SABAY-SABAY silang naglaho mula sa hospital patungo sa private farm nila sa Caramoan. Kharyn was holding a key—it was a medium sized gold triangle with inscriptions written in faerie language. Mula roon ay bumulaga ang nakakasilaw na liwanag at sabay-sabay silang pumasok.
Ngayon ay naiintindihan na ni Eleand kung bakit siya roon sa farm natagpuan ng kanyang mga magulang. He might be really a Demifae. Malamang isa sa kanyang magulang ang mortal at na-inlove sa isang diwata. Malalaman din niya ang katotohanan kung sino siya lalo pa at tuluyan na siyang mananatili sa mundo ng mga diwata.
Hindi halos mabilang ni Eleand kung ilang ulit silang naglaho bago nila narating ang kanilang destinasyon. Umasa siya na ang Gintong Palasyo ang sasalubong sa kanya pero tumambad sa kanyang mata ang isang malaking palasyo na gawa sa isang kakaibang uri ng diyamante. It was a palace made of precious stones glimmering in the sunlight.
“This palace is made of
“ARE you really Brandy?” tanong ni Eleand habang pakiramdam niya ay madudurog na ang kanyang buto sa kamay sa sobrang pagkakakuyom niyon.“Do have a problem with that? Aren’t you happy to see your wife?” nakakalokong ngumiti ang babae.Hindi niya talaga alam kung ano ang magiging reaksyon. All this time, pinaglalaruan siya ng reyna ng mga diwata! Pinaniwala pa siya nito na totoo ang pagmamahalan nila at siya naman itong tanga na naniwala.Malamang ay malaki ang kinalaman ng kanyang dugong diwata kung bakit niya ito nakilala sa mundo ng mga tao. Siguro alam na nito ang kanyang nakatagong kakayahan kaya planado nito ang lahat ng pangyayari sa buhay niya. This evil bitch queen manipulated his life!“Why did you do this to me?” maharas siyang nagbuga ng hangin para kontrolin ang sarili. Anong karapatan nitong panghimasukan ang tahimik na buhay niya?“Wala akong ginawa sa’
WALANG ibang nakitang diwata si Eleand sa malaking palasyo. Maging sina Kharyn at Zanti ay wala rin nang bumaba siya mula sa kanyang silid. Naabutan niya si Rieska na tila nakikipaglaro sa malaking itim na lobo malapit sa hagdan. Tumayo ito nang tuwid nang makita siya.“Your dog is quite huge.” Puna niya sa alaga nito. Bigla tuloy niyang naalala si Brandy at ang pagkahilig nito sa aso. May isa silang alagang aso sa California, si Eclipse. Isang itim na Labrador na malaki rin ang sukat. Inampon iyon ni Brandy noong maliit pa at dinala sa bahay.Namilog ang mata ng babae. “It’s a wolf. Natagpuan ko siya sa desyerto noong maliit pa, he was heavily wounded kaya inalagaan ko.”Nagulat na lang siya nang biglang lumapit sa kanya ang higanteng lobo at tila naglalambing na yumapos sa kanya. The wolf was wiggling his darn tail!“Hey, stop that!” naiinis na saway niya sa lobo. Halos mawala ang bal
DUMAAN ang sandaling katamikan nang makita ni Eleand ang malawak na disyerto. It was made of different elevations; the topography looks magical yet dangerous. Wala siyang nakikitang kahit anong water source sa paligid. Anong klaseng diwata kaya ang nabubuhay sa klase ng klima sa lugar na ito? Wala rin naman siyang kahit anong nilalang na nakikita sa paligid kundi ang maliliit na ipo-ipo na naglalaro sa buhangin na sanhi na maliliit na sand storm. “The faerie realm is just like the mortal world. I’m wondering how the faeries were created. Why are they considered higher beings compared to humans?” Nilingon ni Eleand ang tahimik na reyna. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. “Humans and faeries were created pretty the same. We are all created by Yerie, the King of all Kings, the Most High Father. He is the one governing Zurga—the Heaven Realm, at siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.” “Hmmm, interesting.” Napatango-tango si Eleand sa narini
ILANG sandaling tinantya ni Eleand ang mga galaw ni Griga sa ere pero parang nagkakaintindihan silang dalawa. Ilang ulit pa siyang napasigaw sa tuwa nang umikot-ikot ito sa ere na parang nakikipaglaro sa kanya. She even flew higher when he told her to do so. Ang una niyang gustong makita ay ang kahariang pinagmulan ni Enkille.The Eisledus—The City of Ice was pretty much the same like Velidia. Ang tanging napansin niya lang nakakaiba ay ang mga building sa paligid na gawa sa yelo. Even the castle was made of ice and glass. Ang mga diwatang nakakakita kay Griga ay bahagyang yumuyuko matapos ay titingala at kakaway.Mukhang kilalang-kilala talaga ang dragon na pag-aari ng reyna. Ang mga diwatang nakita niya sa paligid ng siyudad ay halos metallic gray ang kulay ng buhok katulad ni Enkille. Some faeries and Demifaes have fair skin and others were dark and brown. Using his faerie sight, he noticed that their eyes were unique—ice blue
