Share

Kabanata 566

Penulis: Chu
Mabilis na sabi ni Winter, “Wag kang mag-aalala, sir. Magaling si Frank.

Tumango rin si Jean. “Sumusumpa akong totoo yun, sa karangalan ko bilang head ng student council. Hindi ka niya madidismaya.”

“Sige.” Tumango si Mr. Zims at lumingon kay Frank. “Anong specialty niya? Pill refinement? Acupuncture? O…”

“Lahat.” Kampanteng tumango si Frank. Hindi niya iiwanang dismayado si Winter habang naroon siya.

“Lahat? Hmph.” Nagulat si Mr. Zims at lalo lang siyang nakumbinsing puro kalokohan lang ang sinasabi ng binatang ito.

Ang medisina sa Draconia ay isang malawak na disiplinang may kaakibat na isang karagatan ng mga teorya, pananaw, at kaalaman. Kahit ang pakikitungo sa pasyente ay mahalaga, pero sinasabi ng batang ito na nasa dalawampung taong gulang na alam niya lahat?

Natural na nakikita ni Frank na pinagdududahan siya ni Mr. Zims base sa pag-aalangan niya.

Sinuri niya ang mukha ni Mr. Zims bago tahimik na nagsabi, “Nahihirapan ka bang matulog, pinagpapawisan sa pagtulog, nama
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1689

    Hindi maunawaan ni Horey ang nangyari—ano bang koneksyon ang mayroon si Frank para maging ganun kahina ang reaksyon ng kanyang guro?Talagang nakakagulat ito! “Hmph. Mukhang alam ni Sienna Noirot ang lugar niya...”Biglang humakbang pasulong si Frank, at nagtanong ng malamig, “E ikaw? Gusto mo pa rin bang kunin ang Bloodcrane Spiritbloom?” “Ah...” Wala na ang alas ni Horey. Sa katunayan, narinig ng malinaw ng lahat kung ano ang sinabi sa kanya ng kanyang guro—na lumuhod siya sa harap ni Frank at humingi ng tawad. Bagaman hindi gaanong nakaramdam ng pagkapahiya si Horey hindi gaya ni Kairo, takang-taka pa rin siya. At dahil utos ito mula sa taas, wala siyang nagawa kundi sundin ito para makaligtas siya, humingi siya ng tawad ng malakas at magalang sa harap ni Frank. “P-Pakiusap patawarin mo ako, Mr. Lawrence...” “Umalis ka na dito.” Nang makita niya na tinanggap ni Horey ang kanyang pagkakamali, pinaalis na siya ni Frank, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras tungkol sa

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1688

    Siguradong si Kairo ang pinaka pinahahalagahang apprentice ni Sienna, dahil nakahanda siyang ipaghiganti ang kanyang pagkamatay.Katapusan na ng Kornac’s Keep ngayon!“Ehem. Naalala ko may kailangan pala akong gawin. Aalis na ako.”“Ako rin. Nakalimutan kong kunin ang labada ko bago ako umalis.”“Sabi sa akin ng asawa ko bantayan ko yung mga bata—““Kalokohan. Kailan ka nagkaroon ng asawa?”“Ng-Ngayon lang...?” Hindi mapakali ang mga tao, dahil naramdaman nila mula sa tono ng boses ni Sienna na susugurin sila ng Cloudnine Sect. At kapag dumating sila, ang Kornac’s Keep, si Frank, at maging ang mga inosenteng kalahok ay malalagay sa panganib. Kaya naman ang pinakamagandang magagawa nila ay ang tumakas, kung hindi maging ang mga manonood na gaya nila ay madadamay sa gulo. Gayunpaman, habang iniisip ni Horey na ititigil na ni Frank ang kanyang pagpapanggap at tatakas siya dahil sa pagbabanta ng guro niya, nakita niya siya na nakatayo lang at walang pakialam, na para bang hi

