Napakunot naman ang noo niya sa ginawang pagtitig ni Dylan sa kanya. "May problema ba?" Muling itong tumingin sa kanya at bahagyang lumapit. Unti-unti namang kumukunot ang noo niya habang palapit ito. "Anong ginagawa mo?" "Puwede bang—" "Puwede bang ano?" Medyo kinakabahan siya sa itsura nito. Pero nagulat siya ng kuhanin nito ang cup na marami pang laman na fries at lumayo na sa kanya. "Bakit mo kinuha 'yan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti ito na hindi na makita ang mata. "Sa akin na lang 'to, binibini. Masarap kasi, at saka ang tagal mong kainin, kaya baka busog ka na." "Mabagal lang akong kumain, pero hindi pa ako busog!" "Kumain ka na lang pagbalik natin ng ospital. Hindi ko na ito makakain pagbalik natin sa Stalwart Castle, wala naman ganitong hinahain sa hapag-kainan doon." Napailing na lang siya at hinayaan itong ubusin ang fries niya. Ilang saglit pa ay inaya niya na itong bumalik sa ospital. "Halika na bumalik na tayo, baka mas lalo tayong gabihin sa daan."
"Kung mayroon man akong pinuntahan na malayong lugar sa bansa namin ay hindi naman ako kaagad pinababalik ni ama sa palasyo. Minsan nga ay ilang araw ako sa taniman ng aming magsasaka at doon na nagpapalipas ng gabi, pero ngayon lang niya ako pinasundo?" "Baka mahalaga ang sasabihin sayo ng iyong ama. Ihahatid na lang kita sa airport." Tila hindi mapakali si Prince Dylan. "Paano ka? Hindi ka talaga sasama sa akin?" Nakakunot ang noo nito at may pag-aalala sa mukha ng prinsipe. "Ang paalam ko kay Heneral Agustin ay tatlong araw ako dito at nasama ka na din sa tatlong araw na 'yon, pero mukhang may biglaan na nangyayari sa palasyo kaya kailangan ka na doon." "Pero—" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Prince Dylan dahil nagsalita muli si Adira. "Babalik pa naman ako mahal na prinsipe, mauuna ka lang sa akin ng isang araw, okay." Umiwas ng tingin si Prince Dylan at tumahimik na lang. Ilang oras ang nakalipas ng tumawag ulit si Simon at sinabing nakalapag na ang eroplano. "Halika
"Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni ina?" At tuluyan na siyang umalis sa harap ng pinto ng kwarto, pero bago pa man siya makarating sa kanyang kwarto ay napansin niya ang isang kwarto na may bantay na dalawang kawal na wala naman dati. Susubukan niya sanang pumasok sa loob ng kwarto, pero hinarang siya ng kawal. "Paumanhin mahal na prinsipe, pero hindi kayo maaaring pumasok sa loob," saad ng kawal. Napakunot naman ng noo niya. "At bakit hindi ako puwedeng pumasok?" "Utos ng mahal na reyna na walang ibang papasok kung hindi siya lang kahit ikaw pa mahal na prinsipe ay bawal pumasok sa loob." "Ano ang meron sa loob at kailangan pang bantayan?" "Hindi din namin alam. Pinapunta lang kami dito at pinagbantay. Walang nabanggit ang mahal na reyna kung bakit kailangan namin bantayan ang kwarto na ito." Tumitig lang si Prince Franco sa pinto ng kwarto bago umalis na naguguluhan. "May iba akong nararamdaman sa mga tao dito ngayon sa palasyo," sa isip niya at tuluyan na siyang pumasok sa kan
Lumipas ang oras at sumapit na ang gabi. Sakay na din ng sasakyan si Prince Dylan at naglalakbay na sila papunta sa Paradise Castle.Pagbaba ni Prince Dylan ng sasakyan ay dinig na dinig niya ang mga tao sa loob ng palasyo dahil sa tingin niya ay maraming dumalo sa isang malaking pagsasalo-salo. Lahat ng palasyo sa kanilang bansa ay sadyang malapit sa Paradise Castle, kaya ganon na lang ang dami ng bisita sa loob kahit hindi pa nakakapasok si Prince Dylan ng tuluyan.Halos lahat ng maharlika ay nasa loob at nagkakasiyahan umiinom ng wine habang nakatayo at hinihintay sina King Felip at Queen Alice. Nang tuluyan ng nakapasok si Prince Dylan ay pumunta siya sa puwesto kung saan medyo madilim at walang masyadong mga tao. Ayaw niyang makapukaw ng atensyon lalo pa't bisita lang din naman siya.Ilang saglit na paghihintay ay nagpakita na sila King Felip, Queen Alice at ang anak nilang si Prince Franco, pero gaya pa din ng dati hindi siya muling nagsuot ng kasuotan na pang prinsipe, kaya ang
Lumingon siya kay Prince Damon at tumingin dito na bahagyang ngumiti. "Sabi mo ay matigas ang puso mo sa ibang tao. Ako naman ay may malambot na puso para sa iba, kung kaya mong manakit, ako naman ay hindi ko kaya." Tumingin siya sa kalangitan. "Ako nga ang prinsipe na pinakamahina sa lahat, ngunit may dahilan naman ako kung bakit. Oo, kailangan kong matutong lumaban, pero kailangan ko ding paganahin ang puso ko para maintindihan muna kung bakit mayroong digmaan na magaganap at malaman ang dahilan para sa ganon mabigyan ko ng solusyon sa paraan na walang masasaktan. Kung hindi naman madaan sa ganong solusyon saka palang ako hahawak ng espada at haharap sa kalaban." Nakatitig lang si Prince Damon sa mukha ni Prince Dylan na nakatingin sa kalangitan. Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng tingin. "Kung doon ka magiging panatag ay hindi na kita kokontrahin pa, ngunit huwag mong masyadong pairalin ang puso mo dahil minsan hindi mo nalalaman na ang kakampi pala ay iyo din palang kalaban."
