Chapter: Chapter 11: Patterns of absenceAng unang tawag mula sa daycare ay hindi agad binigyan ng bigat ni Linus.Abala siya sa isang meeting nang ipasa ng sekretarya ang mensahe mula sa St. Bridgette’s Academy. Maikli lamang ang nakasulat: nais siyang makausap ng adviser ni Mara tungkol sa “recent changes in behavior.” Hindi iyon emergency. Walang salitang “urgent” kaya ipinagpatuloy niya ang diskusyon tungkol sa expansion proposal na mas matagal nang naka-schedule kaysa sa anumang concern ng isang daycare.Tinawagan niya ang adviser makalipas ang dalawang oras, sa pagitan ng dalawang appointment.“Hindi naman po siya pasaway, Mr. Shaw,” maingat na paliwanag ng guro. “Pero tila hindi siya makapag-focus. Hindi siya sumasagot kapag tinatawag. At may mga pagkakataong hindi niya ipinapasa ang requirements niya.”Saglit siyang natahimik bago sumagot. “May problema ba sa klase?”“Wala naman po. Pero may mga pagbabago po ba sa bahay?”Hindi agad niya sinagot ang tanong. Sa halip, sinabi niyang kakausapin niya ang anak at babalika
Last Updated: 2026-03-04
Chapter: Chapter 10: What she didn't expectMay isa pang bahagi ng report na mas lalo niyang pinagtuunan ng pansin.Educational registration.Graduate-level enrollment inquiry.Application fee payments.Research grant submissions.Naitikom niya ang labi habang binabasa ang mga detalye. Hindi niya akalaing bumalik ito sa pag-aaral nang hindi niya alam. Hindi niya akalaing naghahanda ito para sa sariling career path na walang kaugnayan sa Shaw Group.Doon niya napagtanto na hindi divorce ang pinaghandaan ni Cecily kung hindi ang pagbawi ng buhay na naipagkait sa sarili nang matali ito sa kanya.Sa loob ng limang taon, inakala niyang ang mundo ni Cecily ay umiikot sa bahay, sa mga social functions, at sa pagpapalaki kay Mara kapag nasa bahay ito. Hindi niya nakita ang unti-unting pagbuo nito ng sariling sistema ng kanyang seguridad.Hindi niya naramdaman ang paglayo nito.May bahagi sa kanya na gustong ipatawag si Julie at mag-utos na bantayan ang bawat galaw ni Cecily. Kayang-kaya niya iyon. Isang tawag lamang at may team na susu
Last Updated: 2026-03-03
Chapter: Chapter 9: What she left behindHindi agad pinansin ni Linus ang ideyang imbestigahan si Cecily.Sa unang dalawang araw matapos makumpirma ng legal team na filed na ang divorce petition, pinili niyang ituon ang sarili sa trabaho. May board review. May foreign investors na kailangang kausapin. May dalawang subsidiaries na kailangang i-restructure. On the surface, everything remained efficient, stable, controlled.Pero sa kabila ng pagiging sistematiko ng araw niya, may bahagyang pagbabago sa ritmo ng pag-iisip niya. Kapag natatapos ang meeting at nagiging tahimik ang opisina, bumabalik sa kanya ang parehong tanong.How prepared was she?Hindi dahil sa gusto niyang pigilan ang divorce. Hindi pa niya inaamin sa sarili na may bahagi sa kanya na gustong pigilan iyon. Ang mas malinaw sa kanya ay ang pangangailangan na maintindihan ang galaw nito. Hindi siya sanay na may nangyayaring hakbang sa paligid niya na hindi niya alam ang pinanggalingan.Cecily was never impulsive. Kahit noong una silang magpakasal, she adjusted mo
Last Updated: 2026-03-03
