Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"I hate my life even though I have all the things I need. At my age, I am not a believer of LOVE and LUCK." Klea Francine's POV **Flashback** KABABALIK ko lang from the States last week and a lot of things upset me already. Nakita ko na namang palihim na umiiyak si Mama habang nagluluto ng almusal. We have maids but she loves to cook our food. Lumakad ako ng dahan-dahan palapit sa kanya. I give her a back hug. Napansin kong pinunasan niya ang kanyang mga luha bago humarap sa akin ng nakangiti. "Ma, you don't have to pretend in front of me. I know you're not fine. Si Papa na naman ba?" Mahinahon kong tanong habang hinahagod ang kanyang likod. Tumango lang siya ng nakangiti. Pinipigil pa rin niya ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Why don't you leave him? We can go back to the States together if you want." Suhestyon ko bilang nagmamalasakit na anak. "Kung iiwan ko ang Papa mo, matagal ko na sanang ginawa anak. Mahal ko siya kahit na…" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya a
"Sleeping becomes an escape for me and annoying people around me becomes my key to survival." Klea Francine's POV MAG-IISANG linggo na ang lumipas buhat nang mamatay si Shana. Isang linggo na rin akong puro tulog. Hinang-hina ang katawan ko dahil wala akong ganang kumain. Nang mawala si Mama, ilang beses ko nang tinangkang magpakamatay. Si Shana lang ang tanging dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon. Pinahalagahan at minahal niya ako sa mga araw na hindi ako kamahal-mahal. Binabalot ang buo kong pagkatao ng matinding kalungkutan. May paulit-ulit na mga tanong na tumatakbo sa aking isipan. Bakit siya nagpakamatay? Suicide ba talaga ang nangyari? May kinalaman ba si Xynon sa pagkamatay niya? Agad kong pinahid ang mga luha ko nang pumasok si Papa sa aking kwarto. Ilang araw na siyang pabalik-balik dito pero hindi ko siya pinapansin. May pakialam pa rin pala siya sa akin. "Anak, date tayo. Namimiss ko na 'yong bonding time nating dalaw," seryosong wika ni Papa. Tinalikuran ko s
"Handa akong panatilihing sariwa ang sarili kong mga sugat para lang maipaghiganti ang pagkamatay ng matalik kong kaibigan na itinuring akong isang kapamilya." Klea Francine's POV MAKALIPAS ang isang buwan ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan makikita ko ang pagpatak ng kauna-unahang luha ni Xynon na bunga ng paghihiganti ko. Bago pa man magsimula ang seremonya ng kasal nina Xynon at Joanne ay palihim kong tinagpo ang bride sa kanyang silid. Tamang-tama lang ang pagpasok ko dahil siya na lamang ang tao sa kwarto. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili. "Saan kaya nagpunta si bakla? Hindi pa tapos ang makeup ko nilayasan na agad ako," saad ni Joanne habang nag-aayos ng kanyang mukha. Inutusan ko kasi Axie na landiin ang makeup artist ni Joanne kaya eto ang kinalabasan. "Oh Klea anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Joanne. Napakaganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang puting wedding gown na suot niya at kitang-kita ang hubog ng kan
"When I express affection towards a man, he is at a disadvantage." Klea Francine's POV PAGKATAPOS ng kasal namin ni Wade, samut-saring alegasyon ang sinagot ko sa harap ng kamara. Well, I am Klea Francine Singrimoto and nothing scares me now. Matapang kong tinuldukan lahat ng mga katananungang ibinato sa akin and everything went well according to my plan. Kinausap naman ng masinsinan ni Tito Wensley si Wade pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya sa araw mismo ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa halip na maawa siya kay Joanne ay kinasuklaman pa niya ito dahil sa kasinungalingang sinabi sa kanya ng sarili niyang ama. I love how money and power blinded his Dad. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit namin ni Wade at ngayon ay nasa kitchen naman ako para ayusin ang mga cooking at eating utensils. Kakalipat lang namin ng bahay. My Dad gave us a house and lot as his present while Tito Wensley advised us to have a child already. I
"No one can escape the cage that I have made. Your soul can break free but your entire body will be buried six feet below the surface." Klea Francine's POV NAKATULUGAN ko na kagabi si Xynon na kausap si Joanne. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay malulutong na mura agad ang ibinungad niya sa akin. Halos basag lahat ng mga gamit namin sa loob ng kwarto. Ang mamahal pa naman ng bili ko sa mga iyon! "Natulog ka ba? Parang puyat na unggoy ang hitsura mo ah," bati ko habang nag-iinat at nag-aayos ng aking buhok. "Anong sinabi mo kay Joanne? Bakit siya umalis sa mismong araw ng kasal namin? SABIHIN MO ANG TOTOO FRANCINE! I have treated you well since yesterday dahil akala ko, sinalo mo ako pero mukhang ikaw ang dahilan ng pagkawasak ko." Halos lamunin na niya ako sa pagkakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang galit. Hindi ko alam na mas pinaniniwalaan pala talaga niya si Joanne kaysa kay Tito Wensley. "Hey! You should relax yourself first. Sa sobrang dami mong tanong eh hindi
"Kapag hindi tugma ang sinasabi at kinikilos ng isang tao, mas pinaniniwalaan ko ang nakikita ng mga mata ko kaysa sa naririnig ng mga tenga ko." Klea Francine's POV TWO WEEKS LATER PALAISIPAN pa rin sa akin kung paano nakilala ni Joanne si Shana at kung paano niya nalaman ang connection namin sa isa't isa. Natanggap ko na rin ang walang kwentang regalong sinasabi niya. She gave me a blank sheet of paper with four dots in every corner. Gusto kong isipina ng meaning no'n pero ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang katuturang bagay. Halos isang linggo ko ring inaliw ang sarili ko sa pagsho-shopping at paglalaro ng table tennis. I need to get rid of Joanne pero hindi ko siya makutaptapan. Suot ang isang pulang coat at isang fitted, above the knee, white dress ay taas-noo akong naglalakad papunta sa aking opisina. Nahagip ng mga mata ko ang pagbubulungan ng ilang employee. Inappoint lang ako ni Papa nang biglaan bilang CEO ng isa sa mga kompanya niya at ito ay ikinasama ng loob
"You can't expect loyalty from people who cherish money more than dignity and reputation." Third Person's POV MAGKASABAY umuwi sa Villa Singrimoto ang mag-asawang Klea at Wade. Pagmamay-ari ni Don Lenel ang subdivision na kanilang tinitirhan. Si Don Lenel ay kilala bilang pinakamahusay na entrepreneur at businessman sa buong Pilipinas. May negosyo siya sa larangan ng real estate, banking and finance, construction at manufacturing. Ang mga Singrimoto rin ang may ari ng mga five star hotel sa kamaynilaan at sa Cebu. "Bakit ka pumirma kanina?" Nagtatakang tanong ni Klea. "Kailangan ko pa bang iexplain sa'yo yon?" Supladong tugon ni Wade. "Mahal mo na ba talaga ako Wade o ginagamit mo lang ako para makuha ang yaman ni Papa?" Prangkang tanong ni Klea. Tumigil bigla sa pagmamaneho si Wade at hinawakan ng mahigpit ang mga braso ni Klea habang nakatitig ito ng diretso sa kanyang mga mata. "Pinipilit kong magpakatino at magpaka-asawa sa'yo Francine. Two weeks ko nang nagagawa ng maayos p