Share

KABANATA 2

Louelle's POV

Boring! Nakakainis talaga. Kung bakit kailangang mag-aral eh, ang boring naman sa school. But anyways, pumayag naman yung amo ni Nana Celia na dun ako magstay pero mag-aaral ako with one special task.

*Flashback*

'Hija, pumayag na si Ma'am na magstay ka dito pero may kundisyon,' sabi ni Nana Celia.

'Anything,' desperate na sabi ko.

'Mag-aaal ka sa Yorkshire University,' sabi nito

'What?!?' I asked. Baka kasi nabibingi lang ako eh.

'Opo, scholar ka dun bukod pa dun kailangan mong bantayan ang anak ni Ma'am,' sabi pa nito.

'Sino?'

*End of flashback*

Boring ang school kaya nga ako umalis eh. Pero I don't care basta kay Nana Celia ako magstay. Anyway, nandito ako sa Yorkshire University para mag-exam. Si madam na nag-ayos ng schedule ko. Scholar niya ako eh. Andali naman nung exam parang Periodical lang eh. Mamaya makukuha ko na ang results kaya naglakad lakad muna ako. Nasa may parking ako nang makarinig ng sigawan. Naglakad na lang ako sa pinagmulan ng sigawan. There I saw two young ladies na basang basa at pinagbabato ng itlog. Kumunot ang noo ko. Damn.

'Hey, anong ginagawa niyo sa kanila? Kababaeng tao eh pinapatulan niyo?' sigaw ko nung makalapit ako.

Napatingin naman sila sa akin. Damn. Ayaw ko ng attention pero mukhang yun ang nangyari.

'Hoy, miss kung sino ka man wala kang pakialam dito. Hindi mo ba alam kung sino ang nag-utos nito?' inis na tanong nung lalaki.

No. And I never wanna know. 'Wala akong pakialam, so back off guys kung ayaw niyong tumawag ako ng pulis,' may halong pagbabanta sa tono ko.

Mukhang tinablan naman ng takot ang dalawang lalaki at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. Tsk. Bullies. Lumapit naman ako dun sa dalawang babae.

'Ayos lang kayo?' tanong ko na nag-aalala.

Tumayo naman ang dalawa. 'We are fine,' nanginginig na turan nung babae.

'Sigurado kayo?' tanong niya.

'Yes,' turan naman nung isang babae bago silang dalawa patakbong umalis...

Tatawagin pa sana niya ang mga ito ngunit mabilis na nawala ang mga ito. Bago ako makalayo ay may napansin akong card sa pinagbagsakan nung babae. Ang nakalagay:

CLASSIC 5

YOU ARE DEAD!!!

Yun ang nakasulat sa maliit na card. Tapos may dalawa pang bungo na magkadikit with crossed bones sa may baba nila. Napakunot ako ng noo ko bago inilagay iyon sa bulsa ko. Tiningnan ko ang relos ko bumalik na ako sa counseling office kung saan kukunin ang results ng exam ko... Pag nakapasa ako, bukas pwede na akong makapasok. Nang dumating ako may tatlo pang naroon na mga mukhang professionals. Lumapit ako.

'Excuse me,' simula ko. 'Kukunin ko po ang result ng exam ko?' sabi ko dun sa babae na halos nakanganga na ng tumingin sa akin.

'S-sir sya po,' turan nung babae.

Napatingin naman sa akin yung lalaki saka lumapit sa akin. Ang seryoso nitong mukha ang tiningnan ng wala kong emosyong mga mata...

'Louelle Magbanua? I'm Professor Joseph Yorkshire,' pakilala nito. 'Congratulations, nakuha mo ang scholarship grant ng school. You'll be given 100°/• scholarahip at free miscellaneous fee. Matalino kang bata, naperfect mo ang pinamahirap na exam na ginawa ng University sa mga students namin,' turan nito bago nagsimulang umalis palayo.

Wow. Naperfect ko pala yung exam na yun. Eh bored na bored ako sa pagbabasa ng questions. Wow lang. Haysst. Tumingin ako dun sa nagpakuha sa akin ng exam na nakangiti na sa akin...

'Congratulations, Ms. Magbanua,' turan nito. 'Welcome to the Yorkshire University,' sabi pa nitong kinamayan ako.

Maagap ko namang tinanggap ang kamay nito. After nun, nagpaalam na ako para umuwi ng bahay o kaya mag-iikot muna ako sa mall. Its been along time since nakapunta ako dito sa Manila eh.

Sa Mall...

Louelle's POV

Ang boring pala dito sa mall. Mas marami ang bilihan ng mga damit at fastfood chains. Haysst. Dumerecho ako sa Timezone kung saan mas gusto kong tumambay muna. Napansin ko naman na may pinagkakaguluhan ang mga tao sa may laruan ng basketball dun sa may sulok. Mas madami ang babae mesa sa lalaking nakikiusyoso... Gusto ko sanang maglaro doon kaso masikip. Tsk. Tsk. Dumerecho na lang ako sa booth nung larong left for dead. Tsk. Sayang wala akong kasama. boring tuloy. Muntanga pa. Nagswipe na ako ng card dahil alam ko madami pa tong laman last time na nagpunta ako dito. Nagsimula na ang game. Ang daming kaechosan ng game na ito. Pailag-ilag effect pa at kung ano ano pa. Hindi ko napansin na dumadami na ang tao sa palagid ko dahil di ko na nga sila pansin. Tsk. Magsawa sila. Naeenjoy ko na ang laro eh...

Anghel's POV

Ang daming babae sa paligid namin. Naglalaro kami ng basketball sa Timezone at ito ang nangyari. Dinumog kami ng mga babae. Tsk. Feelers. Maya-maya may narinig kaming bulungan sa likod.

'Astig, 'tol,' turan nung isang lalaki sa likod namin.

Tsk. Pati ba naman lalaki pagpapantasyahan kami? Iba na talaga ang gwapo. Pero mukhang mali ata ako ng hinala dahil maya-maya ay nakarinig kami ng impit na sigaw. Napatigil kaming lima at napatingin sa bandang likod. May mga lalaking nag-umpukan doon mukhang may gulo ata.

'Tsk. Tara na nga,' bored na turan ko at kinuha na ang gamit namin sa tabi.

Akmang lalabas na kami ng marinig ko ang boses na iyon. Kahit sa pagtulog ko ay naaalala ko pa rin. Agad akong lumapit.

'Next time na manghihipo ka sa babaeng hindi marunong humawak ng baril ha, tsk,' yun ang narinig ko sa emotionless na tinig.

Agad kong hinawi ang mga tao. Pero wala na doon ang babae. Ang tangi ko na lang nakita ay ang lalaking nakahandusay sa sahig at dumudugo ang labi pati sapo sapo ang gitna nito pati ang kamay.

Hinila ko ang collar ng damit nung lalaki. 'Where is she?' tanong ko sa mukhang hindi makaimik na lalaki.

'Hey, bro, calm down,' narinig kong turan ni Elliot.

Pero di ako natinag sa halip ay binalya ko ang lalaki at mainit ang ulong lumabas ng timezone. Damn, I know its you. Les.

Elliot's POV

Muntik na kanina si Anghel mawalan ng kontrol. And we dont know what happened to him bigla na lang niyang hinigit ang collar nung duguang lalaki saka binalya. Pero mukhang alam na namin. Si Les. Hindi namin alam kung totoo na nandito siya pero who knows baka siya na yun. Damn, matagal ang ipinaghanap ni Anghel pero nandito lang pala siya sa Pilipinas. Tsk. Badtrip yun. Dumerecho na lang kami sa paborito naming bar. 'La Sangre'.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status