Compartir

Chapter 3

Autor: SKYGOODNOVEL
last update Fecha de publicación: 2026-08-31 22:53:58

Chapter 3

"What is this? It's not food?"

Napatingin si Zaha sa plato na inilapag ni Sandra sa harap niya.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang sunog na scrambled eggs at ham.

"Ano 'to?" reklamo niya. "It's burnt!"

Hindi sumagot agad si Sandra. Halatang naiirita rin siya.

"That's what I could make," malamig nitong sagot.

Hindi ko sila pinansin.

Tahimik lang akong kumakain sa kabilang bahagi ng mesa.

Dahan-dahan kong hinihigop ang aking kape habang pinipilit kong huwag makialam.

Dati, kapag nagreklamo si Zaha tungkol sa pagkain, agad akong kikilos.

Gagawa ako ng bago.

Lulutuin ko ulit.

Kahit pagod na ako, hindi ko siya hahayaang magutom.

Pero ngayon ay hiindi na.

"Amanda!"

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Dante.

Pumasok siya sa dining area at agad na umupo sa tabi ni Sandra.

"Where's my coffee?"

Napatingin ako sa kanya.

Saglit lang.

Pagkatapos ay muli kong ibinaling ang tingin ko sa aking plato.

Hindi ako sumagot.

Parang wala akong narinig.

"Amanda, I'm talking to you."

Tahimik pa rin ako.

Kumuha ako ng isang piraso ng toasted bread at dahan-dahang kinain.

Napansin kong nakatingin sa akin si Dante.

"Ano ba? Can't you hear me?"

Huminga ako nang malalim.

"I don't work for you anymore."

Nanigas ang kanyang mukha.

"What?"

"I said, I don't work for you anymore."

Napatingin sa akin si Sandra.

Samantala, si Zaha ay tila hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Dad, I want something else. I don't want this."

Napalingon si Dante kay Sandra.

"Can't you make something better?"

Napayuko si Sandra.

"I'm sorry, Dante."

Napangiti ako nang mapait.

Dati, ako ang sinisisi kapag hindi perpekto ang pagkain.

Ngayon, iba na.

Pero wala na akong pakialam.

Kinuha ko ang aking tasa ng kape.

Tumayo ako mula sa aking upuan.

"Amanda, where are you going?" tanong ni Dante.

Huminto ako sandali.

Hindi ako lumingon.

"To live my life."

Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sa likuran ko, narinig ko ang boses ni Zaha.

"Mommy Sandra, can you make me pancakes instead?"

Napapikit ako.

Masakit.

Sobrang sakit.

Pero hindi na ako bumalik.

Dahil sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang ang isang simpleng tawag na Mommy ay maging dahilan para kalimutan ko ang sarili ko.

May buhay ako bago sila. At ngayon ay panahon na para bawiin ko iyon.

Pagkatapos kong umalis sa dining area, naglakad ako papunta sa likuran ng bahay.

Doon naroon ang maliit kong hardin.

Ang paborito kong lugar sa buong bahay.

Napakaraming bulaklak ang naroon—rosas, lilies, tulips at iba't ibang halaman na ako mismo ang nagtanim.

Bawat isa ay inalagaan ko sa loob ng maraming taon.

Dati, kapag malungkot ako, dito ako pumupunta.

Dito ko ibinubuhos ang lahat ng pagod ko.

Dito ako nakakaramdam na kahit paano, may bagay akong napapalago gamit ang sarili kong mga kamay.

Pero ngayon...

Hindi ko na kayang tingnan ang mga iyon nang hindi naaalala ang pamilyang pinilit kong buuin.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang hardinero.

Makalipas ang ilang sandali, dumating siya.

"Ma'am Amanda?"

Tahimik kong tiningnan ang hardin.

"Alisin mo lahat."

Napakunot ang noo niya.

"Po?"

"All of them."

Itinuro ko ang mga bulaklak.

"Alisin mo lahat ng halaman dito."

Nagulat siya.

"Pero, Ma'am... kayo po mismo ang nagtanim ng mga 'yan."

"Alam ko."

Napangiti ako nang mapait.

"Pero ayoko na silang makita."

"Ma'am, saan ko po dadalhin?"

Napabuntong-hininga ako.

"Wala akong pakialam."

Saglit akong tumingin sa mga bulaklak.

"Kung gusto mong itapon, itapon mo."

Tumigil ako sandali.

"Kung gusto mong dalhin sa bahay ninyo, dalhin mo. Basta alisin mo lahat."

Tumango ang hardinero, kahit halatang naguguluhan sa utos ko.

"Yes, Ma'am."

Tumalikod ako.

Sa bawat hakbang ko palayo sa hardin, parang unti-unting tinatanggal ko rin ang mga alaala na matagal kong inalagaan.

Hindi lang mga bulaklak ang iniiwan ko.

Pati ang dating Amanda.

Ang babaeng araw-araw na nag-aalaga sa isang pamilyang hindi na siya minamahal.

Ang babaeng laging nagbibigay kahit wala nang natitira para sa sarili.

