“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya.
“Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan.
Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos!
“Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito.
Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.<
Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an
“Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k
“Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n
“You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did
Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina
… Kapakanan ng isa o ang kapakanan ng nakararami.“Ernesto, bilisan mo riyan!” garalgal na sigaw ni Maria sa asawa, pilit pinipigilan ang maluha habang tinatanggal ang mga picture frame sa dingding. Kailangan ay bago sumapit ang hapon ay matapos na sila sa ginagawa.“Ma, a-anong nangyari at magulo ang bahay?” bungad ni Shiela sa kaniya nang makauwi galing sa eskwelahan ay ganoon na lamang ang nadatnan.“Oh— Bakit nandito ka na?” natigilang ani niya. “Hindi ba’t oras pa ng klase mo? Mamaya pa ang tapos niyo.” Pasimple siyang tumalikod sa anak at pinahiran ang pisngi nang may lumandas na mga luha.Nagtatakang lumapit si Shiela bago sumagot. “Mama, Friday po ngayon, maaga po ang labasan namin.”“Ganoon ba, nakalimutan ko.” Wala sa sariling tugon niya at tinuloy ang ginagawa.“Ano ho ang ginagawa niyo at tinatanggal niyo a
WALA sa sariling naglakad siya sa katirikan ng araw, hindi alam kung saan siya patungo. Ang init ng araw ay tumatama sa balat niyang maputi at makinis na alaga ng kaniyang yumao ng ina. Mula pa kagabi siyang palakad-lakad at walang kain, sumasakit na rin ang tiyan niya sa gutom. Gusto niya sanang humingi ng tulong kaya lang ay malinaw sa kaniya ang paglayo at pag-iwas ng mga tao. Mabilis ang mga itong iiwas sa kaniya kapag malapit na siya at ang iba ay kusa nang lumalayo makita pa lamang siya. Ang mga kapwa niya bata ay tinatawanan siya at may mga ilan namang tinatapunan lang siya ng tingin pero wala rin namang mga pakialam. Bakas ang pandidiri sa mga mata nila dahil sa itsura niyang pulos dumi at amoy hayop dahil sa kumapit na amoy ng mga alaga niyang ginuea pig. Makalipas pa ang ilang oras na paglalakad ay nanginginig at nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa init at gutom. Naninilim na rin ang kaniyang paningin. Ilan pang hakbang ang naga
‘GAYA ng gusto ni Cindy at ng mama Jessa niya ay umalis nga siya. Hindi siya napigilan ng papa Mario niya, bagkus ay nangako na lamang siyang magiging maayos ang buhay niya sa kung ano mang kahihinatnan niya. Tulad dati ay nagpapalakad-lakad lamang siya, walang patutunguhan, walang destinasyon, ang kaibahan lang ay nasa tamag pag-iisip na siya ngayon. Hindi niya kinuha ang perang ibinigay ng papa Mario niya sa kaniya. Sobra-sobra na ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya. At balang araw ay makakabawi rin siya rito. Magiging maayos din ang buhay niya. Naghahanap na siya ng pwedeng matuluyan sa tabing kalsada kung saan siya inabutan ng dilim. Marami namang mga batang pagala-gala rito, kaya ayos lang kung matutulog siya katabi ng mga ito. Itutulog niya na lang ang gutom at bukas na lang siya maghahanap ng makakain. Manglilimos siya. Iyon ang nasa isip niya ng gabing iyon. Alam niyang yun din ang ginagawa