INICIAR SESIÓNChapter 2
Hindi ko na kayang manatili pa roon. Tahimik akong naglakad papunta sa dinner area. Doon ko nakita ang mahabang hapag na puno ng pagkain—mga paborito ni Dante, mga paborito ni Zaha, at maging ang dessert na ilang oras kong pinaghandaan. Napatingin ako sa mga iyon. Ngayon ko lang napagtanto na ilang oras pala akong naghintay para sa isang hapunan na hindi naman nila kailanman planong saluhan kasama ako. Tinawag ko ang mga katulong. "Ate, Ma'am?" agad na lumapit ang isa sa kanila. Huminga ako nang malalim bago itinuro ang lahat ng pagkaing nakahain sa mesa. "Throw all of it." Nanlaki ang kanilang mga mata. "Ma'am, pinaghirapan n'yo po itong lutuin!" ani ng isang katulong, halatang nag-aalala. Napangiti ako nang mapait. "Alam ko." Tinitigan ko ang hapag. Ito dapat ang hapunan namin. Anniversary namin ngayon ni Dante. Apat na taon. Apat na taon mula nang piliin kong bumuo ng pamilyang kasama siya. Pero sa anniversary namin, hindi man lang niya ako naalala. "Wala nang saysay ang pagkain na 'yan," mahina kong sabi. Napatingin ako sa mga pagkain habang unti-unting nanlalabo ang aking mga mata. "Anniversary namin ngayon," dagdag ko, halos pabulong. "Pero parang ako lang naman ang nakakaalam." Tahimik ang mga katulong. "Wala na akong ganang makita ang mga 'yan." Pinunasan ko agad ang luhang tumakas sa aking mata. "Kung gusto ninyong kainin, kainin ninyo. Kung ayaw ninyo, iuwi ninyo sa mga pamilya ninyo." "Ma'am..." "Walang problema." Pinilit kong ngumiti kahit wasak na wasak na ang puso ko. "Mas mabuti pang mapunta sa mga taong nangangailangan kaysa itapon lang." Tumango ang mga katulong. "Yes, Ma'am." Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Tumalikod ako. Bawat hakbang ko palayo sa dining area ay parang may bahagi ng puso kong naiiwan doon. Ang hapag. Ang pagkain. Ang kandilang inilagay ko sa gitna. Lahat iyon ay ginawa ko para sa aming anniversary. Pero ngayon, wala na itong halaga. Habang umaakyat ako sa hagdan, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Tahimik akong humihikbi. Hindi dahil wala akong pamilya. Kundi dahil mayroon akong pamilya. Pero pakiramdam ko, wala akong sinuman. At sa gabing dapat ay ipinagdiriwang namin ang apat na taon ng aming pagsasama, doon ko unang naramdaman na baka... matagal na palang tapos ang pamilyang pilit kong ipinaglalaban. Kinabukasan... Hindi ako gumising nang maaga. Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, hindi ako bumaba para maghanda ng almusal. Hindi rin ako nag-abala sa mga damit ni Dante. Hindi ko inayos ang uniform ni Zaha. Wala akong pakialam kung ano ang kakainin nila. Wala akong pakialam kung ano ang isusuot nila. Dahil siguro... Ito na talaga ang oras para sumuko ako sa pamilyang matagal ko nang ipinaglalaban. Nakahiga lamang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Tahimik ang buong silid. Walang amoy ng bagong lutong pagkain. Walang tunog ng mga pinggang inilalagay sa mesa. Wala ring Amanda na abala sa pag-aasikaso sa kanilang mag-ama. At marahil iyon ang unang pagkakataon na napagtanto nilang hindi ako laging nandiyan para pagsilbihan sila. "Amanda......!" Biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Dante. Bumukas ang p***o ng aming silid at pumasok siya. Hindi ko man lang siya nilingon. Hindi ko alam kung saan siya natulog kagabi at wala rin akong pakialam. Siguro sa guest room. Siguro sa kwarto ni Sandra. Sa totoo lang, wala na akong lakas para alamin pa. "Where's the food?" tanong niya, tila naiinis dahil walang naghihintay na almusal. Tahimik lang ako. Ilang segundo ang lumipas bago muli kong narinig ang tinig niya. "Mommy, where's my uniform?" Si Zaha naman. Napangiti ako nang mapait. Mommy. Naalala nila ako. Hindi dahil hinahanap nila ako. Hindi dahil gusto nila akong makasama. Naalala nila ako dahil may kailangan sila. Pagkain. Damit. Mga bagay na buong puso kong ginawa para sa kanila sa loob ng apat na taon. Unti-unti akong bumangon sa kama. Hindi ako nagmamadali. Tumayo ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. Pinunasan ko ang bahagyang pamamaga ng aking mga mata. Hindi ko hahayaang makita nila kung gaano nila ako nasaktan. Huminga ako nang malalim. Pagkatapos ay humarap ako kay Dante. Matagal ko siyang tinitigan. Ang lalaking minsan kong piniling kalabanin ang sarili kong pamilya para lamang makasama. Ang lalaking minahal ko nang higit pa sa sarili ko. At ang lalaking ngayon ay unti-unti nang sumira sa akin. "Dante..." Napatigil siya. "What?" Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. Sa unang pagkakataon, wala nang takot sa boses ko. Wala nang pagmamakaawa. Wala nang pag-asa. "Dante, I want divorce." Nanlaki ang kanyang mga mata. "What did you say?" Huminga ako nang malalim. "I said..." Pinilit kong huwag manginig ang aking tinig. "I want a divorce." Natahimik ang buong silid. At sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon. Ako naman ang pumili sa sarili ko. Lumabas ako ng silid at tahimik na nagtungo sa kusina. Pagdating ko roon, agad kong naabutan si Sandra na nagluluto. May naririnig akong mahihinang pagmumura mula sa kanya habang abala siya sa kusina. Hindi ko na siya pinansin. Sa halip, napatingin ako sa niluluto niya. Scrambled eggs at ham. Pero halatang sunog ang itlog at halos maitim na ang ilang bahagi ng ham. Napailing ako nang bahagya. Dati, kahit gaano ako kapagod, sisiguraduhin kong maayos ang almusal nila. Ngayon, hindi ko na iyon responsibilidad. "Mommy Sandra, I'm hungry!" Narinig ko ang boses ni Zaha mula sa dining area. "Almost done!" malakas na sigaw ni Sandra bilang sagot. Napahinga ako nang malalim. Dati, ako ang tinatawag niya kapag nagugutom siya. Dati, ako ang unang taong hinahanap niya pagkagising. Ngayon... Si Sandra na. Binaliwala ko na lamang silang dalawa. Hindi na ako nakaramdam ng selos o galit. Ang nararamdaman ko na lamang ay isang matinding pagod. Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng ilang sangkap. Hindi ko kailangan ng marangyang almusal. Gusto ko lamang ng tahimik na pagkain. Nagprito ako ng isang pirasong ham at gumawa ng sarili kong scrambled eggs. Pagkatapos ay nag-toast ako ng dalawang pirasong tinapay. Sakto lang. Sapat para sa akin. Nagtimpla rin ako ng isang tasa ng kape. Nang matapos ako, inilagay ko ang lahat sa isang maliit na plato at naupo sa pinakadulong bahagi ng dining table. Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili kong almusal. Dati, napakaraming pagkain ang inihahanda ko para sa kanila. Ngayon, isang simpleng ham, scrambled eggs, toasted bread at kape na lamang ang kailangan ko. At kakaiba man... Mas payapa ang pakiramdam ko. Hindi ko na kailangang maghintay kung magugustuhan ba nila ang luto ko. Hindi ko na kailangang marinig ang reklamo ni Dante. Hindi ko na kailangang tanungin si Zaha kung busog na ba siya. Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon... Nagluto ako para sa sarili ko. At habang humihigop ako ng aking kape, tahimik kong sinabi sa sarili ko— "This time, Amanda, choose yourself." Hindi ko alam kung gaano katagal bago tuluyang matapos ang lahat. Pero alam kong nagsimula na ang pagbabago. At hindi na ako babalik sa dating Amanda.Chapter 68Halos isang oras nang nagpapatuloy ang meeting namin ng audit team nang biglang magsalita ang isa sa mga auditor."Ma'am Angel, may nakita po kaming malaking discrepancy sa financial records."Agad akong napatingin sa kanya."What kind of discrepancy?"Inilapag niya sa harap ko ang dalawang dokumento. Ang una ay ang official financial report ng kumpanya, habang ang pangalawa ay ang kopya ng transaction records na nakuha mula sa backup server."According to the official report, these funds were allocated for a business development project. However, the backup records show that a portion of the money was transferred to a different account."Kinuha ko ang mga dokumento at maingat na pinagkumpara ang mga halaga.Hindi lang iisang transaksyon ang hindi nagtutugma.May ilan pang magkakasunod na transfer na ginawa sa loob ng ilang buwan."How much are we talking about?" tanong ko.Binuksan ng auditor ang kanyang laptop at ipinakita sa akin ang kabuuang halaga.Nanigas ang kamay ko
Chapter 67 Sa mga nangyari sa kumpanya, natutuhan kong hindi sapat ang basta pagtitiwala. Kailangan ding maging maingat sa bawat desisyon. "I already have a plan," sabi ko. "Tomorrow, I'll meet with the audit team and review every transaction connected to those documents." "Good," sagot ni Mommy. "And after that, you'll come home and rest." Napangiti ako. "Yes, Mommy." "Promise?" "I promise." Biglang sumingit si Angelito. "Can I make a request, too?" Napatingin kami sa kanya. "What is it?" tanong ni Mommy. "Can we have a family day this weekend? No work, no meetings, no talking about suspicious transactions." Napatawa ako. "Wow! May kondisyon pa talaga." "Of course! I deserve quality time with my sister and mommy." Umiling ako habang nakangiti. "Fine. I'll try to clear my schedule." "No trying, Ate. You have to!" "Okay, okay! I'll make time." Masayang ngumiti si Angelito, samantalang napailing na lang si Mommy sa aming dalawa. Sa kabila ng mga problemang naghihint