KUMPLETO ang buong sirkulo ng mga matataas na opisyal na nagsisilbi sa reyna nang kumain sila ng hapunan. Kharyn was there. Hindi alam ni Eleand kung saan ito nanggaling pero nakasisiguro siyang importante ang ginawa nito. Maging si Zanti ay naroon din at magkatabi ang dalawa sa upuan kaharap sina Harewyn at Zenus. Sila naman ni Rieska ang magkaharap.“I hope Enkille and her Marshals are here as well. Makukumpleto na ang inner circle ng mahal na reyna,” basag ni Eleand sa katahimikan. Napansin kasi niyang tahimik ang lahat at may malalim na iniisip habang ngumunguya ng pagkain.“My circle will never be complete, not until Esdras left the throne.” Ipinatong ni Rieska ang kubyertos sa mesa at tila bigla itong nawalan ng ganang kumain. Uminom ito ng tubig at tumayo.“I need to see something. Babalik ako mamaya.” Nagpahid ito sa labi ng kulay puti na tablecloth bago tuluyang naglakad palayo sa dining ha
NAGISING si Eleand kinabukasan na nasa loob ng kanyang silid. Bigla niyang naalala ang mga nangyari kagabi. He was with the Faerie Queen in the tower. Nakatulog siya sa balikat nito. Siguradong ito ang naghatid sa kanya sa kuwarto. Kung paano nito ginawa ay wala siyang ideya.Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Masyadong magaan ang pakiramdam niya ngayon. Maybe because he really had a peaceful slumber last night. Ito ang pinakapayapang gabing natulog siya mula nang dalawin siya ng kanyang masasamang panaginip.“Hindi ko inaasahang nakapag-ayos ka na.”Napapitlag si Eleand nang tumambad sa kanyang harapan ang isang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Kakalabas lang niya sa banyo at kasalukuyang pinapatuyo ang kanyang buhok.“And who are you?” The faerie was wearing a light blue gown. Kayumanggi ang kulay ng kutis nito at kulay abo ang mata. Kulay puti ang buhok nito na hanggang balikat.
INIHANDA ni Eleand ang sarili sa pag-atake ni Zenus. Agad na nasalag ng kanyang espada ang unang pagsalakay nito sa kanya.The sounds of their clashing swords reverberated. Kapwa sila seryoso sa kanilang pagsasanay. Masyadong mabilis si Zenus kaya kinailangan niyang gamitin ang kanyang diwatang mata. He immediately shifted his faerie sight. Kaya kahit paano ay nasusundan niya ang sunod-sunod na ginawang pagsugod ng heneral.Ilang ulit na siyang muntik na masugatan ni Zenus. Halos laging ga-hibla lang ang pagitan sa kanyang katawan ng espada nito. He was silently using his wind magic to move faster and strengthen his Protexerium to shield himself. Hanggang sa biglang nagliyab ng asul na apoy ang espadang hawak ni Zenus. Gumagamit na ito ng mahika kaya kailangan niya itong sabayan.He unleashed his blue flame as well. Pumaikot iyon sa kanyang kaliwang kamay habang ang isa ay hawak si Hasmal na ginamitan niya ng kapangyarihan ng niyebe. There were sno
NAKASANAYAN na ni Eleand ang kanyang mahigpit na training sa Raledia. Minsan pa niyang isinuhestiyon sa reyna na gamitin na lang ang kapangyarihan ng hangin para lumutang sa ere dahil nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang mga pakpak. But using his wind magic to float was exhausting. Mahigit isang linggo ang inabot ng kanyang pagsasanay sa paglipad bago niya tuluyang nakontrol ang kanyang mga pakpak.Tinotoo ng reyna ang sinabi nitong sasanayin siya dahil ito mismo ang laging nasa tabi niya. Wala na siyang mahihiling pa dahil mas lalo niyang nakikilala si Rieska bilang reyna hindi bilang Brandy na kanyang dating asawa. But he noticed that the human Brandy and the Faerie Queen Rieska were pretty much alike. She was still compassionate and badass. She can be sweet and uncaring sometimes.“Do you miss Brandy?” biglang tanong ni Rieska habang magkasama silang lumilipad sa himpapawid.“Excuse me?” Napatingin siya rito. Hindi ka