Share

Pangalawang Simula

Gilda Point of View

        Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan.

        Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya.

        Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na.

        Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin.

        Unti – unti kong itinaas ang aking mukha at iginawi sa kanya ng dahan dahan ang aking tingin.  Agad ko rng ibinalik ang tingin ko sa aking plato sa may lamesa.

        Sh*t!  Sh*t! Sh*t! Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya, at ang kanyang mga labi kahit ginagamit niya sa pagkain ay nakangiti pa rin. Ang weird.

        Kinikilabutan ako. Pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin.

        Tumikhim ako at dumiretso ng ayos. Huwag kang matakot, Gilda! Si Maria lamang ang kaharap mo. Walang nakakatakot doon. Nakangiti lamang siya at…

        At nakatingin sa iyo…

        Normal lang iyon! Tama! Normal lamang iyon. Normal na tignan ka ng isang tao pero…

        Pero…

        Pero normal ba na halos isang oras ka na niyang tinititigan? Buti sana kung si crush ang nakatingin sa akin kahit dalawang oras pa yan maiintindihan ko dahil malay mo baka nagagandahan siya sa akin pero si Maria?

        OH! Baka nagagandahan rin siya sa akin. Dahil ba hawig na hawig ko si Tatay Dan? Anak ng tokwa, Maria please parang awa mo na huwag mo akong titigan ng ganyan. Natatakot ako ng sobra.

        Napakagat ako sa aking labi. Kahit anong isip ko ay hindi normal ang kanyang pagtitig.

        Tila may dumadaan na anghel ngayon sa aming hapag kainan at napupuno ng katahimikan ang buong kainan habang…

        Habang nakatitig siya sa akin.

        Tumulo ang pawis ko sa aking mukha. Pinagpapawisan na ako dahil sa kanya.

        Mukha akong tanga dito na pilit pinatatatag ang loob ko kahit dumadagundong na sa kaba ang aking dibdib.

        Hindi niya naman siguro naririnig ang pagtibok ng malakas ng aking puso hindi ba?

        Tumingin ako kay Maria upang tignan kung nakatingin pa rin sa akin at nais kong mapamura ng malakas. Nagtama an gaming mga tingin.

        Nakakakilabot ang tingin niya sa akin. Hanggang kailan niya ako tititigan.

        “B-bakit po?” tanong ko sa kanya. “M-may problema po ba? B-bakit niyo po ako tinititigan mula pa kanina???”

        Ang labi nito na nakangiti ay mas lalong ngumiti pa.

        “Bakit?” tanong niya pabalik. “Hindi ka ba komportable? Nako pasensya na anak. Natutuwa lang akong makita ka at tila ayaw ko nang tanggalin pa ang tingin ko sa iyo. Natatakot ako na mawala ka sa aking mga mata.”

        Ha? Pinagsasabi niya? Anong mawala?

        Sinubo ko na ang mga natitira pang kanin sa aking bibig upang makaakyat na ako ng kwarto.

        “Hindi naman po ako mawawala,” ani ko. “Narito lang ako palagi.”

        Awkward akong tumawa at niligpit ang aking kainan.

        “Sige po akyat na muna ako,” paalam ko ‘kay Maria ngunit nagulat ako noong naabot niya agad ang aking kamay bago pa ako makatalikod sa kanya.

        “Huwag ka na munang aakyat, anak,” aniya sa akin. “Dito ka na muna. Samahan mo na muna ako. Pagkatapos ko nito ay may sasabihin ako sa iyo.”

        Sasabihin?? Ano ang sasabihin niya? Bakit mamaya pa? Pwede bang ngayon na lamang? Ayoko na muna siyang makasama. Ang creepy niya at lagi siyang nakatitig sa akin. Nakakailang. Kung pwede ko lamang sabihin sa kanya iyon ay sinabi ko na. Ayoko lamang masaktan ko ang kanyang damdamin dahil naging mabuti siya sa akin.

        “Ano po ang sasabihin niyo?” tanong ko sa kanya.

        “Mamaya, malalaman mo rin,” sabi niya at kinuha na ang mga plato at inilagay sa lababo.

        Wow! Pasuspense! Bakit mamaya pa?

        “Ano po yon? Sabihin niyo na po,” ani ko sa kanya na may paggalang sa boses dahil baka mabastusan siya sa pagtatanong ko.

        “Hindi ba at gusto mo na makakuha ng maganda at batang balat?” tanong nya sa akin.

        Nagulat naman ako at napahawak sa kanyang kamay.

        “Opo!” sagot ko sa kanya habang tumatango tango. “Tuturuan niyo na po ba ako??”

        Tumango naman siya sa akin.

        “Oo, anak,”aniya sa akin. “Ituturo ko na sa iyo. Sa tingin ko ay handa ka na rin naman dahil tinanggap mo na ako bilang ina. Pagkatapos ko maghugas ay tuturuan na kita.”

        “Wow talaga po?!” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. “Salamat po, nay! Uupo na lang muna ako rito habang hinihintay ko kayong matapos sa paghuhugas.”

        Hinawakan nya muna ako sa mukha at pinisil ang aking pisngi bago tumalikod at nagsimulang maghugas ng plato.

        OMG! Ituturo niya na sa akin ang sikreto. Who you kayo ngayon mga tigyawat ko! Hindi niyo na uli ako malalapitan.

        Ang ganda ng kutis ni Maria. Kung makikita mo lang talaga siya sa personal ay aakalain mong artista at bata sa ganda ng kanyang balat.

        Animo ay hindi siya tumatanda. Pang kutis koreana ang kanyang magandang balat.

        Noon pa man ay pangarap ko ng maggkaroon ng glass skin! Sigurado akong magugulat din ang mga kaibigan ko kapag nakita ako.

        Tatanungin nila kung paano ako nagkaroon ng kay gandang balat. At tatanungin nila kung ano ang secret ko. OMG! I can’t wait.

        Napatigil ako noong marinig kong humimig si Maria. Isang himig na kay lamig at nakakalungkot pero kung mag isa ka lang sa bahay ay paniguradong nakakatakot marinig ang himig na ito.

        “Halika na,” aya niya sa akin at lumapit.

        Tapos na pala sya maghugas.

        Tumango naman ako at sumama sa kanya.

        Kunot ang noo ko noong makita na mayroon pa palang isang CR sa kabila. Akala ko kwarto iyon dahil nakalock.

        Nakangiti ako habang binubuksan ni Maria ang pinto. OMG this is it! Ito na ang sikreto.

        “Ito na,” ani ni Maria at binuksan ang pinto.

        Naglaho bigla ang ngiti ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status