?"

Tss.

"Hindi ka tatanggapin rito."

"Alam ko."

"Dahil kasalanan mo."

"Anong kasalanan ko? Kasalanan nila."

"Yeah."

"It's been years hindi pa rin ba nila makalimutan yung kasalanan ko? Nakakaasar! Hindi kasi sila marunong makinig sa akin. Masyado silang nakikinig sa mga kasinungalingan. Peste!"

"You can't blame them. You're not also one of them so, bakit ikaw ang sa tingin mo ang dapat nilang panigan? Look, kahit anong paliwanag mo ay hindi na magbabago ang katotohanang isa kang malaking kaaway at sagabal sa kanila kaya nga gumawa sila ng paraan para mapaalis ka rito hindi ba?"

Agad na bumalatay ang galit sa mata niya dahil sa sinabi ko. Totoo, hindi ko masisisi sila kung iyon ang tingin nila sa kanya.

"Pero... bakit ikaw? Hindi ka isa sa kanila pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka sa teritoryo nila?"

Ngumisi ako.

"May alam ako. Na maaari nilang ikabagsak kapag may iba pang nakaalam."

Napalingon kaming pareho ni Chrysoprasus sa pinto nang makarinig ng mahinang katok sa labas.

"Tumatanggap ka na ng bisita?"

"No. Baka si Seron lang yan."

Tumayo ako at binuksan ang pinto pero hindi si Seron ang bumungad sa akin.

"Jed," tipid kong bati sa bagong dating.

"Can I come in?"

"Okay."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kuya.."

Natigilan ako at marahas na napalingon sa kanya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

Damn this.

"Kuya?" tanong ko kaya naman yumuko siya at umiling.

"I mean Mr. Frostier."

"Anong ginagawa mo rito? Pareho lang kayo ni Chrysoprasus. Alam ninyong bawal kayo rito."

"Pinapunta ako rito ni Rasham."

Rasham? Ano na naman bang problema niya?

"Anong kailangan niya? At bakit ikaw pa ang pinapunta niya rito? Gusto niya bang mamatay ka nang maaga?"

Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Mapapahamak itong mga ito rito.

"You two! Follow me. Now."

Nauna akong lumabas ng opisina ko at sumunod sila.

"Hey Frostier- where are you going?- Jed? Chrysop?"

Hindi ko na lang siya pinansin ang pagtawag nito. Si Seron. Tuloy-tuloy akong dumiresto sa parking lot habang kasunod silang dalawa.

"Get in."

Agad naman silang sumakay kaya agad ko ring pinaharurot ang sasakyan paalis ng lugar na iyon.

"What are we doing here?" tanong sa akin ni Jed.

Ipinarada ko na ang sasakyan at bumaba. Hindi ko na sila hinintay pang makababa. Mabilis akong naglakad at pumasok sa loob ng Club House. Alam kong nakasunod silang dalawa pero hindi ko iyon inintindi.

"Good afternoon Mr. Frostier."

Pagbati ng gwardiya pero hindi ko rin pinansin.

"Zirco Frostier!" Narinig kong tinatawag ako ni Chrysop at Jed ngunit hindi ko sila nililingon.

"Hey Frostier-"  Pagpigil sa akin ni Krypton.

"WHERE THE HELL IS RASHAM?!" sigaw ko sa kanila.

"H-hey."

Kinuwelyuhan ko siya kaya halata ang gulat na nakalarawan sa mukha niya dahil sa biglaang pagsigaw ko.

"I said where is Rasham?!"

"Nasa itaas."

Binitiwan ko rin agad siya at dali-daling nagtungo sa ikalawang palapag ng Club House.

"Zirco, wag kang gagawa ng gulo rito please lang."

Napalingon ako kay Chrysoprasus na noo'y nakasunod na pala sa akin.

"Why? I can do whatever I want to do here Chrysoprasus Raseil. I own this place so better shut up." Iniwan ko na silang dalawa at galit na binuksan ko ang kwarto ng siraulong si Rasham.

