CHAPTER 4
Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Iyon lang naman kasi ang tanging nagagawa niya hanggang ngayon. Sa tuwing naaalala niya kasi ang nangyaring iyon ay nailalabas lang niya ang galit sa pamamagitan ng pagluha. Daman-dama kasi niya yung sakit na kung sino pa ang sana ay aasahan niyang kadugo na siyang tutulong sa kaniya sa mga oras na nasa kagipitan siya ay sila pa yung bumaboy at umalipusta sa kaniya.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang ilabas ang poot sa dibdib. Ito na siya, ibang-iba na. Malayo na ang natahak niyang landas. Kailangan na sana niyang kalimutan ang mapait na mga nakaraan.
Dahan-dahan na niyang inilagay ang butones ng kaniyang longsleeve. Nang maitali niya ang kaniyang necktie at nasuklay ang buhok ay nagwisik na siya ng mamahaling pabango na regalo sa kaniya ni Janna. Muli niyang binuksan ang aparador niya at kinuha ang isa sa mga suits niya. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin and that's it. He's ready to go!
Ganoon siguro talaga kung likas ang kaguwapuhan. Walang arte sa mukha at katawan. Paglabas niya ng bahay ay sumakay na siya sa kaniyang kotse. Sinipat niya ang pambisig niyang orasan. Kung hindi siya maiipit sa biyahe ay siguradong mas maaga pa siya sa talagang usapan.
Nang natapat siya sa traffic light ay binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kotse. Natawa siya sa sarili nang ginawa niya iyon. Muli niyang isinara. Sa trabaho niya bilang PSG ng halos tatlong taon na ay parang kinasanayan na kasi niyang gawin iyon sa tuwing humihinto ang kanilang sinasakyan para laging handa at mabilis na makalabas para maprotektahan ang Pangulo ng Pilipinas. Dahil sa bilis ng kilos niya, talas ng mata at isip at pagmamahal sa bayan, siya ang kinausap ng Commanding Officer niya. Malaki ang respeto at utang na loob niya sa kanilang Deputy Group Commander kaya kahit ano ang hilingin nito ay hindi niya basta-basta mahihindian. Kaya nga nang sinabihan siya sa bago niyang assignment kahapon ay walang kahit anong pagtanggi. Kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang tawag ng tungkulin.
Nang nakarating siya sa Malakanyang ay nagdesisyon siyang dumiretso na lang sa Premier Guest House. Mahuhuli na siya sa appointment niya dahil inabutan pa rin siya ng traffic kahit akala niya kanina ay napaaga pa ang alis niya sa kaniyang bahay. Ang Pangulo ng Pilipinas ang sadya niya nang umagang iyon. Ang dati ay isang alila, naglilinis sa mga kulungan ng baboy at boy sa isang carinderia, ngayon ay haharap sa Pangulo ng Pilipinas para sa isang trabahong may kinalaman sa anak nito.
Dumiretso na muna siya sa reception para i-confirm ang kaniyang appointment at kung puwede na ba siyang pumasok sa Office of the President ngunit sinabi ng staff na kailangan lang niya munang umupo at maghintay ng ilan pang sandali dahil hindi pa natatapos ang naunang meeting. Pagkaatras niya para tunguhin ang mga bakanteng upuan ay naramdaman niyang may nabangga siya.
"I'm sorry..." simpleng paghingi niya ng tawad sa hindi niya napansing dadaan sa likod niya ngunit hindi simpleng tao lang ang nabangga niyang iyon at hindi rin lang simpleng bangga ang nangyari dahil nakita niyang natapon nang bahagya ang kahit may takip na kape galing sa mamahaling kapehan na hawak ng First Daughter ay natapunan nang bahagya ang puti nitong dress.
Mabilis niyang inilabas ang panyo niya sa bulsa para punusan ang kapeng iyon na tumapon sa damit ng alam ng lahat na malditang na anak ng pangulo.
"I'm sorry ma’am, hindi ko ho sinasadya. Sorry talaga." Sunud-sunod niya sinabi iyon bilang paghingi ng paumanhin.
Bago mailapat ni Daniel ang kaniyang panyo sa puting dress ng maputi, maganda, sopistikada at seksing first daughter ay mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Tuluyan nang binuksan ng First Daughter ang bahagyang bukas na take-out cup na kape na hawak niya saka niya mabilis na isinaboy din sa damit ni Daniel.
Nagulat siya sa sumunod na nangyaring iyon. Tumulo ang mainit na kape hanggang sa kaniyang pantalon at halos mapaso siya sa init ng kape na dumikit sa kaniyang katawan. Napakagat labi siya sa poot ngunit ano nga bang magagawa niya kundi pigilan ang sariling magalit. Alam niyang palaban at may kagaspangan ang ugali ng laki sa layaw na anak ng Presidente ngunit hindi niya lang napaghandaan na kaya niyang gawin iyon ng harap-harapan sa mismong office ng nirerespeto ng lahat na Daddy niya.
