Share

The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent
The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent
Author: yshanggabi

Prologue

Author: yshanggabi
last update publish date: 2026-10-06 14:45:24

Prologue

Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant, isang lugar na tila ginawa lamang para sa mga mayayaman. Bukod sa mamahalin ang bawat putahe, napakaganda rin ng paligid—kakaibang ambiance na nagbibigay ng aliwalas sa kabila ng tensyong nararamdaman ko. Dito ko napiling makipagkita sa isa sa mga malalaking personalidad na nagmamando ng drug operations sa Pilipinas. Nagpanggap akong isa sa kanilang mga kliyente para ma-infiltrate ang grupo at matukoy ang mga kasabwat, kabilang na si Mr. Brandon Ching, isang Tsinong lider ng sindikato.

May kasama akong mga pulis na nagpapanggap bilang mga bodyguard ko. Lahat ay nasa tamang posisyon, handang sumalakay anumang oras. Wala nang kawala ang mga demonyong ito.

“Are you ready, Brylle?” tanong ni Major sa kabilang linya, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa ngunit may halong pag-aalala.

“I am,” sagot ko ng matatag. “Sisiguraduhin ko na ang kulungan ang bagsak nila.”

Nakita kong may pumasok na grupo ng mga lalaki, at ang pinuno nila ay walang iba kundi ang target namin—si Mr. Ching. Sa unang tingin pa lang, alam kong siya na iyon. Malalaki ang katawan ng kanyang mga tauhan, halatang mga bihasa sa trabaho nila. Lumapit sila sa mesa kung saan ako nakaupo. Tumayo ako, inilahad ang kamay ko, at ngumiti.

“Mr. Brandon Ching,” bati ko sa kanya habang iniabot ang kamay ko para sa isang handshake. Inilabas ko ang pekeng ngiti na matagal kong pinraktis.

“Where is the money?” tanong niya agad, diretso sa punto. Talagang walang paligoy-ligoy.

“The money is in the bags. But before we proceed, let’s talk about something first. Take a seat and eat,” alok ko, pilit na ngumingiti habang tinitingnan ang bawat kilos ng mga tauhan niya.

“I don’t need that. Time is gold, and I don’t want to waste it with someone like you,” sagot niya nang malamig, tinatanggihan ang alok ko.

“As expected,” bulong ko sa sarili ko. Hindi na rin ako nagulat. Kung ayaw niya ng maayos na usapan, handa ako sa gulo.

“I know, Mr. Ching. Time is gold to me, too. But let’s be honest—I don’t trust you. For all I know, baka may mga tao kang nakatago diyan, handang patayin ako matapos makuha ang pera ko,” sagot ko, nagpakawala ng isang pilit na tawa para mapanatili ang palabas.

“If you want to talk, visit my house. But for now, let’s finish this transaction. Give me the money, and I’ll give you the drugs. Let’s not waste time. This place is too dangerous for this kind of business,” aniya.

“Huwag mong pilitin, Brylle. Hindi ka niya mapapatay dito, nasa public place kayo. Arestuhin mo na!” boses ni Major sa earpiece ko, halatang balisa.

Nagpakawala ako ng pilit na ngiti. “Okay, Mr. Ching, here’s my money. Where’s the package?” senyas ko sa isang tauhan kong pulis na magdala ng maleta.

“Drop the ‘drug’ word,” utos niya, malamig ang tingin. “Open the bag. Gusto kong makita kung totoo ang pera mo.”

“Tuso ka talaga,” inis kong iniisip habang pilit na pinipigilan ang sarili. Tumango ako at sumagot, “Sure. Guys, open it.”

Binuksan ng mga tauhan ko ang maleta. Sa halip na pera, baril ang laman nito. Agad naming itinutok sa kanila ang mga armas. Napahinto ang mga taong nasa paligid, ang gulo ay nagdulot ng takot sa buong restaurant.

“Walang gagalaw!” malakas kong sigaw habang ang mga kasamahan kong pulis ay nagsilabasan mula sa mga sulok ng restaurant, tinutukan ang mga tauhan ni Mr. Ching, at inagaw ang kanilang mga armas.