Ang babaeng umaasang balang araw ay babalik ang dating pamilya niya.

Hindi na.

Tapos na.

At habang papasok ako sa bahay, isang bagay ang malinaw sa isip ko.

Kung kaya kong alisin ang hardin na ilang taon kong inalagaan. Kaya ko ring tanggalin sa puso ko ang mga taong ilang taon kong minahal.

Lumipas ang tatlong oras.

Tahimik lamang ako sa loob ng silid nang makarinig ako ng ugong ng isang kotse mula sa labas.

Napatingin ako sa bintana.

Alam kong umalis na sila.

Hindi ko na kailangang alamin kung saan sila pupunta.

Marahil ay may pupuntahan na naman si Dante kasama si Sandra at Zaha.

Wala na akong pakialam.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid at bumaba.

Ngunit pagdating ko sa sala, agad kong nakita si Sandra.

Nakaupo siya sa sofa na tila isang reyna.

Relax na relax.

Komportable.

Para bang kanya ang buong bahay.

Nang makita niya ako, ngumiti siya.

Ngiting punong-puno ng kumpiyansa.

"Oh, Amanda..." malambing niyang sambit.

Tumayo siya at inayos ang kanyang damit.

"Malapit ko nang angkinin ang pamilya mo!"

Proud na proud niyang sinabi iyon.

Saglit ko siyang tinitigan.

Dati, marahil ay masasaktan ako sa mga salitang iyon.

Dati, makikipagtalo ako.

Dati, ipaglalaban ko si Dante at ang anak ko.

Pero ngayon...

Wala na.

Napangiti ako nang mapait.

"I don't care."

Nakita kong bahagyang nawala ang ngiti niya.

"Sayo na sila. Buo."

Tumalikod ako.

Wala na akong kailangang patunayan sa kanya.

Hindi ko kailangang makipag-agawan kay Dante.

Hindi ko kailangang makipag-agawan kay Zaha.

At lalong hindi ko kailangang makipag-agawan sa isang babaeng kusang pumasok sa pagitan ng aming pamilya.

Kung gusto niyang kunin ang pamilyang matagal ko nang ipinaglaban...

Sige.

Sa kanya na.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi na ako lalaban.

Pumunta ako sa silid nang hindi na siya muling tinitingnan.

Pagkasara ko ng p***o, sandali akong napasandal dito.

Masakit.

Sobrang sakit.

Pero hindi na kasing sakit ng dati.

Dahil sa wakas, tinanggap ko na ang katotohanan.

Hindi lahat ng bagay na minamahal natin ay dapat nating hawakan habambuhay.

Minsan ay kailangan din nating matutong bumitaw.

At habang nakatingin ako sa wedding ring na nakapatong sa mesa, tahimik kong sinabi sa sarili ko—

"You're free now, Amanda."

Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon...

Hindi ko na kailangang ipaglaban ang isang pamilyang ayaw naman akong manatili.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 6

    Chapter 6Kinabukasan.Maaga akong nagising.Pero hindi na dahil kailangan kong maghanda ng almusal para kina Dante at Zaha.Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, nagising ako dahil may sarili akong agenda.Isang bagong buhay.Isang bagong Amanda.Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagsuot ako ng simpleng black dress na akma sa isang business meeting. Itinali ko ang aking buhok at nagsuot ng kaunting makeup.Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.Wala na ang babaeng laging naghihintay.Wala na ang asawang laging nag-aalala kung kumain na ba ang kanyang asawa.Wala na ang ina na paulit-ulit na sinusubukang makuha ang atensyon ng anak niyang ayaw na sa kanya.Ang nakikita ko ngayon ay si Amanda Smith."Good morning, Ms. Smith."Napalingon ako nang marinig ang boses sa labas ng pinto.Binuksan ko iyon at nakita ko si James.Ang matagal ko nang personal assistant at isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko nang lubos.Nasa likuran niya ang dalawang abogado na may dalang mga folder.

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 5

    Chapter 5Habang hinihintay ko ang taxi sa labas ng bahay, mahigpit kong hawak ang aking maleta.Hindi ko na nilingon ang malaking bahay na apat na taon kong tinawag na tahanan.Wala na akong gustong maalala.Wala na akong gustong balikan.Maya-maya, biglang sumulpot si Sandra mula sa loob ng bahay."Well, well, well..."Napangisi siya nang makita akong naghihintay sa gilid ng kalsada."Buti at ikaw mismo ang umalis!"Pang-uuyam niyang sambit.Tahimik ko siyang tiningnan.Dati, baka nasaktan ako sa mga salitang iyon.Ngayon?Wala na."Tsk."Napailing ako."Enjoy yourself, Sandra."Bahagya akong ngumiti."Someday, you will regret what you did to me."Nawala sandali ang ngiti niya."At sabihin mo sa ex-husband ko..." dagdag ko, mariing nakatingin sa kanya."Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa akin."Hinawakan ko nang mahigpit ang hawakan ng aking maleta."Kukunin ko lahat ng ibinigay ko sa kanya."Huminto ako sandali."Mark my words."Biglang natawa si Sandra."Hahaha! Stupid