"Who the heck- Zirco?"

Bumagsak siya pagkasuntok ko sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi rin siya nakabawi agad.

"What the fuck?!"

Agad na dumugo ang gilid ng labi niya dahil sa tinamo niyang suntok.

"Kung gusto mong mamatay ng maaga mauna ka pero 'wag na 'wag mong idadamay si Jed. Are you even thinking? Alam mo ang pwedeng mangyari kapag may nakakita sa kanya doon tapos malalaman kong ikaw ang nagpapunta sa kanya roon?!"

"Tsk. Yun lang ang ikinagagalit mo? Hah! You're impossible Zirco Frostier. Tss."

Inulit ko ang pagkakasuntok ko sa mukha niya.

"Damn! Tama na! Oo kasalanan ko kung bakit nandoon si Jed pero may importanteng dahilan kung bakit siya ang pinapunta ko doon."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"At ano yun? Ang mamatay ng maaga ang kapatid ko?"

Damn it.

"Tss. Sira! May nakuha na kaming lead kung nasaan siya. Yung hinihintay mo."

Bigla akong nanlamig sa sagot ni Rasham. Para akong napako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nahanap na nila SIYA?

"You.. You know where she is?"

"Hindi pa pero may lead na kami kung saan siya maaaring makita."

"Pwede ba nating mapuntahan?" tanong ko at umiling naman siya bilang sagot.

"Hindi muna ngayong araw na'to Mr. Frostier, ayokong gumala ng ganto ang itsura ko. Tss."

Napatingin ako sa mukha niya na nagkaroon ng pasa dahil sa tinamong suntok.

"Sorry," paumanhin ko.

"Yeah. Tss. Masyado ka kasing padalos-dalos. Hindi muna magtanong."

Dapat siguro tuluyan kong sirain ang mukha niya.

"Dami mong satsat. Manahimik ka na lang."

"Tss. Tutal narito ka na rin lang, naalala kong nagpunta si Rafael dito hinahanap ka-"

"Bakit? Anong kailangan niya? Sinabi mo ba kung nasaan ako?" Putol na tanong ko sa sasabihin niya pa.

"Don't worry wala akong sinabing kahit ano sa kaniya. Pati na kung nasaan ka. Alam kong bawal."

Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig. Mabuti at kahit papaano ay ginagamit niya ang utak niya.

"Mabuti naman. Akala ko ipapahamak mo na naman ang sarili mo."

"Natauhan na ako. Badtrip talaga kapag naaalala ko yung kagaguhan ko. Tsk."

Nginisihan ko siya na sinamaan naman ako ng tingin.

"Masyado ka kasing nagtiwala. Sinabi ko naman sayo noon pa, bago mangyari iyon, wag mong ibigay ang tiwala mo sa kanya kahit isang porsiyento, huwag pero anong nangyari? Buong tiwala mo ang ibinigay mo. Kaya ayan ang napala mo," paliwanag ko.

"Tsk. Kaya nga sa nangyari na yon simula noon ay hindi ko na alam kung sino ang mga dapat ko pang pagkatiwalaan.

Nakakatakot ng magtiwala ulit Zirco."

Tumango na lang ako pagkatapos ay tumayo na.

"Kailangan ko ng umalis baka hinahanap na ako doon." Paalam ko at naglakad na patungo sa pinto.

"Okay. Ingat ka. Hahaha!"

"Kayo ang mag-ingat. Maghanda na lang kayo kung sakaling sumugod sila rito. Tandaan mong teritoryo nila ang pinasok niyo kanina. At oo nga pala, 'wag na 'wag kong malalaman na may nasira rito sa Club House, kayo ang malilintikan sa akin."

"Woah! As if we're scared Mr. Zirco Frostier. Tss."

"Watch my words Rasham Scheiner," banta ko sa kanya at umalis na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status