Share

Chapter 2

LITERAL na nanlaki ang mga mata ni Sushi nang makita ang malaking puting cartolina na may malaking pangalan niya. Ibinalik niya ang sunglasses na hinubad niya kanina at ibinaba ang visor ng suot niyang wide brown brim hat para matakpan lamang ang kanyang mukha. Lihim siyang napangiwi.

Is it really necessary to welcome her with that cheap paper and poor handwriting?

Habang tinutulak ang luggage cart ay sinilip niya ang may hawak ng cartolina. Nanghahaba ang leeg nito sa kakasilip sa mga taong lumalabas mula sa exit. Tumaas ang isang kilay niya nang mabisitahan ng tingin ang kabuoan ng lalaki.

Napahinto siya.

Is he Lolo Manuel's grandson?

Nakasuot ng lumang denim jacket ang binata, sa ilalim nun ay isang kupas na gray sando. The guy matched it with a black jeans and a black sneakers na halatang lumang-luma na. His hair was messy, mukhang kagigising lang nito.

Had he taken a bath? Nagsipilyo na ba ito? God, umagang-umaga na i-stress siya sa sundo niya. Well, he should at least wear more decent clothes and wash his face. He looks like a gangster on the streets than a normal man.

"Aw -" she yelped and grimace when a good for nothing middle-aged man walk past her like she did not exist. Nahulog ang sunglasses niya sa sahig at lumipad naman ang suot niyang wide brim hat. "Oh god! Tell me this is not happening."

"Oh! Sushi!" Napangiwi siya nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Mabilis na pinulot niya ang salamin sa mata at ang kanyang sosyal na salakot. "Sushmita Costales!" O, don't you dare shout my full name - "Sushmita Marigold Costales!" O, no, he did!

Marahas na tumayo siya para lang mapaatras. Paano ito nakalapit sa kanya nang ganoon kabilis? Bumungad sa kanya ang matangkad nitong pigura. He was really tall. Matangkad na siya pero hanggang leeg pa rin siya nito.

Ibinaba nito ang hawak-hawak na cartolina. Ang hindi niya lang ma-gets ay kung bakit nagka-oras itong mag-drawing ng madaming mangga sa paligid ng pangalan niya. This guy is weird. Matapang na inangat niya ang mukha sa lalaki. May malaking ngiti ito sa mukha.

He was ruggedly handsome, in all honesty.

Matangkad at medyo moreno. Magulo ang may kahabang kulay brown nitong buhok. Makapal ang kilay nito at may matangos na ilong. He had a deep set of light brown eyes. She could almost see herself from those golden light brown eyes. Mahahaba rin ang mga pilik mata at mukhang walang tulog dahil sa eyebags nito. There is something with his smile; tila ba may kalokohan na laging nabubuo sa likod ng isip nito.

Nevertheless, he still looks poor but charming enough in her eyes.

"Let me guess," basag nito, nanatili pa rin ang ngiti sa mukha nito.

"What?" she keeps a monotone voice.

"Hindi ako pumasa sa taste mo?"

Tinitigan niya ito sa mukha. "It's already too obvious. You don't need to guess it." Tumawa ito. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya nag-joke. "Where's your car?" pag-iiba niya.

Tumabi ito it itinuro ang isang asul na lumang pickup truck. May ilang box pa at basket ng mga mangga sa likod nun. Muntik na siyang matapilok sa kinatatayuan niya kahit na naka strapped sandals lang siya at hindi naman siya naglalakad.

Is this man even serious? It took her an hour to pick a perfect summer dress for her airport OOTD and this man wanted her to ride an old pickup truck? Saan nito ilalagay ang mga bagahe niya? Sa likod? With all those mangoes? No way!

"Ang dami mo namang dala. Sasali ka bang Miss Universe?" Binilang nito ang mga maleta niya. "One, two, three, four... five. Wow!" Namilog ang mga nito sa amusement. "Dinala mo ba pati bahay n'yo?"

She raised an eyebrow. "My things are least of your concerns."

Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. May pigil na ngiti sa mukha nito. "Chill, nagtatanong lang naman." Mabilis na nasundan niya ang paghawak nito sa luggage cart. "Huwag kang mag-alala. Sanay ako sa handle with care." Matalas ang paningin nito. He notices her reactions and reflexes. Impressive! But I still don't like you. "Halika na." Nauna ito sa kanya sa direksyon ng sasakyan. "Baka maiwanan tayo ng bangka."

