Share

Alaala

Maria Point of View

        Inilapag ko ang mga plato sa hapag habang pasilip silip sa aking anak na si Gilda. Busy ito sa pag cecellphone.

        Ano naman kaya ang tinitignan niya sa maliit niyang cellphone?

        Kinuha ko ang isang mangkok upang salinan ng mga ulam.

        “Anak,” tawag ko sa kanya habang nagsasalok ng pagkain. “Ano ang pinagkakaabalahan mo riyan? Kausap mo ba ang iyong mga kaibigan?”

“Nag – isscroll lang pos a f******k,” sagot niya sa akin na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa hawak hawak na bagay. “Hindi ko pa po nakakausap ang mga kaibigan ko. Busy pa sila kaya hindi ko pa sila maimbita. Isa pa ay malapit na rin ang pasukan. Baka mag alangan sila na pumunta pa ng probinsya.”

        Sayang naman kung ganoon. Bata pa naman ang kanyang mga kaibigan. Masarap sarap pa naman ihain iyon. Panigurado na mapapakinabangan ko rin ang mga dugo nila. Sariwa at masasarap.

        “Ganun ba,” ani ko at inilapag ang mangkok sa may lamesa. “Sayang naman. Nais ko pa naman makilala ang iyong mga kaibigan.”

        Nakita ko na nagawi ang tingin niya sa may mangkok na inilapag ko sa lamesa. Kung saan may ulam na nakalagay.

        “Oo nga po,” sabi ni Gilda sa akin. “Gusto ko rin sila ipakilala sa inyo. Kaso nga lang ay hindi ko naman sila pwedeng pilitin. Naiintindihan ko naman na busy din sila at may mga bagay din sila na prioritize.”

        Nakita ko na inamoy amoy niya ang usok ng mangkok.

        “Wow! Mukhang masarap ito,” ani ni Gilda. “Mukhang mabubusog nanaman po ako dahil sa masarap na naman ang iyong ihanain.”

        “Hindi lang masarap,” ani ko kay Gilda. “Masarap talaga. Magaling ako magluto at pwedeng pwede kong ipangako sa iyo iyon. Sige na at kumain ka na.”

        Inilapag ko ang plato ng kanin sa may lamesa upang makapagsimula na siya sa kanyang pagkain. Sumalok naman siya roon pati na sa ulam saka sumubo.

        “Oo nga pop ala,” ani niya sa akin. “Malapit na ang pasukan. Nababahala ako na baka hindi ako payagan ni Lola Teresa. Sobrang nakakalungkot po kung mababagak lang ako rito sa bahay. Sayang naman ang mga araw kung hindi po ako makakapag aral ngayon. Gusto ko po makapagtapos agad.”

        Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Ganyan na ganyan din ako dati. Gusto ko na kahit wala akong mga magulang ay mapatunayan sa mga batang nambubully sa akin na kaya ko ring makapagtapos.

        Nangarap akong mag medisina upang maging doktor sa hinaharap. Ngunit hindi ko na natapos ang aking pag aaral. High school pa lamang ay tumigil na ako para kay Dan. Para makasama siya ng mas matagal at pang habang buhay ay pumisan ako sa kanila at nakinig sa mga payo ng kanyang Lola Teresa.

        Ngunit tignan mo nga kung anong nangyari ngayon. Tama lamang na nakinig ako sa mga payo ni Lola Teresa. Ngayon ay mayroon na kaming anak ni Dan na isang magandang dalaga. Manang mana sa kanyang ama.

        Ang anak namin na si Gilda. Kung hindi ko nagawang makatapos ng medisina ay siya na ang magtatapos nito para sa akin.

        Umupo ako sa harap ng lamesa at sumalok ng kanin.

        “Huwag kang mag alala aking anak,” ani ni Maria. “Ano man ang mangyari ay pipilitin ko ang iyong lola na pag aralin ka. Hindi ako papayag na harangan ng sino man ang pangarap ng anak ko sa buhay.”

        Napansin kong napatingin siya sa akin kaya naman pagkasubo ko ng karne ay tumingin siya sa akin.

        “Napakabuti mo sa akin,” ani sa akin. “Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang kabutihan mo. Tinanggap mo ako ng buo rito sa bahay. Pinatuloy niyo ako sa isang magandang kwarto na may kama at malambot na kutson. Pinaghanda mo ako ng kakainin sa araw araw. Pinapaikitaan mo ako ng mabuti at minamahal mo ako ng buo.

        Napayuko si Gilda at muling tumingin sa akin.

        “Balang araw ay masusuklian ko rin ang mga kabutihan mo. Maraming salamat. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka kabuti sa akin.”

        Inabot ko naman ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit.

        “Hindi kailangan ng mga dahilan upang mahalin ng isang ina ang kanyang anak,” ani ko kay Gilda. “Anak kita kaya buong buo kitang mamahalin. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo. Ang kabutihan at kaligtasan mo ang uunahin ko. Iyon ang  tama at dapat.

        “Gilda, hindi mo ako kailangang suklian. Hindi humihingi ang pagmamahal ko sa iyo ng kahit ano.”

        Napansin ko na tinanggal niya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak. Napalunok siya at lumikot ang kanyang mga mata kaya naman kumunot ang aking noo.

        “May problema ba anak?” tanong ko sa kanya. “Tila bigla kang naging balisa.”

        Napatingin naman ako sa kanyang bibig noong bumuka ito na tila may nais siyang sabihin ngunit hindi niya matuloy tuloy.

        Napatayo ako sa aking kinauupuan na puno ng pag aalala.

        “Gilda? Ayos ka lamang ba?” tanong ko muli sa kanya.

        Umiling iling naman siya sa akin at ngumiti ng maliit. Nakikita ko pa lamang ang ngiti niya ay natutuwa na ako.

        “Wala naman po,” ani ni Gilda. “Nagulat lamang ako sa sobrang kabaitan niyo. Nais kong suklian ito kahit na ayaw niyo. Maraming salamat po talaga.”

        Napahinga naman ako ng malalim noong marinig na maayos naman ang kanyang kinalalagyan. Akala ko ay may kung ano na ang nangyari sa kaya. Kinabahan ako roon.

        Mabuti naman ay ayos lamang siya. Bakit kasi bigla na lamang siyang nagiging balisa.

        Bumalik ako sa aking kinauupuan at sumalok ng ulam.

        “Bakit nga ba medisina ang nais mong kurso?” tanong ko kay Gilda. “Alam mo bang pangarap ko rin iyon.”

        Napatingin naman sa akin si Gilda at ngumiti sa akin.

        “Bata pa lamang ako ay sigurado na ako sa gusto ko,” ani ni Gilda sa akin.

        Tumango tango naman ako sa sagot niya at muling sumubo.

        “Masaya ako na alam mo na agad ang gusto mo,” ani ko sa kanya. “Karamihan sa mga kabataan ay naguguluhan pa rin sa kurso nila sa edad na ganyan.”

        Ngumiti na lamang siya sa akin kaya naman hindi ko na siya inabala pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status