Share

Chapter 10: Ang pagkalbo kay Felicia

***

May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.

Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.

Napasulyap siya sa screen ng cell phone  habang nakatayo sa labas ng bridal shop. Inayos niya pa nang kaunti ang buhok na inilugay para lang maitakip sa mukha niya. Naka-shades siya at mala-payong na summer hat. Nakaabang sa mangilan-ngilang pares na dumarating. She couldn’t just barge in. Dahil paano kung magkasama si Adrian at ang bride nito? Paano ang confrontation? Ayaw niyang maghisterya sa loob ng shop na nagmamay-ari ng pinapangarap niyang wedding gown. Hayun nga at naka-display pa rin ang gown sa harap ng shop—untouchable sa loob ng tatlong buwan na pagpapabalik-balik niya para mangarap.

‘That Aly! What’s taking her so long?’ napapapadyak na naisip niya. Nag-text siya sa pinsan para tawagan siya sa resulta ng impormasyong ipinapatanong niya.

Nang tumunog ang cell phone  niya ay agad niya iyong sinagot. Ni hindi natapos ang unang ring.

“Are you really in that bridal shop?” usisa ni Aly sa kabilang linya.

“Of course, silly! You gave me a photocopy of the bitch’s schedule. Of course, I will check her out,” sagot niya, iniingatang tumaas ang boses. “So? What’s her full name?”

“Sana nagpasama ka sa’kin! I want to see her too.”

Umikot ang eyeballs niya. Sinadya niyang hindi isama si Aly dahil ayaw niyang may saksi at ebidensiya ang pagmamanman. Isa pa, paano kung makita nila na payat na nga ang bride ni Adrian, mas maganda pa kaysa sa kanya? Ano’ng gagawin niya sa walang prenong bibig ng pinsan na malamang sa malamang ay ididikdik sa kanya ang gano’ng katotohanan?

“What’s her name?” ulit ni Erin sa tanong.

“Shaniah Robles,” sabi ni Aly. “Ang hirap i-torture si Vince para lang makuha niya ’yang pangalan na ’yan, ha? You should tell me everything that will happen!”

May pares na lumabas mula sa bridal shop. Napalingon si Erin sa salaming pinto.

Shaniah Robles. Parang naulinig niyang nabanggit ang pangalang iyon mula sa bumukas at nagsarang pinto ng shop.

Wala sa loob na napatingin siya sa mukha ng nakangiting babae na nakikipag-usap sa shop assistant. Bumaba ang mga mata niya sa braso nito. Maliit. Inusisa niya ang tabas ng buhok. Katulad ng sa babaeng nakita niyang kasama ni Adrian. Bumalik ang paningin niya sa mukha nito. Maganda. Mukhang mabait. Pati ang ngiti, maaliwalas.

Hindi pa naman niya nasisiguro na ang babaeng tinitingnan ay si Shaniah Robles nga, pero bakit nangangatog ang tuhod niya? At bakit may malakas na bundol sa dibdib niya habang nakatitig dito?

Hindi niya namalayang pinutol niya ang koneksyon mula sa tawag ni Aly. Hindi niya rin namalayan ang awtomatikong paghakbang para maitago nang kaunti ang sarili sa tagiliran ng shop, maging ang tuluyang pagtalikod sa lugar na iyon at paglakad palayo.

Napangiti siya nang mapait. She knows why she’s sure about that girl being the bride. Minsan na niyang nakita ang babae. Dating officemate ni Adrian sa advertising firm. Ipinakilalang dating kaibigan. That’s the girl she secretly caught kissing with her boyfriend one night.

Silly her. Paanong nangyari na wala siyang ideya kung sino ang babaeng kapalit niya sa buhay ni Adrian? She even asked the girl kung alam nito kung nasaan ang nobyo. That girl told her she didn’t know. Alam niyang tanga at desperada siya. Pero ilang ulit bang kailangang idikdik iyon sa kanya?

Lumunok si Erin at napapikit.

Tumitigil ang ikot ng mundo.

***

Six hours later . . .

“Felicia, let’s talk.”

Napalingon ang tinawag niya. Nasa parking lot sila ng branch office ng advertising firm kung saan sila magkasamang nagtrabaho. Inabangan niya ang paglabas ng dating kaibigan mula sa opisina.

“Are you drunk?” kunot-noong tanong sa kanya ni Felicia. Nahinto ito sa dapat sanang pagsakay sa kotse nito.

Maganda ang ayos nito. Deadly ang high heels. Sexy ang maikling pencit cut skirt. Nang-aasar ang manipis na braso na litaw sa sleeveless na blusa. Balik-ayos ang buhok na nakatakip sa panga.