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1687

    ”Huwag, pakiusap huwag!” Ngumiti si Yosil, naluha ang kanyang mga mata nang tawagin siya ni Frank na kapwa niya apprentice. “Masyadong mataas ang tingin mo sa akin, Mr. Lawrence. Nagkataon lang na tinanggap ako ng Mystic Sky Sect bilang isang utusan—wala akong karapatan na maging isang apprentice!” “Ayos lang ‘yun. Makinig ka.” Tinaas ni Frank ang kanyang baba habang nagsasalita siya, “Tatlong taon na ang nakalipas mula noong bumagsak ang Mystic Sky Sect. Ngunit kahit na wala na ito ngayon, hindi kita bibiguin bilang senior apprentice mo, hangga’t nananatiling nag-aalab ang apoy sa puso mo. “Muli kong bubuhayin ang Mystic Sky Sect, at pormal kang magiging isang apprentice, habang ang Kornac’s Kepp ay maaari ring maging bahagi ng sect bilang isang vassal. Kahit na malaki ang pagitan ng mga edad natin, ako ang magiging senior mo base sa mga patakaran ng sect.” “Oo... Oo!” napuno ng luha ang mga mata ni Yosil. Mamamatay muna siya bago siya mangarap na magkaroon ng karangalan na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1686

    Ang pure vigor ni Frank ay naging isang dambuhalang kamay, na humablot sa leeg ni Horey sa isang iglap!"Donn... Ang ibig kong sabihin, Mr. Lawrence! Pakiusap tumigil ka!"Agad na sumigaw si Yosil noong nakita niya na papatayin ni Frank si Horey, pinunasan niya ang malamig na pawis sa kanyang kilay. "Kapag pinatay mo siya, at naghiganti ang Cloudnine Sect... katapusan na ng Kornac's Keep!"“Oo nga, Mr. Lawrence! Pakiusap huminahon ka!”Agad ring sinubukan ng ibang mga elder na pakalmahin si Frank, ngunit tinanong niya sila pabalik, “At, ano? Ano sa tingin niyo ang dapat gawin ditto? Kung gusto niyo talagang sumuko, ibigay niyo sa akin ang Stellar Windroot at aalis na ako.”"Oh, uh…"Natigilan ang mga elder sa tanong ni Frank, at napalingon silang lahat kay Yosil.Pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan, hindi kalaunan ay bumuntong hininga siya sa inis, lumapit siya kay Frank at nagtanong, “Natatandaan mo ba ang lumang tasa na ito, Mr. Lawrence?”“Ikaw?”Sinimangutan ni Frank

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1685

    "Huli ka na," bulong ni Frank.Nabulok na ang labi ni Kairo, kaya hindi na siya makapagsalita. Gayunpaman, nagpakita ng bahagyang pagsisisi sa kanyang mga mata sa kanyang huling sandali. Nang tumayo si Frank, tuluyang naglaho si Kairo. Tanging isang maliit na lawa ng mabahong berdeng putik ang natira sa kanya.Nangilabot ang mga nanonood, tumayo ang balahibo nila sa nakita nilang nakakakilabot na kamatayan ni Kairo.Hindi inaasahang pinunasan ni Horey ang kanyang mga mata at bumangon mula sa lupa. Mukhang walang pakialam, lumingon siya kay Yosil.Pagkatapos, iniabot niya ang kanyang kamay at malamig na sinabi, "Ibigay mo ang Bloodcrane Spiritbloom. Ito na ang huli mong pagkakataon."Habang nagsasalita siya, kinuha ni Horey ang kanyang telepono at gumawa ng kilos na parang nagdidiyal ng numero. Kung hindi mo gagawin, tatawagan ko agad ang aking amo at sasabihin sa kanila na ang Kornac's Keep ang pumatay sa aking nakatatandang si Kairo.“Ano?!”Nagulat ang lahat sa malamig na pag-

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1684

    Gayunpaman, ang nakatagong sandata na nagbigay ng tiwala kay Kairo ay nagpalungkot lamang kay Frank. Sa sandaling hilahin ito ni Kairo, agad itong nakilala ni Frank.Nagsikip ang kanyang mga mata, at kumilos siya nang walang pag-aalinlangan.Ang baluktot na ngiti ni Kairo ay naglaho sa pagkabigla nang walang kahirap-hirap na nahuli ni Frank ang payat na tansong karayom gamit ang kanyang mga daliri, isang pulgada lang mula sa kanyang noo!Ano ba 'yan...Nanlaki ang mga mata ni Kairo sa hindi makapaniwalang bilis ng reaksyon ni Frank.Hmph, sinusubukan pa rin maglaro ng mga pakulo sa puntong ito? Nakakaawa naman," pangungutya ni Frank, bahagyang kinukutya ang kanyang mga daliri.Sa mabilis na galaw, ang payat na karayom na tanso ay bumalik sa Kairo na parang bala. Walang kasing bilis ng reflexes ni Frank si Kairo. Naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang hita at tumingin pababa upang makita ang mismong tansong karayom na ngayon ay nakabaon na doon.Nagsisigaw si Kairo nang w

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status