Tahimik ang biyahe nila Alexis at Ralph pauwi matapos ang pakikipagkita sa matandang historian na tumulong sa kanilang tukuyin ang pinaghimlayan ni Mateo Luna. Sa likod ng sasakyan, nakalagay sa kahon ang kwintas—isang simpleng palawit na may inukit na letra: L.“Lucia,” bulong ni Alexis habang hawak ang kwintas. “Ang kasintahan ni Mateo.”Dumiretso sila sa isang liblib na bayan sa Laguna, sa tulong ng mga dokumento at tala ng simbahan. Ayon sa nakalap nilang impormasyon, si Lucia ay matagal nang namayapa, ngunit iniwan nito ang isang anak na babae, si Rosario. Si Rosario naman ay may anak—isang guro sa pampublikong paaralan na kasalukuyang nakatira sa parehong bayan.Dahil sa mabuting pakikitungo ng mga taga-roon, natunton agad nila ang bahay ng apo ni Lucia. Isang simpleng bahay-kubo sa gilid ng ilog, puno ng tanim at halatang alaga.Lumabas ang isang babae, mga trenta’y singko anyos, naka-tsinelas at may hawak na pamaypay.“Magandang hapon po. Kayo po ang naghahanap kay Gng. Rosari
Natahimik ang buong bahay nang tumambad sa kanila ang matandang lalaki. Matagal na nagkatitigan sina Ralph at Mateo Luna, tila parehong naghahanap ng sagot sa mata ng isa’t isa.Si Alexis, bagamat gulat at may bahagyang kaba, ay kusa ring lumapit.“Kayo po si Mateo Luna?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.Tumango ang matanda. “Oo. At sa huling pagkakataon, nais kong humingi ng tawad sa tahanang ito. Maraming alaala ang naiwan dito—at mga lihim na dapat ko nang ilabas bago pa ako tuluyang mawala.”Ipinatuloy nila si Mateo sa loob. Doon sa mismong silid sa ilalim ng hagdan sila nagtungo—ang tagong lugar na naglalaman ng mga larawan at sulat nina Mateo at Lucia. Nang pumasok siya, para bang bumagal ang mundo sa paligid. Lumuha siya agad pagtingin sa larawan ni Lucia sa dingding.“Akala ko, kaya ko siyang kalimutan. Akala ko, matatakasan ko ang sakit. Pero saan man ako magpunta, siya pa rin ang tahanan ko,” mahinang bulong niya habang hawak ang lumang litrato.Tahimik na nakikinig s
Nang gabing iyon, hindi mapakali si Alexis. Habang nakahiga sa tabi ni Ralph, patuloy na naglalaro sa isip niya ang imahe ng matandang lalaking nakita niya kanina sa may bakod. Hindi niya ito binanggit agad kay Ralph—baka kasi guni-guni lang dulot ng pagod at dami ng nangyari kanina.Pero bago siya tuluyang makatulog, hindi na niya natiis.“Ralph,” mahina niyang sabi, sabay dikit sa dibdib nito, “kanina ba, may napansin kang matandang lalaki sa may likod ng bakod?”“Hmm?” bulong ni Ralph habang pupungas-pungas pa. “Hindi. Bakit?”“May nakatayo. Nakatingin sa atin. Nakangiti. Para siyang… hindi estranghero, pero hindi rin ako sigurado.”Agad na bumangon si Ralph. “Dapat sinabi mo agad, Lex.”“Baka kasi na-imagine ko lang,” saad niya. “Pero… Ralph, kabado ako. Baka may may-ari pa ng bahay na ‘to? O may nagbabalik?”Hindi na sila nakatulog agad. Kinabukasan, sinimulan nilang tanungin ang ilang kapitbahay. Lumaon, may isang matandang babae ang lumapit sa kanila habang nagdidilig ng halama
Matapos ang ilang linggo ng pamumuhay sa bago nilang tahanan, tila unti-unti nang nasasanay sina Alexis at Ralph sa kanilang bagong routine.Sa kabila ng mga hamon ng pag-aayos at pagkakabit ng mga gamit, dama nilang may bagong simula ang pamilyang binuo nila.Isang hapon, habang naglalaro sina Anjo at Ayesha sa bakuran, si Ralph ay abala sa bodega ng likod-bahay. Plano niyang ayusin ito bilang storage room, ngunit mapapansin niyang may kakaibang bahagi sa pader—parang may linya ng latag na hindi tugma sa orihinal na semento. Lumapit siya, kumatok, at tila may bahagyang awang. Tinawag niya si Alexis.“Lex, can you come here for a second?” aniya.Nagmamadaling lumapit si Alexis, may bahagyang kaba sa boses ni Ralph. “Bakit? May daga ba diyan?” may pag aalala sa tinig ni Alexis.Umiling si Ralph. “Hindi. Parang… may tinabunang bahagi sa pader. Halika, pakiramdaman mo.”Nilapat ni Alexis ang palad sa pader at kapwa nila napansin ang tunog—hindi solid. “Pwedeng may itinago rito,” bulong ni
Sa bagong kabanata ng buhay nina Alexis, Ralph, Ayesha, at Anjo sa kanilang bagong tahanan, tila ba lahat ay nasa ayos na—hanggang sa dumating ang panahon ng renovation. Gusto nilang mas gawing “kanila” ang bahay, mas magaan sa pakiramdam, mas personalized. At tulad ng maraming mag-asawa, ito na ang naging susunod nilang malaking adventure—at pagsubok.“Palitan na natin ‘tong tiles sa kitchen, Lex. Gusto mo ’yung white marble-look diba?” tanong ni Ralph habang nakatitig sa online catalog.“Yes! Tapos open shelving sa itaas. Ayoko na ng mga heavy cabinets. Parang mas airy ‘yung ganun.”“Ay. Pero san ko ilalagay ‘yung coffee mugs ko?”“Ano ba, Ralph, aesthetic muna bago mugs,” nakangiting sagot ni Alexis.Unang araw pa lang ng renovation, chaos agad ang eksena. Sa umaga, dumating ang mga manggagawa bitbit ang mga kahoy, tiles, pintura, at power tools. Si Anjo, abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan ang mga bagong “laruan.”“Mommy, may robot ba sila?” tanong ng bata habang hawak ang l
Sa wakas, natupad din ang isa sa matagal nang pinapangarap nina Ralph at Alexis—ang magkaroon ng sarili nilang shared workspace sa bagong bahay. Isang sulok sa itaas na palapag, malapit sa isang malaking bintana kung saan may liwanag ng araw, ang napili nilang gawing opisina. Tahimik, presko, at may magandang view ng hardin. Tamang-tama para sa mga araw na kailangang magtrabaho pero nais pa ring magkasama.Pareho silang excited.“Ano sa tingin mo? White walls with wood accents?” mungkahi ni Alexis habang hawak ang tablet at pinapakita ang mood board niya.“Teka, hindi ba mas maganda ’yung dark wood with green tones? Para mas masculine naman nang konti,” sagot ni Ralph habang abala sa sukat ng mesa na binabalak niyang i-DIY.Napakunot ang noo ni Alexis. “Eh paano ’yung aesthetic design ng buong bahay? Parang hindi bagay.”“Exactly. Para at least dito man lang, may contrast,” may lambing na ngiti si Ralph pero halatang gusto niyang ipaglaban ang ideya niya.Nagkatitigan silang dalawa, p