“I’m not. I just sipped a little vodka,” sagot niya at nasinok. Kaunti lang ang ininom niya. Half a bottle of vodka na nakatago sa cabinet sa apartment niya. Who gets drunk with half a bottle?

“Go home, Erin. I’m not in the condition to talk to you,” sabi nitong umangil at akmang isusuot ang hawak na susi sa pinto ng kotse.

Tumaas ang kilay niya. Inangilan ba siya nito samantalang wala pa siyang sinasabi?

“Did you just growl at me?” tanong niya rito.

“Yeah, I just did,” asar na buwelta ni Felicia sa kanya at namaywang. “Bakit? Ano’ng problema mo pati sa pag-angil ko, ha?”

Namaywang din siya. “Wala naman. It’s just that. . . you don’t do that to me.”

“Oh yeah?” anitong nanliit ang mga mata sa kanya.

“Oh yeah!” galit na sagot ni Erin.

Umangil ito. Umangil din siya. Mas malakas. Pero hinigitan lang nito ang angil niya.

“You stop doing that, you bitch!” sigaw ni Erin. Ano’ng karapatan ng babaeng ito na makipagpalakasan ng angil sa kanya? Hindi lang ang panga nito ang makapal! Mukha rin!

“You stop growling at me, you pest!”

And she actually called her pest? A pest?!

“Ikaw ang peste! Bitch! Traydor! Mang-aagaw na higad!” sunod-sunod na sabi niya. Lumalabas ang ugat niya sa leeg sa bawat pagsigaw. Mainit ang dugong mabilis na bumubugso sa buong katawan niya.

“I’m a bitch? You’re the stuck-up illusionary bitch! Hindi ka maka-move on, girl! And you actually wanted to fucking talk?! Gosh! It’s been years!” malakas din na sabi nito. May diin sa bawat salita at kumukumpas.

Nagpanting ang tainga niya sa narinig.

Move on? Ito pa talaga ang nagsasabi sa kanya na mag-move on? Por que at asawa na nito ang inagaw na lalaki sa kanya? Por que at promoted na ito gamit ang proyektong pinaghirapan nila? Por que at maayos ang buhay nito, siya na hindi, dapat mag-move on na lang? Nang gano’n lang?

“The fuck about moving on! Yes, it’s been years and you never apologized!” sigaw niya. Dinidiinan din ang bawat salita. “Apologize, you bitch!”

“Apologize? You’re here picking a fight! It’s not for an apology, Erin! Gosh, you should start working with your life instead of being here bitching at me!”

Ano’ng sabi nito? Wala siyang love life? Wala siyang love life?! Ipinagdidikdikan?

“What?! You. . .” Nagsimulang tumayo ang balahibo niya habang umiikot ang paningin sa init ng ulo. “Ano’ng sabi mo?! Wala akong love life?!”

“What?!” malaki rin ang matang sabi nito. Namumula na rin ang mukha sa pinipigilang galit.

“You!” Tumakbo siya palapit dito at sumigaw bago hinablot ang buhok nito. “Bitch!”

***

Two hours later . . .

Sa Taguig City Police Station ay halos magkatabing nakaupo sina Felicia at Erin. Mainit ang pakiramdam ni Erin sa buong mukha, lalo na sa pisngi at panga na ilang ulit na hinambalos ng kamay ni Felicia. Masakit din ang tagiliran ng labi niya nang maingudngod sa kotse nito. At mahapdi ang anit niya sa pagkakahablot ng buhok.

Doble ng lahat damage niya ang nakuha ni Felicia. Hindi lang sabunot ang inabot nito. Putok ang labi nito nang gamitin niyang wiper sa windshield ng kotse. May pasa ang panga na ginamit niyang pangkalang sa side mirror. Pikit ang isang mata na binaunan niya ng kamao. At malamang na mag-wig ito kinabukasan sa trabaho sa dami ng binunot niyang buhok. Muntik na rin niyang maputol ang kamay nito.

Sira ang manggas sa blouse na suot niya. Punit naman ang sleeveless ng babae na maya’t maya ay iniipit nito sa kilikili at bra.

Pero triple ang inabot ng lalaking umawat sa kanila—si Jeff. Creative director nila ito sa advertising. Daig nito ang nakipagsuntukan sa isang gang sa dami ng pasa at maga sa mukha. Pikit ang isang mata. Punit ang dati ay kagalang-galang na terno ng slacks at long sleeves.

Ito ang nagdala sa kanila sa police station dahil hindi sila maawat.

Halos hindi sila nagsusulyapan ni Felicia habang panay ang iyak ni Jeff sa mga pulis.

