Home / Romance / The Hard Boss / Chapter Five

Share

Chapter Five

Author: LiCueto
last update Last Updated: 2024-01-20 13:19:41

Chapter Five

“Ay! Kainis!” iritableng sambit ko kasabay ng mariing paghilamos ng dalawang kamay sa aking mukha.

“D*mn, Tamara! D*mn! D*mn! D*mn! Isa kang kahihiyan!” Pumadyak-padyak ako para ilabas lahat ng inis. Binagsak ko ang sarili sa kama padapa at napasabunot ng buhok.

Gusto ko nang kalimutan ang kahihiyan na ’to pero paano ko magagawa kung nasa tabi lang ng unit ko ang place niya at siya pa ang Boss ko? Siguradong paulit-ulit ko lang maaalala ’yon sa tuwing makikita ko siya.

Nakakahiya! Nagkakalat ako sa kakambal ni Alas!

Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate na naman ang phone.

Oo nga pala! Nawala sa isip ko si Alas.

Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone ko. Sinagot ko ang tawag at itinapat ito sa aking tainga.

“Hello, Alas?”

“I’m here in the lobby of Ali Residences. Hintayin na lang kita rito sa baba. Thank your time, Tamara,” aniya mula sa linya.

“Ay, sorry! Wait, magpapalit na ako,” sagot ko.

“No need to say sorry, Tamara. Just take your time. Maghihintay ako kahit hanggang bukas pa ’yan,” sagot niya na nagpakilig sa ’kin.

Nang maputol ang linya ay dali-dali akong naghanap ng damit na susuotin. Kinuha ko ang lahat ng dress ko para maayos na makapamili. Ikinalat ko ang mga ito sa kama ko nang makita lahat.

“Kumalma ka na, Tamara. Mas isipin mo ang date ninyo ni Alas,” sabi ko sa sarili at pinipilit huminahon.

Isa-isa kong sinukat ang mga dress ko at tiningnan sa salamin hanggang sa makapili ako ng bagay para sa paglabas namin ngayong gabi.

“Dapat maging maganda ako sa paningin niya,” sabi ko sa sarili at kumuha ulit ng dress.

Makalipas ang ilang minuto ay nakahanap na ako ng damit. V-neck fairy dress na kulay pula ang pinili ko. Black sandals naman ang partner nito.

Iniisip ko kung magdadala pa ako ng jacket dahil malamig, pero hindi na. Baka may dalang coat si Alas, tapos isusuot niya sa akin. Tama, gano’n nga! Para mas lalong romantic.

Nang makapag-ayos, dumiretso na ako sa lobby para puntahan si Alas.

Ilang sandali lang ay natanaw ko na siyang nakaupo at naghihintay.

Napalingon siya sa direksyon ko, napangiti siya at agad na tumayo para salubungin ako.

“You look so gorgeous, Tamara,” nakangiting bati niya sa akin.

“Thank you,” pabebe kong sagot ko at nagpigil ng kilig.

Nagpaganda talaga ako para sa ’yo.

“Let’s go?” pag-aaya niya.

Nakangiti akong tumango bilang tugon.

Ilang minuto ang lumipas. Nakarating kami sa isang five star restaurant. Sa labas kami pumwesto. Maganda ang view rito dahil bukod nakikita ang magagandang bituwin sa gabi, napapaligiran din kami ng mga bulaklak. Mayroon pa ritong banda ng musika na ilang distansya lang ang layo mula sa amin. Napaka-romantic.

“Kumusta?” puno ng sensiridad na tanong ko.

“I’m good.” Pilit siyang ngumiti pero bakas sa mga mata niya na malungkot siya.

Mukhang iniisip niya ang nangyari kanina tungkol sa kakambal niya na pinakilalang bagong Boss ng Likha Studios. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na apektado siya.

“Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ito, pero kung ako ang tatanungin kung sino ang karapat-dapat na maging CEO, ikaw ’yon, Alas. Kahit mga empleyado, ikaw ang gusto nilang ilagay sa posisyon,” sabi ko.

“Thank you, Tamara,” nakangiting saad niya at pinisil ang aking pisngi. “Ang cute mo.”

Napaiwas naman ako ng tingin at napainom ng juice. Hindi ko mapigilang kiligin. Feeling ko, namumula rin ang mukha ko dahil nag-iinit ito.

“By the way, my twin also lives in Ali Residences. Mabuti hindi kayo nagkakasalubong,” aniya.

Nasamid ako at naibuga ang juice na iniinom ko.

“Are you okay, Tamara?” nag-aalalang tanong niya at inabutan ako ng paper napkin.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. “O-okay lang.”

Kung alam niya lang ang mga kagagahan na nangyari sa amin ng kakambal niya, pero hindi ko na ’yon sasabihin dahil ayokong masira itong date namin.

“Didiretso sana ako sa condo mo pero baka makita tayo ni Apollo,” aniya.

Bahagya akong napangiti. “Okay lang, much better.”

“Alas, pinaglihi ba sa sama ng loob ang kakambal mo?” nagtatakang tanong ko.

Lumabas naman ang kanyang dalawang dimple dahil sa pagtawa niya. Ang cute niyang tingnan. Parang nabawi ang lahat ng kabadtripan ko ngayong araw dahil sa ngiti niyang ganyan.

“O baka nagtatamin ng galit sina Mr. Imperial at siya ang naging bunga?” inis na dugtong ko.

Tawa lang siya ng tawa sa mga pinagsasabi ko.

“Ay, sorry. Kakambal mo nga pala siya. Nadala lang ng emosyon,” aniko at huminto na.

