Home / Fantasy / The Last Leviathan (Tagalog) / Chapter 7 : Esther's Crest

Share

Chapter 7 : Esther's Crest

Author: yukihirobi
last update Last Updated: 2020-11-14 12:46:42

I cleared my throat at natigilan silang dalawa. Umupo kami sa damuhan malapit sa entrance ng Valiant Forest.

“Okay, Dane makinig kang mabuti.” pagsisimula ni Miss Grethel na inayos ang robe bago umupo ng tuluyan sa damuhan.

“Ang crest na ibinigay sayo ni Dhirma ay galing pa kay Esther habang binubuo pa lamang nya ang Charm City. Magkaiba ang crest nyo ni Frenny, although may pagkakahawig ito ay ginawa lang iyon ng ama nya. Masama ang idudulot non pag iba ang nagsuot, sa iyo ito nagreact ng maayos.”

Tahimik kami nina Rhei na nakikinig, kahit sya ay interesado sa sinasabi ng tinuring nyang ina.

“Ano ang mangyayari pag iba ang nagsuot?” Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot, she hesitated yet, what she did surprised us. She opened her buttoned robe from her neck down to her upper chest.

Isang malaking peklat na kulay pula ang naroon, kahit si Rhei ay nagulat. Ilang segundo lamang nya ipinakita iyon at isinara na niya agad ang robe nya.

“Kayo lamang sa academy ang nakakita nito. Sa pag aakala ko na imitation iyon ng crest, sinuot at nilagay ko iyon sa uniform ko. Ilang oras lang ang lumipas nagising ako sa clinic ng academy.”

“Sino po ang nagdala sa inyo sa clinic?” Nag aalalang tanong ni Rhei.

“Ako.” mabilis na sagot ni Dhirma na kakarating lang at dala na ang crest.

“May nangyari bang masama at natagalan ka?” Tanong ni Miss Grethel. 

“Si Frenny at Yui…” bumuntong hininga si Dhirma at nagbagong anyo. Naging kasinlaki namin sya ulit. Si Sheena ay tahimik sa isang sulok, katabi ng isang greatwood, nilalaro nya ang mga damo sa gilid nya.

“Ano nangyari sa kanila?” Tanong ko sa kanya.

“Sinubukan isuot ni Frenny yung crest , buti na lang napigilan ni Yui. Ang pagkakamali ay aksidenteng tumilapon ang crest kay Yui. Nalaman ko na lang na nasa clinic si Yui. Halos maubusan sya ng dugo.”

Napatakip si Miss Grethel ng kanyang bibig, dahil pareho sila ni Yui na nagkaron ng sugat.

Napatingin si Sheena kay Dhirma, tumayo ito lumapit sa kanya at inabutan nya ito ng isang kakaibang bulaklak.

“Ipalagay mo yan sa nasugatang parte ni Yui.”

Bago pa maabot ni Dhirma iyon ay biglang may kung anong bumagsak sa puno, mabilis na itinago ni Sheena ang bulaklak.

Napalingon kami sa entrance ng Valiant Forest. Mabilis iyong pinuntahan ni Rhei. Hindi iyon masyadong malayo.

May mangilan ngilan na greatwood sa paligid, sumunod kami sa kanya.

“Travis?” Bulong ni Grethel.

Napatulala si Grethel, sugatan iyon. 

“Paano ka nakalabas? Sa tindi ng barrier imposible na nakalabas ka.” dagdag ni Grethel.

Nakangisi lang ito habang inaalalayan ni Rhei. May ilang galos ito sa mukha at mga braso. Dumudugo ang mga kamay nya na may ilang maliliit na tangkay galing sa puno ng greatwood.

“Swerte siguro.” tugon nito at mabilis na tumindig , tila walang sugat na natamo.

Inabot ni Dhirma sa akin ang crest ng palihim. 

Tila may kung anong sumakop sa akin at nagwika ako, “Hindi ka sinuwerte, nagmasid ka. Natyempo na nabuksan ang barrier. Saka ka pumuslit ng academy.” Wala sa sarili kong tugon sa kaniya.

Tinignan ni Sheena si Dhirma, sinesenyasan na patigilin ako. Nagbago ang expression ng mukha ni Travis. Nakatingin sya sa akin habang inaalis ang mga tangkay na nakatusok sa kanya.

Huli na nang maalala ko na sina Timmy ang nagsanay sa kanya.

“Kilala mo na pala ako, Leviathan. Ikaw ang bali - balitang kaisar ng Rimiera. Handa ka na bang mamatay?”

Luminga linga ako, nakita ko na matalim ang tingin sa akin ni Travis.

 Mula saan ay biglang may humagis na matutulis na bato papunta sa akin, bago iyon tumama sa akin ay biglang humarang ang malaking sanga ng greatwood.

Hinampas ng greatwood ang kinatatayuan ni Travis. Naiwasan nya iyon.

