Share

CHAPTER FOUR

Author: AC
last update Last Updated: 2021-11-18 17:56:00

Tahimik siya habang nakaupo sa backseat ng itim na Mercedes Benz na pagmamay-a*i ng asawa niya. Simula ng magtalo sila nung gabing iyon ay hindi na nagpakita pa sa kanya ang lalaki.

Ang sabi ng driver ay may mahalagang meeting daw ito kaya hindi na siya naihatid pa sa bagong bahay nila sa forbes park. Isang exclusive subdivision na para lang sa mayayamang tao. Galing din siya sa mayamang pamilya at dapat sanay na siya sa mga ganitong lugar pero iba parin kapag mga magulang mo ang kasama mong umuwi sa malaking bahay at hindi ang asawa mo. 

Ni hindi nga sila nagkaroon ng normal na dates tulad ng ibang mga normal na couples. Feeling niya tuloy titira siya kasama ang isang estranghero.

Nang magsalita ang driver ay doon palang natauhan si Santina mula sa malalim na pag-iisip.

"Nandito na po tayo." ani nito bago siya inalalayan na bumaba ng sasakyan.

Nalula siya sa laki ng bahay na nasa harapan niya. The house is so big! Hindi niya malaman kung bahay pa ba ang itatawag niya dito o kastilyo na. Naglinyahan ang mga katulong at sabay-sabay na tumungo sa harapan niya. Pare-pareho ang uniform ng mga ito, kahit ang hairstyle ng buhok ay pare-pareho lang din. May mga katulong naman sila sa bahay pero puro naka-casual lang. 

"Welcome home, my Lady." Sabay-sabay na sabi ng mga katulong. Mula sa kinatatayuan niya ay may lumapit sa kanya na isang matandang lalake at inalalayan siyang maglibot sa buong mansyon nila ng asawa. 

"Ako nga po pala ang Butler ni Senyorito Hellios. Bata palang si Senyorito ay ako na ang butler niya. Ako nga po pala si Geronimo Crisostomo. Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang mang gerry para maikli lang." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Dahan-dahan na ngumiti siya dito. Kahit papaano ay naging komportable siya sa bahay na'to. Mukhang mabait ang matanda kaya hindi siya mahihirapang pakisamahan ito.

"Kapag may kailangan po kayo ay wag po kayong mahihiyang magsabi sa amin. Trabaho po namin na paglingkuran kayo."

She nods at him, and says thank you for his service. Nagpaalam sa kanya ang matanda na maghahanda ng hapunan kaya napagpasyahan ni Santina na maglibot-libot nalang muna sa buong mansion.

The mansion was so beautiful, that she couldn't take off her eyes from it. Parang may dugong bughaw ang nakatira dito. The house has a Mediterranean style with a touch of Spanish culture. The materials were obviously expensive and solid. Halatang hindi tinipid. It looked sophisticated kahit ang mga vase na nakalagay sa bahay ay mamahalin din. 

Sa likod ng mansyon ay may makikitang iba't-ibang klase ng disenyo. May maliit itong swimming pool na may katabing jacuzzi. Mula sa kintatayuan niya ay nakikita niya mula doon ang mga matatayog na mga puno. You don't have to go to province para lang magrelax dahil dito palang ay pwedeng-pwede ka ng magpahinga.

The mansion was beyond described as beautiful. It looks like a piece of place in heaven. May kalakihan din naman ang bahay nila pero hindi kasing-laki nito. Pumasok siya ulit ng bahay at pinuntahan ang matanda. Kinailangan pa niyang magtanong sa mga katulong para lang malaman kung nasaan ang kusina dahil hindi niya makita. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang matanda sa may dulo sa pasilyo kung saan ito itinuro ng mga katulong.

"Nandito lang po pala kayo, tay. Kung saan-saan ko na kayo hinanap." Ani niya dito.

"My apologies, my lady. Kailangan ko lang po kasing asikasuhin ang pagkain ninyo lalo pa't isa iyon sa mga inihabilin sa akin ni Senyorito."

"Si Hellios?" Nagulat siya sa sinabi nito. Ang akala niya ay wala ng pakialam sa kanya ang lalaki, lalo pa at hindi na ito nagpapakita sa kanya ng tatlong araw.

"Nakahanda na po ang hapunan sa komedor, my lady." 

Tumango siya sa matanda at sinundan ito kung saan ito patungo.

Nasa dining room na siya ng biglang may naalala.

