The Heiress He Never Knew

The Heiress He Never Knew

last updateLast Updated : 2026-09-01
By:  SKYGOODNOVELUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Babala: Ito ay kathang-isip lamang. Sa loob ng apat na taon, isinakripisyo ni Amanda Smith ang marangyang buhay bilang nag-iisang tagapagmana ng isang multi-billionaire family upang mabuo ang pamilyang pinili niya kasama ang asawa niyang si Dante. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Sandra, ang secretary ni Dante. Unti-unting naging malapit si Sandra sa kanyang asawa hanggang pati ang labing-isang taong gulang nilang anak na si Zaha ay tinawag itong “Mommy Sandra.” Sa kanilang anniversary, sa halip na makasama ang kanyang pamilya, natuklasan ni Amanda na mas pinili nina Dante at Zaha na kumain kasama si Sandra. Doon tuluyang nabasag ang pusong apat na taon niyang ipinaglaban. “Dante, I want a divorce.” Iniwan ni Amanda ang asawa, anak, at bahay na minsan niyang itinuring na tahanan. Ngunit hindi alam nina Dante, Sandra, at Zaha ang pinakamalaking sikreto—si Amanda ay isang billionaire heiress. Ngayong bumalik na ang tunay na Amanda Smith, matututunan nilang huwag maliitin ang babaeng minsan nilang itinuring na walang halaga. Dahil sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik para humingi ng pagmamahal. She will return to make them regret losing her. And now, she wants revenge for everything he did to her.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

Amanda POV

Apat na taon.

Apat na taon akong nagtiis at nagdusa sa pamilyang pilit kong binuo, kahit sa bawat araw ay lalo lamang akong nasasaktan.

Anak ako ng isang multi-billionaire. Isa akong Smith—nag-iisang anak na babae ng pamilyang kinikilala sa mundo ng negosyo. Ngunit dahil tutol ang aking ama sa lalaking minahal ko, pinili kong talikuran ang lahat.

Umalis ako sa aming tahanan nang walang dalang kayamanan, walang pangalan na maaari kong ipagmalaki, at higit sa lahat, itinago ko ang aking tunay na pagkatao sa lalaking pinakasalan ko.

Si Dante.

Hindi niya kailanman nalaman na nagmula ako sa isang mayamang angkan.

Itinago ko iyon sa kanya dahil gusto kong malaman kung mamahalin niya ako hindi dahil sa apelyido kong Smith, kundi dahil sa kung sino talaga ako.

At sa loob ng apat na taon, naniwala akong tama ang naging desisyon ko.

Hanggang sa dumating ang araw na nagbago ang lahat.

Ang anak kong si Zaha ay labing-isang taong gulang na ngayon.

Dati, siya ang pinakamalambing at pinakamabait na bata sa akin. Kahit pagod ako, isang yakap lamang niya ay sapat na para makalimutan ko ang lahat ng paghihirap ko.

Pero nagbago siya nang dalhin ni Dante sa aming tahanan ang kanyang secretary na si Sandra.

Simula noon, unti-unting nawala ang dating Zaha.

Hindi na siya magalang sa akin.

Lagi siyang nakadikit kay Sandra at tila ba mas mahalaga sa kanya ang babaeng iyon kaysa sa sarili niyang ina.

Mas masakit pa, kung umasta si Sandra ay para bang siya ang tunay na may-ari ng aming tahanan.

At ako?

Para bang isa akong estranghera.

Isang gabi, mag-isa akong naghihintay sa sala habang paulit-ulit na tumitingin sa orasan.

Halos alas-diyes na ng gabi nang bumukas ang p***o.

Pumasok si Zaha kaya agad akong tumayo.

"Anak, bakit ka ginagabi?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang kalmado kong boses.

Hindi man lang siya tumingin sa akin.

"Anong pakialam mo ba?" inis niyang sagot.

Napahinto ako. Para bang isang kutsilyo ang tumarak sa puso ko.

"Anak..." mahina kong tawag.

"Stop calling me that!" sigaw niya.

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung kailan naging ganito kalayo ang anak ko sa akin.

"Ano bang ginawa ko sa'yo, Zaha?" nanginginig kong tanong.

Ngunit sa halip na sumagot, malamig niya akong tiningnan.

"Mas gusto ko si Mommy Sandra."

Napatigil ang mundo ko.

Mommy Sandra?

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabantang bumagsak.

Apat na taon kong isinakripisyo ang lahat para sa pamilyang ito.

Iniwan ko ang aking marangyang buhay. Tinalikuran ko ang aking ama. Itinago ko ang apelyidong Smith. At higit sa lahat, tiniis ko ang lahat para sa kanila.

Ngunit ngayon ay ako pa ang naging estranghera sa sarili kong tahanan.

Hindi nila alam na kapag tuluyan ko nang binuksan ang lihim na matagal kong itinago. Hindi lang si Sandra ang mawawala sa buhay namin.

