Pagkalipas ng isang oras, huminto ang sasakyan ni Julia sa harap ng mansyon ng Rodriguez Family. Bumaba si Skylar, suot ang sampung pulgadang high heels.Ang boxing champion na si Jun, na matagal nang naghihintay ay bumati sa kanya ng magalang. "Miss Skylar," saka pinindot ang doorbell ng mansyon."Andiyan na! Andiyan na! Tama na ang pagpindot, ang ingay!"Naabala ang Rodriguez Family sa ingay ng doorbell. Nang makita nilang si Skylar ang nasa labas, para silang nakakita ng multo. Agad silang tumakbo papasok sa bahay, sumisigaw, "Naku po! Sir, Ma'am! Dinala ni Skylar ang mga tao niya para patayin tayo!"Narinig ito ni Yannie at agad siyang sumimangot. Kinuha nito ang kutsilyo sa mesa at dali-daling tumakbo palabas.Natakot si Philip na baka makapatay si Yannie sa sobrang galit kaya sumigaw siya sa mga kasambahay, "Pigilan niyo siya!"Mabilis na lumapit ang mga kasambahay at pinigilan si Yannie. Nahulog ang kutsilyo sa sahig kasabay ng paghiyaw ni Yannie, "Bitawan niyo ako! Papatayin
Chapter 70: Kayabangang may ibubuga"NOONG araw na iyon, nagpunta kami ni Yannie sa Shangri-La para kumain ng dinner tapos nag-away kami nang makita namin si Jaxon...Tinawag niya akong cheap at sinabing sinusubukan kong magpa-impress kay Jaxon. Ayon sa kanya, mas mababa ang estado at posisyon ko kaysa sa kanya na anak ng mga Rodriguez. Sa tingin niya, ang pinaka-karapat-dapat ko lang gawin ay maging tagadala ng sapatos at alila niya."Huminto sandali si Barbara, tapos nagpatuloy ang galit na boses nito sa recording. “Mula pagkabata hanggang ngayon, wala pang naglakas-loob na maliitin ako nang ganito. Kahit si Ate Audrey, hindi ako tinuring na isang alila. Sobrang galit ako kaya gusto kong iparanas kay Yannie kung paano yurakan at tapak-tapakan...” Nang marinig ang recording, naging kakaiba ang ekspresyon ng mga miyembro ng Rodriguez Family. Mahigpit na hinawakan ni Jessie ang kamay ni Philip, parang gulat na gulat siya at nanginginig na sinabi, “P-Philip, parang boses ni Barbara
“Bakit?” Kunwaring nag-isip si Skylar at hinaplos ang kanyang baba, tapos ngumiti siya kay Philip. “Dahil lang naman sa isang simpleng dahilan—dahil ako ang girlfriend ni Jaxon. At dahil willing siyang suportahan ako. Mr. Rodriguez, sapat na bang dahilan ‘yan?”"Heh..." Nangutya si Philip, puno ng panlilibak ang kanyang mga mata. "Miss Skylar, hindi ka naman kapanipaniwala kung aasa ka lang sa isang lalaki para makaangat." Tiningnan lang ni Skylar si Philip at ngumiti. "Skill din naman ang magawa mong iangat ang sarili gamit ang lalaking katulad ni Jaxon." Ang ibig sabihin nito, kung kaya ni Philip, subukan din nitong gamitin si Jaxon para makaangat. Sa isang simpleng sagot, natahimik si Philip. "Philip, tama na ang mga walang kwentang usapan. Sabihin mo sa kanya na pakawalan na si Yannie!" Ang buong atensyon ni Jessie ay nasa kung paano maisasalba si Yannie. Matapos marinig ito, seryosong nagsalita si Philip, "Mabalik tayo sa pakay mo, Miss Skylar. Sabihin mo, ano ba talaga
Chapter 71: Parusa ni Jaxon ayon kay Julia"MAHAL..." Nakita ni Jessie na hindi maganda ang itsura ni Philip kaya mabilis niyang inabot ang dibdib nito at marahang hinaplos upang pakalmahin si Philip. Habang pinapakalma ang asawa, galit itong tumingin kay Skylar at sumigaw, "Skylar, hindi mo na kailangang gawin 'to! Ibibigay ko na sa ’yo ang buhay ko!"Pagkasabi nito, tumayo si Jessie at mabilis na tumakbo papunta sa dingding na hindi kalayuan."Mom!""Jessie!""Madam!"Biglang nagkagulo ang buong Rodriguez Family. Napasigaw ang lahat at may ilan sa mga tauhan nila ang mabilis na tumakbo upang pigilan ito pero huli na ang lahat.BANG! Malakas nitong ibinangga ang ulo nito sa pader.Parang eksena sa pelikula, biglang naglaho ang lahat ng tunog sa paligid. Nakita ng lahat kung paano si Jessie natumba paatras, habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang noo at kumalat sa katawan. Nakakatakot tingnan."Jessie!" Mabilis na tumakbo si Philip papunta kay Jessie bago pa ito bumagsak sa sahig.