Sinundan niya ito. "Bangka?" ulit niya. Kumunot ang noo niya. "Sasakay pa tayo ng bangka?"

"It's a ferry boat, Sushi. Pero kung gusto mo, pwede mo ring languyin mula Iloilo ang Guimaras." Sarcastic jerk! "At magkita na lang tayo sa port dahil sasakay ako ng bangka."

"Do you realize that you're being sarcastic?"

"O, talaga?" He glances at her and smiles. I'm beginning to hate his smile. "Hindi naman yata."

"Pier," nakangiting bati ng isang matanda sa kanila. Bumaba ito mula sa driver's seat. Mukhang ito ang may-ari ng pickup. "Maayong aga, ma'am." May ngiti at may lambing sa tunong bati ng matanda sa kanya. "Pier, tulungan na kita."

"Salamat Mang Ned." Isa-isa ng mga itong iniakyat ang mga bagahe niya sa likod. "Ingatan lang natin at puro baso ang laman ng mga maleta."

"Ay ba? Babasagin pala ang mga ito?"

Tumaas lang lalo ang isang kilay niya rito. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Tumawa naman ang antipatikong lalaki sabay baling sa kanya. Napamaang siya nang kindatan siya nito. Humalukipkip siya at binigyan ito nang masamang tingin.

"Hay naku, kay aga-aga, nakabusangot 'yang mukha mo." Tapos na ang mga ito kaya siya naman ang nilapitan nito. "Maganda ang umaga, Sushi. Kasing ganda mo." Humagikhik ang matanda sa likod nito. Huwag mong sabihing kinikilig ito sa kanila? Gross! "Ngumiti ka na."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Can we just go?"

Namulsa ito, and he was still smiling for Pete's sakes. Hindi ba sumasakit ang panga ng lalaking 'to?

"Okay," he nodded. Ibinaling nito ang tingin sa matanda. "Tayo na Mang Ned."

"Mabuti pa.”

HABANG nasa b’yahe ay panay ang pag-uusap ng dalawa. Hindi niya maintindihan dahil Ilonggo ang salita. Or kung ‘yon man ang right term of their dialect. Nagsiksikan silang tatlo sa harap. She was sitting in the middle. Dikit na dikit ang expose niyang braso sa magaspang na tela ng denim jacket nito. Nilalamig na siya kahit wala namang aircon. Nobody inform her that it's cold here. Mornings in Manila are notably hot and arid.

Her jackets are all inside her luggage.

"Wait.”

Napatingin siya sa lalaki, bigla nitong hinubad ang suot nitong jacket. Sa gulat niya ay ipinatong nito 'yon sa mga balikat niya. 

"Malamig talaga rito sa Iloilo, lalo na roon sa Guimaras kapag umaga at gabi. Hindi kasi polluted at madami pang mga puno sa paligid."

True, nang palabas na sila ng airport, puro rice field ang nakikita niya sa paligid. She was amazed by it. Ito ang unang beses na nakapunta siya ng Iloilo. She was never fond of traveling to some tourist destinations in the Philippines. Halos nalibot na niya ang buong mundo, maliban ang Pilipinas.

"Tama si Pier, ma'am. Iba ang sariwa at malamig na hangin dito sa amin. Nakaka-relaks po."

"Thanks," tanging nasabi niya.

Mukha itong walang ligo but his scent smelled nice. At least!

"Kumusta naman ang b'yahe mo papunta rito?" mayamaya ay tanong nito.

Kailangan ba talaga nilang mag-usap? Hindi ba napapagod sa kakadal-dal ang lalaking 'to? For a man like him, he was annoyingly nosy and talkative.

"Okay lang," tipid niyang sagot nang hindi ito tinitignan.

"Gutom ka na ba?"

"I had coffee. I don't usually eat breakfast."

"Ah, ganoon ba? Okay, sa bahay magluluto ako ng tanghalian natin. Kung sanay kang 'di kumain, ako hindi."

"Malakas kumain 'yang si Pier!"

Malakas na tumawa ang lalaki. "Mang Ned, huwag n'yo naman akong ilaglag. Baka ma-turn-off sa'kin 'tong si Sushi."

"Okay lang 'yan, Pier. Gwapo ka naman, masipag at matalino."

That wouldn't make any difference. Hindi pa rin kita gusto.

"'Yan ang gusto ko sa'yo Mang Ned, supportive!"