Samantala si Carina ay nasa isang mall at mukhang namimili. May kasama itong isang katulong na buhat-buhat ang anak niya. Ilang saglit na pamamalagi sa loob ay lumabas na sila ng katulong at papunta na ng sasakyan na dala nila.Sa paglalakad patungo sa sasakyan ay doon na huminto ang itim na ban. Mabilis na nag-bukas ang pinto at mabilis na naipasok agad si Carina sa loob maging ang bata. Naiwan naman ang katulong nito sa parking lot."S-sino kayo anong kailangan niyo sa akin?!" Takot na takot na saad ni Carina habang nakatingin sa anak niya na hawak ng isang lalaki. "Akin na ang anak ko!" Sinubukan niyang kuhanin ngunit hindi siya nagtagumpay."Manahimik ka kung ayaw mong masaktan ang anak mo!"Lumuluha naman ang mata ni Carina habang nakatingin sa anak. Hindi naman ito umiiyak dahil tulog na ito ngayon. Nanatiling tahimik si Carina, pero minu-minuto niyang tinitingnan ang kanyang anak.Huminto ang itim na ban sa warehouse at pilit na ibinaba si Carina na hindi kasama ang kanyang anak
Habang hinihintay ni Adira si Sebastian sinubukan niyang kausapin si Carina, pero hindi siya umalis sa puwesto niya sa madilim na parte ng kwarto. "Sa tingin mo. Sino ang nag-utos para kuhanin ka at ang anak mo?" Diretso lang na nakatingin si Carina sa ibang direksyon. "Wala akong maisip kung sino ang walang puso na gagawin sa amin 'to ng anak ko." "Wala ka bang kaaway?" "Hindi ko ugaling makipag-away sa ibang tao kahit pa nasasaktan na nila ako." Napatigil saglit si Adira at tila nag-iisip ng susunod niyang tanong para kay Carina. "Ang asawa mo baka meron o kaya may iba siyang babae?" Nagkunwari siyang walang alam sa tanong niya. Bahagyang lumingon si Carina sa gawi niya. "Ano ang kinalaman ng ibang babae ng asawa ko sa nangyari sa amin ngayon? Ikaw ang mas makaka-alam kung sino dahil ikaw ang inutusan niya." Napatango-tango siya dahil tama naman ito. "Hindi ba kayo okay ng asawa mo?" Sinusubukan niyang makakuha ng sagot kay Carina dahil mukhang iba na ata ang gusto nitong man
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pekeng baril at kunwaring hinihila ang gatilyo na agad namang nabahala si Sebastian at biglang tumayo, pero hindi niya inaasahan na mabilis itong tumakbo papunta sa kanila ni Carina at pilit inaagaw ang hawak niyang baril. Lumayo si Carina habang parehas sila ni Sebastian na nag-aagawan sa pekeng baril. Malakas ito kaya halos mamula na ang mga palad niya sa higpit ng pagkakahawak sa baril, pero sa huli nakuha pa din nito ang baril at tinutok sa kanya."H-hanggang diyan ka na lang," sa hinihingal na boses ni Sebastian.Mahina siyang tutawa. "Ano bang balak mong gawin gamitin 'yang hawak mong baril?""Oo, kung lalapit ka ulit sa amin ni Carina."Humalukipkip siya at seryosong tiningnan ang mga mata ni Sebastian. "Pero bago mo gamitin 'yan. May gusto lang akong malaman.""Ano?!""Mahal mo ba ang asawa mo?"Natigilan si Sebastian at pasimpleng tumingin sa gawi ni Carina. "Anong klaseng tanong 'yan?""Ano ba ang gusto mong marinig mula sa akin, kung magk