Share

CHAPTER 5

Author: MissThick
last update Last Updated: 2024-01-13 12:10:45

 Chapter 5

Sa edad ng First Daugher na dalawampu, masasabing isa ito sa pinakamaganda sa buong Pilipinas. Hilera ang mga Network Company at mga brands para mag-offer ng acting contract at mga brand para i-promote niya noong di pa lumalabas ang tunay niyang ugali ngunit nang nalaman ng midya ang kamalditahan at kasupladahan nito ay biglang nag-atrasan. Malakas na panghila nito ang maamo at maganda nitong mukha, ang parang nililok na kaseksihan at ang maputi at makinis na kutis ngunit kung magsalita na ito at kumilos, swertehan na lang kung hindi ka mamalditahan.

Dahil nasa labas ng toilet ang salamin at faucet ay nagpang-abot sila doon habang pinapatuyo nito ang katiting na natapunan ng kape sa dulo ng dress niya samantalang nang pagmasdan ni Daniel ang natapong kape sa suot niya ay halos kalahati na nito ang kulay lupa na naikalat sa putim-puti niyang longsleeve.

"Sinusundan mo ba ako?" maangas na tanong ng anak ng Presidente habang hinuhubad ni Daniel ang kaniyang puting longsleeve para patuyuin din sana.

Minabuti niyang hindi na lang sagutin ang walang kuwentang tanong ng First Daughter.

Itinapat niya sa faucet ang bahaging natapunan ng kape na longsleeve niya at sinubukan niyang kuskusin. Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang mainit-init na braso ng First Daughter na nakalapat sa braso niya. Mukhang nang-iinis. Dahil nahihiya siya ay siya na ang umiwas. Kung bakit kasi walang faucet at salamin sa loob ng CR ng mga lalaki at kahit sa CR ng mga babae kaya tuloy nagpang-abot pa sila.

Nahuli pa ni Daniel ang kunot na noo at diretsuhang pagkakatitig sa kaniya ng mukhang nang-aasar na anak ng Pangulo ngunit kibit-balikat lang siyang tumalikod na lang muna. Kahit ano pa ang ipakita at maririnig niyang sasabihin nito ay hindi niya ito papatulan hanggang hindi magiging malinaw kung anong papel niya sa bagong trabahong iniaalok sa kaniya ng Presidente. Sa dinami-dami ng puwedeng aalukin, bakit kaya siya? May kinalaman kaya rito ang hilaw niyang father in law na General? Sana wala, kasi ayaw niyang gamitin ang connection para umangat. Sana nakita nila ang kaniyang mga achievements at iyon ang basehan kaya sa kaniya ibinibigay ang tungkuling ito.

Humarap siya sa salamin. Inisip niyang baka tapos na ang First Daughter. Hindi siya maaring mahuli sa appointment niya sa President. Ngunit pagharap niya ay nakatingin na ang First Daughter sa kanya sa salamin. Naasiwa siya sa titig ng anak ng Presidente sa kaniyang mukha ngunit hindi na siya nagpatalo. “Babae ka lang, lalaki ako.” Naisip niya. Hindi siya yung tipong nauunang nagbababa ng tingin. Wala pang tumatalo sa kaniya sa ganoon dahil kapag siya ang unang nagbaba ng tingin, ibig sabihin kasi no'n sa kaniya, siya yung napapasuko. Inihahalintulad ni Daniel ito sa totoong buhay, kung sino ang unang sumuko, madalas iyon ang talo.

“Guwapo sa malapitan itong gagong ito.” Naisip ni Irish. Kung di lang PSG ito, paniguradong pasok siya sa gusto niya sa lalaki. Ngunit hindi. Hindi siya kailanman papatol sa isang PSG lang. Wala sa kanya yung papatol sa kung sinu-sinong guwapo lang.

“Maganda ka lang pero napakasama ng ugali mo! Bulok!” bulong ni Daniel sa sarili habang di niya iniiwas ang tingin niya kay Irish.

Kung di lang m*****a si Irish, paniguradong malapit sana siya sa puso ng mga Pilipino. Madalas kasing ikinokonekta ng mga Pilipino sa hitsura ang kagandahan ng ugali. Pasok na pasok sana siya kung di lang umaalingasaw ang sama ng ugali. At tama si Daniel, ilang saglit lang ay anak ng Presidente ang unang yumuko habang matagal siyang nakipagtitigan dito. Hindi lang yumuko, tuluyan na rin siyang tinalikuran.

Isinuot na ni Daniel ang natuyong longsleeve habang nakatalikod kay Irish.

"I think you like me kaya ganyan ka makatingin ano?" banat uli ng First Daughter sa kaniya habang inaayos niya ang kanyang dress.

Lumingon siya sa guard nito. Natawa kasi siya sa tinurang iyon ng First Daughter. Siya? Magkakagusto sa babaeng ito? Di lang pala ugali ang sira kundi pati ang ulo nito. “Hindi ako magkakagusto sa may ganyang ugali!” bulong ni Daniel sa sarili habang siya ay nakangiti.