"Manong, dito po ba kakain si Hellios?" She asked him.

"Nakalimutan ko po na sabihin sa inyo na tumawag po ang asawa ninyo kanina para sabihin na hindi daw po muna siya dito maghahapunan. May mahalaga pa po daw kasi siyang aasikasuhin sa opisina nila. Baka po mamayang gabi pa ang dating nun."

Medyo na-disappoint  siya sa sinabi ni Mang Gerry. Pero ano nga namang magagawa niya? Pinakasalan lang naman siya nito dahil sa pera at wala nang iba pa. If they were a normal couple, she would have the right to complain and nag at him for not coming home because of work. Pero dahil isang arranged marriage lang naman ang kasal nila ay hindi niya magawang magreklamo dito. Kung hindi lang niya iniisip ang kahihitnan ng pamilya niya ay nungkang papasok siya sa ganitong klase na sitwasyon.

"Manong, pwede po bang magtanong? Ganon po ba talaga si Hellios sa lahat ng tao sa paligid niya? Insensitive at walang pakialam kung may masaktan siyang ibang tao? Alam naman po niya na kailangan kasama ko siya dito pero mas pinili parin niya ang trabaho." Di niya napigilan na reklamo dito.

Natigilan si Mang Gerry sa tanong niya. Nag-isip muna ito ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Hindi naman ganyan si Senyorito noong una... Naku, napakabait na bata niyan. Nagbago lang naman yan noong maghiwalay sila ni Ma'am Bianca."

That caught her attention. She felt curious dahil sa sinabi nito. Parang gusto niyang makilala yung Bianca na sinasabi nito. Kung ganoon ay na-inlove din pala si Hellios minsan sa buhay niya. Kaya ba ito naging bitter dahil kay Bianca?

"Bakit po sila naghiwalay?" Hindi na niya napigilang magtanong.

Napabuntong-hininga ang matanda. "Hindi ko rin po alam, my lady. Si Senyorito Hellios lang po ang makakasagot sa tanong ninyo. Ang alam ko lang ay minahal niya ng husto si Senyorita Bianca bukod dun ay wala na po akong ibang alam. Pasensya na po talaga." Hinging paumanhin nito.

He was telling her that while looking away from her. Mukhang may alam ito pero ayaw lang sabihin sa kanya. Nadismaya siya pero naintindihan niya yun. Alam niyang ayaw lang talaga nitong mangialam sa buhay ng amo nito. Bihira ka nalang makakakita ng mga ganyan ka-loyal na kasama sa bahay. Nginitian na lamang niya ang matanda tanda na naiintindihan niya ito, saka umupo sa hapag para kumain.

Halos tumulo ang laway niya ng makita ang mga paboritong pagkain na nakahain sa lamesa. Sa ibabaw nito ay may chicken, turkey, fish at eggs. Napalingon siya sa butler at ngumiti ito sa kanya. "Si Senyorito Hellios din po ang nagpahanda ng mga yan. Nagtanong po yata siya sa mga magulang ninyo kung anong piborito ninyong pagkain saka po ipinahanda sa amin."

'Akalain mong may bait pa pala sa katawan ang lalaking yun,'

Tahimik na ngumiti nalang siya dito at kumain na. Busog na busog siya sa mga kinain niya at madaling naubos ang mga pagkain. Pagkatapos magpasalamat sa matanda ay umakyat na siya sa itaas kung nasaan nandun ang kwarto niya. Medyo nalito pa siya sa dami ng kwarto. Ang sabi lang sa kanya ng matanda ay nasa ikatlong pintuan mula sa dulo ng pasilyo ang kwarto niya.

Napangiti siya ng makita ang kwarto. Akmang papasok na siya nang mapansin ang isang nakaawang na pinto sa dulo ng pasilyo. Pumasok siya doon at namangha sa nakita nito sa loob. Mukhang isang mini office. Yun ang alam niyang tawag doon, dahil meron ding ganito ang ama niya. Base narin sa disenyo at maraming librong makikita sa loob. Very manly ang design ng kwarto. Black and white, para sa kanya ay walang dating ang kulay pero maganda ang pagkakaayos ng mini office nito.

