Share

Chapter 87 – SHADOW HYBRID

“SIRE, I’m glad you’re back!” Tila nakahinga nang maluwag si Neilmyr nang makita ang hari. Kung walang maraming buhay ang nakasalalay ay kanina pa sana niya pinakawalan ang buong lakas. His barrier magic was very basic compared to Airoh and being outnumbered like this was unexpected.

“What heck is wrong with these creatures?” Iritadong sambit ni Zenus. Habang nakatayo lang sila roon ay parami nang parami ang kalaban.

“We fought around fifty of them at first.” Nahihirapan wika ni Winzi. Ginagamot nito ang sarili dahil malaki ang sugat nito sa tagiliran. Namumutla na rin ang kulay nito pero sinisikap nitong tumayo nang tuwid.

“Winzi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Airoh sa diwata. Akma sana niya itong tutulungan sa paggamot pero pinigilan siya nito.

“Maayos lang ako. Kaya ko na ito. Ang mga nilalang na iyan ay bigla na lang sumulpot mula sa ilalim ng lupa,” ani Winzi.

“Mahal na Hari, ano na ang gagawin natin?” tarantang wika ni Phali. Nasa unahan ito ng mga batang Aogian.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status