Share

THR 48

"Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."

Klea Francine's POV

Nagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?

Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan.

"Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.

Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata.

"Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"

Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status