Pero hindi yun ang nakakuha ng interes niya, kung hindi yung malaking portrait ng picture na nakababa sa sahig. May nakaharang na puting tela dito, at mukhang matagal nang hindi ginagamit. May kaunting alikabok na kasi sa tela. Nang hawiin niya ang telang nakatakip dito ay bumungad sa kanya ang isang napakagandang mukha ng babae. Mukhang mas bata lang siya dito ng ilang taon pero hindi maitatanggi na talagang maganda ang babae. The color of her hair was Light Chestnut Brown na hanggang beywang ang haba. Kulot ang buhok at halatang sopistikada at may pinag-aralan dahil na rin sa suot nitong gawa ng isang sikat na fashion designer. Alam niya dahil fashion designing ang din course niya. Unang tingin palang ay alam na niyang branded yun. Matangkad ito at maganda. May pagka morena ang balat ibang-iba sa balat niyang mala-porselana. Mukha itong manika na nakakulong sa loob ng painting.

She was engrossed looking at the picture when she suddenly heard her husband's voice from her back. "What the f*ck are you doing here?!" Gulat na napalingon siya dito.

"Sinong may sabi sayo na pwede kang pumasok dito!" Bulyaw nito sa kanya.

Napahawak siya sa d****b niya dahil sa lakas ng kaba. Halata sa boses nito ang galit at poot dahil pumasok siya sa kwarto nito.

Kahit na nangiginig ay sumagot pa rin siya dito. She would never allow this man to shout at her whenever he wanted.

Taas noo niya itong hinarap at nagsalita. "Sa susunod, kung ayaw mong may makapasok dito sa kwarto mo, you better lock your door before leaving, or put signage that tells us that this is your forbidden place. Nang sa ganon ay walang nagkakamaling pumasok dito habang wala ka katulad ngayon." Matapang na sagot niya dito.

Hindi niya m****a ang reaksyon nito dahil nakatingin lang ito sa kanya ng sabihin niya iyon. He has a stoic face that hides his true emotions. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dito.

"You didn't actually think, that you can boss me around right?" He stepped forward while her instinct was telling her to step backward, and she did.

Unfortunately, he cornered her to the wall while looking intently into her eyes like he was looking through the depths of her soul. She couldn't name the emotions that she was seeing in her husband's eyes. Aside from anger, amusement, there is something else... Is it desire?

"Remember this, my witch. There are only two rules in this house." Sabi nito habang matiim parin na nakatitig sa mukha niya.

"Don't invade my privacy, and you don't tell me what to do in my own f*cking house."

"I never gave you a permission to invade my personal space and life. So, shut the hell up or else you will be punish by me at sinisigurado ko sayo na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Ramdam niya ang init ng hininga na lumalabas mula sa katawan nito. He was really attractive kapag malapit. Na lalong nagpalakas ang kabog ng d****b niya. Natatakot siyang baka marinig iyon ng lalaki kaya bahagya niyang itinukod ang dalawa kamay sa d****b nito. Napatingin doon ang lalaki at parang napapasong binitawan siya.

Bakas sa mukha nito ang pagkalito sa nangyari. Naramdaman din kaya nito ang malakas na pagkabog ng d****b niya? Para tuloy siyang nawalan ng lakas dahil sa paglayo nito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya kapag malapit ang lalaki? Ano bang nangyayari sa kanya?

"Leave," Anito sa mababang tinig.

"A-Ano?" Nauutal na tanong niya rito.

"Get out!" Bulyaw nito sa kanya.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto niya.

Hindi niya mapigilan na magalit sa sarili, alam na nga niyang walang halaga dito ang kasal nila ay umasa pa rin siyang magbabago ang trato nito sa kanya pagkatapos ng kasal. Hindi niya akalain na mas malala pa pala ang ugali nito kaysa sa inaakala niya. Ang buong akala niya ay kaya hindi ito nagpakita sa kanya ay dahil sa nagsisisi ito sa ginawa nitong kababuyan sa kanya noong nakaraang araw, hindi pala. Hindi naman siya pinalaki bilang isang martyr ng mga magulang niya pero yun ang lumalabas na ginagawa niya ngayon. Pinabayaan niya lang na sigaw-sigawan siya ng lalaking iyon! Hindi porket may utang ang mga magulang niya sa pamilya nito ay may karapatan na itong tratuhin siya ng ganon. Sa susunod ay bibigyan na talaga niya ito ng leksyon!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Hot Encounter   CHAPTER SEVENTY FOUR

    Tinignan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Nagpaganda talaga siya ngayong araw, dahil ngayon kasi ang wedding anniversary nilang mag-asawa. May maganda rin siyang ibabalita dito kaya siya naghanda ng husto. Wala sa sariling hinaplos

