“Hon, let’s go out for lunch.” Bungad ng babae na kakapasok lamang sa opisina ni Colton Mijares. Kasalukuyan siya na nasa pagpupulong kasama ang mga kaibigan nang dumating ang babae kaya napasimangot ang bilyonaryo. “Lia, why are you here? I told Lawrence no visitors allowed as we are in a meeting.” Inis na inis na turan naman ng masungit na CEO habang madilim ang pagkakatingin sa babae na pumasok. “Quit it, hon, I am not a visitor. I work here, remember? And most importantly, I am your girlfriend! And besides, sina Migs at Kane naman ang kausap mo. Kaya come on, let’s have lunch first. What is so important na hindi ka man lang makapag-lunch kasama ang girlfriend mo?” Lumapit si Lia sa kan’ya at dire-diretso na h*****k sa labi niya sa harap ng mga kaibigan. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mga mukha ng dalawa sa ginawa ng babae. “Lia, it’s not even lunch break yet. And this is an important matter. Let’s just have dinner later okay?” Halata ang pigil na inis ni Colton sa babae. “Hm
Papunta na kami ngayon sa cathedral upang pormal na ipakilala ang kambal sa taong-bayan. At tulad ng ipinangako sa akin ni Akiro, triple ang seguridad na inihanda ni Nathan para sa amin na mag-iina. Dumagdag pa rito ang karagdagang palace guards mula sa Royal Laureus nila Aldrick. Kinakabahan pa rin ako dahil makalipas ang ilang taon ay muli ako na haharap sa maraming tao. Bukod pa roon ay ang pagpapakilala sa mga anak ko. Napukaw ang atensyon ko nang hawakan ni Aldrick ang mga kamay ko at malambing na ngumiti. “Everything okay, princess?” Tumango ako at nginitian din siya. Nasa kabilang sasakyan ang kambal kasabay si Akiro. Ang sabi ng security detail ay ihiwalay muna sa akin ang mga bata upang hind maging sa isang sasakyan lamang ang sentro kung sakali man na may magtatangka na gumawa ng hindi maganda sa amin. Pagdating sa cathedral ay marami na ang mga tao na nag-aabang. Pagkababa ni Aldrick ay sumunod ako na bumaba. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsalubong sa amin. Inalalay
Mahihina na katok sa pintuan ng aking silid ang nagpatigil sa malalim ko na pag-iisip. Paglingon ko ay nakadungaw sa may pintuan si Aldrick. "Are you ready, babe?” Malungkot na tanong niya habang papalapit sa akin. Umiling ako sa kan’ya. Hindi pa ako handa. Kailan ba magiging handa ang isang ina na magpaalam sa kan’yang anak? Marahil hindi kailanman. “Hinding-hindi ako magiging handa, Aldrick. Hinding-hindi.” Muli na naman nagsimula magsilagasan ang mga luha sa aking mga mata. Limang araw na ang nakakaraan. Limang araw buhat nang mangyari ang malagim na aksidente na ‘yon. Aksidente na kumuha sa isa sa mga kambal ko at nagdala kay Akiro sa ospital na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin malay. “Alam ko masakit, Tash dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi lang ikaw, Atasha. Para ko na rin anak si Cole at lahat tayo ay apektado sa pagkawala niya. Alam ko higit ang sakit na nararamdaman mo kumpara sa amin lahat pero pangako, babe, mananagot ang dapat m
Naninibago ako rito sa palasyo. Muli ito na nabalot ng lungkot sa pagkawala ni Cole. Ang dati na masaya na kapaligiran ay naging payak. Hindi kayang punuan ni Ashira ang lahat ng lungkot na dala ng pagkamatay ni Cole. At pakiramdam ko hindi lang si Cole ang kinuha sa akin ng aksidente na ‘yon. Ramdam ko ang distansiya ni Akiro sa akin. Simula ng makalabas siya sa ospital at muli na makabalik dito sa palasyo ay parati na lamang siya na nagkukulong sa kan’yang kuwarto. Gusto ko siya na damayan at bigyan ng lakas. Pero paano mo nga ba bibigyan ng lakas at suporta ang isang tao kung alam mo sa sarili mo na ikaw mismo ay nangangailangan nito? Pareho kami na nangangapa ni Akiro sa dilim. Pareho kami na napupuno ng pagsisisi. Pareho kami na patuloy na nagdadalamhati at nasasaktan. “Akiro.” Mahina na katok ko sa pintuan ng silid niya. Hindi siya sumagot ngunit alam ko na gising siya. Nakita ko siya na kababalik lamang sa kan’yang silid. “Papasok na ako, Akiro.” Binuksan ko ang pintuan at