Ramdam ang bigat ng loob sa tinig ni Skylar. Si Jaxon ang pinakahuling taong gusto niyang madamay sa lahat ng ito. Ang totoo, nararamdaman niyang siya ang dahilan kung bakit nasaktan ito."Tama ka, kulang tayo sa isang computer expert," sagot ni Julia. "Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala diyan."Pagkasabi niya nito, biglang may kotse sa harapan nila na nakakuha ng atensyon ni Skylar.Ang ilaw ng sasakyan ay sobrang liwanag kaya hindi niya mabuksan ang kanyang mga mata.Pumikit siya nang kusa. Ilang segundo lang ang lumipas... SCREEEECH! Isang matinis at nakakabinging preno ang umalingawngaw. Dahil sa lakas ng pwersa, biglang sumubsob si Skylar at tumama ang kanyang noo sa harapang dashboard. Naningkit ang mata niya sa hilo at sakit."Ah..." Napahawak siya sa noo niya habang nakadapa sa dashboard, pakiramdam niya ay hindi niya kayang bumangon."Pasensya na, Skylar! May grupo ng mga sasakyan na biglang dumaan sa pulang ilaw sa intersection. Natakot akong mabangga kaya nagpreno a
Chapter 72: Magkaibigan muliSI SKYLAR ay ramdam ang galit na parang sasabog mula sa malamig na tingin ni Jaxon.Oo, napakayabang ng lalaking ito kaya paano nito matatanggap na ituring itong inutil?Bumigat ang pakiramdam ni Skylar. Tahimik siyang naupo pabalik sa kanyang upuan, yumuko at hinintay ang desisyon ni Jaxon.Mula sa kaliwang bahagi, may paparating na kotse. Ilang beses kumurap ang turn signal nito bilang senyales na liliko ito.Biglang hinigpitan ni Jaxon ang hawak sa manibela at binilisan pa lalo ang takbo ng sasakyan. Ang mga tanawin sa labas ng bintana ay naging malalabong anino dahil sa mabilis na pag-drift ng sasakyan. Kumiskis ang mga gulong sa matigas na aspalto, naglabas ng malalakas na tilamsik ng apoy.Ang paparating na kotse mula sa kabilang kalsada ay palapit nang palapit sa paningin ni Skylar. Napakapit siya nang mahigpit sa seatbelt, nanlaki ang mga mata, at pakiramdam niya ay umakyat ang puso niya sa lalamunan sa sobrang takot.Walang pagbabago sa malamig na
"Alam mo, ang pag-ibig na isang tao lang ang nagbibigay, tapos yung isa, tanggap lang nang tanggap, hindi tatagal ang ganoon."Tahimik lang si Jaxon. Pero matalim ang tingin nito, parang isang salamin na walang kahit anong bahid ng emosyon.Tiningnan ito ni Skylar sa mata, seryoso ang mukha. "Ganun din sa pag-aasawa. Kailangan nating magtulungan, alagaan ang pagsasama nang maayos at maging patas sa isa’t isa para maging masaya tayo habang buhay."Narinig ito ni Jaxon at biglang naalala ang isang kasabihan—ang pinakamatibay at pinakamatagal na pagmamahal ay kapag pantay ang dalawang tao at kaya nilang suportahan ang isa't isa.Nang maisip niya ito, biglang napangiti si Jaxon. Hinawakan niya ang magulong buhok ni Skylar, inayos ito sa likod ng kanyang tenga, hinaplos ang kanyang ulo nang may lambing at saka mayabang na nagsabi, "Tingnan mo nga naman, ang ganda mo talaga. Contracted wife lang kita, hindi ba? Sinong may gustong makasama ka habang buhay? Mga babae talaga, mahilig sa drama.