Chapter 66Pagsapit ng uwian, alas-4:50 na ng hapon.Inayos ko ang mga dokumentong ginamit ko sa buong araw at inilagay ang mga ito sa drawer ng aking desk. Siniguro kong naka-lock ang lahat ng confidential files bago ko isinara ang laptop ko.Nakakapagod ang araw na ito.Mula sa pagkakadiskubre ko sa sabwatan nina Mea at ng mga Anderson hanggang sa panibagong dokumentong kailangan naming imbestigahan, halos wala akong naging pahinga.Tumayo ako at kinuha ang aking bag bago lumabas ng opisina.Nakita ko si Chloe na abala pa rin sa pag-aayos ng ilang dokumento sa kanyang desk."Chloe."Agad siyang napatingin sa akin."Yes, Ma'am Angel?""It's almost five. You can go home now. You've done enough for today.""Are you sure, ma'am? I can still help you with your remaining tasks."Umiling ako."No need. You can finish the rest tomorrow. Make sure you get enough rest."Ngumiti siya nang bahagya."Thank you, Ma'am Angel. I'll see you tomorrow.""See you tomorrow. Take care on your way home."
Chapter 65Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang HR department.Ilang ring lamang ay agad na may sumagot."Good morning, Ma'am Angel.""Good morning. I need you to find me a new secretary as soon as possible.""Of course, ma'am. May I ask if you have any specific qualifications in mind?"Sandali akong nag-isip bago sumagot."I want someone competent, trustworthy, and professional. Someone who can handle confidential documents and work under pressure.""Understood, ma'am. We'll review the available applicants and arrange interviews.""Good. I want the shortlisted candidates' profiles on my desk before the end of the day.""Yes, Ma'am Angel. We'll take care of it.""Thank you."Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa aking upuan.Kailangan kong maging mas maingat sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan ko sa hinaharap. Hindi sapat na magaling lamang sa trabaho ang isang secretary. Kailangan ko ring matiyak na mapagkakatiwalaan ko siya.Makalipas ang ilang minuto, bumalik ako sa pag-aayos
Chapter 64 Muling humarap sa akin si Mr. Anderson. "Miss Angel, please. We can settle this internally. There's no need to involve the authorities." Napatawa ako nang mapait. "Settle this internally?" Tinitigan ko siya. "You and your son conspired against my company, and now you're asking me to protect you?" "W-We can explain everything—" "Then explain it to the investigators." Biglang nag-iba ang ekspresyon niya. "Angel, you have to understand—" "Enough, Mr. Anderson." Malamig kong pinutol ang kanyang sasabihin. "You had every opportunity to tell the truth. Instead, you chose to lie." Bumaling ako sa lahat ng board members. "Let me make this clear. I don't care how long you've served this company, how many shares you own, or how powerful you think you are. If the evidence proves that you participated in this scheme, you will be held accountable." Walang nangahas na sumagot. At sa katahimikang iyon, naramdaman kong unti-unting nagbabago ang takbo ng sitwasyon. Hindi n
Chapter 63Agad na tumayo si Mea nang makita niyang inilapag ng security director ang sobre sa harapan ko.Mabilis siyang humakbang palapit, tila balak agawin ang dokumentong nasa loob nito.Pero huli na.Nakuha ko na ang sobre bago pa siya makarating sa mesa.Napatingin ako sa kanya.Namumutla siya.Kanina lamang ay mahinahon siyang nakatayo sa tabi ko, ngunit ngayon ay halatang hindi na niya maitatago ang kanyang kaba.Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.May isang dokumento sa loob.Pagkabasa ko sa nilalaman nito, tila biglang tumigil ang mundo ko.Isang utos na naglalaman ng mga tagubilin para manipulahin ang financial records ng kumpanya.Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pangalang nakasulat sa ibaba.Mea.Ang sarili kong assistant.Ang taong pinagkatiwalaan ko sa maraming bagay.Ang taong kasama ko kagabi habang sinusubukan kong tuklasin kung sino ang sumisira sa kumpanya ko.Hindi ako makapaniwala.Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa kanya."M-Mea?"Nanginginig ang kany