“Lapitin ka talaga ng gulo noh Dane!?” Inis na sabi ni Rhei. Umikot sya ng mabilis at may pumalibot sa amin ni Travis na barrier na gawa sa apoy.

Nagfocus si Miss Grethel sa charm nya, at wala pang ilang minuto ay tumigil si Travis.

Body Manipulation.

Kita ang inis sa mukha ni Travis. 

Nagpasya na kaming lumakad papasok ng Valiant Forest. Tinanggal na rin ni Rhei ang barrier sa amin ni Travis, dahil napasailalim naman kasi ni Miss Grethel ang dati nyang estudyante.

Sumusunod lamang si Travis sa amin na hindi bukal sa kanya. Kita ang pagkainis nya, tahimik lamang ito habang patuloy kaming lahat sa paglalakad.

Nakikita namin na unti unting yumuyuko ang bawat greatwood na nadaraanan namin.

Habang palapit kami sa puso ng Valiant Forest unti unting dumidilim ang lugar na tinatahak namin.

Hindi na napapasok ng liwanag ang lugar. Naalala ko ang apoy na kaya kong lihkain. Ganun din ang ginawa ni Rhei. Nagkaroon ng liwanag at nakita namin ang mga halaman, hayop at ilang insektong nasisilayan ng liwanag.

Nagtatago ang mga ito at ang iba ay tumitiklop. May isang napakalaking greatwood ang bukod tanging nasa gitna ng gubat. Nagliliwanag ang malawak at malaki nitong katawan, gayun din ang crest na nasa loob ng bulsa ng damit ko.

Mainit sa pakiramdam ang pagliwanag nito. Pagkalabas ko ng crest ay biglang bumukas ang mala-pintuan sa katawan ng greatwood.

Nagkatinginan kaming lahat.

“Maligayang pagdating Kaisar.Kaisar” Palakad palang kami papasok nang lumabas ang isang charmer na inakala nila na yumao na.

“Paanong….” Napangangang sabi ni Miss Grethel.

“Na buhay ako Miss Grethel? “ Nakangiting sabi ng babaeng luntian ang buhok, matingkad na asul ang mata at nakasuot ng mahabang navy blue na robe.

Kahit ako ay nagulat. Buhay si Esther. 

Inimbita nya kami sa loob ng puno na tinuring na nyang bahay.

“Masyadong nilihim ng anak ko ang sikreto ko. Matagal akong nagtago sa puno ng greatwood na ito.” sabi niya habang naghahain ng maiinom namin. 

Lumabas mula sa isang kwarto na natatakpan ng kurtina ang isang matangkad na lalaki, light brown ang buhok at matang mapupungay na kulay abo. Walang reaksyon na tinignan nya kami, sa itsura nya ay alam na kakagising lang nya.

“Kumusta ka na Timmy?” Bati ni Miss Grethel ng nakangiti.

Tinignan lamang sya non at naglakad palayo.

“Ganun ba talaga ssya” Bulong ko kay Dhirma, tumango ito at napangiti.

“Pagpasensyahan nyo na ang anak ko. Hindi talaga sya pala-kwento. Bakit ba kayo narito?” Sabi ni Esther , umupo ito sa isang upuan katapat namin.

“Alam namin na may ideya ka sa pagpunta namin dito.” Sabi ni Rhei habang kinuha ang tsaa na nakahain sa coffee table. Dahan dahan syang uminom sabay tingin sa akin.

Tumayo ako at ipinakita ko sa kanya ang tattoo sa braso ko na sobra nyang ikinabigla.

Halos napatayo ito at hinawakan ang braso ko. Hindi ko alam kung nag aalala ba sya o takot.

Kulay itim na kasi ang tattoo ko na nasa braso ko.

Maya maya ay nawala iyon. Nanghina ako bigla at napaluhod. 

“A -Anong ginawa mo sa akin?” nanghihina kong tanong sa kanya.

“Ikaw ang huling Leviathan , ang ikalawang Kaisar. Hindi mo kailangan ng seal na iyon. Pinakawalan na kita sa Tattoo. Simula ngayon ay malaya mo ng magagamit ang kakayahan mo. Mag ingat ka lang. Ang nararamdaman mo ngayon ay ang pag gamit mo ng sobrang kapangyarihan. Hindi ako nagkamali sa pagpili kay Pietro.” paliwanag nya habang nakatingin sa akin.

“Hindi mo na kailangang magsanay.” dagdag ni Esther.

Tinignan ko ang braso ko at tila nanunuot ang tattoo papaunta sa aking balat.

Tumayo si Sheena at may iniabot sa akin na kakaibang prutas.

Pinakain nya sa akin iyon at nanumbalik ang lakas ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 29 : Tragedy, the Final Chapter

    Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 28 : Awaken

    Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 27 : To the South

    Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 26: Emrys

    Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 25 : Friend or Foe

    Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 24 : The Kaisar

    Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status