Chapter 73: Pagdating ng pampaguloNAKATULALA si Audrey pero sa sumunod na segundo, unti-unting lumitaw ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga mata. Ilang minuto lang ang nakalipas, nakatanggap siya ng mensahe mula sa butler na may nangyari sa bahay. Akala niya, mag-isa na naman siyang lalaban para ipagtanggol ang sarili pero hindi niya inasahan na darating si Jeandric para suportahan siya.Tama nga, sa mga mahahalagang sitwasyon, si Jeandric pa rin ang maaasahan niya.Kung siya lang sana ang minahal niya mula sa simula.Pero, sayang...Pumasok ang kotse sa siyudad at mabilis na nakarating sa mansyon ng pamilya Lim. Pagkababa ng sasakyan, inalok ni Jeandric ang kanyang braso kay Audrey bilang paggalang na parang tunay silang magkasintahan.Agad namang kumapit si Audrey sa braso nito at sabay silang pumasok sa loob ng bahay, nag-uusap at nagtatawanan, mukhang sobrang lapit sa isa't isa.Sa may pintuan, naghihintay na pala ang butler. "Miss Audrey, Young Master Jeandric," bati nito
Chapter 210: SalarinTO KILL your enemy using someone's hand. Ito agad ang unang plano na pumasok sa isip ni Xenara. Pero paano ba manghihiram? Aling kutsilyo ang hihiramin? At siguraduhin din na hindi mapapansin ng hiniram na kutsilyo na ginagamit siya; na hindi rin ganon kadali.Matapos mag-isip-isip si Xenara, sinabi niya, "Kung ako si Audrey, hahanap muna ako ng kutsilyo. Si Barbara na baliw kay Kuya Jaxon limang taon na ang nakalipas ang pinaka-perfect gamitin. Sa ugali ni Barbara noon, hindi na kailangan siyang udyukan pa. Kailangan lang iparating sa kanya na pinaaga ni Kuya Jaxon ang kasal nila dahil buntis si Skylar, tiyak siya na mismo ang kikilos para saktan si Skylar.""Si Audrey ang may gawa niyan." Biglang napagtanto ni Xenara at masayang tumingin kay Yssavel, kumikislap ang mga mata."Noon, hindi naman ipinagsabi ni Kuya Jaxon na buntis si Skylar. Pati nga tayo, nalaman lang natin nung naaksidente na siya. Hindi niya sinabi kahit sa mga kamag-anak natin, paano pa kaya k
Chapter 209: NinangMULING napaiyak si Skylar at nasaktan naman ang puso ni Jaxon. Bahagya niyang pinikit ang malalalim niyang mata, at mula sa mga singit nito ay lumabas ang malamig na liwanag na parang espada ng yelo, na agad tumarak kay Barbara.Lahat ng tao ay hindi pa kailanman nakita siyang ganoon kabagsik at nakakatakot, kaya nanindig ang balat nila sa takot.Sa sobrang takot ni Barbara, napaurong ang mga paa niya at dali-daling tumakbo papunta kay Yssavel habang sumisigaw."Mrs. Larrazabal, iligtas mo ako!"Walang magawa si Yssavel kundi hawakan ang noo niya at hindi pansinin ang paghingi nito ng tulong.Hindi makapaniwala si Xenara habang nakatitig sa eksena sa harap niya. Hindi niya inakala na si Barbara pala ang totoong may sala sa pagkakunan ni Skylar limang taon na ang nakalipas. Dati kasi, ang akala niya ay si Audrey ang may kagagawan.Tahimik na pinanood ni Audrey si Barbara na nagtatakbo para sa buhay niya habang hinahabol ni Jaxon. Kung iisa lang ang pwedeng gamitin p
Chapter 208: Resulta ng imbestigasyonSI SKYLAR na umiiyak na ang mga mata ay nagmamakaawa, dahilan para manikip ang dibdib ni Audrey sa sobrang sakit. Pilit siyang nagsalita pero hindi lumabas ang boses niya, parang isang sirena na naging tao at biglang nawala ang kakayahang magsalita.Nang marinig ni Barbara ang sinabi ni Skylar, biglang nawala ang mapanuksong ngiti sa mukha niya at napalitan ng pangit at galit na itsura.Sumigaw siya, "Skylar, tanga ka ba? Anong silbi ng pagsisinungaling mo sa sarili mo? Mabubura ba niyan ang katotohanan na kasing sama din siya ng pagkatao ko? Na gusto rin niyang masira agad ang relasyon niyo ni Jaxon para siya ang pumalit sa'yo?""Manahimik ka!" sigaw ni Jeandric. Pagkatapos sigawan si Barbara, tumingin siya kay Skylar na nakaluhod sa sahig at nagmamakaawa kay Audrey, tapos nilingon si Audrey at galit na sinabi, "Drey, anong hinihintay mo? Bilisan mo! Magpaliwanag ka! Hindi mo ba nakikita na halos maiyak na si Skylar sa pag-aalala?"Bumagsak ang l
Chapter 207: Aksidente noonNANGINIG ang puso ni Skylar, napaatras siya at nadapa nang umatras ang mga paa niya. May bumangga sa heel niya kaya napaluhod siya nang hindi inaasahan. Nang halos mapahiya siya sa pagkaluhod, may isang malakas at mainit na kamay na sumalo sa baywang niya mula sa likuran.Pagdaka, naramdaman niyang nakaupo na siya sa isang mainit at matibay na kandungan at naririnig ang matatag at malakas na tibok ng puso ng isang tao.Nang itinaas niya ang ulo niya, nakita niya si Jaxon na ilang segundo siyang tinitigan na hindi kumukurap. Pagkatapos ay iniwas nito ang tingin at malamig na sinulyapan ang lahat ng tao sa paligid bago tumigil ang tingin niya kay Barbara. "Kahit pa totoo ang sinasabi mo, kahit pa totoong nagustuhan ako ni Audrey noon, hindi magbabago ang relasyon at nararamdaman namin dahil lang sa nangyari."Malalim ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Jaxon. Para kay Barbara, Xenara, Yssavel at sa iba pa, ang dating ng sinabi niya ay magpapatuloy pa rin ang ma
Chapter 206: Totoong mahalNANG sabihin iyon ni Barbara, nagulat sandali sina Skylar at Jeandric. Sabay silang tumingin kay Audrey, puno ng tanong ang mga mata at iniisip nila. Totoo kaya ito?Inaasahan na ni Audrey na gagawa ng gulo si Barbara. Tiningnan niya ang relo sa kamay niya at ngumiti ng malamig."Barbara, hindi pa nga panahon para magwala ka, bakit parang asong ulol kang nangangagat ng tao? Nasa tabi ko ngayon ang mahal kong si Kris, bulag ka ba't hindi mo makita?"Dahil sa sinabi ni Audrey sa harap ng maraming tao, biglang dumilim ang mukha ni Barbara.Galit siyang sumagot, "Audrey, kung totoo 'yang sinasabi mo, may lakas ka ba ng loob na manumpa sa harap nina Jaxon at Skylar? Mangako ka na kung hindi talaga si Jaxon talaga ang mahal mo, sabihin mo yan sa harap namin. Kung hindi, hindi magiging ligtas ang anak nila Skylar at Jaxon.""Barbara, tama na!" galit na galit na sabi ni Skylar sabay hampas sa mesa.Kasabay nito, biglang nanliit ang mga mata ni Jaxon at naglabas ng m
Chapter 205: Nahuli naMAKALIPAS ang dalawang oras, lumabas si Skylar mula sa banyo na nakabalot lang sa tuwalya. Nakita niya si Jaxon na nakatayo sa harap ng bintana, may hawak na baso ng red wine at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Galit na galit siya. Sinabi niya na nga na buntis siya kaya dapat dahan-dahan lang at huwag masyadong madalas. Pero parang nagwala si Jaxon na parang lalaking ilang daang taon nang hindi nakatikim ng 'karne'. Kahit mas magaan na ang pwersa niya kumpara noon, doble naman ang tagal, kaya masakit ang bewang at likod ni Skylar at nangangatog ang mga binti niya. Mas grabe pa kaysa dati."Itong lalaking 'to!"Masamang tiningnan ni Skylar si Jaxon at pabulong na minura siya sa isip. Hawak-hawak ang masakit niyang bewang, binuksan niya ang kumot at humiga sa kama. Pagkahiga pa lang niya, tumunog ang cellphone sa tabi ng kama.May Telegràm message mula kay Julia. "Sky."Nakapikit si Skylar at napakunot ang noo. Gusto sana niyang sabihin kay Julia na ang hinaha
