Share

Chapter 84 – THE NEW LADY

SAMANTALA sa loob ng Gintong Palasyo. Napukpok ni Nahil ang mesa nang marinig ang sinabi ni Ahldrin. Dahilan para magulat ang dalawang diwatang tagasilbi na nakatayo sa hindi kalayuan.

Katatapos lang nilang maghapunan at tanging silang dalawa lang ang naroon sa malaking parihabang mesa. Magkaharap ang dalawa at seryosong nag-uusap sa lenggawahe ng mga diwata.

“Nahihibang ka na ba, Ahldrin?” Naikuyom ni Nahil ang kamao.

“Nagsasabi lang ako ng totoo, Nahil. Ilang linggo nang nawawala si Aserah at hindi puwedeng manatiling ganito ang Mirasaen lalo na at paparating na ang napipintong digmaan,” kaswal na wika ni Ahldrin.

“Hindi ako kailanman interesado sa trono. Tandaan mo 'yan.” Patuloy ang pagtaas-baba ng dibdib ni Nahil dahil sa nararamdamanang tensyon. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili. Handa na nga ba siyang gawin ang napakalaking responsilibilidad na iniatang sa kanya ni Aserah?

“Ano bang mali sa pagpapatawag ng pulong sa mga pinuno ng apat na rehiyon? Sila ang magdedes
Grecia Rei

Hi! Kung nag-eenjoy kayo sa story na ito. Please give me a rate and review. Salamat po.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status