Chapter: Chapter 8: The ConfirmationHindi agad nagbago ang takbo ng araw ni Linus matapos niyang mabasa ang divorce papers.Kung may isang bagay na kilala sa kanya, iyon ay ang kakayahan niyang huwag magpakita ng reaksyon. Sa loob ng maraming taon sa negosyo, natutunan niyang huwag magpadala sa emosyon, hindi sa harap ng board, hindi sa harap ng competitors, at lalong hindi sa harap ng mga taong umaasang matitinag siya.Kaya matapos niyang isara ang itim na envelope at itabi iyon sa gilid ng mesa, ipinagpatuloy niya ang pagpirma sa mga dokumentong nakasalansan sa harap niya. Quarterly approvals. Investment confirmations. Expansion permits.Everything continued as scheduled.Ngunit kahit patuloy ang galaw ng kamay niya, hindi umalis sa isip niya ang nilalaman ng papel.Petition for Dissolution of Marriage.Hindi siya agad naniwala.Cecily had endured five years without confrontation. Without scandal. Without ultimatum.Hindi siya ang tipo ng babaeng gagawa ng ganitong hakbang nang walang dahilan. At kung mayroon man, hin
Last Updated: 2026-03-02
Chapter: Chapter 7: That black envelopePagkaalis ni Ford, muling natahimik ang bahay.Dahan-dahan siyang umupo sa sofa kung saan kanina lang ay nakalapag ang divorce papers. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong umakyat sa lalamunan niya.Isang impit na bulong ang narinig niyang sinasambit ng utak niya.Handa ba talaga siya?It was a reckless move, she admits. But is it still reckless when it was rooted from years of what she endured?Tiniis niya ang pagmamaliit. Ang pagturing sa kanya bilang mas mababa pa sa isang tauhan sa sarili niyang tahanan. Ang pagkuha ng kalayaan niya — all for the reason of saving her family’s business.She was against it at first.Looking back, she didn’t like Linus.A known womanizer. Cold. Calculating. Already with a daughter before he even became her husband. But being
Last Updated: 2026-03-01
Chapter: Chapter 6: Divorce papersIbinaba ni Cecily ang cellphone matapos may kausapin. Tumungo siya sa sala at doon hinintay ang pagdating ng isang panauhin.Binuksan niya ang TV, hindi para manood kundi para magkaroon ng ingay sa bahay. Ang katahimikan nitong mga nakaraang linggo ay masyadong maingay — parang bawat segundo ay nagpapaalala na wala na siyang asawa, kahit hindi pa opisyal.Ilang minuto lang, tumunog ang doorbell.Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa pinto.“That was too sudden of you to list your property for rent.” Bungad nito sa kanya nang pinagbuksan niya ito ng pinto.“I want to live with people and good morning.” Sagot naman ni Cecily, bahagyang nakataas ang kilay. “Ikaw lang ang kaibigan ko, at ayoko ng tsismis. I’m still not divorced.”“As if I would like to live with you. Me? Ford Newman? Masyado ka yatang natutulog ngayong bumukod ka na, Cecily, my friend.”“Weirdo.”
Last Updated: 2026-03-01

The Billionaire's Return
Si Lia Cruz ay isang pangalang kayang patahimikin ang buong fashion industry—isang babaeng binuo ang sariling mundo mula sa talento, disiplina, at katahimikan. Matapos ang isang masakit na diborsyo, iniwan niya hindi lang ang isang lalaki, kundi ang buhay na unti-unting kumain sa kanya. Akala niya, ang pag-alis ay sapat na para maging malaya. Akala niya, tapos na ang lahat.
Si Adrian Serano ay hindi sanay matalo. Isang makapangyarihang billionaire CEO, sanay sa kontrol, at pag-angkin. Para sa kanya, ang pagkawala ni Lia ay hindi wakas—isa lamang itong pagkaantala. Ang mga bagay na minsan nang naging kanya ay hindi niya hinahayaang manatiling alaala lamang.
“I want you to be mine again—this time, you’ll live by my rules.”
