Home / Romance / The Hard Boss / Chapter Seven

Share

Chapter Seven

Author: LiCueto
last update Last Updated: 2024-01-23 15:27:08

Chapter Seven

“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”

Natahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Lumingon-lingon ako sa mga kasama ko para tingnan kung sinong tututol, pero hindi pa rin sila nagsalita at nakiramdam lang din.

“Kapapanood mo ’yan ng drama, Ate Sam. Sa tingin mo ba ma-i-inlove ang d*monyo na ’yon?” natatawang komento ni Enzo.

“Why not? Kahit si Hades nga na God ng Underworld ay na-inlove kay Persephone. Right, guys? Puwede naman ’yon?” tanong niya.

“Yes. Magandang ideya ’yan,” pagsang-ayon ni Arya.

“Pero, hindi ba delikado ’yan?”  nag-aalangang tanong ni Chino.

“Hindi magiging delikado kung hindi niya malalaman,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sagot ni Ate Sam.

“She’s right. Pero sino naman ang aakit sa kanya? Dapat mukhang anghel kasi nga d*monyo siya,” may gigil na tanong ko at napaisip.

“Well, sino pa ba?” pagsingit ni Arya. “It’s me—”

“Si Chanti!” suhestiyon ko sabay turo sa kanya.

“Huh?” walang kaide-ideyang tugon niya na napahinto sa pag-inom ng beer. “Luh? Ba’t ako?” gulat na tanong niya nang mapagtanto ito.

“Why not?” pagbabalik ko ng tanong. “Guys, ’di ba? Puwede siya?”

“Tama!” pagsang-ayon ni Ate Sam at Enzo.

Maganda si Chanti. Maputi, chinita, cute tingnan ang maitim at maikli niyang buhok na may bangs, maganda ang hubog ng katawan at sobrang sweet. Para siya real life anime kung tatawagin.

“Bakit si Chanti?” kunot-noong tanong ni Chino.

“Yup! Bakit si Chanti? Eh, puro pagpapabebe lang ang alam niyan,” pag-apela ni Arya.

“Eh, sino gusto mo? Ikaw?” natatawang tanong ni Enzo.

Palihim din akong natawa at lumingon sa ibang direksyon para hindi mahalata.

“Why not? Maganda rin naman ako, at saka mas madali ko siyang maaakit kasi ako ang secretary niya,” saad niya. “Ako ang palagi niyang kasama.”

“She’s right! Kaya na ni Arya ’yan!” pagsang-ayon ni Chanti na nakangiting tumango tango with thumbs up.

Sus! Kaya lang naman siya sumasang-ayon kasi ayaw niyang gawin ang plano.

“Tsk! Kahit kayong lahat pa ang mang-akit sa kanya. Basta ako, ang gusto ko, makaalis na siya sa kompanya!” inis na sabi ko.

“Or what if si Tamara ang mang-akit kay Sir Apollo?” suhestiyon ni Chino.

“Baliw!” singhal ko at tiningnan siya ng masama.

“Apollo at Tamara, ApoTa! PoTa! Bagay na bagay! Isipin mo na lang, siya si Sir Alas, tutal kambal naman sila,” pang-aasar niya sa akin.

“Tumigil ka nga! It’s disgusting ” inis na sita ko at binato siya ng chichirya.

“Bakit hindi na lang nga si Chanti? Para Apollo at Chanti. PoCha naman! ’Di ba?” natatawang pagsingit naman ni Enzo.

“Mas maganda ang PoTa,” sabi ni Chino na ayaw magpaawat.

“Hindi, much better ang PoCha!” pag-apela naman ni Renzo.

Napasapo na lang ako at umiiling-iling habang pinapanood silang magtalo. Parang mga bata.

“Kayo, guys? Anong gusto n’yong Tandem? PoTa o PoCha?” tanong ni Enzo.

“Bakit wala ako?” reklamo naman ni Arya.

“Wala, hindi ka kasali. Hindi kayo bagay,” biro ni Enzo.

Inis namang napairap si Arya sa hangin.

Natatawa talaga ako kapag inaalaska niya si Arya.

“Tama na ’yan! Si Chanti ang gagawa ng plano,” pagkukumpirma ni Ate Sam.

“Hala, bakit ako? Pass ako, Ate Sam. Hindi ko kaya, natatakot ako,” pagtutol niya.

“Kung ganito na lang.” Naagaw ang atensyon namin at napatingin kay Enzo.

“Let’s just make a bet. Sampung-libo, kung sino ang makakaakit kay Sir Apollo, meron siyang tigsasampung-libo mula sa bawat isa.”

Sampung-libo? Ang laking pera no’n!

“Paano naman tayo, Enzo?” naguguluhang tanong ni Chino. “Aakitin din natin si Sir Apollo? Kadiri!”

“Syempre, iba ang sa ’tin. Pipili tayo ng pambato at kung manalo ’yon, kalahati ng prize is sa atin,” sagot niya. “Hindi naman ’yon lugi, dahil kung sino man ang naging pambato namin, tutulungan namin siya para mas mapadali ang pagpanalo.”

“Paano kung, example ako ang nanalo but hindi ako ang pambato ninyo?” tanong ni Arya.

“Sa ’yo ang buong prize,” seryosong sagot ni Enzo.

“Deal,” mabilis na pagsang-ayon ni Arya. “Walang boboto sa ’kin,” pagbabanta niya.

“Wala talaga,” natatawang sabi ni Enzo. Pati si Chino ay natatawang umiling.

“Kasama ba ako sa aakit? Guys, may asawa na ako, delikado ’yan,” biro ni Ate Sam.

