Habang abala ang ibang kaklase sa pagliligpit ng mga bag, nagkuwentuhan sina Ayesha, Marga, at Iya sa sulok ng classroom habang hinihintay ang sundo. “Uy Ayesha,” sabay lapit ni Marga, “dun ka na ba talaga nakatira sa malaking bahay sa kanto? Yung puti na may matataas na bintana?” Tumango si Ayesha. “Oo, dun na kami. Malaki tapos tahimik..” “Ang laki ng gate nun!” sabat ni Iya. “Sabi ni Kuya, luma na raw yun. Di raw tinirahan ng matagal.” “Ha? Bakit?” tanong ni Ayesha, nagulat. Nagkibit-balikat si Marga. “Di ko sure. Pero sabi ni Mama, dati raw may mga nakatira dun na mayaman. Yung apelyido, parang… Luna?” “Luna?” ulit ni Ayesha. “Narinig ko na yun… sa isang sulat na nakita nina Mommy sa attic.” “Attic? May ganun kayo? Ang saya!” sabay kaway ni Iya. “Pero… wala bang multo?” “Wala! Hindi scary!” mabilis na sagot ni Ayesha. “Tahimik lang. Tapos may mga kwaderno at sulat. Parang matagal nang walang tao.” “Eh bakit daw walang nakatira ng matagal?” tanong ni Marga. “Sabi ni Lolo,
Habang ipinapaayos pa rin nina Ralph at Alexis ang kanilang bagong tahanan, nadiskubre nila sa likod ng lumang aparador sa silong ang isang antigong kahon na may sulat-kamay na mga dokumento—mga titulo, lumang larawan, at isang diary. Sa pamagat pa lamang ng journal: “Para sa anak na di ko nakilala—Mateo.” Nabigla si Ralph. Hindi si Mateo ang sumulat. Isa itong lihim na isinulat ng ama ni Mateo, si Severino Luna.Habang binabasa nila ang laman ng diary, unti-unting lumilinaw ang masalimuot na kasaysayan ng pamilya Luna. Ipinapakita nitong may yaman at kapangyarihan ang angkan noon, ngunit nasira ito dahil sa digmaan, pagtataksil, at pag-aagawan sa mana. Si Mateo, ang anak na dapat ay tagapagmana ng lahat, ay itinakwil hindi dahil sa pag-ibig niya kay Lucia, kundi dahil sa hindi ito ang anak ng legal na asawa ni Severino.Ang bagong twist? Ipinapahiwatig ng diary na may ikalawang pamilya si Severino na pinagmulan ni Ralph.Sa isang pahina ng journal, may sketch ng isang antique necklac
Tahimik ang biyahe nila Alexis at Ralph pauwi matapos ang pakikipagkita sa matandang historian na tumulong sa kanilang tukuyin ang pinaghimlayan ni Mateo Luna. Sa likod ng sasakyan, nakalagay sa kahon ang kwintas—isang simpleng palawit na may inukit na letra: L.“Lucia,” bulong ni Alexis habang hawak ang kwintas. “Ang kasintahan ni Mateo.”Dumiretso sila sa isang liblib na bayan sa Laguna, sa tulong ng mga dokumento at tala ng simbahan. Ayon sa nakalap nilang impormasyon, si Lucia ay matagal nang namayapa, ngunit iniwan nito ang isang anak na babae, si Rosario. Si Rosario naman ay may anak—isang guro sa pampublikong paaralan na kasalukuyang nakatira sa parehong bayan.Dahil sa mabuting pakikitungo ng mga taga-roon, natunton agad nila ang bahay ng apo ni Lucia. Isang simpleng bahay-kubo sa gilid ng ilog, puno ng tanim at halatang alaga.Lumabas ang isang babae, mga trenta’y singko anyos, naka-tsinelas at may hawak na pamaypay.“Magandang hapon po. Kayo po ang naghahanap kay Gng. Rosari
Natahimik ang buong bahay nang tumambad sa kanila ang matandang lalaki. Matagal na nagkatitigan sina Ralph at Mateo Luna, tila parehong naghahanap ng sagot sa mata ng isa’t isa.Si Alexis, bagamat gulat at may bahagyang kaba, ay kusa ring lumapit.“Kayo po si Mateo Luna?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.Tumango ang matanda. “Oo. At sa huling pagkakataon, nais kong humingi ng tawad sa tahanang ito. Maraming alaala ang naiwan dito—at mga lihim na dapat ko nang ilabas bago pa ako tuluyang mawala.”Ipinatuloy nila si Mateo sa loob. Doon sa mismong silid sa ilalim ng hagdan sila nagtungo—ang tagong lugar na naglalaman ng mga larawan at sulat nina Mateo at Lucia. Nang pumasok siya, para bang bumagal ang mundo sa paligid. Lumuha siya agad pagtingin sa larawan ni Lucia sa dingding.“Akala ko, kaya ko siyang kalimutan. Akala ko, matatakasan ko ang sakit. Pero saan man ako magpunta, siya pa rin ang tahanan ko,” mahinang bulong niya habang hawak ang lumang litrato.Tahimik na nakikinig s
Nang gabing iyon, hindi mapakali si Alexis. Habang nakahiga sa tabi ni Ralph, patuloy na naglalaro sa isip niya ang imahe ng matandang lalaking nakita niya kanina sa may bakod. Hindi niya ito binanggit agad kay Ralph—baka kasi guni-guni lang dulot ng pagod at dami ng nangyari kanina.Pero bago siya tuluyang makatulog, hindi na niya natiis.“Ralph,” mahina niyang sabi, sabay dikit sa dibdib nito, “kanina ba, may napansin kang matandang lalaki sa may likod ng bakod?”“Hmm?” bulong ni Ralph habang pupungas-pungas pa. “Hindi. Bakit?”“May nakatayo. Nakatingin sa atin. Nakangiti. Para siyang… hindi estranghero, pero hindi rin ako sigurado.”Agad na bumangon si Ralph. “Dapat sinabi mo agad, Lex.”“Baka kasi na-imagine ko lang,” saad niya. “Pero… Ralph, kabado ako. Baka may may-ari pa ng bahay na ‘to? O may nagbabalik?”Hindi na sila nakatulog agad. Kinabukasan, sinimulan nilang tanungin ang ilang kapitbahay. Lumaon, may isang matandang babae ang lumapit sa kanila habang nagdidilig ng halama
Matapos ang ilang linggo ng pamumuhay sa bago nilang tahanan, tila unti-unti nang nasasanay sina Alexis at Ralph sa kanilang bagong routine.Sa kabila ng mga hamon ng pag-aayos at pagkakabit ng mga gamit, dama nilang may bagong simula ang pamilyang binuo nila.Isang hapon, habang naglalaro sina Anjo at Ayesha sa bakuran, si Ralph ay abala sa bodega ng likod-bahay. Plano niyang ayusin ito bilang storage room, ngunit mapapansin niyang may kakaibang bahagi sa pader—parang may linya ng latag na hindi tugma sa orihinal na semento. Lumapit siya, kumatok, at tila may bahagyang awang. Tinawag niya si Alexis.“Lex, can you come here for a second?” aniya.Nagmamadaling lumapit si Alexis, may bahagyang kaba sa boses ni Ralph. “Bakit? May daga ba diyan?” may pag aalala sa tinig ni Alexis.Umiling si Ralph. “Hindi. Parang… may tinabunang bahagi sa pader. Halika, pakiramdaman mo.”Nilapat ni Alexis ang palad sa pader at kapwa nila napansin ang tunog—hindi solid. “Pwedeng may itinago rito,” bulong ni