共有

Chapter 116: Deja Vu

作者: Yazellaxx
last update 最終更新日: 2025-03-14 10:10:12

Samantala sa Weston Manor.

Malamig ang simoy ng hangin sa labas, ramdam ang bahagyang pag-ambon mula sa bintana ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon, tanging ang mahihinang tunog mula sa wall clock ang pumupuno sa katahimikan ng gabi.

Sa loob ng nursery room, nakaupo si Cailyn sa tabi ng kama nina Daniel at Daniella, pinagmamasdan ang kanilang mapayapang mukha habang dahan-dahang humihinga. Hawak niya ang maliit na feeding bottle ni Daniel, habang ang isa niyang kamay ay marahang hinahaplos ang buhok ni Daniella.

Pagod siya, pero may kakaibang init sa dibdib niya habang nakatingin sa dalawa niyang anak. Dati, wala siyang inaalala kundi ang sarili niya. Wala siyang pakialam sa mundo, walang takot sa kung ano ang pwedeng mangyari. Pero ngayon, ibang-iba na. Hindi na lang sarili niya ang iniisip niya—dahil sa kanila, natuto siyang pangalagaan ang sarili, natuto siyang matakot sa posibilidad na mawala siya.

Sila ang dahilan kung bakit hindi na siya maaaring maging padalos-dalos.

Matapos n
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 164: He Died

    Sa loob ng sasakyan ni Austin, habang si Kristopher ang nagmamaneho at si Jane ay nasa passenger seat, mahigpit namang yakap-yakap ni Austin si Cailyn sa likod.Bagama’t sampung minuto lang ang biyahe mula hotel papuntang ospital, pakiramdam ni Austin ay para na siyang nabubuwal sa bigat ng sitwasyon.Si Cailyn ay nasa ilalim pa rin ng epekto ng gamot—pawis na pawis, hindi mapakali, at parang wala sa sarili. Hindi niya alam ang ginagawa, at parang hinihila siya ng sarili niyang katawan sa init na hindi niya maintindihan. Napapayakap siya kay Austin, kumakapit, pilit dumidikit.Mainit ang katawan niya. Nanginginig. Mahina ang ungol at bulong na lumalabas sa labi niya habang panay ang pag-ungol ng, “Tubig… please… mainit… ayoko na…” Habang umiiyak siya sa sobrang pagkalito at panghihina.Si Austin, halatang ramdam ang bugso ng emosyon at takot. Pigil na pigil ang sarili habang yakap si Cailyn. Nakatingin siya sa mukha nito—magulo ang buhok, basang-basa ng pawis, nanginginig ang labi. Pe

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 163: Bloodshed

    "Tok—" "Tok—" "Tok—"Walang patid, walang palya, bawat sipa ay buong lakas.Hanggang sa bago pa man makalapit ang housekeeper ng suite para buksan ang pinto, nabuksan na ito dahil sa pinagsamang lakas ng dalawa.Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa kanila ang buong tanawin sa loob—at pareho silang napatigil. Maging sina Austin, Felipe, at Kristopher, nanlaki ang mga mata sa pagkabigla.Dalawang o tatlong metro lang mula sa pintuan, nakahandusay si Carlos—suot ang puting chef’s uniform, pero basang-basa na ng dugo.Ang dating maputing damit, halos pula na lahat.Sa kaliwang bahagi ng leeg niya, putol ang carotid artery, parang gripo na nauubusan na ng tubig, tumigil na sa pagbuga pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo.Patay na si Carlos Sevilla.Walang buhay, maputla ang mukha—parang papel.Napatigil si Austin sa kinatatayuan. Nanginginig ang katawan. Pero agad din siyang kumilos—tumakbo papasok sa suite."Cailyn!"Hinahanap niya si Cailyn, kabado, puno ng takot, nanginginig ang kamay h

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 162: Kickin' the Door

    Siyempre, hindi talaga magpapakamatay si Cailyn. Kung mamamatay man siya sa kamay lang ni Carlos, kahit pa buong pamilya Sevilla ang maglibing sa kanya sa ginto, hindi pa rin iyon magiging sulit. Paano na si Daniel at si Daniella? Kapag nawala siya, sino pa ang magtatanggol sa kanila? Hindi siya puwedeng mamatay. Kailangan niyang mabuhay. Pero ngayon, kailangan niyang manatiling gising, kahit konti. At kung kailangan niyang magsugal para takutin si Carlos. Kaya dahan-dahang ibinaon ni Cailyn ang matulis na piraso ng seramika sa balat ng leeg niya. Kitang-kita ang paglabas ng pulang guhit ng dugo. Ang sakit na dulot nito ay bahagyang pumigil sa init at pagkalito sa kanyang katawan, at unti-unting ibinalik ang ulirat niya. Hindi inakala ni Carlos na kakayanin ni Cailyn na saktan ang sarili niya. Nang makita ang dugo sa leeg nito, nanginig ang kanyang tapang. Hindi ito ang plano niya. Hindi dapat mamamatay si Cailyn. Dahil kapag namatay si Cailyn, mamamatay din siya. Hindi si

