Share

KABANATA 3

Loulle's POV

First day of class ko as 2nd year college student. Nag-take ako ng BSBA dahil yun naman ang forte ko. At yun ang iniwan ko. Cute na cute pa nitong suot ko na uniform. Pants na may white polo shirt na may necktie at vest, may above the knee skirt din naman pero wala pa ako nun eh. Naglalakad na ako palabas ng mansion ng mga Soriano nang may sumitsit sa akin. Damn, agang-aga parang may ibong humuhuni eh. Lalabas na sana ako sa may gate nang may humila sa akin. Buti na lang di pa ako nakaskirt kaya wala lang sa akin. Pero masakit ha. Nakakunot ang noo kong tumingin sa nanghila sa akin. I rolled my eyes.

'What the hell are you doing here, Lou?' tanong niya sa akin.

I smirk at him. 'Having fun,' was all I said.

Kilala niya ako at kilala ko sya. Alam niyang hindi niya ako mapipigilan at hindi sya magsusumbong. Takot lang niya. Kailangan lang niyang wag humarang sa akin at tahimik kaming lahat. Damn. I'm just starting pero may nakakilala na agad sa akin. Hay. Agad na akong umalis doon at hindi pinansin ang lalaking humila sa akin.

Sa Yorkshire University...

Louelle's POV

Madami na ang estudyante sa school nang dumating ako. Punong puno na ang tao sa may parking lot. At alam niya kung bakit. Nagresearch na ako. Puno ng mga gangster ang University at ang pinakasikat ay Classic 5 na pinamumunuan ng anak ng amo ni Nana Celia. At ang gagong---- este taong kailangan ko daw patinuin.. So I need to make some impression para ako'y kanyang mapansin. And I dont think that would be so easy. I'm a nerd in here. Naglalakad na ako sa parking lot nang mapansin ko ang pagdating nila. Good looking men but not my type. Tsk. Dumerecho na lang ako papasok ng school wala akong oras para sa ganyang mga bagay. But fate must not allowed it dahil bigla na lang may sumigaw ng....

'Ikaw!' sigaw nito na nagpalingon sa kanya. Itinuro ko ang sarili ko kung ako nga ba. 'Yes, ikaw nga,' turo nung lalaki na parang pamilyar sa akin. 'Siya yung pumigil sa amin at tinakot kami na tatawag ng pulis nung isang linggo,' pagsusumbong nito sa isa sa mga Classic 5.

Then realization hit me. 'Ikaw yung jerk na pumapatol sa dalawang babae na walang kamuwang-muwang? At sino nag-utos sa inyo? Itong mga to?' inis na tanong ko. Ang ayaw ko pa naman sa lahat eh yung nang-aapi ng babae. 'Jerks,' was all I said before turning back and started.

Hindi pa man ako nakakalayo eh may humiklat na sa braso dahilan para mapaharap ako dito. Amoy ko ang aftershave masculine scent ng lalaking humila sa akin. Tsk. Nakakunot ang noo kong humarap dito.

'Anong sinabi mo?' marahas na tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Anghel Soriano. Tsk.

'That word 'jerk'?' tanong ko na naiinis na bago inikutan siya ng mga mata.

'Don't test my patience, miss,' turan nito.

'Don't test mine too,' emotionless na sabi ko bago binawi ang braso ko at tumalikod na sa paglalakad.

Tsk. Muntik pang mapatrouble kanina eh. Kayamot naman. Dumerecho na lang ako sa registrar office para kunin ang sched ko sa isang semester. Mabilis ko naman agad na nakuha yun dahil huli na naman akong nag-enroll sa semester na ito. Though, this is the first semester ng school year. Ang first subject agad, Management. Hayst. Boring yun. Room 36-A ako. Parang star section lang eh. Tsk. Boring tapos regular student pa... Mula sa labas dinig ko na ang ingay mula sa loob. Akala ko pa naman sound proof, hindi pala. Cheap. (Reklamador talaga yan. Pero sa utak lang sanay kasi yang nasusunod ang gusto. Tsk) Author talaga, pakialamera eh. Anyways, ini-log ko na yung Id ko sa detector para makapasok na ako. May pagkahi-tech din naman sa school na to kahit papano. Para makapasok ka sa loob ng classroom kailangan mo yung ID mo para mabasa ng scanner na isa kang student dun. Bumukas na yung pinto at akmang papasok na ako ng may bumalya sa akin sa may pader. Medyo masakit lang dahil sa impact. Impakto! Nakakagago eh. Tiningnan ko ng masama ang nangbalya sa akin at walang iba kundi si Anghel Soriano. Kasama ang mga alipores niya pero kulang ng isa.

