Chapter 1: The Top Secret Mission Ako si Brylle Mondragon, 25 taong gulang, at isa akong secret agent. Sa murang edad, naging parte na ako ng mga misyon na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino. Ang alam lang ng mga tao sa paligid ko ay isa akong simpleng estudyante—snob at tahimik. Ngunit ang totoo, sa likod ng maskara ng pagiging ordinaryo, ay isang buhay na puno ng panganib. Sa araw na ito, pinatawag ako ni Major sa opisina niya. Siya ang tumayong ama ko matapos mapatay ang mga magulang ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy kung sino ang salarin. Pagkapasok ko sa opisina, nakita kong seryoso ang ekspresyon ni Major. May masama na agad akong pakiramdam. “Bakit, Major?” tanong ko habang nakahalukipkip. “Brylle, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag. Napag-usapan sa itaas ang nangyari kahapon. Hindi natin nahuli si Mr. Ching dahil mukhang wala ka sa tamang kondisyon sa misyon mo. Ito ang unang beses na pumalpak ka, at alam mo kung bakit ikaw lagi ang pinipili nam
Last Updated : 2026-10-06 Read more