Share

Chapter 15: Memories

***

‘Will I see you this time? Maaabutan ba kita? Maipapaliwanag mo ba nang maayos sa akin kung bakit ka umalis?’

Panay ang tulo ng luha ni Erin habang ipit sa traffic ang taxi na sinasakyan niya. Napatingin siya sa tagiliran. Napasulyap sa unahan. Bumper to bumper ang mga sasakyan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.

‘Shit. Pang-teleserye talaga? Dapat siksik na siksik ng traffic ang sasakyan ko para may thrill ang habulan sa airport?’ asar na naisip niya habang maingay ang kalabog sa dibdib.

Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng isang teleserye. Ito ang ending scene. Nawala nang matagal ang bidang lalaki pero tumawag sa bidang babae. Nagsabi ng maraming kalokohan para mawala ang sama ng loob ng ka-love team. Nag-I love you. ’Tapos, paalis na pala ’yong lalaki kaya naisipang tumawag. Nasa airport na para dramatic. Mag-iisip ang bidang babae kung susundan niya ang bidang lalaki—kung worth it ba’ng humabol at magbigay ng second chance. Malilito at magpapalit ng isip mula is
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Ylena
hahahhahahahuhuhuhu
goodnovel comment avatar
Ylena
ay sows, iyak at tawa naman ako dito ......
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status