'Anong ginagawa mo nerd dito?' matiim na tanong ni Anghel.

I really wanted to rolled my eyes pero nagpigil ako. 'Classroom ko,' turan ko sa kanya. Obviously we are classmates dahil na rin sa utos ni madam.

'May kaklase pala tayong nerd 'tol,' sabat nung isang kinindatan pa ako. He looks familiar hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

'Kung maari lang, pwede na ba akong dumaan? Naaalibadbaran na kasi ako eh,' sabi ko na medyo naiinitan na.

Napanganga naman yung Anghel. Sa nakakapikon na eh. Kanina pa yun nambabalya. Siya kayang balyahin ko ng maigi. Lumampas na ako sa kanila pero dinig ko ang tawanan ng mga kasama ni Anghel sa labas. Tsk. Asaar.

Gabe's POV

Natatawa ako sa hitsura ni Anghel nang sinabi yun nung nerd na yun. Pero grabe, hindi bagay sa babaeng yun ang nerd. Kahit nakasalamin siya alam kong maganda siya. Damn, ewan pero may something sa kanya. Ang she's damn familiar, di ko lang alam kung saan ko sya unang nakita pero pamilyar siya.... Hindi mapapalampas ni Anghel pagbastos sa kanya panigurado yan....

Pumasok na kami sa room namin dahil malapit na ang time, malupit pa naman professor namin dito. Walang pinalalampas kaya dapat todo pacharming. Tsk. Nakita naman naming nakaupo yung nerd sa may dulo which is pwesto ng C5. Patay 'tong babaeng Ito. Inilang hakbang lang yata ni Angel ang nagpunta sa pwesto ng babae.

"I guess dahil bago ka lang dito hindi mo alam kung kaninong pwesto yan," may pagbabanta sa tonong sabi ni Anghel.

Dinig na dinig ang pagbubulungan na kesyo bago nga at walang kakilala. Pero hindi yun ang nakapagpahanga sa akin, kundi ang pagtayo ni Nerdie at tumaas pa ang kilay.

"I guess hindi tinuro sayo ng school na ang walang pwesto ang kahit sinong estudyante dito sa school. Everyone has the free will to sit wherever they want," sarcastic ang tone nito.

"This area is C5's place so you back off nerd," naiinis na turan ni Anghel. I never seen him like this before.

Umismid lang ang babae. "Bakit may pangalan mo ba? Check mo nga baka kasi dahil malabo ang mata ko eh, hindi ko napansin," pang-iinis nito.

Gusto ko ng matawa. This girl really amuse me. Masyadong palaban eh. Napatingin naman kami sa harap nang biglang may magbagsak ng libro. Uh oh. Nandyan na pala si Prof.

"I guess Mr. Soriano, Mr. Franco, Mr. Tollentino, Mr. Adriano. You have to take your seats now," turan ni Prof. Mandino. "And you Miss---"

"Louelle, Louelle Magbanua, Sir," pakilala nito. "Transferee," patuloy nito.

"Oh, its you," parang nagdilang anghel ito. "Its really nice to finally meet you. Isa sa pinakamatatalino sa school na ito," papuri nito.

"Thank you, Sir," flattered ito. Tsk.

"I guess you have to take your seat now," turan ni Professor Mandino.

"Yes, Sir," nakangiting turan nitong babae.

Umupo ito kung saan siya umupo kanina. Pasaway siya at alam kong di ito mapapalampas ni Anghel. Lalo na ang pagpapahiya ng babaeng ito sa kanya sa harap ng mga tao. Haysst. Well, we'll just have to wait for the decision.