Pati si Dante ay malalaman kung sino talaga ang babaeng apat na taon niyang minamaliit.

At sa araw na iyon, pagsisisihan nilang lahat ang pagtrato nila sa akin.

Napalingon ako nang makarinig ako ng isang malakas na halakhak mula sa labas.

Kilala ko ang boses na iyon.

Si Sandra.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

May kutob na ako kung bakit gabi na nakauwi si Zaha. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa rin akong baka nagkamali ako, pero sa naririnig ko, unti-unting nabubuo ang sagot sa isip ko.

Magkasama silang tatlo.

Si Dante.

Si Zaha.

At si Sandra.

Pinilit kong lunukin ang pait na unti-unting umaakyat sa lalamunan ko.

"Did you hear that?" tanong ni Zaha, sabay irap sa akin. "Me, Daddy, and Mommy Sandra eating dinner outside."

Napangiti ako nang pilit.

Pero sa loob-loob ko, parang may unti-unting nadudurog.

Mommy Sandra.

Muli kong narinig ang tawag na iyon mula sa sarili kong anak.

Kung ganoon...

Nauna nang pumasok si Zaha sa loob habang ang dalawa ay naiwan sa labas.

Hindi ko na kailangang magtanong.

Hindi ko na kailangang hulaan.

Naroon ang sagot sa bawat halakhak na naririnig ko.

Sa bawat segundong magkasama sila.

At sa bawat sandaling hindi nila ako naisip.

"Masaya ba kayo?" mahina kong tanong kahit alam kong hindi naman niya ako sasagutin.

Hindi na ako pinansin ni Zaha.

Diretso siyang umakyat sa hagdan, iniwan akong mag-isa sa sala.

Napaupo ako.

Ilang sandali pa ay bumukas ang p***o.

Pumasok si Dante.

Kasunod niya si Sandra.

Pareho silang masayang nag-uusap.

At ang kamay ni Sandra ay nakahawak sa braso ni Dante.

Napako ang tingin ko sa kanila.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit.

Ang makita kong parang mag-asawa silang umuwi sa tahanang dapat ay amin...

O ang makitang tila wala man lang pakialam si Dante na naroon ako.

"Amanda?" napansin niya ako.

Mabilis kong ibinaba ang tingin ko.

"Welcome home," mahina kong sambit.

Ngumiti si Sandra.

"Hi, Amanda."

Napatingin ako sa kanya.

Napakatamis ng ngiti niya.

Ngunit sa mga mata niya, may kakaibang pag-aangkin.

Para bang gusto niyang ipaalala sa akin na siya ang kasama ni Dante.

Siya ang kasama ng anak ko.

At marahil...

Siya na rin ang gusto nilang maging bahagi ng pamilya.

"Masaya ba ang dinner ninyo?" tanong ko, pilit na ngumiti.

"Yes!" masayang sagot ni Sandra. "We had a wonderful time."

Napayuko ako.

Wonderful time.

Samantalang ako, buong gabi silang hinihintay.

Hindi ako kumain.

Hindi ako natulog.

Dahil umaasa akong uuwi sila at magkakasama kaming kakain bilang isang pamilya.

Pero hindi pala ako kasama sa pamilyang iyon.

"Amanda, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Dante.

Napatingin ako sa kanya.

Gusto kong itanong kung kailan niya ako tuluyang nakalimutan.

Gusto kong itanong kung kailan naging mas mahalaga si Sandra kaysa sa akin.

Gusto kong itanong kung bakit ang anak ko ay tinatawag siyang Mommy.

Pero wala akong lakas.

"Wala lang," sagot ko.

Tumango lang siya.

Pagkatapos ay bumaling kay Sandra.

"Let's go upstairs."

At sabay silang naglakad palayo.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala.

Pinagmamasdan ko ang likuran nilang unti-unting lumalayo.

At sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha.

Isa-isa itong pumatak sa aking pisngi.

Tahimik. Walang nakakaalam. Walang nakakapansin.

Dahil sa sarili kong tahanan. Ako ang nag-iisang taong walang naghihintay.

Napahawak ako sa dibdib ko habang mahina akong humihikbi.

"Ganito na ba talaga?" bulong ko.

Apat na taon. Apat na taon kong piniling sila kaysa sa lahat. Pero bakit ngayon, pakiramdam ko. Ako ang unang taong itinapon nila?

At habang pinupunasan ko ang aking mga luha, isang bagay ang malinaw sa isip ko.

Hindi ako habang-buhay iiyak. Darating ang araw na malalaman nila kung sino talaga si Amanda Smith.

At kapag dumating ang araw na iyon. Hindi na ako ang babaeng palaging umiiyak sa isang sulok.

Ako naman ang tatalikod. At sa pagkakataong iyon, sila ang hahabol sa akin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status