Home / Romance / The Hard Boss / Chapter Six

Share

Chapter Six

Author: LiCueto
last update Last Updated: 2024-01-22 04:49:47

Chapter Six

“Come in,” malamig na saad ni Sir Apollo na nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.

Tila ang bigat ng mga paa ko na humahakbang palapit sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang naririnig ko rin ang malakas na tibok ng puso ko.

Napatingin ako kay Alas. Nginitian niya ako at bahagyang tumango na parang sinasabi niya na huwag akong kabahan. Medyo nabawasan ang nerbiyos ko pero hindi pa rin nawawala.

“Good morning, Sir Apollo,” kinakabahang bati ko. Halos nanginginig pa ang kamay ko na tinukod sa upuan para makaupo.

Kalma, Tamara.

Nang makaayos na ako ng pag-upo, napatikhim si Apollo at tumingin sa aming dalawa.

“Do you have any idea why I called you?” tanong niya.

Sinilip ko ng tingin si Alas. Tipid siyang umiling bilang sagot, ginaya ko naman siya.

“W-wala po,” medyo nautal na sagot ko.

“Really? I see,” aniya at bahagyang tumango kasabay ng paghimas ng baba niya.

Ang totoo, may ideya na talaga ako, lalo na’t bago pa lang siya ipinakilala ay nakita na niya kami ni Alas na magkasama.

“You seem to be aware of my rules. There is no exception when it comes to company policies. Kahit gaano pa katagal, kataas ng posisyon, o kahit malapit kong kakilala,” wika niya.

“Even my family,” dugtong niya at tinuon ang tingin kay Alas.

Lalong tumindi ang kaba ko. Sa sinasabi niya, mukhang may alam na siya tungkol sa amin.

“Excuse me, Sir Apollo. Para na rin hindi maubos ang oras ng bawat isa sa atin, pwedeng tapatin mo na kami kung bakit mo kami pinatawag?” kalmado pero bakas na sa mukha ang pagkairita ni Alas.

Tipid na tumango si Sir Apollo bilang pagsang-ayon. “Okay.”

“I don’t want to interfere in your personal lives, but rules are rules. Tell me, ano’ng meron sa inyong dalawa?” seryosong tanong niya.

Nalintikan na.

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Sinilip ko ng tingin si Alas para makita ang kanyang reaksyon.

“Sa ’yo mismo nanggaling na hindi dapat pakialam ang personal na buhay ng isa’t isa, Sir Apollo,” walang emosyong tugon ni Alas. “Pero bakit interesado kang malaman ang tungkol sa amin? At parang binibigyan mo rin ng malisya. How ironic,” dugtong niya.

“Hmm? Why? Hindi ba dapat?” pagbabalik ng tanong ni Sir Apollo.

Napalunok ako habang pinapanood silang dalawa na mag-usap. Pakiramdam ko, nagkakainitan na sila.

Seryoso silang nagtitigan kasabay ng pag-iigting ng kanilang panga, habang ako ay kabado at nag-aalala sa maaaring mangyari.

“Is my question too difficult for you to answer?” sarkastikong tanong ni Sir Apollo.

Bwisit na CEO! Alam kong kakambal niya si Alas at halos wala silang pinagkaiba pagdating sa hitsura maliban sa buhok, pero habang tinitingnan ko siya, kumukulo na ang dugo ko.

Napatingin si Alas sa akin. Ang matalim niyang mga mata kanina ay biglang naging malungkot.

Huminga siya nang malalim at binalik ang atensyon kay Sir Apollo.

“Fine,” aniya.

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa susunod niyang sasabihin.

Hindi kaya aamin na siya? Kung gagawin niya ’yon, pareho kaming malalagot.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kagabi. Gulat akong tumingin sa kanya nang mapagtanto ito.

Edi ibig sabihin nito, magre-resign na siya?

Hindi ko mapigilang makonsensya. Nang dahil sa akin, aalis siya ng kompanya.

“Tamara and I are…”

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang pinakikinggan siya.

“Best friends.”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ito.

Best friends?

Tama ba ang pagkakarinig ko?

“Isa siya sa pinakatapat kong kaibigan,” dugtong niya.

“K-kaibigan?” mahinang banggit ko.

Parang biglang gumuho ang mundo ko nang magpaulit-ulit sa isip ko ang mga salitang binitawan niya.

Kung friends, ano ang mga sinabi niya kagabi?

Gulat akong napatingin sa kanya. Naninikip ang dibdib ko pero pinilit kong maging mahinahon.

Itinuon sa akin ni Sir Apollo ang kanyang atensyon.

“Is it true, Miss Tamara?” tanong niya.

Hindi makapaniwala akong napalingon kay Alas. Nakatingin lang siya at bahagyan tumango bilang senyas na sumang-ayon ako.

Mariin akong napalunok. Tila nananakit ang lalamunan at nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko rin ay tutulo ang luha ko pero pilit ko itong pinigilan.

“O-opo. T-totoo po, Sir Apollo…” nahihirapang sagot ko.

Matapos ang pag-uusap naming tatlo, dumiretso agad ako sa scream room. Pumasok ako sa loob at nanghihinang sumandal. Gusto kong sumigaw pero parang wala na akong lakas na gawin ’to.

Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggi ako ni Alas.