Pero ugong lang ang lahat ng bagay sa pandinig ni Erin. Nagrereklamo sa sakit ang pisikal niyang katawan pero absent ang isip niya. Manhid ang kalooban. Wala siya roon. Wala sa harap ng pulis na nagtatanong at sa harap ng nagsusumbong na si Jeff.

She needs someone—anyone—to make her feel.

Bumukas ang pinto ng istasyon at magkasabayang pumasok ang dalawang mukhang kilala niya. Una si George. Kunot ang noo nito nang tumama ang paningin sa kanya bago mabilis na lumipat sa tagiliran niya—sa asawa nito. Madali itong nakalapit kay Felicia. Naulinig niya nang kaunti ang pag-aalala nito sa asawa. Narinig din niyang umiyak si Felicia. Nagsusumbong.

Something broke inside her—na para bang mayroon pang maaaring basagin sa dati nang basag na damdamin. Something heavy stirred inside, kaya napahinga siya nang malalim.

How nice. . .

How nice would it be to have someone to tell your troubles to? Someone na pagsusumbungan  that you had a bad day; that you fought with someone crazy; that you just wanted to go home. Someone who will listen and will tell you not to worry. Someone who will say that it’s okay to have a bad day because tomorrow might be good. That it’s okay to catfight with a crazy girl but at least dodge the damage. That it’s okay because you’re going home.

How nice would it be to have someone—anyone? Naipon ang mainit na luha sa mga mata niya pero hindi bumabagsak.

Ikalawang mukha si Adam.

Bakit nandito si Adam? Ah. . . Oo nga pala. Wala kasi siyang ibang matawagan kanina to bail her out. Hindi siya puwedeng tumawag sa amang nasa L. A. para lang mangunsumi ito. Hindi siya puwedeng tumawag kay Aly dahil ayaw niyang ikuwento kung ano ang puwersang sumapi sa kanya para matripang bugbugin si Felicia. Wala siyang puwedeng matawagan sa mga kamag-anak na hindi siya pagagalitan. She has no friends to call too. Lahat kasi, kaibigan din ni Adrian. And they all stopped being friends with her after niyang i-delete ang account sa f******k.

So, she called Adam.

“Erin? Are you alright? Pupunta ba tayo sa ospital?” tanong nito.

Nakasunod lang ang mga mata niya sa lalaki. His caramel eyes glinted of worry and concern. May pag-alo sa mahigpit na hawak nito sa magkabilang balikat niya. Sinipat nito ang mukha niya, tinititigan ang mga posibleng pasa at pamamaga. Pagkatapos, niyakap siya nito.

He’s warm. Napipikit siya. Malapad at komportable ang dibdib nito para sandalan at pagtaguan. Kung puwede lang umuwi nang gano’n—nang nasa yakap nito.

“Hey, Erin. . . are you okay? Tell me,” anito.

Tumango siya. Nilunok ang sunod-sunod na bara sa lalamunan niya. Pigil na pigil niya ang napupunong luha sa mga mata. But she could hear Felicia crying beside her. Umiiyak kay George. Gaya nito, alam niya. . . if she let the tears out, she will feel better. If someone comforts her, she will feel better. Kaso. . . napapagod na siya.

“You want to go home?” tanong ni Adam.

Pinilit niyang ngumiti. “Yes. Badly.”

“Okay. I’ll take you home. Let me fix this first, okay? It won’t be long,” malamlam ang matang sabi nito sa kanya.

Tumango siya.

They stayed for another hour at the station before they were released. Hindi nag-file ng kaso si Felicia at George laban sa kanya. Napakiusapan din nila ang direktor na si Jeff. Then as promised, Adam drove her home.

Tahimik sila nang pumasok sa loob ng apartment niya. Erin clicked the lights on. Sinilaw at inasar siya sandali ng liwanag. Unang napako ang mga mata niya sa center table sa living room kung nasaan ang bote ng vodka na ininom.

“Do you want coffee?” tanong niya kay Adam.

Hinawakan nito ang kamay niya para pigilan siya sa paglakad patungo sa kusina. “Tell me what happened.”

Nakatitig ito sa mga mata niya kaya nag-iwas siya ng tingin. “It’s on my list, ’di ba? Number one, kalbuhin si Felicia. That’s what I did.”

“Is that everything?” he asked.

“No.”

Paano ba niya sasabihin ang katangahan at kagagahan niya?

“You can tell me, Erin.”

Mainit ang kamay nito na hindi binibitawan ang kamay niya. Nakagat-kagat niya ang labi.

“I stalked Adrian’s bride,” amin niya. “Kanina, sa bridal shop.”

“And?”

“She’s pretty,” sabi niyang nagkibit-balikat. Saka napalunok.

“Erin. . .”

Nagbuntonghininga siya. “It’s petty, Adam.”