Kilala siya ng PSG na naroon at nagbabantay sa First Daughter kaya naman sila ay pasikretong napangisi na lang. Kinamot niya ng ulo niya sabay ng pag-iling, pagkatapos ay walang imik na pinatuyo niya ang nabasa nitong damit. Isinusuot na niya ang kahit papaano ay natuyo na nang bahagya niyang longsleeve nang dumaan muli sa tabi niya ang anak ng Presidente at pasadya muli sana siyang bungguin sa balikat ngunit sa pagkakataong iyon, ginamit na niya ang talas ng kaniyang mata at pakiramdam kaya nang buong lakas sanang bungguin siya ay nakaiwas siya agad. Tuluyang nawalang ng panimbang ang First daughter at halos mapasubsob ito sa sahig.

Hindi niya napigilan ang sarili na tumawa. Mabilis na tumayo ang First Daughter at nilapitan niya si Daniel sabay ang paghablot nito sa kaniyang kuwelyo.

" Are you laughing at me ha?" singhal niya at nakita niyang inambaan siya ng sampal. Kalma lang si Daniel. Nakangiti pa nga siyang tumitig sa anak ng Presidente. Pang-asar lang iyon lalo. Ngising lalong magpagalit sa prinsesa ng presidente.

Padadapuin na sana ng First Daughter ang kanyang palad ngunit maagap na lumapit ang PSG para pigilan siya.

"Don't touch me!" singhal nito. "And you!" Itinuro niya si Daniel "Magkikita rin tayo sa labas at I'll make sure you'll regret hitting me!"

"Ingat na lang next time po Miss." Namumula niyang pinigilan ang sarili para hindi humagalpak ng tawa.

Kahit papaano ay alam niyang nakaganti na rin siya.

Paglabas niya sa CR ay agad na siyang sinamahan ng Staff ng Pangulo sa loob dahil siya na lang daw ang hinihintay. Nang pumasok siya ay agad niyang nabungaran ang Pangulo at ang anak niyang nakaupo patalikod sa kaniya at nakaharap sa Daddy niya.

"Good morning Sir President." Magiliw at masayahin niyang bati.

"Good morning too, Mr. Sandoval."

Hindi na binanggit ng Presidente ang kaniyang rank sa AFP at PSG dahil may usapan na sila tungkol doon ng Deputy Group Commander and Chief of Staff of the Presidential Security Group. Malinaw ang instruction sa kaniya at iyon lang ang dapat niyang sundin. Hindi rin siya sumaludo sa kanilang Commander in Chief para maiwasan ang pagdududa ng kaniyang anak. Nakipagkamay siya sa pangulo.

"Mr. Sandoval, this is my only daughter, Irish. Irish anak, this is Mr. Sandoval. He'll be in charge of you."

"Ikaw?" galit na singhal nito.

Itinaas ni Daniel ang kaniyang palad para kamayan si Irish ngunit hindi ito tinanggap ng huli.

"Dad! Is this a sort of joke?"

"What joke? Mr. Sandoval here will supervise you in your immersion. We talked about this the other day. He wil be in charged of you and when the immersion is done, puwede mo nang gawin lahat ang gusto mong gawin."

"But Dad, dito talaga sa taong ito? Siya ang magiging kasama ko sa kung saang lupalop ng Pilipinas ninyo ako ipapatapon?"

"Look, when you asked me na walang PSG na bubuntot-buntot sa'yo sa immersion mo, pumayag naman ako. Kaya nga, pinakiusapan ko si Mr. Sandoval na samahan ka at tulungan sa immersion mo. Kung ano ang magiging final evaluation niya sa'yo, that's the only acceptable assessment that I would consider para maging free ka na. Kaya kung ano ang ipagagawa niya ay kailangan mong gawin pero kung susuway ka, lalong hahaba ang immersion. Irish, hanggang hindi mo nagawang maayos ang pakikitungo mo sa ibang tao at tulungan sila sa mga pang-araw araw nilang gawain, then you will stay there. Remember, nakadepende kay Mr. Sandoval at mga magsasakang makakahalu-bilo mo ang freedom na hinihingi mo sa akin. Kung sakaling magiging positive ang result nito, you can stay in the US as long as you want."

"Dad, not to him.”

"Why not?"

“Hindi ko kayang pakisamahan ang katulad niya! Are you okey that, that man might even take advantage of me. Mukha kayang manyak ‘yan. " tumaas ang boses nito.

“Kung hindi siya sino? Anong ayaw mo kay Mr. Sandoval?”

"Basta!"

"Basta? You know that I am not considering "basta" as a good justification. Bakit ba parang galit ka kay Mr. Sandoval?"

"Sir, excuse me. Ako na lang ho ang magsasabi." Paghingi ni Daniel ng pagkakataong magpaliwanag.

"Yes, Mr. Sandoval. Anong bang nangyari?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 100

    CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 99

    CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 98

    CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 97

    Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 96

    "Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 95

    Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status