“No, Ate Sam. Kasama ka naming pupusta ni Chino. Sina Chanti, Arya at Tamara ang gagawa,”pagkaklaro ni Enzo.

“Magbabayad pa rin ba kami ng Ten Thousand?” tanong ni Chanti.

“Yes,” pagsang-ayon ni Enzo.

Napaisip ako sa proposal na sinabi niya. Anim kaming nandito kaya kung ten thousand ang bawat isa, makakaipon na ng sixty thousand, ang laking pera nito, kahit hatiin ay may thirty thousand pa rin.

“Ano, guys? Deal?” tanong niya at tumingin-tingin sa amin.

“Fine.”

“Sure.”

“Game,” pagsang-ayon nila.

“You, Tamara?” tanong ni Enzo sa akin.

Ayoko kay Sir Apollo pero gusto ko ng pera, lahat din sila ay pumayag na kaya parang nakakahiya kung ako lang ang hindi. Bahala na. “Sige.”

“Good,” aniya.

“Basta walang makakaalam ng plano natin kay Sir Apollo, kundi pare-pareho tayong mawawalan ng trabaho,” ani Ate Sam.

Sumang-ayon naman kami. Kung gagawin namin ang plano, dapat kaming mag-ingat. Kung hindi, siguradong lagot kaming lahat.

“Tama na ’yan! Wala na tayo sa office kaya huwag na muna nating pag-usapan ’yon,” pagbabago ko ng usapan.

Tumayo ako at itinaas ang aking hawak na baso. “Para sa pagbagsak ni Apollo!”

“Cheers!” tugon nila at sabay-sabay pinagdikit ito.

Ilang oras ang nakalipas. Nag-uwian na kaming lahat. Pagewang-gewang akong naglalakad papunta sa condo ko. Bawat hakbang ko ay tila gumigiling ang paligid. Nakakahilo.

Humahawak ako sa pader kada lakad ko para alalayan ang sarili, dahil parang gumagalaw ang daan.

Huminto muna ako at umupo sa sahig para makapagpahinga. Hilong-hilo talaga ako, parang umiikot ang paningin ko.

Napatingin ako sa pinto na nasa tapat ko. Number 217.

“Ang bwisit na condo,” nakangising sambit ko.

Akalain mo nga naman, dito pa ako natapat.

Bahagya akong napangisi. Tumayo ako at wala sa sariling pumunta roon.

Nang makahinto sa tapat nito, malakas kong kinatok ang pinto para marinig niya. Hindi ako tumigil para siguraduhin na bubuksan niya ito.

Ilang sandali lang ay nagbukas na ang pinto. Bumungad si Apollo na halos gulo ang bubok at mukhang galing pa sa mahimbing na pagtulog.

“Tamara,” gulat na sabi niya.

“Sir Polo, you’re still awake, huh?” wala sa huwisyong tanong ko.

Muntik pa akong matumba pero napakapit ako kanya sa braso niya.

“Ginising mo ako. Why are you here? Alam mo ba kung anong oras na? Gabing-gabi na nang-iistorbo ka pa,” inis na sambit niya.

“Ah, ayaw mo bang maistorbo? Kami rin kasi,” namimikit na mga matang sagot ko. “Alam mo ba? Ang tahimik ng buhay namin sa Likha Studios noong wala ka pa.”

“You're drunk, maybe you should go home,” malamig na sabi niya.

“No, ikaw dapat ang umuwi!”sagot ko sabay turo sa kanya. “What if bumalik ka na sa Japan?” inis na suhestiyon ko.

“Balik ka na,” wala sa huwisyong utos ko kasabay ng pagturo-turo ko sa dibdib niya.

“Tamara.” Bakas sa mukha niya na hindi na siya natutuwa.

Puwes, ako rin. Walang natutuwa sa nangyayari.

“Tara,” pag-aaya ko at pagewang-gewang na pumasok sa loob. Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring maglakad.

“Hey! What are you doing?” naguguluhang tanong niya at sumunod sa akin.

“Tutulungan kang mag-impake, para makaalis ka na. Ang tahi-tahimik ng buhay namin noong wala ka, dumating ka lang naging miserable na,” inis na saad ko.

“Hey, stop! Trespassing ang ginagawa mo. Gusto mo bang tumawag na ako ng security dahil may lasing na babaeng nagwawala sa unit ko?” pagbabanta niya.

Tumigil ako at galit na tumingin sa kanya. “Bakit ba ang pait-pait mo sa office romance? Wala ka bang lovelife kaya dinadamay mo kami?”

“Hey! Enough!” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para pahintuin.

“Ikaw ang tama na!” bwelta ko at pinilit na kumakawala.

“I said enough!” mariing sabi niya at binigyan ako ng matalim na tingin.

Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo pala niya sa malapitan. Parang si Alas, identical twins nga pala sila kaya hindi dapat ako magtaka.

Wala sa huwisyo akong napangiti. “’Yung mukha mo, ang sarap…”

“Sukahan.” Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan siyang sinukahan.

“Agh!” d*ing niya at agad akong binitawan.

Namilog ang mga mata ko nang mawalan ako ng balanse.

“Ay!” Napahawak ako sa damit niya at hindi ko sinasadya na mahila rin siya pabagsak.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak siya akin at nagdikit ang aming mga labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms LiCueto na add ko na
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. update
goodnovel comment avatar
Maricris Quinez Tomacay
update plss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Six

    Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Five

    Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Four

    Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Three

    Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Two

    Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas

  • The Hard Boss   Chapter Twenty One

    Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status