Share

Angkin

Third Person Point of View

                Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay.

                “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?”

                “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.”

                “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti.

                “Hindi ka kailangan doon, bakit ka hahanapin?” tanong pabalik sa kanya ng matanda na ikinataas ng kilay ni Maria.

                “Sabagay,” ani ni Maria at inilbas ang mga pekeng ngiti. “Kung ganoon ay mag – iingat po kayo.”

                Hindi naman na siya pinansin ng matanda at dire diretsong lumabas ng bahay.

                Sumilip si Maria sa bintana habang kunot ang kanyang noo maging ang kanyang kilay ay sinasasabing inis siya. Hindi niya nagustuhan ang sagot ng matanda at dahil doon ay inisipan niya ito masama.

                “Ano ang plinaplano mong matanda ka?” bulong ni Maria sa sarili.

                ‘Nagplaplano sila laban sa iyo,’ isang boses ang narinig ni Maria na walang kasiguraduhan kung saan nanggaling.

                “Plano saan?” tanong ni Maria.

                ‘Plano patalsikin ka sa grupo dahil hindi ka na nila kailangan. Dahil nariyan na si Gilda upang palitan ka. Mas bata sa iyo.”

                Mas lalong lumukot ang mukha ni Maria sa kanyang mga narinig.

                “Ang aking anak na si Gilda?” tanong ni Maria habang nanggigilaiti. “Akala ba nila ay hahayaan kong gamitin nila ang anak namin ni Dan? Hindi ako papayag!”

                ‘Bakit? May magagawa ka ba? Kaya mo bang suwayin ang mga utos ng iyong lola Teresa? Kaya mo ba siyang talikuran para kay Gilda?’

                “Kung anak na namin ni Dan ang pinag uusapan ay makikita ng mga matatandang iyon kung sino ang kinalaban nila,” nanggagalaiting sabi ni Maria. “Ipapakita ko sa kanila kung ano ang kayang gawin ng isang ina.”

                ‘Hindi mo anak si, Gilda,’ ani ng boses. ‘Wala kang anak! Hindi mo siya anak!’

                “MANAHIMIK KA!” madiin na ani ni Maria sa boses na kanyang naririnig. Inilagay niya ang kanyang kamay sa dibdib. “Ako ang ina ni Gilda at wala ng iba. Ako lamang. Ako ang nag silang sa kanya. Anak namin siya ni Dan. Kaya tumigil ka na sa iyong pagsisinungaling. Sakin si Gilda! Anak ko siya!”

                ‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

Napahawak si Maria sa kanyang ulo. Sumakit ang kanyang ulo sa pault ulit na sinasabi ng boses sa kanya.

“Anak ko si Gilda!” ani ni Maria habang tila nababaliw na hawak ang kanyang nanakit na ulo.

Nakita ni Gilda ang nangyayari kay Maria habang pababa siya ng hagdan. Nagtaka siya at nag – alala sa ikinikilos nito ngayon kaya naman dali dali siyang bumaba upang alalayan ito.

“Nanay Maria? Ayos lang ba kayo?” tanong ni Gilda sa babae at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Tila naman walang narinig si Maria at nakahawak pa rin sa kanyang ulo.

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

‘Wala kang anak. Si Gilda ay anak ni Dan at Lilybeth. Hindi mo siya anak. Wala kang anak. Wala kang anak!’

“HHAAAA!!” sigaw ni Maria at tinulak si Gilda habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Anak ko nga siya!!!”

Napaatras naman si Gilda habang nakasadlak siya sa may sahig sa takot. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa babae.

“Nanay M-maria?” tawag ni Gilda na naguguluhan.

Napalunok naman si Maria at napatitig kay Gilda. Napagtanto niya na si Gilda ang kanyang kaharap. Agad siyang lumapit dito at niyakap ito ng kay higpit.

“Anak!” tawag ni Maria sa dalaga. “Pasensya na. Sumakit lamang ang aking ulo. Hindi ko sinasadyang maitulak ka.”

Hinagod naman ni Gilda ang likod ng dalaga.

“Madalas po bang sumasakit ang ulo niyo?” tanong ni Gilda dito. “Baka kailangan niyo na pong magpacheckup sa doktor. Alam naman natin nab aka mga sintomas iyan ng isang malubhang sakit. Baka mamaya ay hindi natin maagapan kapag hinayaan lamang natin. Sa nakikita ko ay tila kay sakit ng iyong ulo dahil sa paghawak mo rito kanina.”        

Umiling iling naman si Maria.

“Hindi, anak,” ani ni Maria. “Pagod lamang ito. Napagod lamang ako. Hindi na kasi ako masyadong nakakapagpahinga ng maayos. Huwag kang mag – alala. Mawawala rin ito.”

Medyo naweirduhan si Gilda dahil kanina pa siya nito tinatawag na anak ngunit hinayaan niya na lamang tutal naman ay may kasunduan rin naman silang dalawa.

“Ano nga pala ang gusto mong ulam?” tanong ni Maria. “Ipagluluto kita.”

“Ako na po ang magluluto ngayon upang makabawi naman sa inyo,” ani ni Gilda.

“Hindi, anak,” hindi pag sang ayon ni Maria. “Ako na ang magluluto. Maupo ka na lamang habang  hinahanda ko an gating kakainin. Hindi mo kailangan magpakapagod. Ako na ang bahala sa lahat.”

Napaisip naman si Gilda sa inaakto ni Maria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status