Kabanata 34
Inamoy ko ang bigay niyang roses sa akin nang pumasok ako sa aking kwarto. Naririnig ko ang tawa ni Felecity sa labas at talagang nasisiyahan siyang narito si Yohan. Kinagat ko ang labi ko at kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa presensya niya dahil narinig ko ulit ang malakas na tawa ng anak ko.
Natatakot ako sa totoo lang. Hindi lang sa akin, kundi para sa anak ko na walang kamuwang-muwang sa ganitong mga bagay. Paano kung sa isang araw, hindi na pala kami? Paano kung isang araw, wala nang Yohan sa buhay namin? Masasaktan ang anak ko at iyon ang ayaw ko na mangyari.
“Gusto ko sa beach! Last naming punta ay yong kay Tita Trixie! Nakapunta ka na po ba sa beach?”
Tahimik na pinakikinggan ko ang boses ni Felecity. Napangiti ako at saka inilagay ko na lang sa flower vase ang bulaklak na bigay niya at napaupo na lamang sa kama. Inilagay ko ang palad ko sa tapat ng dibdib ko at pinakiramdam ang mabilis na pagpitik nito.<
Kabanata 35Kasama si Felecity at Yohan ay nagtungo kami sa public market. Naging center of attraction si Yohan at ang kanyang kotse dahil masyado itong maganda at mamahalin para magtungo sa pampublikong palengke.Hinayaan ko na lang si Felecity kay Yohan at nauna na ako sa loob dahil ayokong mapag-usapan. Pinagtitinginan na ako ngayon ng mga tao dahil na rin sa nasa likuran ko na si Yohan at hawak-hawak niya pa ang maingay na si Felecity.Napapikit ako at dumiretso sa palagi kong binibilhan ng mga gulay at iba pa.“M-May—”“Mag-ama mo?” singit ng isang tindera at malisyosa akong tinignan.“Um, anak ko kinarga niya,” sagot ko at akmang magsasalita na sana ulit nang nagpatuloy siya.“Magkamukha sila,” aniya sabay taas ng kilay. “Mukha silang mag-ama.”Umawang ang labi ko at napalingon kina Yohan at Felecity. Bumuntonghininga ako. Hindi
Kabanata 36Kaunting damit lang ang kinuha ko para sa akin at para kay Felecity. Mahilig sa tubig ang anak ko kaya sigurado ako na mag-e-enjoy ulit siya sa La Luca beach.“Mommy, I want to swim, ha? Sasakay ako sa salbabida! I want to be a mermaid like barbie!” kwento ng anak ko sa likod.Nasa sasakyan pa rin kami ngayon at papatungo na kami sa beach. Tahimik lang ako at halos hindi ko na kinakausap si Yohan na nasa tabi ko lang.Nilingon ko ang anak ko sa likod. “Keep quiet. Malapit na tayo, anak.”Ngumuso siya. “Mommy, Tita Trixie said you don’t know how to swim!”Napasinghap ako at sinulyapan si Yohan na tahimik lang nagda-drive pero napansin ko na nagpipigil siya sa kanyang pagngiti at pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin at nang napansin ay binalingan niya ako saglit at tuluyan na ngang natawa.Binalik niya ang kanyang tingin sa daan habang may ngiti na sa labi.
Kabanata 37Titig na titig ako ngayon sa flower bracelet na bigay sa akin ni Yohan. Nilibre niya rin kami ng rooms. Nasa kabila lang yong kanya at masasabi ko na mahal ang kwarto na ito dahil may aircon. Actually, hindi naman kailangan kasi sanay na kami pero wala na rin akong magawa dahil nga siya ang nagbayad at hindi naman ako.Ang artificial flower ay gawa sa rosas. Mahilig kasi ako sa rosas. Paano niya siguro nalaman? Mayaman naman si Yohan. Marami siyang mapagtanungan tungkol sa akin. Natatakot ako sa kung ano man ang nalaman niya tungkol sa akin. Pero wala naman siyang itinanong o inuusisa. Wala naman kasing kainte-interes ang buhay ko bukod sa dati akong spoiled brat at disappointment.Bumuntonghininga ako at ipinilig ko na lang ang aking ulo. Ang anak ko ay nakahiga sa malambot na kama, siguro ay pagod sa byahe. Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin si Yohan nang mag-isa. Gusto ko kasi na laging gising si Felecity nang hi