Louelle's POV

It was a boring day liban na lang na halos sa lahat ng klase niya nandun ang lalaking yun at kundi isa, dalawa sa alipores niya. Naiinis na ako pero wala akong magagawa syempre isa iyon sa mga conditions na kailangan kong gawin. Damn. So ito ako naglalakad papunta sa mansyon ng mga Soriano nang may bumusinang kotse sa bandang likod niya. Lumingon ako at napatingin sa may-ari ng kotse. Inilabas nito ang ulo mula sa bintana ng driver's seat. Shit. Tumingin ako ulit sa harap at nakayukong naglakad ng mabilis.

"Lou, c'mon hop in," turan ng lalaking nakasakay sa kotse habang pinapatakbo ito. Hindi ako umimik at naglakad lang ng direcho. "Isa-silent treatment mo lang ba talaga ako, Lou? Coz that won't be acceptable.

"Lou, c'mon atleast have dinner with me. Hindi ko naman ipapaalam kahit kanino na nandito ka at kung sino ka eh, please," may pagmamakaawang turan nito.

I stopped. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya at tumango. He stopped his car. Sumakay ako sa kotse niya bago niya ito pinaharurot sa kung saang lupalop na pagdadalhan niya sa akin.

We stopped at a Japanese Restaurant. Iniwan ko ang gamit ko sa kotse niya dahil paniguradong kakain lang naman kami. And heck, nakakainis talaga tong lalaking ito, alam na alam ang paborito kong pagkain. Naaamoy ko na ang paborito kong Ramen. May lumapit sa aming babae at bigla ba namang magblush ng makita ang kasama ko. Lechugas to.

"Konbanwa, welcome to --------Japanese Restaurant," sabi nito at kinindatan ang kasama ko. Haynaku.

"Babe, ano ba tutunganga lang ba tayo dito gutom na ako," turan ko at kumapit sa braso ng damuhong 'to.

Ang sarap kasi asarin ng babaeng ito at gutom na din ako. Ito namang isang ito eh nakisama naman. Good. Ngumisi pa ito.

"Oo na po, princess," turan naman nito. "So where do we sit?" tanong nito sa babaeng nag-aaccomodate sa kanila...

Agad namang tumalima ang babae at itiuro kung saan sila pwedeng umupo. She looked at the place. Everything at this place has the ambiance of Japan. Para talagang Japan.

"Well, who owns this place? It feels and smell of Japan," turan ko sakanya.

"One of my friends, dati silang nakatira sa Japan but moved here after his father died," sabi nito.

"Well that speaks the place. Kinda," I said rolling my eyes.

"Lou, wag ka namang ganyan," sabi nito sa kanya.

Narinig naman nilang tumikhim ang babae na kanina pa pala nakatayo doon.

"We nearly forgot you," turan ko sakanya. "Ramen, takoyaki, and green tea," turan ko sa babae.

Umorder na din naman ang kasama kong lalaki. Kahit kailan talaga di ito malakas kumain. Kaloka ito. Laging diet ang kumag. Andami ba namang inorder eh siya lang naman ang kakain. Tsk. Tsk.

"Saan ka nags-stay?" Tanong agad sa akin nitong lalaking ito.

"At the Soriano mansion," I answered starting to get bored.

Tiningnan lang naman ako nito na para bang di makapaniwala. Nakakahighblood ang pagtitig niya, akala mo di ko kayang tumira doon.

"What?!?" I irritatedly asked.

Tumikhim naman ito. "Seriously, Lou? Doon sa mansion na yun pa?" Natatawa na nitong tanong. "Edi lagi pala kitang makikita doon? Pinakiusapan mo ba si papa na itago ka dito?" Nanunukso pang turan nito.

"No, walang nakakaalam na nandito ako sa Pilipinas liban na lang sayo at kay Nana Celia," sabi ko na walang pakundangan.

"Lou, alam mo kung gaano kalaking gulo yan," biglang nag-aalala ang turan nito.

"I know," was all I said.

Alam nitong wala na akong sasabihin sa kanya. At wala din itong magagawa. He knows how stubborn I can be. Gagawin ko lahat hangga't kaya ko. Normal na sa amin--- sa akin ang ganun. Hindi na ulit niya yun binanggit sa halip kinulit na lang ako ng kinulit habang kumakain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status