Huminga ako nang malalim at malakas na ibinuga ang hangin. Nakaramdam ako ng inis nang pumasok sa isip ko ang CEO na si Apollo Imperial.

“D*mn it! Kasalanan lahat ’to ni Apollo! Kung hindi siya dumating, masaya sana kaming lahat. D*mn you, Apollo!” inis na sigaw ko.

Matapos ang ilang minutong pagsigaw ay gumaan na ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa loob ng scream room. Hindi ito pansinin dati, pero ngayon, mukhang mapapadalas na ang paggamit ng mga empleyado nito.

Huminga ulit ako nang malalim at inayos ko muna ang sarili bago lumabas. Nang matapos ay binuksan ko na ang pinto. Agad na bumungad ang mukha ni Chino sa harapan.

“Hey, Tamara,” nakangiting bati niya at bahagyang kumaway-kaway.

“Oy, nandito ka?” tanong ko.

Hindi niya na ako pinansin at dumiretso agad sa loob.

“F*ck you, Apollo!” malakas na sigaw niya.

“Uy! Isarado mo muna ’yan!” sita ko sa kanya. Ako na mismo ang humila ng pinto para isarado ito.

Nang maggabi, malalim akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa screen. Pagod akong napasandal sa swivel chair at  tumingin sa direksyon ng office ni Alas. Binaba ko ang tingin sa phone ko at binuksan ito. Nagbabaka-sakali ako na tumawag siya o kaya i-message niya ako para magpaliwanag tungkol sa nangyari kanina na pagtanggi niya sa akin. Pakikinggan ko naman at iintindihin ang paliwanag niya.

Napalingon ako sa mga kasama ko. Nagliligpit na sila ng gamit.

“Ikaw, Tammy. Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Chanti na nagme-make up sa tabi ko.

“Inom tayo, guys?” pag-aaya ko sa kanila.

Napahinto naman siya at bakas sa mukha ang gulat na napatingin sa akin.

“Wow, himala! Si Tamara ba ’yan?” gulat na tanong ni Ate Sam.

Tipid akong tumango “Ayaw n’yo ba?”

“No! Oh, Let’s go! First time ni Tammy mag-aya kaya dapat pumunta tayo,” sabi ni Chanti.

“May narinig akong inom.”

Napalingon kami sa direksyon ni Chino at Enzo na papunta rito.

Wow! Malayo ang pwesto nila pero narinig kami. Basta talaga pagdating sa inuman, malalakas ang pandinig nila.

“Tara!” masiglang pag-aaya nila.

Mukhang kailangan ’din ni Chino uminom dahil kanina ko pa siya nakikita na pabalik-balik sa scream room.

“What’s happening here?”

Naagaw ang atensyon namin at napalingon sa nagsalita. Puno ng kuryosidad na lumapit sa amin si Arya.

Nagtinginan kami kung sino ang sasagot sa amin.

Baka kasi sumama ang babae na ’to. Ayaw pa naman namin siyang kasama kasi medyo hindi namin gusto ang ugali niya.

“Nagpaplano kami na uminom,” sagot ni Chino.

“Inom? Sure. Sige, sama ako,” aniya.

Hays! Nalitikan na.

“Hindi ka naman namin inaaya,” ani Enzo.

Nagpigil naman ako ng tawa at tumingin sa ibang direksyon para hindi ipahalata.

“Ano’ng sabi mo?” kunot-noong tanong ni Arya.

“Oh, sige na. Magligpit na tayo, baka magbago pa isip ni Tamara at ’di tayo matuloy,” pag-aaya ni Ate Sam.

Ilang minuto ang lumipas. Nakarating kami sa isang Resto Bar. Pumasok na kami sa loob at humanap ng malawak na table para pumwesto. Umorder na rin sila ng beer at pulutan.

Habang naghihintay ay hindi ko na napigilan ikuwento sa kanila kung ano ang naganap, pati ang tungkol sa naging relasyon namin ni Alas.

“Ah, gano’n pala ang nangyari,” tumatangong sabi ni Ate Sam habang hinihimas ang baba niya.

“I don’t know if I should cry about my relationship with Alas that only lasted for two days,” inis na banggit ko.

“Hayaan na lang natin, gano’n talaga. Saka baka na-realize din ni Sir Alas na hindi kayo bagay,” komento ni Arya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Napakibit-balikat naman siya at tumingin sa ibang direksyon sabay inom ng drinks.

“Arya, naman! Baka pinoprotektahan lang din ni Alas si Tammy,” buwelta naman ni Chanti.

“Huwag na natin ’yan pag-usapan. Inom na lang tayo,” pagsingit ko para matapos na.

“Grabe talaga si Sir Apollo, ’no? Bakit kasi ’yan nandito? Dapat nag-stay na lang siya sa Japan. May rule-rule pang nalalaman na No Romantic Relationship!” inis na sambit ni Chanti.

“Wait. Guys, I have an idea!” pag-agaw ng atensyon ni Ate Sam.

“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka bakla SI Apollo
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
paganda ng paganda ang story,,,thanks sa update author
goodnovel comment avatar
Cheese Fillet
Next po. Exciting ang story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Six

    Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Five

    Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Four

    Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Three

    Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Two

    Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas

  • The Hard Boss   Chapter Twenty One

    Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status