LOGINMaagang nagising si Cecily kinabukasan. Pagbaba niya sa lobby, agad siyang nilapitan ng property manager para iulat ang kinalabasan ng kaguluhan kagabi.
"Miss Whitman, humihingi po kami ng paumanhin. Isang malaking pagkakamali lang po ang nangyari. Ang lalaki po kagabi ay ang ex-husband ng may-ari ng unit 1703 sa itaas. Lasing po siya at nagkamali ng palapag, kaya po kayo ang naabala."
"Ex-husband ni Siera?"
Napatigil si Cecily. S
Inasahan na ni Cecily na ganito ang magiging reaksyon ng kaniyang tiyahin. Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi; alam niyang malalaman din naman nito ang totoo balang araw, kaya mas mabuting sabihin na niya ang lahat ngayon. Lalo na’t nagsisimula na si Linus sa pag-aayos ng hatian ng kanilang mga ari-arian. Hindi na magtatagal at kailangan na nilang harapin ang pormal na proseso ng divorce."Auntie, pinag-isipan ko na po itong mabuti. Pumayag na rin si Linus. Kasalukuyan na kaming sumasailalim sa mga procedure—"Hindi pa natatapos ni Cecily ang kaniyang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Napahawak siya sa kaniyang namamanhid na mukha at tumingin sa kaniyang tiyahin nang may gulat."Auntie...""Huwag mo akong tawaging Auntie!" Matalas at matinis ang boses ni Celsa. Siya, na laging kilala sa pagiging elegante at mahinhin, ay nanginginig ngayon sa tindi ng
Napairap na lang si Cecily at walang nagawang pinaandar ang kotse. Kung ang isang tao ay kayang manatiling walang kinalaman sa pait ng mundo habang buhay, hindi ba’t isang uri rin iyon ng kaligayahan? Ignorance is bliss, ika nga.Pero hindi siya ganoon; kailangan niyang mabuhay nang dilat ang mga mata.Pagparada ng sasakyan sa tapat ng Rosewood Hotel, hindi na hinayaan ni Cecily na lamunin siya ng pag-aalinlangan. Diretsahan niyang binitiwan ang mga salitang babasag sa katahimikan."Tita, maghihiwalay na kami ni Linus."-Nang bumalik si Linus sa kumpanya, naroon na rin si Siera sa kaniyang opisina. Napansin ni Linus ang tila matamlay na aura ng dalaga kaya agad itong lumapit nang may pag-aalala."Anong problema?"Nag-angat ng tingin si Siera, tila may sasabihin pero agad ding nagbawi ng tingin at nanahimik. "Huwag na lang, baka makaape
Hindi pa kailanman ginamit ni Cecily ang card na ito.Ngunit habang iniisip niya ang kawalang-hiyaan ni Linus, ay kumulo ang kaniyang dugo. Dapat lang na pera niya ang pambili sa cheongsam na ito, saisip ni Cecily. Ituring na lang niya iyon na kabayaran sa pambabastos niya sa kaniya.Ibinigay ni Cecily ang black card sa staff.Agad na natahimik ang paligid. Kilala ng lahat ang card na iyon; para lamang iyon sa mga top VIP ng Shaw Bank. Bakas ang inggit at poot sa mga mata ni Siera. Kailangan na niyang mapilit si Linus na hiwalayan ang babaeng ito sa lalong madaling panahon. Hindi niya matanggap na ibinibida pa rin ni Cecily ang titulong "Mrs. Shaw" sa publiko.Maya-maya, bumalik ang staff na bakas ang pag-aalinlangan."Ma'am, frozen po ang card niyo."Tiningnan ni Cecily ang card. Sa halip na mapahiya, napangisi siya sa inis. Galing mo talaga, Linus!
Hindi sapat ang pagiging mabaít at maalaga sa mundo ng akademya. Kumpiyansa si Siera na pagdating sa talino at kakayahan, madali niyang mapatataob si Cecily. Ngunit may iba siyang plano, nais niyang malaman ni Linus ang lahat.Para lang makapasa sa doctoral entrance exam, nagawa ni Cecily na maging katulong ng isang propesor? Sa isip ni Siera, kung malalaman ni Linus ang ganitong klaseng pagpapababa ng sarili ng kaniyang asawa, siguradong hindi ito papayag. Isang kahihiyan ito para sa mga Shaw.Agad na nagtungo si Siera sa kumpanya ni Linus."Linus, narito na ako sa lobby niyo," masuyong sabi niya sa cellphone.Maya-maya pa, tumunog ang telepono sa front desk. Mabilis na kumilos ang receptionist matapos makuha ang utos mula sa sekretarya. "Ms. Jung, wala po ang President sa kumpanya ngayon. Pero maaari na raw po kayong tumuloy sa kaniyang opisina gamit ang private elevator. Doon niyo na lang p
"Sa tingin ko, hindi panahon ang may problema," panunukso ni Prof. Halili habang nakatitig sa kalaro. "Sadyang may dumating lang na mas nakakaakit sa atensyon mo kaya hindi ka na makatira sa chess!""Anong nakakaakit ang sinasabi mo riyan?" depensa ng matanda, bagaman namumula ang mga pisngi. "Kahit kailan talaga, dala-dala mo ang pagkapormal mo mula pagkabata! Bahala ka nga riyan!"Iniwan niya ang kalaro at naglakad palapit kay Prof. Alonso."Hoy, Alonso! Narito na ba ulit ang estudyante mong si Cecily? Anong masarap na niluluto niyo ngayon?"Ngumiti si Prof. Alonso. "Coconut chicken! Paakyat na kami para kumain oras na maluto 'yon."Nang marinig ang tungkol sa pagkain, hindi na rin nakatiis si Prof. Cortes at tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan."Napakahusay talaga ng estudyante mo, Alonso. Parang sarili mo na siyang anak kung mag-alaga!"
"Nasa isa sa mga pinaka-prestihiyosong bahagi ng Greenwood ang Casimiro," panimula ni Charlie, habang marahang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na kalsada. "Hindi na kataka-takang marami ang nagkakainteres dito."Tumanaw si Cecily sa bintana, tila malayo ang iniisip. "Pinili ko ang bahay na 'to dahil sa lokasyon nito. Pero ngayon, nakasanayan ko na ang buhay dito. Wala akong balak ibenta 'to kahit kanino. Hindi ko lang talaga maintindihan kung sino ang ganito kapursigidong makuha ang property ko."Dahan-dahang pumasok ang sasakyan sa garahe at huminto. Pinatay ni Charlie ang makina, ngunit nanatiling mabigat ang hangin sa loob.“Ang mga taong nagtatangkang bumili rito ay isa lamang sa dalawa, kung hindi sobrang yaman, sobrang makapangyarihan,” seryosong saad ni Charlie, ang boses ay may bahid ng pag-aalala. “Bilang babae, hindi makabubuting ikaw ang direktang makiharap sa kanila. Ano kaya kung ako na