Tahimik na naglalaro si Ashira sa play area. Simula nang mawala si Cole ay hindi ko na ginusto na pumupunta sa kuwarto nila ni Ashira. Masyado na marami ang memorya na naro'’n at hindi ko kakayanin na lagi na maalala ang mga iyon. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon at alam ko na hindi mawawala ang sakit na ito. Gumapang si Ashira upang abutin ang isang bola na malimit nila na pinaglalaruan ng kan’yang kakambal. Pagkaabot niya ay bigla siya na tumawa na akala mo ay naro’n lang si Cole at kalaro niya. Muli ako na napaluha sa tanawin na ‘yon. Marahil nilalaro si Ashi ng kan’yang kambal na isa nang anghel ngayon. Bigla rin nanumbalik sa alaala ko si Colton, ang kanilang ama na pinagtaguan ko. Hindi pa man niya nakikilala ang kan’yang mga anak ay nawala na ang isa. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ang mga anak niya. Natatakot ako na malaman niya ang lahat at sumbatan niya ako sa mga pagkukulang ko. Kaya ngayon isa lang ang tangi na hiling ko, ang sana ay ‘
“I’m glad you’re trying to be happy, princess.” Kalalabas ko lang sa walk-in closet ko nang abutan ko si Akiro sa loob ng kuwarto ko na nakaupo sa couch. “Nasaan si Ashira?” tanong ko sa kan'ya. Naging ugali ko na ang hanapin si Ashi kapag nawawala siya sa paningin ko. Na-trauma na ako sa pagkawala ni Cole. “Nasaan pa ba? ‘Di naro’n sa mahal niya na lola. Ayaw ipahiram at ngayon lang daw niya nasolo.” Iminuwestra niya sa akin ang couch para patabihin ako. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. “How are you?” “Okay. Trying to be okay. Ikaw?” tanong ko rin sa kan’ya. “Just like you, taking it one step at a time. Minsan iniisip ko na I need to be happy in order to move forward. Pero ‘pag naiisip ko na magiging masaya ako ay mas lalo ako na binabagabag ng konsensya ko dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan na maging masaya. After what happened with Cole, hindi na ako puwede na maging masaya.” Hinimas ko siya sa braso at malungkot na nginitian. “Hindi totoo ‘yan, Aki. You can be happ
Isang malakas na iyak ng sanggol ang gumising kay Kane. Pilit siya na pumikit ulit upang makabalik sa pagtulog. Kinuha niya ang unan sa tabi niya at itinabing iyon sa tainga niya. Ngunit ano man pilit niya ay ‘di siya makatulog dahil sa ingay ng bata na iyak nang iyak. Padabog siya na bumangon at lumabas ng kuwarto. Inis na inis siya sa naistorbo niya na tulog. Ilan linggo na rin siya na naririto sa bahay nila sa probinsiya at ilan linggo na rin siya na hindi napagkakatulog. Puyat na puyat na siya at sumasakit na ang ulo sa kakaisip, tapos kung kailan naman na dinalaw na siya ng antok at makakatulog na sana ay umatungal naman ng pagkalakas-lakas ang bata. “Kane, buti at gumising ka na. Kanina pa iyak nang iyak ang bata. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa’n ba kasi ang mga magulang niya at bakit ba napunta sa’yo ang bata? Kaguwapo na bata pa naman. Siguro ay may lahi ang mga magulang niya, kaganda ng kombinasyon.” Ito ang dire-diretso na bungad sa kan’ya ng tiyahin niya. Ang aga-
“Auntie, luluwas muna ako ng Maynila bukas. May mga kailangan lamang ako na daluhan na importante na miting at ayusin sa opisina at baka mga isang linggo rin ako na mamalagi sa Maynila.” Pagpapaalam ni Kane sa kan'yang Auntie Sabel nang naghahapunan sila. Matandang dalaga ang Auntie Sabel niya at ang kasama lang din ay ang pamangkin na anak ng namayapa na kapatid. “Iiwanan kita ng pera para sa mga pangangailangan ng bata. Bibilinan ko na lamang din si Dustin na tulungan ka na bantayan si Cole.” “Hanggang kailan ba ang bata rito, Kane? Hindi naman sa ayaw ko siya na nandito. Sa totoo lang ay natutuwa naman ako sa bata kaya nga lang ay minsan iniisip ko na baka hinahanap-hanap din niya ang mga magulang niya kaya madalas ang pag-iyak niya. Nakakaawa lalo na kapag ayaw talaga niya tumigil sa pag-iyak. Baka hindi sanay sa probinsiya ang bata. Isa pa, mukhang anak mayaman iyan baka ba naninibago sa pamumuhay rito. Hindi ba at mas makabubuti na ro’n mo siya itira sa mansyon ninyo?” “Aunti