“Yeah. And I don’t care. I want to know.”

Sa bote ng vodka siya tumingin. “She’s pretty wearing my dress. ’Yong gown na pangarap kong suotin. . . sana. . . kung ikakasal ako.”

Pumagitan ang katahimikan sa kanila. Sinasakal siya. Sinasaktan. Ipinamumukha sa kanya kung gaano siya kaliit.

“And she’s pregnant,” dagdag niya at lumunok.

That’s what she saw. Matapos tumirik ang mundo, matapos niyang mag-isip-isip, matapos niyang maglakas-loob na bumalik sa bridal shop para kausapin si Shaniah, nakita niyang wala na sa mannequin ang wedding gown na pangarap niya. Wala na rin doon ang babaeng sadya niya. Pumasok siya sa loob at nagtanong sa attendant. May gagamit na raw kasi no’ng design ng gown kaya tinanggal na sa display. Si Shaniah Robles daw ang gagamit. Magrereklamo sana siya pero narinig niyang nagkomento ang designer na very fitting ang gown sa babae since sa araw ng kasal nito ay five months na ang laki ng tiyan nito.

At marunong siyang magbilang.

Two months ago lang sila naghiwalay ni Adrian. Ayon sa kopya ng schedule ng wedding coordinator, one month na lang ay ikakasal na ito. Then, it hit her. Iyon ang rason kung bakit bigla siyang naiwan. Nabuntis si Shaniah. Nalaman ni Adrian. And the only option left was to break every promise he made to her and marry that other girl. Walang proper apology. Walang paliwanagan.

And being the petty and desperate girl that she already is, nang kailangan niyang manabunot at magbunton ng sama ng loob, tinambangan niya si Felicia. That’s unreasonable but she doesn’t care. She could have picked a fight with anyone. Kahit siguro taxi ay paparahin niya para makipagsuntukan sa driver.

“Are you. . . okay?” alanganing tanong ni Adam.

“I. . .” Nag-isip siya ng maglalarawan sa nararamdaman niya. Walang dumarating. She could barely hold her emotions in. Ang gusto niyang gawin ay, “I just want to be alone for a while.”

“Do you want to drink?” tanong ng lalaki.

“Uminom na ’ko kanina. I just want to wash myself and sleep. I’ll be okay, Adam. I released all my stress kay Felicia.”

“Are you really, really sure?” maingat na ulit nito.

“Yes. And thank you for fetching me. I know you’re busy,” aniya. “Coffee?”

Umiling ito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat na parang hindi alam ang gagawin. “No. You better rest.”

Tumango siya. Pinisil naman nito ang balikat niya at nagbuntonghininga habang nakatitig sa kanya.

“I’ll go now,” sabi ni Adam. Ngumiti ito sa kanya. “Rest, okay?”

Pilit siyang ngumiti hanggang makalabas ito. Pero taksil ang luha niya na nakipag-unahan sa paglalapat ng seradura ng pinto. Nanlalambot ang tuhod na bumagsak siya sa carpet sa paanan ng couch.

The girl is pregnant. At inaatake siya ng konsensiya sa ginawa kay Felicia.

She sunk too low. She’s petty, desperate, and crazy. Tanga rin. How can she redeem herself?

Sumigaw siya at umatungal ng iyak.

***

Bago pa tuluyang sumara ang pinto ay narinig na ni Adam ang paghikbi ni Erin. Walang magawa na sumandal siya roon. He could hear things breaking inside her apartment, pero hindi na niya magawang bumalik sa loob para samahan ang babae.

He saw it in her face—she was faking it so he could go and she could cry alone. Iba ang Erin na umiiyak habang lasing sa babaeng iniuwi niya ngayon sa apartment. Mas basag ito kapag umiiyak nang walang alak. He would have wanted her to drink up and cry like crazy with less of her logic and less of her thoughts.

Dumidilim ang mukha niya habang naririnig ang mga ingay sa loob. Pinilit niya ang sariling humakbang paalis, patungo sa parking lot, sa sariling kotse.

Once inside the car, he dialled a number on his phone. Hinintay niyang may mag-pick up sa ring.

“Hey, Noonie, I have a favor to ask,” simula niya sa kaibigan habang minamaniobra ang kotse. Madilim ang mukha niya. Maningas ang mga mata. He gritted his teeth and almost hissing, he said, “Tell me where the fucking hell that Adrian is!” #

Komen (3)
goodnovel comment avatar
Ylena
go Adaaaammmmmm!
goodnovel comment avatar
Ylena
naiimagine ko yung iyak at sigaw ni Erin, it hurts huhu
goodnovel comment avatar
Ylena
Eriiiinnnn .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status