“Tapos ka na, Mr. Ching. Matitigil na ang mga iligal mong gawain dito sa bansa namin,” sabi ni Major, puno ng determinasyon.

Ngunit sa halip na matakot, malakas na tumawa ang matanda. “HAHAHAHAHA! Mga hangal! Hindi ako ang tunay na Mr. Ching. Ang transaksyon na ito ay bahagi lang ng laro namin,” natatawa niyang sabi.

Napako ako sa sinabi niya. Kahit sa larawan, siya talaga ang nasa impormasyon namin! “Maskara lang ang suot ko, mga tanga!” dagdag pa niya.

Walang warning, may biglaang pagpapaputok ng mga baril sa labas ng restaurant. Napilitang magtago ang lahat.

Agad akong tumakbo palabas at nakita kong may tatlong lalaki sa loob ng isang sasakyan, kasama ang isang matanda na kamukhang-kamukha ng hinahanap namin. Siya ang tunay na Mr. Ching!

“Mr. Ching!” malakas kong sigaw habang pinagbabaril ko ang sasakyan. Isa sa mga tauhan nila ang natamaan, pati si Mr. Ching, pero hindi ko matukoy kung saan. Sa kabila ng lahat, mabilis silang nakatakas.

Wala akong nagawa kundi ang magpigil ng galit. Sa unang pagkakataon, nabigo ako.

“We will meet again, Mr. Ching,” sabi ko sa sarili ko, puno ng galit at determinasyon.

---

ABANGAN...

“Alam mo na kung bakit kita pinatawag, Brylle,” sabi ng Chief habang tinitigan ako ng diretso sa mata. “Nabigo ka kahapon. Ang unang beses mong pumalpak sa misyon.”

Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

“Take a one-month leave. Magpahinga ka. At isuko mo muna ang lisensya mo.”

Ang mga salitang iyon ang bumagsak sa akin nang husto. Paano makakabawi ang isang magaling na secret agent kung tinanggalan siya ng tungkulin dahil lamang sa isang pagkakamali?

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent   Chapter 4

    Chapter 4 : You can’t kill me Justin POV I’m Justin Ching, 23 years old. Pinnalaki akong matapang at malakas ng aking ama. Wala na nga pala akong ina, dahil matagal na itong nawala sa landas namin, ang dabi ni daddy mas pinili daw ni mommy yung lalaki niya. Chinese si daddy, pilipina naman si mommy. Pero yung araw na mas pinili ni mommy yung lalaki niya, isinantabi ko na siya sa buhay ko. One-sided-love ito rin ang meron si daddy kay mommy kaya lagi niya akong sinusuportahan sa one-sided-love kao kay Xianelle. Mga bata palang kami, alam na ni daddy na kakaibang treatment ako kay Xianelle dahil nga mahal ko ito. At dahil mahal ko siya, kaya kong patayin lahat ng lalaking umaaligid sa kaniya—with my daddy’s help. “Hi dad” bati ko at ngumiti. As usual busy pa rin ito, at alam niya kong bakit nandito ako sa bahay ng ganto kaaga—dahil may problema ako. “Is there a problem son” Tanong niya. Kilalang kilala na ako nito kaya hindi na ako nakakapag sinungaling sa kaniya. “You have

  • The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent   Chapter 3

    Chapter 3 : You save me Xianelle POV Masaya kaming naglakad nila Janiz at Trixie. Mukhang hindi masyadong nalasing ang dalawnag to kagabi at tanging ako lang talaga. Gosh nakakahiya, ano kayang pinaggagawa at pinagsasabi ko dun sa bar. “Xhan Anong pangalan ng guy na yun” Tanong ni Trixie at tiningnan ako. Nasa paligid ko kaya ngayon si Brian? “Brian Mondragon, 25 years old my bodyguard” sagot ko. Based sa form na binigay niya, hindi ito nakapagtapos ng pag aaral at limang taon na itong nagtatrabaho as bodyguard. Kaya siguro qualified ito sa taste ni daddy. “Bodyguard?are you kidding?” natatawang sabi ni Trixie “Ang tulad niyang gwapo, at pormal na lalaki bodyguard mo lang. Pano nangyari Yun”takang Sabi ni janiz Nagulat niya rin ako ng mapagtanto nung unang araw na siya pala yung magiging bodyguard ko. Naka swertw ata si daddy na nakapili ng poging bodyguard. “I’m not.” Sagot ko “Maski ako nagulat, kasi naman kung titingnan ang isang yun hindi pang bodyguard a