  • The Hot Encounter   CHAPTER SEVENTY THREE

    Malapit nang umuwi ang asawa niya at pinag-iisipan niya kung ano bang magandang lutuin para dito. Naputol lang ang ginagawa niya ng makarinig ang sunod-sunod na doorbell sa labas ng bahay nila. Pina-day off niya kasi muna ang mga katulong at driver para maasikaso ng solo ang mag-ama niya. Maluwang ang ngiti na nagbukas siya ng gate. Sa pag-aakalang yun ang asawa niya ngunit nadismaya lang siya nang makita kung sino ang busetang nasa labas ng bahay nila. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Walang imik na pinapasok niya ng mansyon ang babae at inalok ng pagkain. Pero agad naman nitong tinanggihan ang mga inoffer niya. "May I know, kung anong kailangan mo dito? Medyo busy kasi ako e." Diretsahang sabi niya dito. Wala siyang panahon para makipagplastikan sa wanna be mistress ng asawa niya.

  • The Hot Encounter   CHAPTER SEVENTY TWO

    Dalawang buwan na nakatira silang mag-ina sa mansyon ng asawa pero wala pa rin itong mintis sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang dalawa ni Brio. Hindi siya gawa sa bato para hindi maramdaman na nagsisisi na ito sa nagawa nitong kasalanan. Sa totoo lang ay matagal na niya itong pinatawad. Nabulag lang siguro siya ng masasakit na alaala kaya niya ito napagsalitaan ng masama. Napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga effort na ginawa ng asawa sa kanya. Ang mga bulaklak, pagbibigay ng buong oras sa kanilang mag-ina at ang walang sawa nitong pagsasabi ng "Mahal kita." Hindi siya ganoon kasama para hindi magpatawad sa taong nagsisisi

  • The Hot Encounter   CHAPTER SEVENTY ONE

    Hindi alam ni Santina kung anong nangyari pero dalawang araw nang walang bangayan ang dalawa. Gusto niyang isipin na sa wakas ay nagkasundo na rin ang mga ito. Pero sa tuwing nililingon niya ang dalawang lalaki ay masama pa rin ang palitan ng tingin sa isa't-isa."I want to buy a cup noodles." Biglang sabi ni Ivan sa kanya."You can have as many noodles as you want, after your admission here." Masungit na sabi ni Hellios dito."Hindi ikaw ang kinakausap ko." Mariing sabi ni Ivan dito."Ayaw rin naman kitang kausapin. Pero inuutusan mo ang asawa ko, at wala kang karapatan. Kaya makikialam ako hangga't kasali si Santina sa usapan.""At kailan ka pa naging concern kay Santi? Sa pagkakaalam ko ay mas pinili mo ang hipag mo dati kaysa sa asawa mo." Maanghang na banat nito kay Hellios."As far as I remember, you are not part of our

  • The Hot Encounter   CHAPTER SEVENTY

    Hindi niya alam kung matatawa siya sa sitwasyon nilang tatlo nila Hellios at Ivan. Hindi kasi makakain ng maayos si Ivan at hiniling sa kanya na subuan ito ngunit agad na pumagitna si Hellios bago pa man niya magawa iyon, kaya ngayon ay si Hellios ang nagpapakain kay Ivan.Parehong nakasimangot ang dalawang lalaki habang masamang nakatitig sa isa't-isa. Kahit ang mga nurse at doktor na pumapasok sa kwarto ni Ivan ay natatawa din sa itsura ng dalawang lalaki. Napailing nalang siya ginagawa ng mga ito. Siya ang nagbabalat ng mansanas na isinusubo naman ni Hellios kay Ivan."Can you leave me alone? Nagmumukha tayong may relasyon sa harap ng ibang tao sa tuwing nakadikit ka sa akin. Baka hindi mo alam?" Masungit na sinabi ni Ivan dito."Well, we wouldn't be here in the first place kung hindi ka nag high speeding sa gitna ng highway para lang magpapansin sa asawa ko." Hellios fires back at Ivan.&nb

  • The Hot Encounter   CHAPTER SIXTY NINE

    They were having a family launch together when her phone suddenly vibrated. She picked it up from her pocket and saw that Ivan's registered number was calling. She excuses herself for a bit and goes to the restroom."Hello? I'm sorry I couldn't call you yesterday---,"She was interrupted by a familiar voice from the other line."Is this Ms. Santina Hermosa?" The unknown man

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status