Share

CHAPTER 75

     SABADO ng araw na iyon ngunit ang salitang “pahinga” ay wala sa bokubolaryo ni Ambrose. Imbes na ipagawa sa mga staff niya ang mga ibang bagay ay siya pa rin ang gumawa. Ngunit sa darating na Lunes ay alam niya na mababawasan na ang mga gawain niya dahil magsisimula na si Milagros sa pagtatrabaho sa kaniya bilang personal assistant niya.

Sino bang mag-aakala na ang dating trabaho nito sa namatay niyang nobya ay siya ring magiging trabaho nito sa kaniya? Malaki ang tiwala niya kay Milagros lalo na’t nakita niya kung paano ito magtrabaho. Kung purihin ito ni Monica noon ay para bang sobrang perpekto nito. Isa pa, hindi naman magiging ganoon kabait si Monica kay Milagros kung hindi mabuting tao ang huli.

Kilala niya si Monica—bihira itong maging mabait ng ganoon sa ibang tao. May nakita ito kay Milagros upang maging maganda ang pakikitungo nito sa naturang babae. Alam niya na bukod pa roon ang gi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status