  • The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent   Chapter 2

    Chapter 2: Bodyguard Brylle's POV Madaling araw na. Ang tahimik ng buong bahay, pero hindi ko magawang matahimik. Kailangan kong kumilos bago pa mahuli ang lahat. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa opisina ni Mr. Santos. Alam kong delikado ang ginagawa ko—pero wala akong ibang paraan. May mahalaga akong kailangang malaman, at alam kong narito ang sagot. Sinimulan kong maghalungkat. Dahan-dahan, maingat, at halos hindi humihinga. Ang bawat paggalaw ko, parang kumakalampag sa katahimikan ng gabi. Pero kahit anong pilit, wala akong makitang bakas ng hinahanap ko. Nasaan ang susi? Napakalaki ng bahay. Ang daming drawer, cabinet, at lagayan, parang naghahanap ako ng karayom sa tambak ng dayami. Pinagpapawisan na ako kahit malamig ang paligid. Habang iniisip ang susunod na hakbang, napatigil ako nang may narinig akong kaluskos sa labas. Mabilis kong inayos ang mga gamit na nagalaw ko at tumungo sa pinto, pero huli na. “Anong ginagawa mo dito?” Si Xianelle. Nakasuot pa s

  • The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent   Chapter 1

    Chapter 1: The Top Secret Mission Ako si Brylle Mondragon, 25 taong gulang, at isa akong secret agent. Sa murang edad, naging parte na ako ng mga misyon na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino. Ang alam lang ng mga tao sa paligid ko ay isa akong simpleng estudyante—snob at tahimik. Ngunit ang totoo, sa likod ng maskara ng pagiging ordinaryo, ay isang buhay na puno ng panganib. Sa araw na ito, pinatawag ako ni Major sa opisina niya. Siya ang tumayong ama ko matapos mapatay ang mga magulang ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy kung sino ang salarin. Pagkapasok ko sa opisina, nakita kong seryoso ang ekspresyon ni Major. May masama na agad akong pakiramdam. “Bakit, Major?” tanong ko habang nakahalukipkip. “Brylle, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag. Napag-usapan sa itaas ang nangyari kahapon. Hindi natin nahuli si Mr. Ching dahil mukhang wala ka sa tamang kondisyon sa misyon mo. Ito ang unang beses na pumalpak ka, at alam mo kung bakit ikaw lagi ang pinipili nam

  • The Heir’s Bodyguard is a Secret Agent   Prologue

    Prologue Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant, isang lugar na tila ginawa lamang para sa mga mayayaman. Bukod sa mamahalin ang bawat putahe, napakaganda rin ng paligid—kakaibang ambiance na nagbibigay ng aliwalas sa kabila ng tensyong nararamdaman ko. Dito ko napiling makipagkita sa isa sa mga malalaking personalidad na nagmamando ng drug operations sa Pilipinas. Nagpanggap akong isa sa kanilang mga kliyente para ma-infiltrate ang grupo at matukoy ang mga kasabwat, kabilang na si Mr. Brandon Ching, isang Tsinong lider ng sindikato. May kasama akong mga pulis na nagpapanggap bilang mga bodyguard ko. Lahat ay nasa tamang posisyon, handang sumalakay anumang oras. Wala nang kawala ang mga demonyong ito. “Are you ready, Brylle?” tanong ni Major sa kabilang linya, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa ngunit may halong pag-aalala. “I am,” sagot ko ng matatag. “Sisiguraduhin ko na ang kulungan ang bagsak nila.” Nakita kong may pumasok na grupo ng mga lalaki, at ang pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status