"Ikaw pa! Malakas ka sa'kin e. Basta 'yong mga in-order ko sa'yong mga mangga, bigyan mo ako ng discount."

"Oo naman!"

TIRIK NA TIRIK na ang araw nang makarating sila sa Guimaras. Mula sa isang lumang pickup truck ay pinasakay naman siya nito sa isang jeep na sa tingin niya ay pagmamay-ari nito. Hindi niya matandaan ang pangalan nito maliban sa Pier. Nang dumating sila sa terminal kanina ay madaming tumatawag rito sa pangalang 'yon.

In all fairness naman sa kanya, may fan base ito.

"Malayo pa ba?" iritable na niyang tanong, nangangalay na ang mga kamay niya sa kakapaypay sa sarili sa sobrang init. Nahihilo na siya sa mahabang b'yahe.

Tinawid niya ang ere at dagat. Gusto na lamang niyang magpahinga. Saka na niya iisipin ang mga reklamo niya sa buhay.

"Malapit na tayo."

"Na saan ba si Lolo Manuel?"

"Wala si Lolo, nag-bakasyon."

Kumunot ang noo niya. "Nag-bakasyon? E sinong mag-aalaga sa'kin dito?" Hindi ba't sabi ng kanyang ama. Si Lolo Manuel ang magtuturo sa kanyang maging normal dahil sad to say, ang tingin ng ama niya sa kanya ay evil witch.

"Ako," nakangiting baling nito sa kanya. Ibinalik agad nito ang atensyon sa daan.

"Ikaw?!" tumaas ang boses niya. Okay, kumalma ka Sushi. Hindi ka naniniwala sa mga salitang hindi buo at tapos. Doon nagsisimula ang bad assumptions and depressing thoughts. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.

"Sushi, tayong dalawa lang sa bahay. Wala kaming katulong kaya dapat magtulungan tayo sa gawaing bahay."

Pumitik ang sentido niya. Maloloka na yata siya. Did he expect her to wash the dishes? Clean the house? Do the laundry? And cook? Ito ba ang gusto ng ama niyang matutunan niya? Ang maging legit katulong?

"I can't believe this," napamaang na siya.

"Huwag kang mag-alala, mag-e-enjoy ka rito."

Marahas na ibinaling niya ang tingin dito. "Do you expect me - aw!" Tumama ang braso niya sa harapan nang bigla itong prumeno. "Ano ba?!" sigaw niya. "Ba't ka tumigil bigla?"

"Nasaktan ka ba?" Akmang hahawakan nito ang braso niya nang bahagya siyang lumayo.

"Malamang, oo!" asik niya.

Napakamot ito sa noo. "Sorry, may dumaan kasing kambing." Pinaandar muli nito ang jeep. "Hindi ko naman pwedeng sagasaan. Kawawa naman." Tinignan pa nito ang kambing bago tuluyang umalis. 

Kumunot lalo ang noo niya nang makitang nalungkot ito sa isipang 'yon. Natutop niya ang noo. God, maaga akong mababaliw rito. Umayos siya ng upo at marahas na inihilig ang likod sa back rest ng upuan.

"Don't talk to me," aniya.

"Pero pwede naman kitang kausapin mamaya, ‘di ba?"

Argh! "Whatever!"

BUMUNGAD kay Sushi ang luntiang tanawin nang makababa siya mula sa jeep. Hindi niya maiwasang maigala ang tingin sa buong paligid. Ramdam niya ang mabining haplos ng sariwang hangin sa kanyang mga pisngi.

Tanaw niya ang malawak na sakahan, bundok at mga puno ng mga mangga. Hindi magkakalapit ang mga bahay at tahimik maliban na lamang sa mga huni ng mga ibong sumasama sa hangin at dahong mahinang humahampas sa mga sanga.

Nawala ang inis niya.

"Dayon!" Naibaling niya ang tingin sa lalaki. Nakangiti na naman ito, as usual. Tama na Sushi, bukas ka na ulit mainis. Pagod ka. Kailangan mo ng peace of mind. "Huwag kang magulat, pero maliit lang ang bahay namin. Malayo sa mansion n'yo sa Maynila."

Iniangat niya ang tingin sa dalawang palapag na bahay sa harap niya. It was a kamalig inspired two storey house. May maliit itong patio sa harap at tatlong baitang na hagdanan. Ang mga bintana ng bahay ay kasing laki ng mga pinto. Tagusan ang hangin kaya alam niyang malamig sa loob kahit na walang aircon.