“No, it’s fine. Actually, you’re right,” pagsang-ayon niya habang tumatawa pa rin.

“Marami ring nagsasabi na kahit magkamukha kami, madali kaming makikilala dahil palagi siyang nakasimangot,” kuwento niya.

Natatawa akong tumango bilang tugon. “Oo nga.”

Biglang sumagi sa isip ko ang kakambal niya at nagpatanto ang date na nangyayari ngayon sa amin.

Hindi kaya ang awkward na may rule sa amin na no romantic relationship tapos nakikipag-date ako sa kakambal ng CEO na isa rin sa mga Boss ko?

“Tamara.”

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako.

“Are you okay?” tanong niya.

“Ahm, Alas,” nag-aalangang tawag ko sa kanya.

“Yes?”

“Since date natin ito, ayoko sanang pag-usapan ang tungkol sa trabaho, pero hindi ko lang maiwasang mapaisip sa mga rules na sinabi ni Sir Apollo,” nahihiyang sabi ko.

Dapat namin ’tong pag-usapan dahil relasyon at trabaho namin ang nakasalalay rito, pati na rin ang relasyon niya sa kanyang kakambal.

“Does anyone else know about our relationship?” tanong niya.

Bahagya akong napailing. “Wala pa akong nasasabihan.”

“Paano kapag nahuli tayo?” dugtong ko na may halong pag-aalala.

Ngumiti siya at marahang hinawakan ang kamay. “Tamara, calm down.”

“If that happens, I will resign,” sambit niya.

KINABUKASAN. Malalim akong napabuntong-hininga habang tinitingnan ang mga bakanteng puwesto sa opisina. Kahapon lang dumating ang bagong CEO, marami nang natanggal, ’yung iba naman ay nag-resign dahil hindi nila kinaya ang mga bagong polisiya sa pamamahala ni Sir Apollo. 

Lumingon-lingon ako para hanapin si Kayla.

“Si Kayla?” tanong ko.

“Si Kayla ang nagparaya. Kanina pa pumasok si Jom,” malungkot na kuwento ni Chanti sa tabi ko.

Hindi ko rin maiwasang malungkot. Parang noong nakaraan lang, ang saya-saya pa namin sa araw ng kasal nila, nasaksikan pa namin kung paano sila nagkagustuhan dito sa Likha Studios. At bigla na lang itong matatapos dahil lang sa isang bagong dating na Boss.

Bwisit na Apollo!

“Hey, girls!” masiglang bati ni Ate Sam.

Lumapit siya sa pwesto amin at isa-isang naglapag ng kung anong bagay sa desk ng bawat isa. Naagaw naman nito ang atensyon ko at napatingin dito.

“Ano ’yan?!” gulat na tanong ko sa kanya.

“V*brator, ano pa ba?” banggit niya.

“Huh? Bakit mo ako binibigyan n’yan?!” gulat na tanong ko at mabilis itong inabot sa kanya para ibalik.

“Oops! No!” pagpigil niya at pilit na iniiwas ang kamay sa akin.

“Ipasok mo na lang sa bag mo. Thanks to me, magagamit mo ’yan lalo na sa oras ng sakuna,” sabi niya sabay kindat.

“Ate Sam, naman,” umiiling na sabi ko at wala nang nagawa kundi ipasok ito sa bag ko.

“Naku, Tamara! Kunwari ka pang inosente. Alam kong ang ganyang maaamong mukha, ’yan talaga ang malilib*g at t*ting-t*te!” walang prenong sambit ni Ate Sam.

“Ate Sam, ang bunganga!” tawang-tawa na sita ni Chanti at tuluyan nang napahagalpak.

“At saka kailangan na kailangan mo ’yan! Alam naming may gusto ka kay Alas,” pagbuking niya.

“Ate Sam!” pagpapahinto ko sa kanya at sumenyas na tumahimik.

“Pero mukhang hindi na kayo magkakatuluyan dahil kontrabida ba naman ng love story n’yo ang kakambal niya na CEO ng kompanya. Kaya ’yan! V*brator na lang ang jowain mo,” saad niya.

Pilit na lang akong ngumiti at umiiling-iling na napasapo ng noo.

Kung alam lang nilang kami na ni Alas. Walang makakapigil sa relasyon namin, kahit pa ang kakambal niya at Boss ng kompanya.

Naagaw ang atensyon namin nang mapansin si Arya na pakembot-kembot na naglalakad papunta rito.

“Tamara,” tawag niya sa akin.

“Pinatatawag ka sa office ni Mr. Imperial,” mataray na dugtong niya.

Napakunot ako ng noo at napatingin kay Chanti. Puno rin ng tanong ang reaksyon niya.

“Bakit daw?” nagtatakang tanong niya.

“I dunno,” walang kaide-ideyang tugon ko at napakibit-balikat.

Tumayo na ako at pumunta sa office. Habang naglalakad ay iniisip ko ang mga puwedeng maging dahilan para ipatawag niya ako.

“Sandali?” Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang isang bagay.

Hindi kaya…

Pagdating sa tapat ng pinto, huminga ako nang malalim at binuksan ito nang dahan-dahan.

Natigil ako nang makita si Alas na nakaupo kausap si Apollo. Naagaw naman ang atensyon nila at napatingin sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, parang may hindi magandang mangyayari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
bakit Kaya pinatawag SI Tamara?
goodnovel comment avatar
Lyca Lopez dela Cruz
more update
goodnovel comment avatar
Elan Candungan
good story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Six

    Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Five

    Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Four

    Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Three

    Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Two

    Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas

  • The Hard Boss   Chapter Twenty One

    Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status