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 4

    Chapter 4Agad kong kinuha ang maleta ko at nagsimulang magligpit ng aking mga gamit.Hindi naman marami ang damit ko.Sa loob ng apat na taon, hindi ako naging maluho. Karamihan sa pera namin ay napupunta sa pangangailangan ni Zaha at sa mga gastusin sa bahay.Kaya hindi ako nahirapang mag-impake.Isa-isa kong inilagay sa maleta ang mga damit ko, ilang personal na gamit, at mga bagay na mahalaga sa akin.Wala akong planong magdala ng kahit anong bagay na hindi naman akin.Ayoko nang may maiwang dahilan para bumalik pa rito.Nang matapos ako, isinara ko ang maleta.Saktong tumunog ang phone ko.Agad ko itong kinuha.Si Attorney."Hello?""Ms. Amanda!" masiglang sambit niya sa kabilang linya. "Handa na ang lahat."Napapikit ako sandali.Sa wakas.Nagsisimula na talaga ang buhay ko pagkatapos ng lahat ng ito."Good," sagot ko. "Please have the documents delivered here.""Yes, ma'am."Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy."And Attorney...""Yes, Ms. Amanda?"Tumingin ako sa paligid n

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 3

    Chapter 3"What is this? It's not food?"Napatingin si Zaha sa plato na inilapag ni Sandra sa harap niya.Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang sunog na scrambled eggs at ham."Ano 'to?" reklamo niya. "It's burnt!"Hindi sumagot agad si Sandra. Halatang naiirita rin siya."That's what I could make," malamig nitong sagot.Hindi ko sila pinansin.Tahimik lang akong kumakain sa kabilang bahagi ng mesa.Dahan-dahan kong hinihigop ang aking kape habang pinipilit kong huwag makialam.Dati, kapag nagreklamo si Zaha tungkol sa pagkain, agad akong kikilos.Gagawa ako ng bago.Lulutuin ko ulit.Kahit pagod na ako, hindi ko siya hahayaang magutom.Pero ngayon ay hiindi na."Amanda!"Napalingon ako nang marinig ang boses ni Dante.Pumasok siya sa dining area at agad na umupo sa tabi ni Sandra."Where's my coffee?"Napatingin ako sa kanya.Saglit lang.Pagkatapos ay muli kong ibinaling ang tingin ko sa aking plato.Hindi ako sumagot.Parang wala akong narinig."Amanda, I

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 2

    Chapter 2Hindi ko na kayang manatili pa roon.Tahimik akong naglakad papunta sa dinner area. Doon ko nakita ang mahabang hapag na puno ng pagkain—mga paborito ni Dante, mga paborito ni Zaha, at maging ang dessert na ilang oras kong pinaghandaan.Napatingin ako sa mga iyon.Ngayon ko lang napagtanto na ilang oras pala akong naghintay para sa isang hapunan na hindi naman nila kailanman planong saluhan kasama ako.Tinawag ko ang mga katulong."Ate, Ma'am?" agad na lumapit ang isa sa kanila.Huminga ako nang malalim bago itinuro ang lahat ng pagkaing nakahain sa mesa."Throw all of it."Nanlaki ang kanilang mga mata."Ma'am, pinaghirapan n'yo po itong lutuin!" ani ng isang katulong, halatang nag-aalala.Napangiti ako nang mapait."Alam ko."Tinitigan ko ang hapag.Ito dapat ang hapunan namin.Anniversary namin ngayon ni Dante.Apat na taon.Apat na taon mula nang piliin kong bumuo ng pamilyang kasama siya.Pero sa anniversary namin, hindi man lang niya ako naalala."Wala nang saysay ang

  • The Heiress He Never Knew   Chapter 1

    Chapter 1Amanda POVApat na taon.Apat na taon akong nagtiis at nagdusa sa pamilyang pilit kong binuo, kahit sa bawat araw ay lalo lamang akong nasasaktan.Anak ako ng isang multi-billionaire. Isa akong Smith—nag-iisang anak na babae ng pamilyang kinikilala sa mundo ng negosyo. Ngunit dahil tutol ang aking ama sa lalaking minahal ko, pinili kong talikuran ang lahat.Umalis ako sa aming tahanan nang walang dalang kayamanan, walang pangalan na maaari kong ipagmalaki, at higit sa lahat, itinago ko ang aking tunay na pagkatao sa lalaking pinakasalan ko.Si Dante.Hindi niya kailanman nalaman na nagmula ako sa isang mayamang angkan.Itinago ko iyon sa kanya dahil gusto kong malaman kung mamahalin niya ako hindi dahil sa apelyido kong Smith, kundi dahil sa kung sino talaga ako.At sa loob ng apat na taon, naniwala akong tama ang naging desisyon ko.Hanggang sa dumating ang araw na nagbago ang lahat.Ang anak kong si Zaha ay labing-isang taong gulang na ngayon.Dati, siya ang pinakamalambin

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status