Okay, sosyal lang nang kaonti sa isang bahay kubo.

Naglapat ang mga labi niya. Hindi ako uuwi! Hindi ka uuwi Sushmita. Paulit-ulit niyang sabi sa sarili. Tatapusin niya ang tatlong buwan. Hindi siya pwedeng mapaalis sa kompanya kahit na araw-araw pa siyang magbalat ng mangga.

Proud na nakapameywang ang lalaki sa harap ng bahay nito. Siya naman, gusto na niyang umiyak, umuwi at buksan ang aircon ng silid niya buong araw.

Mayamaya pa ay ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Sushi.”

"Ano?" asik niya.

Drain na pati utak at energy niya.

Inilahad nito bigla ang isang kamay sa kanya. Bumaba ang tingin niya roon bago ulit naiangat ang mukha sa lalaki.

"Pierce Kyries Allede.” Ito na mismo ang humawak sa isang kamay niya. Napamaang siya sa ginawa nito. "You can call me Pier." Agad din naman nitong binitiwan ang kamay niya. 'Yong unang dalawang bagahe ang kinuha nito. "Pasok na tayo, i-to-tour kita sa bahay ko."

"Para namang kasing laki ng National Museum tong buhay n'yo."

Natawa lang ito. "'Yon nga ang maganda e. Madali tayong matatapos."

MAY dalawang silid sa itaas. Isa naman sa ibaba, malapit sa maliit na hugasan at pang-apat na dining table. Maliit din ang sala sa ibaba pero malinis at makintab ang wooden floor. Ganoon din sa itaas. Wala gaanong gamit pero malinis na malinis ang loob.

Naupo si Sushi sa itaas ng malaking kutson ng silid niya. May two door window na nakabukas. Mula roon ay kitang-kita ang magandang view ng lugar. May isang electric fan at malaking lumang cabinet. Mahangin naman kaya hindi masyadong mainit. Isa lang din ang banyo at nasa ibaba pa.

Napabuga siya ng hangin. Naiiyak na naigala niya ang tingin sa apat na sulok ng silid na 'yon. Tatlong buwan. Tatlong buwan siyang magtitiis sa lugar na 'to. Iningat niya ang cell phone, isang bar na nga lang, nawawala-wala pa.

Ibinagsak niya ang sarili sa matigas na kutson. Inabot niya ang isang unan at ibinaon ang mukha roon at tumili. 

Ahhh! Bwesit! Bakit ba kasi kailangan ko pang tumira rito? Masaya naman na ako sa Maynila. Hindi naman ako gahaman na boss ah. Hindi ko nga sila tinitipid. Those ungrateful employees!

"Ayoko rito!" tili niya.

Gusto ko nang umuwi! Mommy, iuwi n'yo na ako. I hate it here! I love the view but I still don't like to live here!

HINDI napigilan ni Pier ang tawa nang marinig ang sigaw ni Sushi mula sa itaas. Nasa kusina siya, naghahanda ng pananghalian. Mabuti na lamang at nakabili siya ng sariwang isda kaninang madaling araw.

Wait.

Natigilan siya.

Naipilig niya ang ulo. "Kumakain ba 'yon ng isda?" Baka naman 'di 'yon kumakain ng wala sa menu? Ah, bahala ito. Masarap naman siyang magluto. Hindi niya hahayaan ito sa mga gusto nitong gawin. 'Yon ang utos sa kanya ng lolo niya.

Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ng isda. Sa ngayon, siya na muna ang gagawa ng mga gawaing bahay. Bukas tuturuan na niya ito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwing naalala ang inis sa mukha nito. Ang babaeng 'yon, hindi talaga marunong ngumiti. Kahit hindi nito sabihin alam niyang madami nang naglalarong reklamo sa isip nito.

He was amused by her strong personality.

Ang sarap nitong asarin dahil alam niyang hindi rin ito magpapatalo.

"Maganda," aniya sa sarili. 

Maganda talaga ito kahit hindi nakangiti.

The word princess isn't enough to describe her; she was more like a queen - an evil queen. Muli siyang natawa nang maalala na naman ang nakabusangot nitong mukha kanina. Ah right, she'll be more beautiful when she learns how to smile.

"We'll work with that. Hindi ko pauuwin ang babaeng 'yon nang hindi natutotong ngumiti. Itataga ko 'yan sa mga hasang ng isdang 'to."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
George Luis
na ngangapa pa ako sa storya pero mukang magnda ang ng yayari
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status