Bago mailapat ni Daniel ang kaniyang panyo sa puting dress ng maputi, maganda, sopistikada at seksing first daughter ay mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Tuluyan nang binuksan ng First Daughter ang bahagyang bukas na take-out cup na kape na hawak niya saka niya mabilis na isinaboy din sa damit ni Daniel.
Nagulat siya sa sumunod na nangyaring iyon. Tumulo ang mainit na kape hanggang sa kaniyang pantalon at halos mapaso siya sa init ng kape na dumikit sa kaniyang katawan. Napakagat labi siya sa poot ngunit ano nga bang magagawa niya kundi pigilan ang sariling magalit. Alam niyang palaban at may kagaspangan ang ugali ng laki sa layaw na anak ng Presidente ngunit hindi niya lang napaghandaan na kaya niyang gawin iyon ng harap-harapan sa mismong office ng nirerespeto ng lahat na Daddy niya.
"Okey, that's it. Paano patas na?" nakataas ang kilay ng First Daughter.
"Hindi ko ho sinadya yung pagkabangga ko sa inyo, ma’am."
"Ma’am? Mukha ba akong titser mo?
"Yes, Miss. Sorry Ma’am ay Miss pala,” halatang nauutal pa siya. “Sorry po.”
“Sorry? But just the same, natapunan mo pa rin ang damit ko, right? So what’s the difference if you say sorry?"
“Hindi ko ho kasi sadya yung sa nangyari Miss. Sa inyo kasi…”
"In that case, I just can't accept a simple sorry, kaya para patas, dapat maramdaman mo rin yung naramdaman kong natapunan ng kape ang damit." sarkastik niyang tinanggal ang salamin nito. Lalong lumabas ang kagandahan ng mukhang inosente ngunit halimaw na ugali ng First Daughter. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ng nagulat na si Daniel. Napalunok si Daniel. Huli na para ilayo sana niya ang kaniyang mukha dahil narinig niya ang bulong nito.
"Kung may reklamo ka, you can just hit me. Okey lang, pero hindi ako basta-basta di gaganti. Hihigitan ko ang lahat ng gagawin mo sa akin. And you will be fired for sure." m*****a nitong bulong.
Naamoy ni Daniel ang amoy-alak na hininga ng babae na kung titignan ay aakalain ng lahat na isa itong napakabait at santang dalaga.”
"Hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan ang ganda ng isang tao," naisip ni Daniel, "Hindi Miss. Hindi ako gano'n. Hindi ako nanakit. Kung gano'n kayo, iba ako." sagot ni Daniel sa ibinulong sa kaniya kanina ng First Daughter. "Marunong akong rumespeto ng tao. Mas mataas man o mas mababa sa akin. Nirerespeto ko ho kayo Miss, hindi dahil mas mataas kayo sa akin kundi bilang isang disente at sa tingin ko ay may pinag-aralang tao. Ngunit Miss, tulad ng pasensiya, nauubos rin ang respeto. Kaya kung gusto niyang manatili ang respeto ng iba sa inyo, sana kahit katiting magkaroon rin kayo no'n sa mga taong mas malayong mababa ang estado ng buhay sa inyo. Tao pa rin ho kayo, kagaya namin." Makahulugan niya iyong tinuran. Yumuko siya at pinagmasdan ang basa sa kape na kasuotan.
Hindi sumagot ang anak ng Presidente ngunit ngumiti ng nakakainis, binangga siya sa balikat sabay lingon nang may kasabay na nakakapikon at sarkastik na, “Opps sorry.”
Huminga siya ng malalim, kailangan niyang pigilan ang kanina pa ay nagpupuyos niyang damdamin.
"May tissue kayo Ma'am?" tanong niya sa staff ng President.
"Here.” Inabot ng staff ang isnag box ng tissue. “Hindi pa naman tapos ang Presidente sa kausap niya kaya doon ka na lang sa CR maglinis ng katawan. Pasensiyahan mo na ang anak ng Presidente. Sakit ng ulo talaga 'yan sa pamilya at hindi na nila alam kung paano nila 'yan mapapatino."
"Okey lang ho 'yun. Ilang taon na rin akong nagsisilbi sa Pangulo bilang PSG kaya hindi na bago sa akin na ganoon nga talaga ang ugali nu'n." sagot niya. "Sige ho, bibilisan ko na lang na punasan at kahit patuyuin ng bahagya ang suot ko sa CR."
Nakita niya ang isang PSG sa labas ng CR ng mga babae. Paniguradong naroon sa loob ang anak ng Presidente. Ngunit hindi siya umiiwas kailanman sa anak ng President. Wala sa ugali niya ang umatras dahil sa hiya o takot.
Pagkapasok niya sa CR ay nagpalit na lang siya agad. Titiisin niya muna ang kamalditahan ng anak ng Presidente. May oras din ito. Siya rin ang luluhod sa kanya. Konting panahon na lamang, siya na rin ang boss. “Tignan lang natin kung sino ang luluhod sa ating dalawa,” bulong niya sa kanyang sarili.
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan