Share

Kabanata 6

Author: Anoushka
last update publish date: 2026-07-18 18:00:51

"Napigilan ko na si Leslie. Hindi na siya pupunta sa bahay."

Matapos ipaliwanag iyon, seryosong tumingin si Nathan sa kambal. Matigas ang ekspresyon ng mukha niya, ngunit may bahid ng pagpipigil sa boses nang magsalita.

"Kumain na tayo."

Palihim na napapitik ang dila ni Cyler sa loob ng bibig niya.

‘Kumain? Seriously? Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo?’

Diretsahan siyang tumingin sa lalaki at walang pag-aalinlangang sumagot.

"Kung wala ka talagang balak sa babaeng 'yon, matagal mo na sana siyang pinutol sa buhay mo. Hindi 'yong hanggang ngayon, may koneksyon pa rin kayo kahit sabihin mong wala." Huminto siya sandali bago muling nagsalita. Mas kalmado ang tono, pero mas masakit ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. "Kung gusto mo talagang magkaroon ng anak sa kanya, wala naman kaming pakialam. Worst comes to worst, hahanapin na lang namin si Mommy."

Pagkasabi niyon ay dumulas siya pababa mula sa upuan. Walang anumang pag-aalinlangan, hinila niya ang sariling katawan at naglakad papalayo sa mesa.

Nagsisimula nang kumulimlim ang mukha ni Nathan, ngunit bago pa man siya makapagsalita, nakita niyang bumaba rin sa upuan ang kanyang pinakamamahal na anak na babae.

Tahimik na nakatingin si Cielo sa kanya. Halatang ilang ulit niyang pinigilan ang sarili, tila may matinding laban sa loob niya. Ngunit sa huli, nanaig pa rin ang nararamdaman niya.

"Bad guy..."

Napahinto si Nathan. Nanigas ang ekspresyon niya habang bahagyang lumaki ang mga mata sa pagkabigla.

‘Nagsalita ulit siya…’

Ang anak niyang halos hindi nagsasalita ay muling nagbukas ng bibig.

Ngunit ang unang salitang ibinigay nito sa kanya ay…’Bad guy’

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nagsalita na muli ang anak niya, o masasaktan dahil siya mismo ang tinawag nitong masamang tao.

Habang papalapit sa p***o ang kambal, napagtanto niyang baka tumakas na naman ang mga ito. Wala siyang nagawa kundi tumayo agad.

"Nathaniel! Nathalie! Stop right there!"

Mas lumalim nang kaunti ang boses niya, dala ang awtoridad na matagal nang nakasanayan.

Napahinto ang dalawang bata. Sabay silang lumingon sa kanya, kapwa may bahagyang gulat sa mga mata.

Huminga nang malalim si Nathan bago muling nagsalita. Kahit halatang pilit niyang kinokontrol ang sarili, hindi pa rin tuluyang nawala ang pagiging seryoso ng kanyang mukha.

"I'll say this one last time." Mariin niyang binigkas ang bawat salita. "Wala akong balak magkaroon ng anak sa kahit sinong babae. Kayo lang dalawa... sapat na kayo sa akin."

Bahagyang lumambot ang tono niya sa huling sinabi. "Bumalik kayo rito."

Tahimik lamang na nakamasid si Marvin sa tagpong iyon. Salitan ang tingin niya sa dalawang bata at sa amo niyang hirap na hirap ipaliwanag ang sarili.

Hindi niya maiwasang mapailing sa isip.

Muling nagsalita si Nathan matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Isa pa..." Mas lalong kumunot ang noo niya. "Huwag na ninyong babanggitin ang 'Mommy' ninyo sa harap ko."

Sandaling huminto ang hangin sa paligid bago niya tuluyang sinabi ang mga salitang matagal na niyang pinaniwalaan.

"Matagal na siyang patay."

Pagkarinig niyon, awtomatikong nagsalubong ang makakapal na kilay ni Cyler.

‘Ano ba 'tong scumbag daddy na 'to? Hindi na nga pinanagutan si Mommy, ngayon pati pagkamatay niya, siya pa ang nagsasabi?’

Handa na sana siyang sumagot at ipagtanggol ang ina nila. Ngunit bigla siyang natigilan.

Parang... pamilyar ang sinabi nito. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang isang eksena noong bata pa sila.

Tuwing tinatanong nila si Serenity kung sino ang daddy nila, palaging nakangiting sumasagot ang kanilang ina.

"Patay na ang daddy n'yo. Baka nga mas mataas pa ang damo sa libingan niya kaysa sa inyong dalawa."

Nanigas ang maliit niyang mukha.

‘Kung gano'n ang sinabi ni Mommy noon... paano ko siya kokontrahin ngayon?’

Kung ipipilit niyang buhay pa ang daddy nila, baka siya pa ang madulas at mabunyag ang sikreto ng mommy nila. Hindi puwede.

Mahigpit niyang isinara ang bibig. Nang mapansing tahimik na ang kambal, inakala ni Nathan na sa wakas ay nakinig na ang mga ito. Kaya muli niyang pinigil ang pagkainis at nagsalita sa mas mahinahong tono.

"Umupo na kayo at tapusin ang pagkain ninyo."

Nagkatinginan sandali ang magkapatid. Pagkatapos ay umirap si Cyler bago ngumuso.

"Kailangan naming mag-restroom."

Hindi na siya naghintay ng sagot. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Cielo at sabay silang naglakad palabas ng private room.

Nag-aalalang sumunod si Marvin ng ilang hakbang.

"Young Master, Young Miss... sasamahan ko na kayo?"

Hindi na lumingon si Cyler.

"No need. Alam na namin ang daan pabalik."

At tuluyan silang naglaho sa likod ng p***o. Naiwan si Marvin na nag-aalangan. Napatingin siya kay Nathan bago maingat na nagtanong.

"Chairman... susundan ko po ba sila?"

Marahang kinusot ni Nathan ang pagitan ng kanyang mga kilay.

"Hindi na." Huminga siya nang malalim bago nagbigay ng utos. "Ipagbantay mo na lang ang lahat ng exit ng restaurant. Siguraduhin mong hindi sila makakalabas ng gusali."

Tumango agad si Marvin.

"Yes, Chairman."

Pagkasabi niyon ay mabilis siyang lumabas ng silid upang ipatupad ang utos, habang naiwan si Nathan na tahimik na nakatitig sa pintong nilabasan ng kambal. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon, pakiramdam niya ay wala siyang laban sa dalawang munting batang iyon.

Sa kabilang private room, halos tapos na ring maghapunan sina Serenity at ang iba pa.

Habang unti-unting nagliligpit ng mga pinagkainan ang mga waiter, napansin ni Serenity na hindi mapakali si Nathalie. Panay ang lingon nito sa paligid at bahagyang umuusog sa kinauupuan, na para bang may gusto itong gawin ngunit nagdadalawang-isip.

Napakunot ang noo ni Serenity.

Lumapit siya nang kaunti at marahang hinaplos ang buhok ng anak.

"Baby, may problema ba?"

Agad namang napalingon si Nathaniel sa kapatid niya nang marinig ang tanong ng kanilang mommy. Isang tingin lang ay naintindihan na niya ang gusto nitong ipahiwatig.

Gusto nitong mag-restroom.

Bahagyang ngumiti ang batang lalaki bago tumayo sa kinauupuan. Inilahad niya ang maliit niyang kamay sa kapatid.

"Halika. Maghuhugas na rin ako ng kamay. I'll take you there."

Masunurin namang tumango si Nathalie. Maingat nitong ipinatong ang maliit niyang kamay sa palad ng kuya bago tumayo.

"Mommy, babalik din po kami."

Natural na sabi ni Nathaniel, na para bang isang maliit na matandang sanay nang alagaan ang kapatid. Mula pa noon, si Nathaniel na ang laging unang nag-aalaga kay Nathalie. Kahit bata pa lamang siya, likas na sa kanya ang pagiging responsable.

Tahimik na pinanood sila ni Luciana habang papalabas ng private room. Hindi niya napigilang mapangiti bago bumaling kay Serenity.

"Matagal-tagal na rin... pero napansin ko, mas naging mature na talaga si Cyler."

Napatawa si Serenity at napailing. "Mature lang siya kapag kapatid niya ang kasama. Pero kapag may ibang tao na ang kaharap niya..." napabuntong-hininga siya habang naiiling, "...mainitin pa rin ang ulo."

Bahagya siyang natawa bago idinugtong sa isip ang nangyari kahapon.

‘Halos sirain na naman ng dalawang batang iyon ang buong research institute.’

Hindi na niya iyon binanggit nang malakas, ngunit sapat na ang ekspresyon niya upang maintindihan ni Luciana.

Napahalakhak ito. "Talagang mana sa'yo."

Napailing na lamang si Serenity, hindi alam kung matatawa o maiinis.

Pagdating sa labas ng restroom, marahang binitiwan ni Nathaniel ang kamay ng kapatid.

"Pumasok ka na. Hihintayin kita rito."

Masunuring tumango si Nathalie. "Okay."

Pagkatapos ay pumasok ito sa women's restroom.

Samantalang si Nathaniel ay naupo sa isang mahabang upuan sa hallway. Tahimik siyang nakatingin sa sahig habang magulong umiikot ang iba't ibang tanong sa isip niya.

Mula pa kanina, gusto na talaga niyang makahanap ng pagkakataong kausapin ang magandang auntie na nakilala nila. May gusto siyang kumpirmahin.

Hindi siya naniniwalang nagkataon lang ang lahat.

‘Paano magiging ganoon kapareho ang dalawang tao?’

Hindi lang simpleng magkahawig. Halos pareho ang mukha, ang kilos, pati ang pakiramdam.

Sa isip niya, iisa lang ang posibleng paliwanag.

...Si Auntie ang Mommy namin.

At kung tama ang hinala niya...

‘Ibig sabihin… Hindi talaga patay si Mommy.’

Biglang sumikip ang dibdib ng bata. Kasabay ng pag-asa ay may sumingit ding sama ng loob.

‘Sinungaling talaga si Daddy.’

Sinabi nitong matagal nang wala si Mommy. Pero hanggang ngayon, patuloy pa rin pala itong nakikipag-ugnayan kay Leslie.

At ang babaeng iyon… Sa harapan nila, kunwari ay mabait at maalaga.

Ngunit kapag walang ibang nakakarinig, palihim itong nagpaparinig na balang araw ay siya ang magiging asawa ni Daddy. Na magkakaroon sila ng sarili nilang anak at magiging isang tunay na pamilya.

Sa tuwing naaalala iyon ni Nathaniel, hindi niya mapigilang mapangiwi.

‘Kadiri… Buti na lang bumalik na si Mommy. Hindi na namin kailangang mag-alala ni Nathalie na makapasok pa sa pamilya namin ang babaeng iyon.’

Habang malalim ang iniisip niya, may narinig siyang marahang yabag na papalapit. Awtomatiko siyang napatingala.

At sa mismong sandaling iyon… Nanlaki ang kanyang mga mata. May isa pang batang lalaki ang nakatayo ilang hakbang lang ang layo.

At ang batang iyon… Ay eksaktong-eksakto ang mukha niya.

Para siyang nakaharap sa salamin. Kasabay nito, natigilan din si Cyler.

Kahit na ilang beses na niyang pinag-isipan ang posibilidad na ito at halos nakumbinsi na ang sarili, nang makita niyang nakatayo mismo sa harapan niya ang batang kamukhang-kamukha niya...

Hindi pa rin siya makapaniwala. Tahimik lang silang nagtitigan.

Parehong hindi makapagsalita. Parehong hindi malaman kung ano ang dapat maramdaman. Parang huminto ang oras sa pagitan nilang dalawa.

Biglang bumukas ang p***o ng women's restroom.

"Kuya! Kuya! Kuya... nakita ko si—"

Nagmamadaling tumakbo palabas si Cielo habang excited na sumisigaw. Ngunit bigla siyang natigilan.

Naputol ang sasabihin niya nang makita ang dalawang batang lalaki sa harapan.

Pareho silang mukha. Pareho ang tindig, at pareho ang ekspresyon.

Napakurap siya nang ilang beses bago tuluyang bumuka ang bibig sa pagtataka.

"Wow..." Mas lalo pang lumaki ang mga mata niya. "Dalawang Kuya?"

Tumaas ang tono niya sa huling salita, puno ng inosenteng pagtataka at labis na tuwa, na para bang may nakitang napakagandang laruan.

Makalipas ang ilang segundo, dahan-dahan ding lumabas si Nathalie mula sa loob ng restroom.

Bahagya pa ring may kaba ang mukha niya, ngunit nang makita ang eksena sa harapan, tuluyan din siyang natigilan.

Hindi niya namalayang napahinto ang kanyang mga hakbang.

Sa wakas… Nagkaharap na ang apat na bata.

Dalawang pares ng kambal.

Dalawang batang lalaki.

Dalawang batang babae.

Tahimik silang nagkatinginan. Tila sinusuri ang bawat isa.

Habang mas matagal silang nakatitig, mas lalo nilang napapansing hindi lang simpleng pagkakahawig ang mayroon sila.

Para silang iisang hulma. Ang kaibahan lang… Magkaiba ang pamilyang kinalakihan nila.

Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang binasag ni Cyler ang katahimikan.

Huminga siya nang malalim bago tumingin kay Nathaniel.

"...Maghanap kaya tayo ng lugar na puwedeng pag-usapan ang lahat?"

Kalmado ang boses niya, ngunit halatang puno ng seryosong pagnanais na malaman ang katotohanan.

Hindi man lang nag-atubili si Cielo. Anuman ang desisyon ng kuya niya, susuportahan niya iyon.

Samantala, marahang nilingon ni Nathaniel si Nathalie at binigyan ito ng isang mahinahong tingin na tila nagsasabing, ‘Don't worry. Nandito lang ako.’

Nang makitang kumalma ang kapatid, muli siyang tumingin kay Cyler.

Bahagya siyang tumango. "Okay."

Tahimik niyang idinagdag sa isip… ‘Because I do want to know what really happened.’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 545

    Hindi maitago ni Luciana ang inis habang ikinukuwento ang nangyari. Halatang labis siyang nainis sa ginawa ni Michael, lalo na't wala naman siyang intensiyong makipagtagal dito.Bahagyang kumunot ang noo ni Serenity nang marinig iyon.Noon pa man ay sinabi na ni Nathan na siya na ang bahala sa mga s

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 544

    Napansin ni Jovie ang pagmamadali niya kaya napalingon ito mula sa ginagawa.“Bakit parang nagmamadali ka? May nangyari ba?”“Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot ni Serenity habang isinusuot ang bag sa balikat. “Nalasing ang best friend ko sa isang social gathering. Susunduin ko muna siya.”“

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 543

    Kahit pilit na hinaan ng mga kasamahan niya ang kanilang mga boses, malinaw pa ring narinig ni Leslie ang bawat salitang binitiwan ng mga ito. Matalas ang pandinig niya, kaya walang nakalampas sa kanyang atensiyon.Sa sobrang galit, halos magliyab ang kanyang mga mata. Mariin niyang kinuyom ang mga

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 542

    “Miss, kung may mga tanong po kami tungkol sa pabango o sa paggawa ng formula, puwede po ba kaming lumapit sa inyo?”Maingat na nagtanong ang isa sa mga kasamahan niya. Pagkarinig niyon, agad namang sumang-ayon ang iba. Halos kumislap ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanya, na para bang

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 541

    Nang maalala niya ang ipinasa sa kanya ni Marvin, bahagya siyang nag-alinlangan bago muling nagsalita.“Noong inaasikaso ang pagpapaospital kay Miss Serenity para sa kanyang panganganak, bukod sa mga bakas ng pakikialam ni Miss Luciana, may isa pang pangalan na lumitaw sa mga dokumento. Hindi pa nam

  • The Four Twins and the Billionaire's Regret   Kabanata 540

    Tumango si Marvin at lumapit kay Nathan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsimulang mag-ulat.“Limang taon at kalahati na ang nakalipas nang manganak si Miss Serenity sa isang pribadong ospital sa Thailand. Nakarehistro roon ang personal niyang impormasyon, at ayon sa mga report ng ospital, noo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status