Share

55 - Kailangan Ng Bumalik

Napakunot naman ang noo niya sa ginawang pagtitig ni Dylan sa kanya. "May problema ba?"

Muling itong tumingin sa kanya at bahagyang lumapit. Unti-unti namang kumukunot ang noo niya habang palapit ito. "Anong ginagawa mo?"

"Puwede bang—"

"Puwede bang ano?" Medyo kinakabahan siya sa itsura nito. Pero nagulat siya ng kuhanin nito ang cup na marami pang laman na fries at lumayo na sa kanya. "Bakit mo kinuha 'yan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ito na hindi na makita ang mata. "Sa akin na lang 'to, binibini. Masarap kasi, at saka ang tagal mong kainin, kaya baka busog ka na."

"Mabagal lang akong kumain, pero hindi pa ako busog!"

"Kumain ka na lang pagbalik natin ng ospital. Hindi ko na ito makakain pagbalik natin sa Stalwart Castle, wala naman ganitong hinahain sa hapag-kainan doon."

Napailing na lang siya at hinayaan itong ubusin ang fries niya. Ilang saglit pa ay inaya niya na itong bumalik sa ospital. "Halika na bumalik na tayo, baka mas lalo tayong gabihin sa daan."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status