Share

59 - Panibagong Misyon Sa Knyang Bansa

Lumingon siya kay Prince Damon at tumingin dito na bahagyang ngumiti. "Sabi mo ay matigas ang puso mo sa ibang tao. Ako naman ay may malambot na puso para sa iba, kung kaya mong manakit, ako naman ay hindi ko kaya." Tumingin siya sa kalangitan. "Ako nga ang prinsipe na pinakamahina sa lahat, ngunit may dahilan naman ako kung bakit. Oo, kailangan kong matutong lumaban, pero kailangan ko ding paganahin ang puso ko para maintindihan muna kung bakit mayroong digmaan na magaganap at malaman ang dahilan para sa ganon mabigyan ko ng solusyon sa paraan na walang masasaktan. Kung hindi naman madaan sa ganong solusyon saka palang ako hahawak ng espada at haharap sa kalaban."

Nakatitig lang si Prince Damon sa mukha ni Prince Dylan na nakatingin sa kalangitan. Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng tingin. "Kung doon ka magiging panatag ay hindi na kita kokontrahin pa, ngunit huwag mong masyadong pairalin ang puso mo dahil minsan hindi mo nalalaman na ang kakampi pala ay iyo din palang kalaban."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status