Chapter 204: ResultaTUNGKOL sa aksidente limang taon na ang nakalipas, matagal nang pinaghihinalaan nina Skylar at Jaxon na sinadya ng isang tao ang pagtulak sa kanya sa kalsada para mabangga ng sasakyan. Simula noon, pinahanap at pinaiimbestigahan na nila ang taong iyon.Sa kasamaang palad, wala sa sarili si Skylar noong oras na 'yon kaya hindi niya nakita ang itsura ng nagtulak sa kanya. Ang mga CCTV naman sa magkabilang kalsada, awtomatikong nade-delete ang mga recording tuwing ikapitong araw. Pagkatapos ng limang taon, wala nang natitirang original na video na maaaring gamiting ebidensya. Sina Wallace at Julia ay nakahanap ng ilang saksi noon sa aksidente, pero lahat sila nagsabi na masyado nang matagal at hindi na nila maalala.Ngayon, may isang tao na tila may malinaw na alaala tungkol sa aksidente, kaya biglang nagkaroon ng pag-asa si Skylar. Masaya siyang tumingin palayo sa karatula sa kalsada, ngumiti sa babae, at nilahad ang kamay nang magiliw."Hello, ako si Skylar, boss a
Chapter 203: Dating aksidenteNAGHIHINTAY sina Jaxon at Skylar kay Yssavel sa ward. Pero pagkatapos ng mahabang paghihintay, nakatanggap sila ng tawag mula kay Xalvien na nasa gate ng ospital at nakita niyang tinulungan ni Yssavel si Barbara na makaalis.Pagkababa ng tawag, biglang naging seryoso at madilim ang mukha ni Skylar. Tumingin siya kay Jaxon, diretso sa malalalim niyang mata, at malamig ang boses habang nagsalita."Si Yssavel mismo ang tumulong kay Barbara na makatakas sa ospital. Una si Xenara, tapos ngayon si Barbara, lahat ng gustong pumatay sa akin, kinampihan niya. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Kaya sa susunod na makipagbanggaan ako sa kanya, huwag mo akong pipigilan, kundi makikipag-divorce ako sa'yo."Hindi siya nagbibiro tungkol sa divorce. Seryoso si Skylar. Para sa kanya, kung kakampihan pa rin ni Jaxon si Yssavel, ibig sabihin hindi niya kayang magpakatino at hindi na siya karapat-dapat pagkatiwalaan.Tumingin si Jaxon palabas ng bintana, hindi siya sumagot.Akala
Chapter 202: KapahamakanPAGKAALIS ni Audrey mula sa opisina ni Dr. Leo, hindi siya nag-stay sa labas para makinig sa usapan nila, at hindi na rin siya lumingon pabalik. Nilabas niya agad ang cellphone niya at tumawag habang naglalakad."Sa loob ng kalahating araw, gusto kong malaman kung may anak sa labas si Wallace at sino-sino ang doktor ng nanay ko na nagsagawa para sa private DNA test nitong mga nakaraang araw, pati na rin ang mga resulta ng mga test. Kung hindi niyo mahahanap, mag-empake na kayo at umalis. Hindi ko kailangan ng inutil sa kumpanya ko."Pagkatapos ibigay ang utos sa tauhan niya, sanay na niyang chineck ang mga unread na text message. May 33 lahat, at 32 dito galing kay Jeandric na paulit-ulit humihingi ng tawad dahil muntik nang lumampas sa linya ang nagawa nito kagabi.Mabilis lang na tinignan ni Audrey ang mga messages at pagkatapos ay dinelete lahat nang walang ekspresyon sa mukha.Yung natira, si Xenara ang sender, at isang sentence lang ang laman.Audrey. Na