Sa pagbabalik ni Adrian, muling nagising ang mundong pilit tinakasan ni Lia. Hindi ito paghingi ng tawad. Isa itong pagbabalik na may layunin. Handa siyang gamitin ang kapangyarihan, impluwensya, at ang sariling dilim na matagal niyang itinago upang bawiin ang babaeng minsan niyang nawala—at igapos muli ang mundong pinili nitong talikuran.
Isang laban kung saan ang pagmamahal ay muling aangkinin, o tuluyang malulunod sa galit at tensyong matagal nang namuo—mga sugat na hindi na kailanman maibabalik.
Read
Chapter: CHAPTER 13Lumipas ang halos ilang oras bago tuluyang naayos ang shipment issue. Nakuha pa ng courier ang box at ibinalik sa studio. Habang inaayos ang tamang lining, napansin ni Lia na wala si Mina sa main floor.May kakaibang katahimikan sa pantry area nang madako siya. Paglapit niya roon, sa may bandang fire exit ay narinig niya ang mahinang hikbi.Hindi siya agad pumasok. Hinayaan muna niyang makapaglabas ng sama ng loob ang bata. Pagkatapos ay kumatok siya nang marahan.“Mina?”Bumukas ang pinto at agad nagpunas ng luha ang intern. “Sorry po, ma’am.”“Halika,” sabi ni Lia, tinuturo ang isang hakbang ng hagdan.Umupo sila at hindi pa rin makatingin sa kanya si Mina.“I know I should be strict with you,” panimula ni Lia, hindi malamig ang tono. “At may dahilan kung bakit mataas ang standards dito. Pero things do go south sometimes. Hindi lahat ng pagkakamali ay katumbas ng katapusan.
Last Updated: 2026-03-04
Chapter: CHAPTER 12Sanay na si Lia sa ingay ng atelier tuwing umaga. Hindi ito iyong magulong ingay na walang direksyon, kundi iyong klase ng tunog na may ritmo ng gunting na tumatama sa mesa, makina ng pantahi na sabay-sabay umaandar, mahinang diskusyon tungkol sa adjustments ng hemline o neckline. Ito ang mundo niya. Structured. Kontrolado. May sistema. At siya ang sentro ng sistemang iyon.Pagpasok pa lang niya, may hawak na siyang tablet kung saan nakaayos ang schedule ng kanyang buong araw. May fitting sa alas-diyes para sa isang bride na perfectionist. May tawag sa supplier bago magtanghali. May revision ng tatlong evening gowns para sa trunk show sa susunod na linggo. Hindi siya dramatic sa trabaho; hindi siya ‘yung designer na naglalakad na parang nasa runway. Tahimik siyang kumikilos, pero bawat staff alam kung kailan seryoso ang sitwasyon batay sa paraan ng pagtingin niya.Hindi pa man siya nakakaupo nang tuluyan, napansin na niya ang kakaibang tensyon sa paligid. Hindi siya sumigaw para magt
Last Updated: 2026-03-03
Chapter: CHAPTER 11Hindi agad nawala sa isip ni Lia ang amoy ng silk.Pagkatapos niyang ibalik ang kahon kay Adrian, inakala niyang matatapos na roon ang usapin. Ngunit may isang maliit na piraso ng tela na naiwan sa studio. Iisang sample na hindi na naisama sa kahon dahil ginamit iyon ng isa sa mga assistant para i-compare ang texture. Hindi niya iyon pinapansin sa unang dalawang araw lalo na at abala siya sa fittings, sa revisions, sa pakikipag-usap sa buyers na gustong bawasan ang presyo ngunit hindi ang standards.Ngunit sa ikatlong gabi, nang siya na lamang ang natira sa atelier, napansin niya ito.Tahimik ang buong palapag. Ang ilaw sa loob ay mas malambot kapag gabi, mas dilaw, mas pribado. Iba ang tunog ng silid kapag wala ang mga makina at wala ang mga tao, mas malinaw ang bawat hakbang, bawat paggalaw ng tela sa mesa.Lumapit siya sa cutting table upang ayusin ang mga naiwan na pattern. Doon niya nakita ang piraso ng silk, nakapatong sa gilid, bahagyang nakalaylay.Hinawakan niya iyon upang it