Kabanata 38Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad agad sa akin ang nakangiti na si Yohan. Naka-shades siya at wala siyang bangs. Nanibaguhan tuloy ako. Ang suot niya ay damit na pandagat. Makikita mo rin talaga na maputi siya kahit ano pa ang damit niya. Bigla tuloy ako nanliit sa sarili ko.“Hey…” Hinubad niya ang shades niya.Iniwas ko ang aking tingin. “Nasaan ang nanny na sinasabi mo?”He smiled at me. “She’s downstairs. Let’s go. I’ll talk to her.”Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Nagdadalawang-isip tuloy ako na tanggapin ito. Lalo na ngayong kami lang dalawa, naiiba na naman ang nararamdaman ko. Napalunok ako.Hindi ko pa man tinanggap ang kamay niya ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at pinasalikop ito. Umawang ang labi ko at napaangat ng tingin sa kanya.“Yohan…”He sighed and kissed the back of my h
Kabanata 39Dinala ako ni Yohan sa isang swimming pool. Kung tutuusin lang, mas gusto ko sa beach mismo pero dahil dito nga ako dinala ni Yohan ay wala akong magawa. May sarong akong dala kaya natatakpan ang swim suit sa ilalim. Uminit ang pisngi ko nang bigla siyang naghubad ng pang-ibabaw na damit at inilagay niya sa lounger. Walang tao sa swimming pool area na ito bukod sa aming dalawa. Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil na rin sa lamig.Tumikhim ako. “Hindi mo naman talaga ako kailangang turuan dahil hindi naman talaga ako mahilig lumangoy sa ilalim.”Nang dinungaw ko ang tubig ay napaatras ako. Maamo ang mukha ng swimming pool pero nakakaloko dahil tingin ko ay malalim.“Tse. Hindi ka ba nahiya kay Felecity?” He chuckled and went to me. Napasinghap ako nang nasa likuran na siya at hinawakan ang magkabilang-balikat ko.Nang tumingala ako ay nakatingin na rin siya sa akin. Wala na ang ngiti
Kabanata 40Hindi nawala sa isip ko ang ginawa namin kanina. At kay rupok ko naman at bumigay ako kahit hindi pa kami? Napailing na lamang ako. Narito ako ngayon sa isang lounger. Hinihintay siya. Actually, gusto ko nang bumalik sa anak ko pero nakiusap talaga siya na dito lang ako.Nakabalot na ang balikat ko ng tuwalya. Kagat-kagat ko ang labi ko at kapag nalaman ni Trixie ang mga pinanggagawa ko ay baka pagtatawanan ako ng bruha.Bakit ko naman ikukuwento sa kanya? Baka aasarin lang niya ako. Alam pa naman niya na wala pa akong naging lalaki simula nang nagkaroon ako ng Felecity.I sighed.Isang click ng camera ang pumukaw sa atensyon ko. Nang binalingan ko ito ay napasinghap ako nang nakita ko si Yohan na may dalang camera. Uminit ang pisngi ko lalo na’t may sugat yong kanang balikat niya. Guilty ako dahil mula sa kuko ko iyon.“B-Bakit pa ba ako rito? Hindi mo naman pala ako tuturuan!” Sumim
Kabanata 41“Daddy Yohan!”Napapikit ako dahil sa tinis ng boses ng anak ko na si Felecity. Bumisita kasi si Yohan sa kwarto at nadatnan niya kaming nakahiga. Mamayang hapon pa maliligo ang anak ko kaya may oras pa akong makapagpahinga.May sariling flat screen tv ang kwartong ito at makita ako ni Yohan sa gano’ng sitwasyon ay nakakahiya. Umayos ako ng upo at saka inilipat ang channel sa iba. Hindi ko na siya matignan.“Hello, Felecity!”Nakita ko sa gilid ng mata ko na yumakap si Felecity sa tuhod ni Yohan. Bigla akong nahiya para sa kanya pero wala na akong magawa dahil mukhang gusto rin naman yata ni Yohan ang mayakap ng anak ko.“Daddy Yohan, Mommy said that I should call you, Tito Yohan.”Namilog ang mata ko at gulat na bumaling sa kanila. Hindi ako makapaniwala na sinabi ni Felecity kay Yohan iyon! Juskong batang ito! Pinapahamak pa ako!Tumikhim si Yoh
Kabanata 42Natulala na lamang ako habang nakatingin sa tumatawa na si Felecity habang kinakarga na siya ni Yohan patungo sa dagat. Nasa katawan ko pa rin salbabida na nilagay ni Yohan sa akin. Tuwang-tuwa ang anak ko habang unti-unti siyang nilalapag ni Yohan sa dagat.Napangiti ako. Hindi ko akalain na magawa ko silang pagmasdan. Mali pala ako. Sobrang mali ko na sinubukan kong itama si Felecity. Yohan is willing. Hindi siya galit at totoo ang sinabi niya na he like kids. Natatanaw ko siya na nakangiti habang dinadala ang anak ko patungo sa mas malalim na tubig. Hawak-hawak niya ang salbabida ng anak ko habang papatungo sila roon. Napangiti ako.I thought I don’t need a man to provide for us or to make us happy. But I think Felecity needs a man who can be a father to him. Sobrang bilis ng kalabog ng puso ko at naluluha ako sa totoo lang. I am selfish at natatakot ako na baka isang araw ay ilayo siya sa akin.Migue