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 161: Prove It

    Inihatid ng chef ang food cart papunta sa dining area. Maingat niyang inisa-isa ang pag-aayos ng hapunan ni Cailyn.Yung isa pang chef na tahimik lang sa likod, paminsan-minsan ay pasimpleng sumusulyap kay Cailyn, na abalang-abala pa rin sa tawag sa may sala.Tuloy pa rin ang tawanan at kwentuhan nila ni Jasper sa phone, at hindi man lang niya napansin ang dalawang chef na naroon.“Miss Cailyn, ayos na po ang hapunan niyo, puwede na kayong kumain.”Magalang na sambit ng chef na nag-ayos ng pagkain.Tumango si Cailyn. Matapos makipagkwentuhan ng kaunti pa, binaba na niya ang tawag at lumapit sa hapag-kainan.“Pwede na kayong bumaba.”Sambit niya, nang mapansing nakatayo pa rin ang dalawang chef sa gilid.“Iiwan ko na lang po yung assistant ko rito, para kung may kulang o may gusto kayong ipabago, nandito siya para mag-asikaso.”Alok ng chef na naunang nagsalita.“Hindi na kailangan. Lahat kayo, bumaba na.”Mahinahon pero mariing utos ni Cailyn. Hindi siya sanay na may nanonood habang k

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 160: Somehow Achieved

    Pagkatapos maayos ang mga isyu sa Rux, lumipad pabalik si Mario sa AustraliaSi Raven naman ay naiwan sa Cambridge City —bukod sa pagsama kay Cailyn, marami pa rin siyang kailangang ayusin doon.Si Cailyn naman, pumunta sa Rux R&D Center para tingnan ang progress ng mga bagong gamot at i-check ang kondisyon ng mga equipment sa lab.Dahil hindi naman techie o eksperto si Raven sa ganung bagay, ayaw na lang ni Cailyn sayangin ang oras niya, kaya hindi niya na ito sinama. Pinagawa na lang niya ng ibang bagay.Buong araw siyang nasa Rux R&D Center.Sa nakaraang anim na buwan, sobrang laki ng improvement sa Rux dahil sa solid na pag-manage ni Mariel.At least, sa nakita niya sa research center, satisfied si Cailyn.Pagbalik niya sa hotel, pasado alas-siete na ng gabi.Habang nasa biyahe pabalik, hindi niya mapigilan mag-isip kung paano mabibili ang natitirang 42% shares ng Rux na hawak pa ng pamilya Sevilla.Oo, wala na silang say sa operations ng Rux ngayon, pero dahil may hawak pa silang

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 159: Misterious

    Lumipas ang lima o anim na minuto bago tuluyang ibaba ni Austin ang tawag sa kanyang telepono.Pero kahit tapos na ang tawag, hindi pa rin siya lumingon.Tumingala siya sa bintana.Tirik na tirik ang araw sa tanghaling ‘yon, pero kahit gaano pa kainit sa labas, hindi nito kayang tunawin ang lamig at kalungkutang bumabalot sa katawan niya.“Au... Austin...”Pinilit ni Dahlia ang sarili, tinawag siya nang dahan-dahan.Parang alam na niyang nandoon si Dahlia, kaya tinaas ni Austin ang kanyang kaliwang kamay, pinisil ang sariling sentido, at sa paos na tinig ay inutusan si Felipe, “Dalhin mo sa kanya ang dokumentong kailangang pirmahan.”Tumango si Felipe, saka kinuha ang kopya ng kasunduan sa paglilipat ng shares ng Rux.Napako si Dahlia. Ilang segundo rin siyang hindi nakakilos bago niya tuluyang kinuha ang folder, binuksan ito, at mabilis na binasa.Simple lang ang nakasulat—ibinebenta niya ang 5% shares ng Rux na nakapangalan sa kanya kay Austin, sa halagang eksaktong 5.8 billion.Yun

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status