Last Updated: 2026-03-02
Chapter: CHAPTER 10Hindi agad ibinalik ni Lia ang sutla, at hindi rin niya ito itinago. Nanatili ang kahon sa sulok ng studio niya sa loob ng ilang araw, parang isang tahimik na bisita na walang balak umalis. Tuwing papasok siya sa atelier, una niyang napapansin ang natural na liwanag na dumadaan sa malalaking bintana, ang mga rack ng sample pieces, ang mga pattern na nakasabit sa corkboard—at pagkatapos noon, ang kahon.Hindi niya ito kailangang hawakan para maalala kung sino ang nagpadala.Sa tuwing nag-iisa siya sa studio sa gabi, doon nagiging mas malinaw ang presensya nito. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alaala. May mga bagay na kahit gaano mo pa kalalim ilibing, babalik kapag tahimik na ang paligid, kapag maayos na ang lahat. Isang gabi, hindi niya napigilan. Lumapit siya, umupo sa harap ng kahon, at dahan-dahang binuksan iyon.Kumikislap pa rin ang sutla sa ilalim ng ilaw. Maingat ang pagkakatupi, halos parang hindi hinawakan ng ibang kamay.She sho
Last Updated: 2026-03-01
Chapter: CHAPTER 9 Hindi siya ngumiti nang binuksan ni Lia ang kahon.Ang liwanag mula sa monitor ang tanging gumagalaw sa madilim niyang opisina—repleksyon ng studio ni Lia sa kanyang mga mata. Muted ang interior, malamlam ang kulay ng dingding, malinis ang anggulo ng kuha. Presisyonado ang pagkaka-install ng camera. Bahagi iyon ng isang building-wide security upgrade.Legal. Diskreto. Hindi agaw-pansin.Isang sistemang siya mismo ang nagpatupad.Gaya ng gusto niya.Gaya ng kailangan niya.Tahimik siyang nakatingin habang hinihiwa ni Lia ang tape sa gilid ng kahon. Mabagal ang kilos nito—hindi dahil nag-aatubili, kundi dahil sanay itong hindi nagpapadala sa padalos-dalos na emosyon.Hindi siya interesado sa laman ng kahon.Interesado siya sa pagitan ng mga segundo.Sa paghinto.Kilala niya si Lia. Kapag may kutob ito, hindi agad kikilos. Hindi agad magtatanong. Susuriin muna ang espasyo, ang posibilidad, ang panganib. T
Last Updated: 2026-03-01
Chapter: CHAPTER 8Dumating ang kargamento sa oras na hindi inaasahan.Hindi sa simula ng araw o sa patapos na sanang oras ng trabaho, kung hindi sa kalagitnaan ng araw habang ang mga tao'y nagpapasya kung manananghalian ba o tatapusin muna ang mga tinahi, ginunting, o trabahong kanilang nasimulan.Isang sandaling walang dapat gumambala dahil nasa importanteng parte sila ng araw.Ngunit may dumating, at biglang gumulo sa normal na Sistema ng araw na iyon.“Ma’am Lia?”Napalingon siya mula sa mesa ng kanyang mga sketch, ang lapis ay nakabitin sa ere, ang ideya niya'y biglang naputol. Nakatayo sa pintuan si Mara, ang kaniyang assistant, hawak ang clipboard at may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha.“May dumating po para sa inyo.”Isang kahon ang kasunod nito-malaki, maingat na binalot, at may mga selyo ng customs clearance sa gilid. Hindi ito ordinaryong padala. Masyado itong pulido. “May pangalan ba?” tanong ni Lia habang lumalapit.Umiling si Mara. “Wala po. Walang sender. Walang note. Pero rare import
Last Updated: 2026-02-12