Share

60 - Ang Nga Ba Ang Paraan Para Malaman?

Samantala si Carina ay nasa isang mall at mukhang namimili. May kasama itong isang katulong na buhat-buhat ang anak niya. Ilang saglit na pamamalagi sa loob ay lumabas na sila ng katulong at papunta na ng sasakyan na dala nila.

Sa paglalakad patungo sa sasakyan ay doon na huminto ang itim na ban. Mabilis na nag-bukas ang pinto at mabilis na naipasok agad si Carina sa loob maging ang bata. Naiwan naman ang katulong nito sa parking lot.

"S-sino kayo anong kailangan niyo sa akin?!" Takot na takot na saad ni Carina habang nakatingin sa anak niya na hawak ng isang lalaki. "Akin na ang anak ko!" Sinubukan niyang kuhanin ngunit hindi siya nagtagumpay.

"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan ang anak mo!"

Lumuluha naman ang mata ni Carina habang nakatingin sa anak. Hindi naman ito umiiyak dahil tulog na ito ngayon. Nanatiling tahimik si Carina, pero minu-minuto niyang tinitingnan ang kanyang anak.

Huminto ang itim na ban sa warehouse at pilit na ibinaba si Carina na hindi kasama ang kanyang anak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status